Share

Chapter 2 - The Girl Who Bites Her Pen

"Ready ka na, 'nak?" Bungad sa akin ni Mom nang makarating ako sa living room, nagkalat pa ang iba namin na gamit.

My Mom and I just moved here since yesterday, that's why some of our things scattered all over the floor. Iyong iba pa nga ay nasa kahon pa at hindi pa nagalaw. Hindi pa namin 'to maaayos ngayon dahil may pasok sa work si Mom at ako naman ay first day of class sa bago kong school.

"Yes, Mom." Tanging sagot ko.

Ewan, wala ako sa mood pumasok ngayon. First day na first day pero hindi man lang ako na-e-excite. I don't know why? Maybe, dahil ayaw ko naman talaga mag-transfer ng school. I prefer my old school kahit na nandoon ang reason kung bakit nawawala ang mood ko sa araw-araw, but some shit happen to us that's why I don't have a choice but to transfer. Para na rin sa ikakatahimik ng buhay namin ni Mom.

"Really? Mukhang napilitan ka lang," Mom said looking at me with her usual sweet smile. "First day mo ngayon sa bago mong school dapat masaya ka, Benji."

May rason ba para magsaya ako?

There's no reason for me to be happy. Bukod sa mag-a-adjust na naman ako sa school na iyon, kailangan ko na naman mag-adapt ng environment na mayroon doon. I need to deal and socialize again for my new classmates and teachers, and... I hate doing that.

I'm not sociable, I hate to socialize, I hate talking to everyone, I hate attention, and most of all? I love being alone. That's me. In my previous school I am a nobody, and it is not a big deal. There's no problem if I don't have friends, bestfriends, or whatever names you call it. It's fine with me, super fine.

Inabot sa akin ni Mom ang lunch box na hawak niya. Tinignan ko ang laman nito, tuna sandwich, apple and carton milk ang laman nito. May note rin na inilagay si Mom telling "GOOD LUCK ON YOUR FIRST DAY :)".

I looked at her awkwardly because.. it feels cringy. Don't get me wrong, I don't have a problem if she doing this for me because I know how much time and effort she spent for doing my lunch. She just doing this because I'm his son, and she loves me that much.

But I'm not a kid anymore, I am 16 now. I'm on the right age to do my stuffs and I can do crimes if I want to. I can manage myself, I have allowance too to feed myself. I don't want to bother her because she has a lot of things to worry about especially at her work.

My Mom is a Pediatric Surgeon at lagi siyang naka-duty, kaya palagi siyang pagod at ayoko na makadagdag pa sa reasons ng pagkapagod niya.

"Lunch box? Really?" I said and she just laugh at my reaction. "Mom, you know how much I like sandwich but seriously? Bakit kailangan naka-lunch box pa?"

She sighed before she talk, "nilabas ko sa box 'yong iba nating mga gamit 'tapos nakita ko iyang lunch box mo before. I just miss the old times, 'nak. Iyong ginagawan ko kayo ng baon tuwing papasok."

Okay? Na-guilty tuloy ako sa inakto ko. I remember it too, those old times na hindi pa magulo.

"I miss it too, Mom," I said with a weak smile on my lips. I walk towards her and give her a hug

I know how much she miss it. Those time that we were happy together with my brother. Umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya at nagpaalam ng papasok. "I need to go, Mom. Baka ma-late ako, ayoko mapatayo maghapon sa first day ko."

"Gusto mo ba ihatid kita?" She asked but I declined to her offer because as I said earlier, I'm a grown up man now. "Sigurado ka, 'nak? Ayaw mo ma-late hindi ba?"

"I'm so sure, Mom," I proudly said. "Mag breakfast ka bago pumunta ng hospital."

Hindi kasi siya nakakapag-almusal minsan dahil palagi na lang may emergency sa work niya. That's why I dont want to bug her just to prepare everything for me, iyong sarili niya hindi na niya maalagaan ng maayos 'tapos ay daragdag pa ako sa intindihin niya.

I kissed her on the cheek before I left, "bye, Mom!"

"Take care, Benji! Enjoy your first day. Kung may magugustuhan ka kaagad sa mga girl classmates mo, don't forget to tell me right away, okay?" Pahabol niyang bilin bago ako tuluyan makalabas ng pinto.

Magugustohan? As if, psh. Crush nga hindi ako nagkakaroon, magugustohan pa kaya? I just ignored what she said and I finally left.

I arrived at my new school right away. Hindi naman gano'n kalayuan ang school na ito, siguro mga limang kanto mula sa bahay namin ang pagitan bago makarating dito. Sumakay na ako ng trisikel papunta kasi nga ayoko ma-late, pero pupwede rin naman 'to lakarin. Parang walking distance nga lang, eh.

Pagkababa ko ng trisikel ay inabot ko ang pamasahe kay manong diver at agad na naglakad palapit sa gate ng school. Pero hindi muna ako pumasok sa gate dahil ang dami pang mga estudyante na nagsisipasukan. Ayoko makisabay sa kanila, hindi sa nag-iinarte ako at ayaw ko madikitan. Ayoko lang talaga sumabay, wala lang... I just want to walk alone. Ganito rin ako sa dati kong school. Hinahayaan ko muna makapasok ang lahat bago ako pumasok.

When I saw only a few students were coming in ay pumasok na rin ako. Medyo maganda naman ang school na 'to. Parang katulad lang din sa old school ko. Maraming buildings, may soccer field, garden, gym, laboratories, etc.

Yeah, wala naman ganoon kapansin-pansin na bagay dito na mapapa "wow" ka. Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil pakiramdam ko ay marami ng mata ang nakatingin sa akin, or is it just my hallucinations?

Whatever. I need to hurry because I still don't know where my room is. Ang alam ko lang ay ang room number ko, hindi ko alam kung saan na building matatagpuan iyon.

Nakakainis.

Ito ang ayaw ko kaya mas gusto ko na huwag na mag-transfer. Papahirapan ko pa ang sarili ko maghanap ng room ngayon eh, kung hindi ako lumipat ng school, eh 'di sana nakapasok na ako sa room ngayon at tahimik na nagbabasa ng libro.

Nilabas ko ang registration form ko sa bag at tinignan ko kung saan na building matatagpuan ang room ko.

"Galileo Bldg., Rm. 501, Class 4-A."

Mukhang pinangalan pa sa mga greatest scientist ang mga building dito. Hmm, I like it tho.

Hinanap ko ang building na iyon at hindi naman ako nahirapan dahil agad ko itong nakita. I check my registration form again para i-double check ang section ko. Sinimulan kong tignan ang mga room number, I started on first floor at walang Rm. 501 akong nakita. Hindi ako nagsayang ng oras at dumiretso ako sa second floor pero wala pa rin. Hanggang makarating ako ng third and fourth floor eh, wala pa rin Rm. 501.

Grabe. Ang ganda agad ng bungad ng first day ko. Pahirapan maghanap ng room. Kahit nakakahingal ang pag-akyat sa hagdan ay nagpatuloy ako sa next floor, and finally last floor na 'to. Damn! Kapag hindi ko pa mahanap dito ang room na 'yon, uuwi na lang ako and I will tell mom na wala ako sa list of students kaya ibalik niya na lang ako sa old school ko. Kaysa naman pahirapan ko pa ang sarili ko rito kakahanap ng room!

I started to find my room again and I check every room numbers on rooms I passed. Nasa pang-apat na ako na room pero Rm. 503 ang nakalagay. Tinignan ko muli iyong unang room na dinaanan ko. Rm. 506 ang nakalagay. Mukhang pabaliktad yata ang bilang ng mga room dito, kasi from right side eh, 506 ang start ng room at ganoon din ang nakita ko sa ibang floor na nadaanan ko. Bwiset, sino ba ang gumawa ng building na 'to at bakit ganito ang pagkakalagay sa mga room numbers?

Sa sobrang badtrip ko ay napahawak ako sa sintido ko. Ang stupid ng taong naglagay ng room numbers na pabaliktad. Hindi ba siya naturuan ng proper counting of numbers? 6 rooms lang naman per floor kaya bakit hindi niya nagawa ng tama ang trabaho niya?

Tinigil ko na ang pag-ra-rant sa isip ko, I realized that I was stupid too. Kanina ko pa nakikita na 06 ang nauuna sa mga room numbers at hindi ko kaagad naisip 'yon. You're a hundred percent dumbfuck, Liam.

Tinuloy ko na lang ang paglalakad sa pinakadulong room dahil for sure iyon na ang Rm. 501, iwas kahihiyan na rin dahil tingin na nang tingin sa akin ang mga student na nasasalubong ko. Siguro iniisip nila na mukha akong tangang lakad nang lakad 'tapos nakabusangot pa. Eh, ano naman? So what kung mukha akong tanga kakahanap ng room. Do I look I care? Tss.

And finally, after a long search sa pesteng Rm. 501 na 'yan ay nahanap ko rin. Papasasok na sana ako pero.. may teacher na sa loob. Oh shoot... sabi ko ay ayaw kong ma-late pero bakit? Bakit ang malas ko ngayong araw? Sign ba 'to na huwag na pumasok at mag-drop out na lang? Balik na lang kaya ako sa dati kong school?

Tinignan ko ang wrist watch ko kung late na ba talaga ako but in my surprise, 7:50 AM pa lang. It means na may 10 minutes pa ako para pumasok, so hindi nga ako late kaya bakit may teacher na agad dito? Excited lang siya magturo, gano'n?

Hindi ko alam kung papasok na ako o hindi kasi dada pa nang dada ang teacher sa harap. Ang bastos ko naman kung bigla na lang ako e-eksena at mag-go-goodmorning. Baka talaga first day pa lang ay masampolan na 'ko. No way. I would rather not attend this class than be embarrassed.

Aalis na sana ako nang biglang lumingon sa direksyon ko 'yong teacher. Oh fudge... He looked at me na parang iniisip niya kung estudyante niya ba ako o hindi.

I'm stuck in a total ticklish moment.

Bakit ba lumingon pa siya? Gusto ko na rin talaga umuwi dahil hindi ko talaga vibes ang school na 'to. Hahakbang na ako palayo nang magsalita ang teacher sa harap.

"Naghahanap ka ba ng home room mo?" Tanong nito sa akin at binitawan niya iyong hawak na libro at may dinampot siya na parang notebook? Attendance yata iyon? Lumapit siya papunta sa akin habang may chine-check siya sa hawak niya, "can you tell your name, please?" He said while still looking at what he was holding. Bakit pakiramdam ko kapag sinabi ko sa kanya ang pangalan ko ay katapusan ko na?

What the heck, Liam. He's just asking your damn name! Kung ano-ano na naman iniisip mo.

Kahit na kinakabahan ako ay sinabi ko pa rin ang pangalan ko. "L-Liam Benjamin C-Chua, Sir." Shit, why did I stutter? Liam, for pete sake umayos ka kung ayaw mo mapahiya sa first day mo!

Hindi siya kaagad nagsalita dahil parang may chine-check siya sa hawak niya na ewan kung ano ba iyon, malay ko ba sa hawak niya? Sana matapos niya na 'yon kung ano man ang chine-check niya nang makaupo na ako dahil ito na naman ang pakiramdam kong maraming nakatingin sa 'kin.

"Oh, I see," tinignan niya ako ulit ng may ngiti sa kanyang labi. "So, you're the new student from St. Dominic Institute. I'm Mr. Paolo Diaz, by the way. I'm the home room adviser of this class. Nice to meet you Mr. Chua."

"N-nice meeting you, too, Sir." I stuttered one again, jeez.

"Call me Sir Pao na lang. Come in, ipapakilala kita sa mga classmates mo."

Parang biglang natigil sa pag-function ang respiratory system ko nang iminuwestra ng kaharap ko ang kamay niya sa loob ng classroom. My hands are starting to sweat because of nervousness that raging through all my veins.

Here we go again, the part that I hate the most. Kahit ayaw ko pa pumasok dahil sa sinabi niya ay sinimulan ko ng ihakbang ang nga paa ko, mag-iinarte pa ba ako? Nandito na 'to, go with the flow na lang. Good luck, Liam. I pray to all the gods that I won't pass out.

"Okay class, listen for awhile," and yes, they all stop from what they're doing and I guess... they are all looking at me.

Shit. This is really shit!

"Remember what I said last time? Na mayroon kayong new classmate from another school. Nandito na siya ngayon, please say hi to him."

I heared murmurs, someone gasps, 'yong iba naman nakatingin lang sa akin na para bang wala silang pakialam sa sinabi ni Sir Pao. That's what I want, iyong walang may pakialam sa presensiya ko. Oh please, please! Huwag niyo akong pansinin! I'm just an insignificant creature!

"Girl, ang gwapo!"

"My god... Ang pogi niya, bessy!"

"Crush ko na 'yan, girls. Walang mang-aagaw, ah?! Ang mang-agaw, tutubuan ng p*n*s sa noo!"

"Hello, kuya! Single ka po?"

"Tumigil nga kayo ang lalandi niyo."

"Hey, bro! Dito ka upo, tabi ka sa 'min."

"Oh please, shut your stinky mouth! No! Huwag ka tatabi sa mga 'yan. Dugyot 'yang mga 'yan."

"Makadugyot kala mo clear skin? Galis skin naman!"

"HAHAHAHAHA!"

Napuno ng tawanan ang classroom dahil sa pang-ta-trash talk ng isa sa mga classmate ko. Mukhang naasar naman 'yong babae na nagsabi ng dugyot dahil binato niya ng notebook 'yong lalaki na nang-asar sa kanya.

Hmm, mukhang tama nga 'yong lalaki na galis skin siya dahil puro acne ang mukha niya. I tried to hide my laugh so hard, ayoko masabihan ng nag-pe-face shame ako.

I just don't get the irony of this girl. Ayaw masabihan ng foul words about her physical appearance pero nanglalait din naman siya ng kapwa.

I brushed off the thoughts that running on my mind. Hindi na ako makikisali sa asaran nila kahit sa isip lang ako nakitawa.

Habang nagtatawanan pa ang lahat ay natuon ang pansin ko sa isang babae na nakaupo sa dulo malapit sa bintana. Biglang

bumaluktot ang mga tuhod ko dahil... Nakatitig sa akin 'yong babae!

Bakit niya ako tinititigan ng.. ng.. malalim?!Nakakapanghina ang mga sulyap niya sa 'kin!

At sa mga titig nito sa akin ay may naramdaman akong kakaiba. Ramdam ko ang pagkalabog ng dibdib ko, ang kaba na gumagapang sa dibdib ko ay naging triple dahil lang sa mga tingin niya.

That's weird. And it makes even weirder because she's biting her pen while she's staring on me.

Bakit niya naman kagat-kagat iyong ballpen niya? Gutom ba siya? Hindi ba siya nag-breakfast bago pumasok? Pero hindi ro'n natuon ng lubusan ang pansin ko kun'di sa mga mata niyang nakatitig pa rin sa akin hanggang ngayon. May kakaiba sa mga mata niya o baka nag-i-imagine lang ako?

I don't know but her gazes on me are really bizzare.

Naputol lang ang pakikipagtitigan ko sa babaeng 'yon nang marinig kong may tumikhim sa tabi ko.

"Ehem! Mr. Chua? Please introduce yourself to your classmates."

Medyo shocked pa ako sa pag-ubo ni Sir Pao pero nagpakilala na ako kahit kabado bente na 'ko dahil sa babaeng 'yon.

"Uh... My name is L-Liam Benjamin Chua. 16 y-years of age. I-it's my pleasure to m-meet you all."

Napaigtad ako sa ka-weirdo-han ng mga kaklase ko. Hindi ko alam kung bakit sila naghiyawan matapos akong magpakilala, lalo na ang mga babae kong classmates.

Pero wala akong pakialam sa kanila dahil muli ay napatingin ako sa babaeng nasa dulo. Nakayuko na siya at hindi na niya kagat-kagat ang pen niya. She just playing it now with her fingers and I notice something on her. She's smiling and... I don't know. I don't know why I feel that my heart melts when I saw her naive smile. I hate what I'm feeling right now but damn... it felt so effin good.

Muli siyang nag-angat ng tingin at nagtamang muli ang mga mata namin. Shit! Parang nakalimutan na ng utak ko kung paano ang tamang paghinga ng normal. Pakiramdam ko ay bibigay na ang tuhod ko sa kakaibang nararamdaman ko ngayon. Hindi na maalis ang paningin ko sa kanya kahit gusto ko na tumigil sa pakikipagtitigan. Parang hinihigop ng mga titig niya ang energy ko. Mutant ba ang babae na 'to? May sa demonyo? Mang-aagaw ng lakas? Mangkukulam? Masyado na akong nahi-hypnotize sa mga titig niya. Ang ganda ng ngiti niya... siya mismo ay maganda. Lalo siyang gumanda sa mga ngiti niya at—

"CHUA!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ms. Capinpin lang pala. "Are you listening, Mr. Chua?" She asked, mukhang galit ang tono niya. Bakit na naman ba? Don't tell me that I'm spacing out again?

"Sabi niya ipasa mo na raw ang paper mo." Bulong sa akin ng seat mate ko, at nakatingin ito sa test paper ko. Mukhang kinokopyahan pa 'ko ng loko habang nakatulala ako.

"Bakit ko raw ipapasa?"

"Ha? Ikaw nga nagsabi na magpapasa ka na kasi tapos ka na magsagot ng exam," paglilinaw niya sa sa akin.

Talaga sinabi ko iyon? Kailan?

"Ipapasa mo ba 'yan Chua o hindi? Baka nagbibigay ka pa ng sagot sa mga seat mates mo?" Pagdududa ng Professor sa harapan at mukhang naaasar na siya sa akin.

Hindi na ako nagpaliwanag at tumayo na ako. Binitbit ko ang examination paper pati ang bag ko't umiretso ako sa table niya pagkatapos.

"Sorry, Miss."

Hinablot niya ang papel ko at sininghalin ako, "hmp! Sige na labas na." Jeez, ang hirap talaga kapag tumandang dalaga, lagi mainit ang ulo.

I left the room immediately but I stopped myself from walking and look back again at the seat next to my seat. I felt the throbbing in my chest again as I glance on that seat.

That's her seat... kung sana hindi siya naaksidente, sana ay magkasama kami ngayon na sumasagot ng exams at sabay rin kaming matatapos. Sabay sana kami lalabas ng classroom na 'to at mag-aasaran hanggang sa makarating kami kahit saan na lugar niyang gustong puntahan at doon kakain ng lunch at magpapalipas ng oras.

Sana ngayon, natitigan ko siya tulad ng walang humpay na pagtitig ko sa kanya noon, at aasarin niya ako na nai-in love ako sa kanya dahil lagi niya akong nahuhuli na nakatitig sa kanya. Pero sasabihin ko na hindi, hindi ko siya type at never ko siyang magugustuhan kahit siya na lang ang natitirang babae sa mundo.

Kahit ang totoo ay pulang-pula na 'ko sa kilig kasi totoo, I'm in love with her. I'm so freakin' in love with my Erie.

But yeah, I lied to her.. and I'm so stupid for saying those words every time she shows her affection for me. She was hurt by the lies I planted on her mind... I am weakling for not telling how much I need her, that I am so into her... and I won't deny my stupidity.

And now here I am, just regretting my idiocy. Iyon na lang kasi ang magagawa ko ang magsisi nang magsisi hanggang sa mamatay-

"Hey, Liam!"

"Mamatay ka na!"

Bwiset! Bakit ba ang dami ng nanggugulat sa akin ngayon? Halloween na ba at binubulaga nila ako?

"Hey foul yan Liam ah, bad ka!"

Kinalma ko sandali ang sarili ko at napagtanto kong si Wendy ang tumapik sa balikat ko.

"Bakit ka ba nanggugulat? Ano na naman ba 'yon?" Tanong ko habang nakahawak ako sa dibdib ko.

"Let's go na!" Nakangiti niyang saad at hinila na ako paalis pero pinigilan ko siya. Saan na naman ba ako dadalhin ng tiyanak na 'to?

"Saan mo na naman ako dadalhin? Wala ako sa mood ngayon Wendy kaya please..."

She looked at me with disbelief and she tilted her head, "we have an appointment today, remember?"

Anong appointment na naman? Magpapaturo na naman ba siya kung paano mag-program ng website? I.T major na naturingan pero hindi marunong gumawa ng website at nagpapaturo sa biology major, psh.

"Not now, Wendy. I'm tired. I wanna go home."

"So ayaw mo na bang maalala ka ulit ni Aerielle?" She asked, she rolled her eyes and continued her rant. "I thought hindi mo siya susukuan? Did you forget already what you said yesterday no'ng nasa Hospital tayo?"

Saglit akong natanga sa pinuputok ng butse niya. Oh, I get it-shit I almost forgot! Ngayon pala kami ulit bibisita kay Erie as we promised to her. Damn it! Bakit ba nakalimutan ko iyon?

"Jeez Louise! Come on, Liam! Huwag ka na tumunganga riyan! Let's go, hurry up!" Tuluyan na niya akong kinaladkad palabas ng campus.

Yes, I decided to fight my love for Erie and I'll save her memories, her memories with me. And I will do anything just to make her remember me again. Wait for me Erie, I'll save you. I will save us.

                                       -AndyThoughts-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status