Share

Chapter 3 - Familiar

I remembered something when Wendy and I were on our way to the hospital. It's about Martin. What if he's still there and guarding over Erie again? What if I can't talk to her, or just go near to her again because this fucktard doesn't leaving her. Even if he needs to piddle or poop he doesn't leave her too. How can I do my mission if Martin is always tailing Erie?

I just sighed on the things bugging on my head. I leaned my head at the headrest and close my eyes. I feel dizzy, I don't have fine sleep in this past days, dahil marami akong inaasikaso na projects and requirements sa school na hindi ko puwede isantabi dahil graduating ako, and of course it's because of her too. She's the main reason of my sleepless night always.

Wendy tapped my shoulder and she smiled on me, "don't worry about him, ako na ang bahala sa kanya."

I open my eyes and give her a lazy look, "how can you do that? Sa tingin mo mapapalayas mo ng basta-basta ang asungot na iyon?" She perplexed by what I asked, she looked up like she's thinking of scam she can use for Martin later.

She look at me again with a scowl on her face, "basta ako na ang bahala ro'n! Huwag ka na magtanong, okay?" In just a second, her face lightened up again as she looked at the bus window. "We're here na! Manong, para po sa tabi!" she stand from her seat and went out first on the bus when it stops.

As I went outside of the bus, I feel anxious of what outcome might happen later. Is Erie will approach and talk to me? Will she listen if I tell her our story? Will she believe if I say that I'm the one who's with her all the time and not Martin? My deep anticipation were disturbed when Wendy call out my name.

"Liam! C'mon hurry!" Kumaway siya habang sinigaw ang pangalan ko. Nauna na pala siya sa akin maglakad. May kaba man sa aking d****b ay sumunod ako sa kanya.

We're walking now at the hospital corridor and my heart starts pounding, any moment I might faint here because of I'm too much tensed. I grip the strap of my bag so tight just to loosen up the nervousness running on my body.

"Hey, don't be so nervous. Walang rason para kabahan ka. Remember that you're her best friend and NOT just a best friend. So cheer up!" Wendy uplifts my hope as she cling to my arm, we continued on walking to Erie's room.

Nasa harapan na kami ng room ni Erie at kahit pakalmahin ko ang sarili ko ay nauunahan pa rin ako ng kaba. Heto na ang pagkakataon para ayusin ang istorya na nagulo at ang relasyon na naudlot, hindi ko na 'to palalampasin. It's now or never, may the gods be in my favor.

I look at Wendy and she gives me a look 'you-can-do-it' look. Siya na ang nagbukas ng pinto, and to our surprise... Naabutan namin na magkayakap si Martin at Erie.

What an unpleasant sight.

Nice timing, huh... Is this the sign that I shouldn't need to continue this foolishness? Shoud I give up now, for real? Natulala na lang ako sa nakita ko at muli ko naramdaman ang tumutusok sa puso ko. But, Wendy didn't bother what she saw and she enters the room as if she sees nothing.

"Hi, Aerielle!" she greeted with enthusiasm. Both of them were shocked by sudden appearance of Wendy. Naitulak pa nga ni Martin si Erie sa gulat.

Ang ungas na 'to?

Aagaw-agawin niya sa akin si Erie tapos itutulak niya lang? Mahina lang naman ang pagkakatulak niya, pero kahit na ba! Hindi ko nga magawang mabatukan si Erie sa tuwing inaasar niya akong bading, tapos siya ay itutulak niya lang dahil nagulat siya sa entrance ni Wendy?

My instincts were right, this asshole is here again. Walang araw talaga na hindi niya nilulubayan si Erie. Kailan ko ba hindi makikita ang pagmumukha niya rito kapag dadalawin ko si Erie babes ko? Paano ko masosolo ang babaeng mahal ko kung nandiyan na naman siyang aaligid-aligid?

Ang sabi naman ni Wendy ay siya ang bahala kay Martin, hindi ko alam ang scheme na gagawin niya para mataboy ang masamang hangin na 'to. Pagkakatiwalaan ko na lang si Wendy at kung hindi man mag-work ang plano niya ay titirisin ko siya ng pino hanggang sa maging pixie dust siya.

"Uy! Wendy ikaw pala. Ang aga mo yata dumalaw ngayon?" Erie said with her confused smile, and she looks nervous? Dahil ba nahuli namin na magkayakap sila ni boy stealer?

And so? I don't care... Really Liam. You don't care. Pakiramdam mo nga ay sinaksak ka ng sampong katana dahil nakita mong nasa ganoong position ang iniirog mo at ang taong anay na mapanira ng relasyon. 'Tapos "I don't care" ka pa rin? I'm really good at denying, huh?

Martin is sitting next to her as usual, mukhang nahiya ang loko sa naabutan namin. Tss, nahiya pa? Hindi nga siya nahiya noong umeksena siya at inagaw sa akin ang natatanging babae sa buhay ko? Mapagpanggap.

Lumapit si Wendy kay Erie babes ko at nakipagbesohan, "hindi lang ako, namin." Wendy giggles and she look at me, saying I need to come closer with them. Erie look at my direction. And... she just look at me, nothing more.

Ouch.

Bakit ba ganyan siya sa tuwing dumadalaw ako sa kanya? Parang hindi siya masaya na nakikita niya ako. Dati-rati, tuwang-tuwa siya kapag nakikita niya ako, kahit anino ko lang ang makita niya'y masaya na siya. Hindi nabubuo ang araw niya kapag hindi niya 'ko masulyapan. Hindi sa pagmamayabang but that's the truth. But now, the way she looked at me it feels that I'm just a stranger to her...

Bakit nagtatakha pa ako? She doesn't know me, she doesn't remember every single detail about me. Isa lang akong estranghero sa paningin niya ngayon.

Kahit na napanghihinaan ulit ako ng loob ay pinilit ko pa rin na batiin siya at ngitian ng ubod tamis. "Hello, Erie! Kumusta ang pakiramdam mo?"

Mga ilang segundo niya muna ako tinignan na para bang ineeksamina niya ang mukha ko. May dumi ba ako sa mukha kaya tinititigan niya ako? May naalala na ba siya kahit kaunti tungkol sa 'kin?

Baka na i-in love na naman siya sa kagwapuhan ko?

Na i-in love? Baliw ka ba, Liam. Anong na i-in love? Hindi niya nga maalala ang araw ng pag-amin niya, tapos iisipin mo pa na in love siya sa 'yo kaya siya natutulala?

"Ang akala ko si Wendy lang ang pupunta ngayon, pati pala ikaw?" She asked, there's a stern on her face.

Hindi niya ba natandaan na sinabi kong babalik ako ngayon para sabihin sa kanya  ang mga ideas ko for her party? Did she forget about it? Bakit pati iyon ay nakalimutan niya? O hindi niya lang talaga inalala dahil hindi niya naman ako sinagot noon sa sinabi kong babalik ako.

Erie... Why are you acting like this? Why are you doing this to me?

Galit ba siya sa akin kaya ganyan niya na lang ako itrato ngayon? Why am I asking that? Of course she's mad at me. She is mad because of what I've done...

"U-uh hindi ba ang sabi ko ise-share ko sa 'yo 'yung mga puwede natin gawin sa birthday mo? That's... t-that's why I'm here too."

She seemed puzzled by what I said, it looks like she's trying to remember if I said that the last time I visited her. "Oo sabi mo nga iyon pero, hindi mo naman sinabi na ngayon ka babalik." Wala ba akong sinabi na ganoon? Kung wala nga akong sinabi na ganoon, dapat expected niya na pupunta ako dahil araw-araw naman ako dumadalaw sa kanya. Walang mintis iyon.

Baka hindi niya lang talaga inaasahan ang pagpunta ko ngayon. Baka hindi sumagi sa isip niya na pupunta ako, at wala siyang pakialam kung dadalawin ko siya o hindi.

Wala na ba talaga siyang pakialam sa akin ngayon? Dahil ba nandiyan naman si Martin? Mas napapasaya na ba siya ni Martin ngayon kaya kahit pagngiti man lang ng totoo ay hindi niya man lang maibigay sa akin?

"Natutulala ka na naman diyan, Liam." Muling pagsasalita ni Erie na ngayon ay natatawa na, "ayos ka lang ba? Parang hobby mo ang pagtulala, ah?"

Tumawa rin si Martin sa tanong ni Erie, "told you, love. Bigla-bigla na lang siya natatanga kasi his literally a dumb!"

Who's dumb he is referring to? Me? Ako pa ang naging tanga? Hindi niya alam na running for Magna cum Laude 'tong sinasabihan niyang dumb? Siya nga 'tong palagi nasasabihan ng "see you next semester" ng mga professor 'tapos ako pa ang dumb?

Nagsisimula na naman ang boy stealer na 'to at parang pino-provoke uli ako. Naiyukom ko ang kamao ko dahil kitang-kita ko ang pang-uuyam sa mata niya. Gusto talaga ako ma-badtrip ng bwiset na 'to sa harapan ni Erie. Para ano? Para makita ni Erie na ako ang bad person dito at siya ang anghel?

Yeah, it's true that he's like an angel pero ubod ng itim ang budhi kaya panigurado ay sinusuka na sa langit ang kaluluwa niya.

Napansin ni Wendy na namumuo muli ang tensiyon sa pagitan namin ni Martin kaya naman iniba niya ang usapan. "Ahm Aerielle, I want to show you something," she said as she sits right next to Erie.

Erie smiled and it seems like she's excited at what Wendy will show to her. Ano naman kaya ang ipapakita niya kay Erie? Wala naman siyang nabanggit tungkol do'n habang nasa byahe kami papunta rito.

"Talaga? Ano iyon? Pagkain ba 'yan? Hahaha!"

"Pagkain talaga, love? Are you hungry again? Kakakain mo lang, ah? Ang takaw-takaw talaga ng love ko," Martin said to Erie as he pinch her cheeks and... he bring closer his face to Erie and gives her kunik (nose) kiss.

Sa isang iglap ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko sa ginawa ni Martin. Talagang ginagalit ako ng ungas na 'to. Walang mintis ang pang-iinis niya sa akin at palagi naman siyang nagwawagi sa pang-aasar. Pang-iinggit ba ang agenda niya sa pambubwiset sa akin ngayong araw? Well, if it is yes? Yes! Naiinggit ako! Sobra akong naiinggit! Palagi naman akong naiinggit sa tuwing nakikita ko sila na magkasama, ako dapat ang kasama ni Erie ngayon at hindi siya!

Wendy just look at them with disgust on her face then she turned her gaze on me. Yeah I know Wendy, it's too cringy and fuck! It's sickening! Bago pa ako manggalaiti ng husto ay tinignan ko si Wendy at binulong ko ang "ano na?!". Kanina pa siya may hinahanap sa bag niya pero wala naman siyang nilalabas na kung ano.

"Sandali lang!" Bulong niya pabalik sa akin. "Um ano, excuse me?" She interrupts the two from what they're doing, "ano guys.. Maybe you forgot Liam and I are still here? Hehehe beke nemen?"

Inalis ni Erie ang kamay ni Martin na nakahawak sa pisngi niya at umayos ng pagkaka-upo. Mukhang nahiya siya sa kagagawan ni Martin dahil napayuko siya at kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

So, kinilig ba siya sa ginawa ni Martin kaya para ng Cherries sa pagkapula ang pisngi niya? Hindi siya dapat kinikilig sa lalaking 'yan! Sa akin lang dapat siya kikiligin!

Martin just laugh at Wendy's interruption, he put his arm around Erie's shoulder, "palagi niyo naman kami nakikita na naglalambingan hindi pa kayo nasanay?"

At nakuha niya pa talagang akbayan ang Erie ko? Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang inis dahil sa ginagawa ng pinaka mapanirang sawsawerong si Martin.

Gustong-gusto ko siyang gulpihin pero kailangan ko magtimpi, ayokong makita ni Erie na nakikipagbasag-ulo ako. Ayaw niya na nakikitang may galos ang mukha ko... pero noon iyon. Noong hindi niya pa ako nakakalimutan. Baka nga 'pag magsuntukan pa kami ni Martin ngayon sa harap niya ay hindi niya ako lapitan o dapuan man lang ng tingin. Panigurado na si Martin ang una niyang lalapitan dahil sino ba ako sa paningin niya ngayon?

Isa lang ako na kaibigan na hindi niya maalala. Kaibigan na kakakilala niya lang, na ngayon lang nag-exist sa buhay niya...

Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na makisabat sa usapan. "Yeah, we're used to see that you two are always flirting. But you know what's privacy means?" I said full of irritation but I don't let Martin sees that I'm affected with his act. I don't want him to see me that I'm annoyed by his mischievousness. I know he'll be delighted if he sees me that I'm pissed. But this asshole just laughed annoyingly and moved even closer to Erie.

"Iyon naman pala eh, and yes I know what's privacy means. Nasa loob naman kami ng kwarto. Wala naman ibang nakakakita bukod sa inyo kaya we can do whatever we want to."

This fucktard is getting into my nerves! "Yes you can do whatever you want, but please? Be sensitive on your actions and have some shame on people around you." Ang siraulo ay mas nangisi ng nakakaloko at yumakap na kay Erie, halos ingudngod niya ang mukha sa leeg ni Erie. Inuubos talaga niya ang pasensiya ko. Kaunti na lang at masasapak ko na naman 'to!

"Be sensitive on our actions? Why? Normal lang naman na gawin ng mag-partner ang paglalambingan kahit na may ibang tao sa paligid nila and, have shame on people around us? Kayo lang naman ni Wendy ang nandito kaya bakit kami mahihiya? Unless... naiinggit ka sa amin? Nandiyan naman ang girlfriend mo, bakit hindi mo rin lambingin? Hindi naman namin kayo titignan. Right, love?"

Nanggigil na talaga ako sa nga sagutan ni Martin, gusto ko na siyang sugurin. Hahakbang na ako palapit sa kanya ngunit natigilan ako sa biglang pagsigaw ni Wendy.

"Oh no! No no no no no!"

Erie was surprised on Wendy's sudden freaked out, "bakit ano 'yon?"

Wendy look at Erie full of dismay. She wrapped her both arms around on Erie's arm, reason for Martin to unwrapped his fucking and filthy arms on her.

Okay? Mukhang tinutulungan nga ako ni Wendy para sa iba matuon ang atensyon ni Erie. Good 'yan, Wendy. Mabuti naman at may dulot ka na ngayon at hindi puro pambubwiset ang ginagawa mo sa buhay ko katulad ni Martin.

"Aerielle, sorry. I forgot where I put that thing, eh. Wala rito sa bag ko," Wendy whined.

"Ang alin? Iyong ipapakita mo sa akin?" She just nodded exaggeratedly, as if she's going to cry. Tumawa si Erie sa inasta niya at tinapik ang kanyang braso, "sus iyon lang pala, akala ko kung ano na. Okay lang iyon."

Pero si Wendy ay parang iiyak na talaga at any moment ay mag-he-hysterical na ito. "No! It's not fine! I want it to show you that so bad, eh!"

"Eh, puwede mo naman ipakita sa akin 'yon sa susunod. Puwedeng bukas, gano'n..."

"But I wanna show you it na eh, like right now! I think naiwan ko sa bahay 'yon."

"Parang 'yon lang Wendy, you're acting childish again," pagsabat ni Martin na halata ang pagkairita sa tono ng boses. Inirapan lang siya ni Wendy at muling nag-tantrums, pero natigilan siya saglit at biglang nagningning ang kanyang matang tumingin kay Martin.

"Hey Martin, may car ka right?" She asked.

"Yeah, why?" Martin replied with his bored look.

"Great! Tara kunin natin 'yong papakita ko kay Aerielle."

Martin just looked at her with his bored face. "You can show that stupid thing to her next time. Bumalik ka na lang bukas kung atat ka na ipakita 'yan."

But Wendy is still insisting what she wants. "Eh, gusto ko na talaga ipakita sa kanya! Please samahan mo na 'ko," she pouts, pero mukhang hindi umeepekto ang pagpapa-cute niya kay Martin dahil mas lalong naiirita ang itsura nito.

"Hindi ba makakapaghintay ng bukas 'yan?"

"Of course not, it's my birthday gift to Aerielle, beanpole," mataray niyang sagot.

Birthday gift? One week from now pa ang birthday ni Erie. Hindi naman siya halatang excited sa birthday ng baby ko at bumili na agad ng regalo.

"Malayo pa ang birthday niya, saka mo na lang ipakita kung ano man 'yan."

"Really? Gift mo sa akin?" Erie's eyes glimmered at what she heard. Hindi naman siya mahilig sa mga gifts pero siguro ay natuwa lang siya sa pag-surprise sana ni Wendy.

"Umm hmm! Gusto mo na ba makita? Of course I'm so sure you want to see it so bad, right?" Sagot ni Wendy at may pagtaas baba pa ng kilay niya.

"Ahm ano—"

"Let's go na Martin! Don't you hear Aerielle? She wants to hold it na! Can't you see her bum adorable face, hm?" She cupped Erie's face at hinarap ito kay Martin, "see? Hindi ka ba naaawa? Hindi mo talaga ako samahan at pipiliin mong maging malungkot siya for the whole day?!"

Walang ideya si Erie sa ginagawa ni Wendy kaya awkward na lang siyang ngumiti kay Martin. Pero halata sa hilatsa ng mukha niya ang pagkaasar, nararamdaman niya siguro ang wicked plan ni Wendy.

"Puwede bang sa susun—" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tumayo na si Wendy at lumapit sa kanya para hilahin siya patayo.

"Tara naaaaa! Huwag mo paghintayin si Aerille."

"Hold on! Hindi naman ako pumayag—"

"Aerielle, you want to see it na hindi ba?" Pagtatanong niya muli kay Erie.

Kahit na mukhang nalilito siya sa nangyayari ay sumagot pa rin siya, "ahm... o-oo?"

Lalong lumiwanag ang mukha ni Wendy sa naging sagot niya. "See? Gusto na niya. Kaya let's gooooo!" At pilit niyang hinila si Martin palabas ng kuwarto.

"What the fuck are you doing?! Let go of my arm. Hindi naman ako puma—"

"Stop whining! Let's goooooooo! Hihihi!" But before they leave, Wendy smiled secretly and winked on me.

Uh? So this is the help she's talking about? I didn't see this coming. Nagawa ni Wendy 'yon kay Martin knowing na ang laki ng takot niya sa lalaking iyon?

But anyway, after a long of waiting and anticipation kung kailan ko malalapitan at makakausap ang babaeng pinapangarap ko, finally! Salamat talaga kay Wendy. Kung hindi dahil sa kanya ay baka hanggang pangarap pa rin ako na malapitan si Erie. Binabawi ko na ang mga nasabi kong masasama sa kanya noon at ililibre ko talaga siya sa mamahaling restaurant dahil sa tulong niya.

I secretly smiled because of overflowing joy I'm feeling right now. Finally... finally! Malalapitan ko na siya ulit. Makakausap. Mahahawakan. Matitigan ng walang humahadlang sa pagitan namin. Kaming dalawa na lang sa loob ng kwartong 'to... parang tulad ng dati. Kahit kaming dalawa lang ang magkasama ay sapat na sa amin. Hindi namin kailangan ng kahit na sino o ano pa man, basta makita't maramdaman namin ang isa't isa ay wala na kami ibang hihilingin pa...

"T-tatayo ka na lang ba riyan?"

Bahagya akong napaigtad, lumingom ako sa gawi ni Erie at parang kanina pa hinihintay na kumibo ako. Paanong makakakibo ako kaagad? I'm still over the moon right now!

"Umupo ka kaya, hindi ka ba nangangawit? Kanina ka pa nakatayo riyan." Hindi ko mailarawan kung nakangiti siya.

Oo nga, kanina pa ako nakatayo at pakiramdam ko ay na-glue na ang paa ko sa sahig sa sobrang ngawit. Pero saan nga ba ako uupo? Sa tabi niya? Baka naman bigla niya akong sampalin kapag ginawa ko iyon, baka isipin niya feeling close ako? Although close naman talaga kami noon. Hindi lang close, magkadikit ang mga bituka namin. Kung ano man ang maramdaman niya ay ganoon din ako. And I guess, we are destined to share our breathing with each other.

I want to sit right next to her, I want to see her face up close like I always do before. Kahit na nagdadalawang isip ako sa itatanong sa kanya ay nagtanong pa rin ako, "u-uh can... c-can I sit right b-beside you?"

Pumayag ka please, please, please... I cross my fingers as she open her mouth and utter her answer.

"P-puwede naman."

Pakiramdam ko'y nawala lahat ng bigat na nakapasan sa 'kin at lumulutang ako sa tuwa dahil pumayag siya.

Dama ko ang panginginig ng mga paa ko dala ng excitement. Hahakbang na 'ko palapit sa kanya ngunit muli siyang magsalita. "Kaso mabantot ako, eh... Hindi pa ako nakakaligo hehehe n-nakakahiya naman sa 'yo," pagdadahilan niya at nag-pout siya ng lips.

God... ang tagal kong hindi nakita 'yan Erie. Ang cute-cute niya talaga kapag ginagawa niya 'yan! I miss her pouting everytime she was shy. At saka kahit wala siyang ligo noon ay niyayakap niya ako kaya ayos lang sa akin. I'm used to her lovely smell.

"It's fine. Puwede naman kita paliguan—ah I-I mean hindi naman ako maarte." Shit Liam!

Ano ba'ng pinagsasabi ko? Baka bawiin niya pa ang sinabi at palabasin pa ako ng kuwarto niya. I know, I'm just too happy in this situation but please, please calm your balls, self. Hindi pa ito ang tamang oras para ipakita ulit sa kaniya ang perverted side mo.

Sana hindi niya narinig ang una kong sinabi, sana hindi talaga dahil baka mas lalo niya akong layuan. No, please!

"S-sure ka, okay lang sa 'yo?"

Hindi ko pinahalata ang pagbuga ko ng hangin. Buti at hindi niya narinig! Buti na lang talaga! Thank you sa mga santong nakikinig sa prayers ko ngayon! "Of course! It's fine with me," nginitian ko siya ng pagkalaki-laki. Kahit nahihiya pa rin ay umusog siya ng kaunti para bigyan ako ng space at makaupo sa tabi niya.

Hindi na ako nagsayang ng oras at umupo na rin ako sa tabi niya. Shit! Shit! Shit! Iyong pakiramdam ko ngayon ay napaka-familiar... Parang ganito rin iyong naramdaman ko noong unang beses kaming magkita. Hindi ako makahinga, matindi ang kabog ng d****b ko at grabeng kaba ang nararamdaman ko.

Kahit bolta-boltaheng kaba ang gumagapang sa sistema ko ay tinignan ko pa rin siya, at sakto... nagtama ang mga mata namin paglingon ko. I don't know but this is really familiar. The first time our eyes where met... and in just look of hers I feel thrilled and I can't make just a single move.

"Alam mo, hobby mo talaga 'yang pagtunganga ano? Hahaha!"

Heto na naman ako at natutulala sa mga titig niya. Kahit kailan talaga ay walang pagkakataon na hindi ako nahuhumaling sa mga mata niyang chinky-gray. Anong gayuma ba ang ginawa sa akin ng babaeng 'to at gano'n na lang ang tama niya sa akin?

Natigilan siya sa pagtawa dahil hindi ako kumikibo. "A-ano... o-okay ka lang ba? Huy?" She asked as she waved her right hand over my face. Pero heto pa rin ako at hindi makasagot dahil nabato na ako ng tuluyan dahil sa natanga na naman ako sa ganda niya.

"So beautiful..."

"Huh? B-beautiful?"

Huh? Beautiful? Umayos ka nga, Liam! Huwag ka muna duma-moves! Alalahanin mo iyong dahilan ng pagpunta mo rito. Huwag mo sayangin ang effort ni Wendy para palayasin si Martin dito. Huwag mo rin sayangin ang oras! Jeez, anong idadahilan ko sa nasabi ko? Shit Liam, mag-isip ka ng palusot mo!

"Uh.. i-itong kama mo ang ganda. I-it's... Too comfy!"

Really Liam?! Ang daming bagay rito sa loob ng kwarto niya, iyong kama niya pa talaga ang nakita ko? Kamuntikan pa ako mapiyok para pigilan ang kaba ko, huwag niya lang mapansin ang pagkatanga ko.

Tumango naman siya habang nakakunot ang noo niya, then she look away from me. "Ah. o-okay." Mukhang hindi siya naniwala sa palusot ko. Naturingan akong smart guy sa school pero pagdating sa pag-iisip ng palusot napakabobo ko!

Hindi na kami nagkibuan pagkatapos noon. Mukhang na-awkward siya sa sinabi ko. Wala na, ayaw na niya akong kausapin! Napakastupido ko kasi! Paano na? Anong gagawin ko? Baka hindi niya ako kibuin kapag nag-initiate ako ng conversation? Baka palabasin na niya ko rito. Paano na iyong plano ko?

Inunahan ni Erie ang pagbasak sa katahimikan, "ahm ano... bakit hindi ka sumama kela Wendy?" Para akong nakawala sa pagkakasakal nang marinig ko ang boses niya. Kinausap niya pa rin ako!

Napakamot ako sa pisngi dahil heto na naman at mag-iisip ako ng irarason ko. Hindi ko pwede sabihin na, "kasi gusto ko alisin sa buhay mo si Martin para tayo na ulit ang magkasama", baka magalit siya sa akin dahil alam niya si Martin ang, well... Ang pinakamamahal niyang lalaki.

"T-they can handle it. Malaki na sila." Iyon lang ang nasabi ko. "'Tsaka walang magbabantay sa'yo rito kung pati ako sasama pa sa kanila."

"Ganoon ba?"

"Yeah... That's.. right."

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Bakit ba parang ang awkward ng feeling dito ngayon? Na-awkward ba siya sa presensiya ko. Ayaw niya ba na nandito ako kaya natanong niya iyon? Mas gusto niya ba si Martin na kasama kaysa sa akin?

"Gusto mo talaga ako alagaan, no?"

Naputol ang pag-o-overthink ko ng dahil sa tanong niya at nilingon ko siya. Nasa ibang direksyon nakatuon ang tingin niya at hindi sa akin.

"Hm yes," I said.

I saw her smile, but just a weak smile. Bakit? Ayaw niya ba na alagaan ko siya? Mas gusto niya ba si Martin ang mag-aalaga sa kanya?

"Bakit naman?" She asked while still not looking on my direction.

"Because you're my... Best friend." And not just bestfriend. You are the person that I want to live with. My best half. You're the matter who fullfils the empty space of my heart, a missing piece to my lost soul.

Nilingon niya ako at may kaunting pagtatakha sa kanyang mukha. "Sabi nga rin ni Wendy iyon pero," natigilan siya sandali at parang may inaalala siya, "ang sabi ni Martin... s-siya lang ang naging best friend ko."

Si Martin ay best friend niya? That asshole?! Paano niya naging best friend ang boy stealer na iyon, kakakilala lang nila 4 months ago! Mukhang binabaliktad pa ng ungas na 'yon ang mga nangyari noon. Hindi ako papayag na sirain niya ng tuluyan ang lahat. Ako lang ang best friend ni Erie, ako lang!

Kahit nagsisimula na akong manggigil dahil sa sinabi niya ay kinalma ko ang sarili at nginitian siya. "Totoo ang sinabi ni Wendy. We're best friends, at hindi lang tayo basta matalik na magkaibigan."

Lalo siyang nagtakha sa naging sagot ko, saglit niya akong pinakatitigan at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Talaga? Sinasabi mo bang, m-magkakilala tayo? Kilala kita matagal na? P-paano? Paano tayo naging mag-best friend?" Usisa niyang hindi makapaniwala.

This is it. This is the time for her to know who I really am in her life, this is the time for me to get back what is mine. Gagawin ko ang lahat para maalala ako ni Erie. I'll never let go of her again this time. Isasantabi ko muna ang mga plans ko for her birthday, makakapaghintay naman iyon.

I give her a beautiful warm smile and said, "do you want to hear a story?"

                                      -AndyThoughts-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status