Share

Chapter 5 - You're Welcome

You're just too good to be true~

Can't take my eyes off of you~

There is a girl who's wearing a white glowing beautiful dress, standing far away from me. Her dark-brown, long lovely hair were loose. She is looking behind me and she's... she is dazzling. Is she an angel?

You'd be like Heaven to touch~

I wanna hold you so much~

Bakit naman magkakaroon ng anghel dito? And where am I? Am I in heaven now? Am I dead? If I'm already dead, why I feel so good? I'm feeling so much pleasure right now, just by looking at this heavenly creature in front of me. Right now, I just don't want to look at her. I want to touch her, feel her...

You're just too good to be true~

Can't take my eyes off of you~

Sa pagtitig ko sa kaniya ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking puso, parang ang gaan sa pakiramdam, masaya... Kahit na nakatalikod lang siya ay sobra-sobrang ligaya na ang nabibigay nito sa akin. What more kung haharap siya at masisilayan ko ang mukha niya?

I love you, baby~

And if it's quite alright~

I need you, baby~

I want to see her face up close, I started to move my feet to get closer to her. At sa bawat paghakbang na ginagawa ko, ay lalong lumalakas ang kabog sa aking dibdib. Lalo rin nag-uumapaw ang kaligayahang nadarama ko. Sa bawat paglapit ko ay unti-unti rin siyang humaharap. At ewan, lalo akong nasabik na makita ang mukha niya.

Who's this woman? What is this beauteous creature doing to me? She's like an iron and I'm a magnet that attracted to her.

To warm the lonely night~

I love you, baby~

Trust in me when I say~

Isang hakbang na lang ay mahahawakan ko na siya, makikita ko na rin ang mukha niya. At sa pagharap niya ay... I frowned because she looks familiar. It feels that I know this girl. It's—

Now that I've found you, stay~

And let me love you, baby~

Let me love you~

"Aerielle?"

It's her smiling at me, and she's picking her nose... again—wait? WHAT?!

"AAAAAAAAAAAAAAAAAGHH—AW!"

Shit! What's that disgusting thing I saw?! And is that Aerielle? Why am I seeing her again?! At—aray! Bakit ang sakit ng braso ko? 'Tsaka bakit—

I love you, baby~

And if it's quite alright~

I need you, baby~

To warm the lonely night~

I love you, baby~

Trust in me when I say~

Oh, pretty baby~

Don't bring me down, I pray~

Nakapasak pa sa tainga ko ang earphone ko, mukhang nakatulugan ko ang pagbabasa kanina. Pero bakit nandito na ako sa sahig? Ang alam ko ay sa kama ako nakahiga. At saka bakit ang sakit ng braso ko? Nahulog ba ako habang natutulog?

Now that I've found you, stay~

And let me love you, baby~

Let me love you~

Naalala ko ang nangyari kanina. Nakita ko si Aerielle habang—sandali nga, ano ba iyong nangyari?

Nanaginip ba ako? Panaginip lang ba iyon? Bakit parang totoo? At saka bakit nandoon ang babaeng iyon? Kung panaginip lang 'yon ay bakit nandoon siya? At isa pa, bakit ba pati sa panaginip ay ginagawa niya ang kadiring bagay na 'yon? Bakit ba hindi maalis sa isip ko ang babaeng 'yon at pati sa panaginip sinusundan niya ako?!

"Aaaaaaargh!" napasigaw ako sa sobrang inis na gumagapang sa katawan ko. Padabog kong inalis ang earphone sa aking tainga. In-off ko rin ang phone ko na hindi matigil sa pag-play ng "can't take my eyes off you" na nagbibigay dagdag iritasyon sa sistema ko.

Bumukas ng padabog ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa noon si Mom na mukhang bagong ligo lang at natataranta. "Benji! Anong nangyayari sa'yo?!" Lumapit siya sa akin at tinulungan ako makatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig, "ano'ng nangyari sa'yo? 5 AM pa lang 'nak bakit ba nagsisigaw ka?"

5 AM? It means umaga na? Ganoon ba katagal akong nakatulog? Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil nagbabasa ako ng libro habang nakikinig ng music.

"Benjamin ano na? Anong problema mo?" tanong ni mom na ngayon ay nakapamewang sa harap ko't nakakunot ang noo.

"Nothing mom. I just... I just having a nightmare." Yes. It was a fucking nightmare!

The expression on her face looks startled. "Nightmare? About what?"

Naalala ko muli ang mukha ng babaeng iyon na kung makangiti ay wagas. 'Tapos... 'Tapos... Argh! Ayoko na siya alalahanin o isipin man lang! Kahit na sobrang ganda at diyosa ang niya sa paningin ko ay hindi ko na gugustohing maalala siya dahil napakadugyot niya!

I answer my mom with bored tone on my voice, "about annoying and untidy stuff. That's all."

Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala sa sagot ko, "gaano naman ka-annoying and ka-untidy 'yang nightmare na iyan ha? Kung makasigaw ka eh, parang may papatay sa 'yo?"

Kung alam lang ni mom kung gaanong nakakadiri ang nakita ko, baka pati siya ay mapasigaw ng mas malakas pa sa naging sigaw ko. I know it's sounds overreacting but, you can't blame me! I really hate filthy attitude and sa ganoong kaganda pa na babae ko nakita? That's why I acted irrationally. Period.

"Hay naku Benji, maligo ka na at mag-breakfast. Nag-prepare na ako ng food mo." Pagkasabi niya nito ay pinulot niya ang libro ko na nasa sahig, pinatong niya ito sa study table ko saka siya lumabas ng kwarto. Kumilos na rin ako kahit medyo maaga pa para mag-prepare sa pagpasok sa school. 

After I took shower and get dressed, I went straight to the kitchen. Naabutan ko si Mom na nag-pe-prepare ng baon ko para sa lunch. Here we go again, ginagawan niya na naman ako ng baon ko, tsk. Lagi ko naman sinasabi sa kanya na ako na ang gagawa no'n dahil malaki na ako, ayaw niya talaga makinig sa akin.

Pagkarating ko sa dining table ay naupo ako at sinimulan ko ng kumain. Habang kumakain ay napansin ko na parang hindi pa masyadong nasuklay ng maayos ang buhok ni Mom, I tell her about it. Baka kasi makalimutan niyang ayusin bago siya umalis.

"Mom, ang gulo pa ng buhok mo."

"Pabayaan mo na yan, 'nak. Aayos din yan kapag natuyo." She just smiled at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Pinagpatuloy niya pa rin ang ginagawa. I sighed, si Mom talaga. Wala talaga siyang pakialam sa itsura niya kahit nagmumukha siyang katulong sa ayos niya. Ayoko na nakikita siyang ganyan, it breaks my heart every time I saw her in that look. Mom deserves to have a rest. Masyado na siyang pagod palagi sa work pero nakukuha niya pa rin akong asikasuhin.

"Mom, I told you that you shouldn't take care of my things every morning. Dapat focus ka na lang sa work mo." But she just laughed, yeah as usual. She always laugh to all my reminders everytime. Akala niya nagbibiro ako sa mga sinasabi ko.

"Benji, normal lang na gawin ko 'to. Aba, anak kaya kita kaya malamang aasikasuhin kita. And one thing," pinutol niya ang ginagawa at lumapit sa akin para kurotin ang magkabila kong pisngi, "love na love ni mama 'yang baby Benji na 'yan kaya kahit pagod si mama aalahanin kita!" At pinupog niya ako ng halik sa pisngi.

I feel awkward on what she did, pinilit ko na kumawala sa pagkakahawak niya sa pisngi ko. "Mom stop it!" Nagsisimula na naman siya sa pagtawag ng baby Benji sa akin. Kailan niya ba ititigil ang pagtawag sa akin ng ganoon? "Hindi na ko baby, Mom! Can't you see? Ang laki ko na, oh! Mas matangkad na nga ako sa 'yo."

Tinawanan niya lang ako at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit. "Hay Benji, baby pa rin kita kahit na makumpleto pa ang buhok sa katawan mo." Lalo akong nailang sa sinabi niya at pilit akong kumakawala sa yakap niya.

"Mom! I can't b-breathe!" Lalo pa siyang tumawa at nanggigil ng husto sa akin, 'tapos ay hinalikan akong muli sa pisngi. Agad niya rin akong binitawan matapos lamugin ang mukha ko.

"Bilisan mo na kumain diyan at ihahatid kita sa school mo, okay?" Kahit na ayaw ko magpahatid ay hindi na ako nakapalag dahil tinalikuran na niya ako para kunin ang bag niya sa kwarto. Tinapos ko na lang din ang pagkain at bumalik ako sa kwarto para kuhain ang gamit ko.

Hinatid nga ako ni Mom sa school. Noong una ay umayaw ako sa gusto niya pero nagpumilit siya dahil madadaanan din naman ng ruta niya ang school ko pagpunta sa hospital. And now, I'm sitting here at passenger seat of my mom's car. Eight minutes just passed and we arrived at school instantly.

Inihinto niya ang sasakyan sa tapat mismo ng school ko. I kissed her on both cheeks and bid my goodbye. I got off the car immediately because yeah, ayoko ma-late sa pagpasok ng room dahil baka maunahan pa ako ulit ni Sir Pao sa pagpasok.

Nakatatlong hakbang pa lang ako palayo nang bigla akong tinawag ni Mom, "Benji! Don't forget na magsabi sa akin kapag nagka-crush ka na—"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin dahil ino-open niya na naman ang nonsense na crush na 'yan. "Yeah, I got it. Just go to your work," I wave my hand to tell her na umalis na siya. She just laugh at what I did.

"Okay! Enjoy your day, son," she started the car and leaves.

Dumiretso na ako sa pagpasok ng gate, hindi ko alam kung maraming nakatingin na naman sa akin? Kapag may nakakasalubong ako na kapwa ko estudyante ay tinitignan nila ako, na para bang ngayon lang sila nakakita ng tao. O baka hindi tao ang tingin nila sa akin kaya ganoon na lang sila kung makasulyap sa 'kin? Kapag napapadaan ako sa kumpulan ng mga estudyante ay nagbubulungan sila pag'tapos nila akong tignan.

Nakakaramdam ako ng pagkailang at pagkabalisa dahil sa mga tingin at bulungan sa paligid. Hindi ko alam kung nag-i-imagine lang ako, pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa mga tinging ibinibigay nila sa akin. Ang pangit ba ng ayos ko? May dumi ba ako sa mukha? Marumi at gusot ba ang uniform ko? Bago pa ako tuluyang mabalisa ay binilisan ko na ang paglalakad para makarating na ako sa room.

Buti't pagkatapak ko sa room ay wala pa si Sir Pao. Nangiwi ako dahil hindi kaaya-ayang view ang naabutan ko sa room. Napakagulo, wala sa tamang puwesto ang mga upuan at mga table.

Grabe naman ang mga classmate ko, bulag ba sila at hindi nila makita na parang dinaanan ng bagyo ang classroom namin? Kahit naaalibadbaran ako sa ayos ng silid ay pumasok pa rin ako at dumiretso sa upuan ko. Nilapag ko sa table ang bag ko at binuksan 'yon. Nilabas ko ang novel book na binabasa ko kagabi at nagsuot ng earphones para walang mang-iistorbo sa akin, kung mayroon man magtangka.

Pagkabuklat ko pa lang ng librong hawak ay may isa akong girl classmate na tumakbo palapit sa puwesto ko. Naghila siya ng isang upuan para tumabi sa akin, si galis skin pala. Hindi niya ba nakita na may ginagawa ako. Hindi niya rin ba maramdaman na ayaw ko magpaistorbo? At ayoko makipag-usap?

"Hello! You are Liam, right?" She asked while giggling na parang naiihi. "I'm Clara nga pala, " sabay lahad ng kamay niya sa akin, kunwari wala akong narinig at nagpatuloy ako sa pagbabasa ko. Nanatili ang kamay niyang nakaabot sa akin at hinihintay na makipag-shake hands ako sa kanya, pero hindi ko pa rin pinansin ang pagpapakilala niya. Gusto kong ma-feel niya na gusto kong lubayan niya ako, ayoko makipag-usap, at gusto ko mapag-isa. Hindi rin nagtagal at binaba niya ang kamay at padabog na tumayo.

"Tss, gwapo nga pero isnabero, hmp! Suplado!" Singhal niya at tinalikuran ako. Mabuti naman at naramdaman niya na ayoko ng ginugulo ako. Nilapitan siya ng mga, ewan kung friends niya 'yon. Tinitignan lang nila ako mula sa pwesto nila at parang sinasamaan ako ng tingin. Bakit? Wala naman akong ginawa. Ayoko lang makipag-usap at gusto ko mapag-isa, masama ba iyon?

Kahit pakiramdam ko ay susumpungin ako ng anxiety ay hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy ako sa pagbabasa ko. Natigilan lang ako sa paglipat ng pahina ng hawak ko na libro ng may magsalita malapit sa tabi ko.

"Mas maganda siguro kung ikakabit mo 'yang earphone sa phone mo, para mas mukhang totoo na nakikinig ka ng music."

Ang boses na iyon, narinig ko na naman ulit ang maliit na boses na 'yon. Napalingon ako bigla sa kaliwa ko at tama nga ang hinala ko na siya ang nagsalita. Hindi siya nakatingin sa akin, naglalaro lang siya sa cellphone niya. Teka, wala naman siya riyan kanina pagpasok ko ng room. Bakit bigla-biglang sumusulpot ang dugyotin na 'to?

Sa isang iglap ay natanga akong muli sa mukha niyang naka-side view, hindi ko magawang ibalik ang paningin ko sa binabasa ko. Bakit ang ganda niya pa rin kahit side profile niya ang tangi kong nakikita?

The nice shape of her little face, that button nose of hers, and her lips... her round lips na sa tingin ko ay sobrang lambot—shit! Anong malambot? Saan ko nakuha ang naisip ko?! Kailan pa ako natutong mag-describe ng physical appearance ng may halong malisya?

Sa isang iglap, ay parang nakalimutan ko ang kadugyotang ginawa niya kahapon, and here I am, bewitching again by her breathtaking beauty.

Nakatulala lang ako sa kanya noong humarap siya sa gawi ko sabay tumingin siya sa sahig. Napatingin rin ako ro'n dahil hindi napako na ako ang mga mata niya ro'n.

Wala naman akong nakitang kung ano, kaya naman nag-angat ako ulit sa kanya ng tingin habang nakakunot ang noo ko. Tinuro niya ulit ang sahig gamit ang cute niyang labi. Ang lips niya na parang ang sarap halikan—what the hell am I thinking about lustful thoughts?! Bago pa ako madala sa naiisip ko ay tinignan ko muli ang tinuturo ng labi niya.

Napansin kong nakasayad sa sahig ang plug ng earphone ko. Saglit ko pa itong tinitigan at na-realize kong hindi nakapasak sa phone ko ang earphone! Damn it!

Mabilis kong inalis sa tainga ko ang earphone at tinago iyon sa bulsa ko. Shit! Anong kabobohan ang ginawa ko? Bakit kasi hindi ko naisipang ipasak ang plug sa phone ko habang kinakabit ko 'to sa tainga ko?!

Shit! Shit! Shit!

Sa sobrang kahihiyan na naramdaman ko ay hindi ko na magawang makatingin sa magandang babae na katabi ko. Tinuon ko na lang ulit ang sarili sa pagbabasa kahit abot bunbunan na ang hiyang nararamdaman ko. Pinipilit ko na kumalma at magbasa na parang walang nangyari.

Nawala ang focus ko sa pagbabasa nang marinig kong humagikgik siya. Imbes na makaramdam ako ng malalang kahihiyan dahil sa tinawanan niya ako, ay iba ang naramdaman ko.

Bakit ganoon? Parang ang sarap sa pakiramdam ng tawa niya. Ang sarap pakinggan nito, parang musika ito sa pandinig ko. Kahit ayaw ko siya lingonin ay wala akong nagawa kun'di ang sulyapan siya, dahil hindi ko alam pero parang inaakit ako ng tawa niya para lumingon ako ulit sa kanya. Sa muli kong paglingon ay bigla ko na naman naramdaman ang masarap na pakiramdam noong unang beses ko siyang makitang ngumiti. 

Nakatingin siya sa akin habang tumatawa, at ako? Muling nabihag sa maganda niyang mukha. Tumigil na siya sa pagtawa at medyo inilapit niya ang upuan niya sa akin, nilapit niya rin ang mukha niya sa bandang tainga ko at may ibinulong.

"Huwag ka mag-alala, hindi naman niya napansin na hindi ka talaga nakikinig ng music hihihi."

Sa bawat bigkas niya ng salita ay para akong kinokuryente... o nakikiliti? Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok noong tumuwa siya ng mahina. Ramdam ko ang bawat paghinga niya sa balat ko na mas nagbibigay kiliti factor sa akin... Shit! Ano ba ang ginagawa sa akin ng babaeng 'to?!

Pagkasabi niya no'n ay agad din niyang ibinalik sa pwesto ang upuan niya. Nabato ako ng tuluyan at hindi ako maka-react sa ginawa niya.

Muli siyang humarap sa akin at sinabing, "You're welcome!"

Tanging tango lang ang naisagot ko dahil hindi ko na alam kung anong nangyayari sa sistema ko, hindi na ako makagalaw at pakiramdam ko ay nanigas na ako sa kinauupuan ko.

"NANDIYAN NA SI SIR PAO!"

Sigaw ng isa sa mga classmate namin dahilan para maalis ang paningin ko kay Aerielle. Tinago ko na ang librong hawak ko na ngayon ay medyo lukot na ang ilang pages. Mukhang napahigpit ang hawak ko sa libro dahil sa ginawa ng katabi ko.

Ano ba kasi ang mayroon sa magandang katabi ko at ganito ang nangyayari sa akin? Maybe she's really a witch and she uses her demonic spell to make me feel like this.

Fourth subject ends and the bell rang, it's breaktime hour. All of my classmates went outside like what they did yesterday. Aerielle went outside too, and she's carrying a small paper bag. Maybe she will eat her food at the canteen, or somewhere else. And so what? Wala akong pakialam kung hindi siya rito kakain kasama ko—I mean dito sa room. Pabor sa akin 'yon dahil walang istorbo while I'm munching my food. And it's really nice to be alone while eating.

I took my bag from the floor and I realized that I left my lunch. Nice. Nagmamadali na kasi ako kaninang umalis ng bahay dahil ayokong ihatid ako ni Mom, but because I'm on a rush I left it. Bakit ba ang malas-malas ko palagi? I already feel the rumbbling on my stomach, I don't want to skip lunch dahil ayoko magka-ulcer.

Maybe, I don't have a choice but to go to the canteen? Bibilisan ko na lang bumili tapos ay babalik ako rito sa room. Ayoko kumain sa mataong lugar, dahil baka sa bawat pagsubo at pagnguya ko ay panonoorin nila ako.

Lumabas ako ng room at hinanap ang canteen. Hindi naman iyon kalayuan sa building namin kaya nahanap ko rin kaagad. Pagpasok ko sa canteen ay nagsimulang mabalisa ang sistema ko. Ang daming estudyante na nakapila sa counter, iyong iba ay naghahanap ng mauupuan, at ang iba ay nakikipagkwentuhan sa mga kasama nila habang kumakain.

Sa pagtapak ng mga paa ko sa loob ng canteen ay halos lahat ng estudyante ay tumingin sa direksyon ko. Hindi ko alam kung hallucinations ko lang ang lahat, karamihan sa mga tao rito ngayon ay nakatingin talaga sa akin.

Ano ba ang mayroon sa akin at ganoon na lang nila ako kung titigan? Maayos naman ang itsura ng uniform ko. Hindi naman ako dugyotin tignan. Masasabi ko rin na hindi naman ako lubusang pangit, pero bakit ganoon sila kung makatingin? Iyong iba ang sama tumingin, na para bang nanunuya. Ang iba naman ay sobrang lagkit kung makatingin... ayoko ng ganito. Ayaw ko ng tinitignan ako na parang kasalanan ang existence ko.

Naglakad ako papuntang counter kahit nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa uneasiness na bumabalot sa 'kin. Habang nakapila ako ay dumudoble ang kabang nararamdaman ko dahil palapit na ako nang palapit sa counter at malapit na ako maka-order. Hindi ako sanay na um-order ng food sa kahit na anong food establishment, kaya naman palagi ako nagbabaon ng pagkain para maiwasan ko ang pakikipag-interact sa mga waiter o cashier.

"Ano sa 'yo, pogi?" Nakangiting tanong sa akin ng cashier no'ng ako na ang nasa counter. Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko alam ang o-orderin ko. Parang ayaw ko na um-order, pakiramdam ko'y nawala ang gutom ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.

"O-one F-fried chicken and o-one rice, 'tsaka po t-tubig. Take out p-po," I stuttered as I ordered.

Nagsimula ng i-punch ng cashier ang order ko at nakita ko ang ibang cashier na humahagikgik habang nakatingin sa gawi ko. Lalo akong kinabahan at nailang dahil ang lala ng way ng pagtingin nila sa 'kin, pati na rin sa mga kasama ko rito sa pila ay naririnig ko silang nagbubulungan. Parang anumang oras ay hihimatayin ako dahil nasu-suffocate ako.

"Hala ang cute niya, oh!"

"What? Cute? Tanga, ang gwapo kaya!"

"Bhie, ang ovaries koooo!"

"Luh siya? Uy kalma baka malaglag panty mo!"

"Kuya, lahian mo 'ko!"

"Gaga ka! 'Yang bunganga mo marinig ka hahahaha!"

Ilan lang iyan sa mga narinig kong bulungan sa paligid habang hinihintay ang order ko. Ako ba ang pinagbubulungan nila? Kung ako nga, bakit naman ganoon ang mga sinasabi nila sa akin? Hindi ko nagugustohan ang mga naririnig ko at feeling ko ay naha-harass ako.

Pakiramdam ko'y nakakulong ako sa isang malaking aquarium na punong-puno ng tubig at nalulunod ako. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa nangyayari sa paligid ko. Nasaan na ba kasi ang order ko? Bakit ang tagal? Fried chicken at kanin lang naman iyon at hindi buong menu sa canteen ang in-order ko.

"Fried chicken, one rice, and bottled water, take out!" Nang marinig ko iyon ay dali-dali akong lumapit sa counter para sa mga take out orders. Kinuha ko agad ang order ko at nagmadaling lumabas ng canteen.

Palabas na ako ng canteen nang may tatlong lalaki na humarang sa daraanan ko. Nginisian ako ng nasa gitna, tinignan ko lang siya at nilagpasan dahil gustong-gusto ko na talaga makalabas sa nakakasakal na lugar na 'to. Ngunit, hinila ng isa sa mga kasamahan ng lalaki ang braso ko kaya muntik ko ng mabitawan ang binili ko.

"Sandali lang! Huwag mo kami tinatalikuran ng basta-basta." Nangising sabi ng lalaki na humablot sa braso ko.

Ano ba ang problema nila at bakit nila ako pinipigilan na makalabas? Lumapit sa akin ang lalaki na nasa gitna at mas lumaki ang ngisi niyang nagtanong sa akin.

"Ikaw ba ang transferee ng 4-A?"

Bakit naman niya tinatanong? Anong paki niya kung ako ang transferee ng 4-A? Tinignan ko lang siya at hindi ako nagtangkang sumagot. Nagkatitigan silang tatlo at tumawa ng mahina ang isa nilang kasama.

"Pipi at bingi yata 'yan Shawn, eh. Tignan mo oh, mukhang hindi ka niya narinig." Muli ako tinignan ng nasa gitna, siya yata iyong Shawn. Pero wala akong pakialam dahil mas gusto ko na talaga lumabas at bumalik ng room.

Lumapit sa akin 'yong Shawn, napaatras ako dahil bahagya niyang inilapit sa tainga ko ang bibig niya, "IKAW BA ANG TRANSFEREE NG 4-A?!" Nagtawanan silang tatlo, medyo napatalon ako sa gulat dahil sa pagsigaw ni Shawn sa mukha ko. Fuck! Ang sakit sa tainga ng ginawa niya! Hindi ako bingi para sigawan niya ng gano'n, at mas lalong hindi ako pipi!

Kahit na-badtrip ako ay sinagot ko ang tanong niya, para na rin manahimik na sila kung 'yon lang ang piniproblema nila. "Y-yeah that's me. W-why?"

Tinignan ako ni Shawn na parang naaasar sa akin. Bakit? Inano ko ba siya? Wala naman akong ginagawa, bumili lang ako ng pagkain ko, iyon lang. Kaya bakit kung titigan niya ako eh, parang gusto niya akong pulbusin?

"So, ikaw pala 'yon?" Paulit-ulit? Siya yata itong bingi at hindi narinig ang sinabi ko. May inabot sa kanya ang lalaki na humila sa braso ko, bottled juice iyon. Muli akong napaatras dahil unti-unting lumalapit sa akin ulit si Shawn. Ano ba ang prolema nito at kanina pa lapit nang lapit sa 'kin? Gusto niya ba 'tong binili ko? Kung iyon lang pala eh 'di ibibigay ko sa kanya ng lubayan na nila ako!

Binuksan niya ang bottled juice habang pinanlilisikan niya ako ng tingin, "may ritual kasi kaming ginagawa sa mga transferee students and unfortunately, you need to experience it too. Kahit 4th year student ka na, no one is exempted in this ritual," then he smirked devilishly.

Dahan niyang inaangat ang kamay niya na may hawak sa bottled juice. Sandali, ibubuhos niya ba sa akin 'yon?! This shit head! Sira ba ang ulo nito at ibubuhos sa akin ang juice niya na walang dahilan? And ritual?! Ano ba ang school na napasukan ko? Kulto? At may pa-ritual pang nalalaman!?

Nasa uluhan ko na ang kamay niya, anomang oras ay maliligo na ako sa juice. Kahit na gusto ko manakbo ay hindi ko magawa dahil napako ang paa ko sa sahig at isa pa... sanay naman na ako na nabubuhusan ng tubig, juice, paint, at kung ano-ano pang types ng liquid. So, what's the point of saving myself from this fucked situation?

I thought, I'll never gonna experience this shit again. I thought this school is different from my previous school. But, it is just my thought...

Napapikit ako ng mariin, inaabangan na may dumaloy na malamig na bagay sa mukha ko. Pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin malagkit ang pakiramdam ko. Naramdaman kong may umagaw ng bottle juice sa kamay ni Shawn dahilan para mapadilat ako. At sa aking pagdilat...

"Hey! What the fuck are you doing?!" Bulyaw ni Shawn sa umagaw ng hawak niyang juice at napatingin ako sa taong 'yon. Natulala ako sa nakita ko dahil siya na naman. Siya ang umagaw ng juice ng salbaheng estudyante at ngayon ay nilalagok na niya ito. Paano niya naagaw 'yon? Samantalang kasing tangkad ko ang Shawn na 'to, at siya? Hanggang dibdib ko lang siya!

Gulat at may pagkahalong inis ang naging expression ni Shawn dahil sa ginawa ni Aerielle, ganoon din ang naging reaction ng dalawa niyang kasama. Tuloy lang sa pag-inom si Aerielle at parang wala siyang pakialam kung pinanlilisikan siya ng tingin ni Shawn.

"Hey, that's mine!" Muling sigaw ni Shawn, tumigil naman sa pag-inom si Aerielle at napanganga ako sa sumunod na nangyari...

"BUUURP!"

Dumighay lang naman siya ng pagkalakas-lakas!

Iyong totoo? Babae ba talaga siya o lalaki? Daig niya pa ako kung dumighay! Dinig nga yata sa buong canteen ang pagdighay niya. Grabe talaga siya! Napakababoy. Hindi man lang mag-excuse bago maglabas ng carbon dioxide.

Lalong na-badtrip si Shawn sa pagdighay niya at nilapitan siya nito. "Hoy! Hindi mo ba 'ko narinig? Sinabing akin 'yang iniinom mo!"

Tinignan lang siya ni Aerielle at tumawa, "ahahaha! Sa 'yo ba 'to? Sorry nauuhaw na kasi ako, eh. Ayoko na pumila sa counter para bumili ng tubig. Ang layo-layo ng counter mula rito, oh! Kaya kinuha ko na lang 'tong iyo hehehe." Turo niya sa counter at nag-peace sign habang humahagikgik. Lalong namula ang mukha ni Shawn sa asar at hinablot ang braso niya.

"Do you think I'm making fun with you?!" Gigil na sabi nito, mukhang nasaktan si Aerielle sa ginawa ni Shawn dahil nakita kong napangiwi siya.

May parte sa akin na gusto ko siyang tulungan pero hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Natatakot ako na baka ako ang mapagbuntungan ng mga siraulong 'to. Pero ako naman dapat talaga ang target nila kung hindi lang nakisali si Aerielle. Bakit nga ba siya sumingit sa gulong sinimulan ng mga lokong 'to?

Imbes na matakot si Aerielle sa ginawa ni Shawn ay nakuha niya pang tumawa at hinila ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Shawn. May dinukot siya sa bulsa ng coat niya at inabot niya iyon sa kamay ni Shawn. "Oh heto, bili ka na lang ulit ng juice mo. Sorry na! Nauuhaw lang kasi talaga ako."

Shawn look at her with disbelief at parang anomang oras ay masasapak niya si Aerielle. "Seriously?!" 

Nangunot ang noo ni Aerielle sa naging reaction ni Shawn. Muli ay may dinukot siya sa bulsa niya at inabot iyon kay Shawn, "bakit kulang ba? Oh heto, dagdag mo r'yan. Bili ka na rin ng pambara mo."

Napaismid si Shawn, hindi niya inaalis ang nanlilisik niyang mata kay Aerielle. Halata sa hitsura ng mukha niya ang pagkapikon. Namilog ang mata ko, balak kong lapitan sila ngunit natigilan ako dahil sa sumisiklab ang galit sa mukha ni Shawn.

Binato niya kay Aerielle ang pera at nagkalat sa sahig ang mga barya at 50 pesos na binigay sa kanya ni Aerielle. "Gusto mo talagang masaktan ha?!" Kinuwelyuhan niya ang kaharap niyang maliit na babae pero hindi man lang ito nagpapakita ng takot, nagawa niya pang ngitian si Shawn.

Dahil sa pagsigaw ni Shawn ay nakuha niya ang atensyon ng lahat ng nandito sa canteen. Lahat sila ay napatingin na sa direksyon namin, at mayroon na rin na lumalapit para makiusyoso.

Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero hindi ko magawa, sinasabi ng utak ko na huwag iwanan si Aerielle dito...

Gusto ko siyang tulungan pero ano ba ang magagawa ng katulad kong talunan? Hindi ko kayang lumaban, hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Paano pa kaya siya? Kahit gusto kong igalaw ang mga paa ko para lapitan siya at hilain paalis sa lugar na ito ay hindi ko kaya.

Susunggaban na siya ng suntok ni Shawn nang awatin siya ng kasama niya. "Bro! Stop it!"

Iritadong nilingon siya ni Shawn, "what?!"

Nilapitan siya nito at binulungan, "tama na bro, hindi mo ba kilala 'yan? Tropa ni Nicolai 'yan! Madadale tayo riyan kapag kinanti mo 'yan!"

Muling binalingan ni Shawn si Aerielle na ang tamis pa rin ng ngiti hanggang ngayon. Mukhang nagdadalawang isip si Shawn kung sasaktan niya ang babaeng hawak-hawak o pakakawalan na lang.

Sa huli ay padabog niyang binitawan ang kwelyo ni Aerielle at binulungan niya ito, "maswerte ka." Nginitian lang siya ni Aerielle ng sobrang tamis at nagbigay iyon ng dagdag asar kay Shawn.

Bago pa tuluyang umalis ang grupo ni Shawn ay pinakatitigan ako nito ng matalim saka ako nilapitan. "We're not finish yet," nilagpasan na nila ako pagkaraan.

"Ba-byeee!" Sigaw ni Aerielle. Muli siyang uminom sa bottle na hawak niya. Napakurap ako nang napatingin siya sa direksyon ko. Naudlot ang pag-inom niya at inalok ako ng juice na iniinom niya, "gusto mo?" Her smile gets wider.

"N-no, t-thank you..." I replied. Sasagot pa sana siya nang biglang may tumawag sa pangalan niya.

"Aerielle! Tara na rito, we're starving!" Sigaw no'ng lalaki na nasa dulong parte ng canteen, may kasama pa siyang dalawa na lalaki at isang babae. Namumukhaan ko 'yong babae, siya iyong tumawag kay Aerielle kahapon sa room.

"Oo, nariyan na!" Sigaw niya pabalik. Tatakbo na siya nang maisipan ko siyang tawagin. Hindi ko alam kung bakit gusto kong tawagin ang pangalan niya, imbes pangalan niya ang nabanggit ko ay iba ang nasabi ko.

"Erie!"

Napahinto siya sa pagtakbo at nilingon ako, "ha? Tawag mo 'ko?" Tanong niya habang nakangiti pa rin. Hindi ako agad nakapagsalita, hindi ko alam kung saan nanggaling ang tinawag ko sa kanya, basta bigla na 'yon lumabas sa bibig ko. Bago ako tuluyang matulala ulit sa maganda niyang mukha ay nagsalita na ako.

"U-uh iyong pera mo, h-hindi mo ba kukunin?"

Sinulyapan niya ang sahig kung saan nakakalat ang pera. She looked at me again and giggles, "hayaan mo 'yan diyan. Mayroon pang mas nangangailangan niyan hehehe," she run towards her friends, at ako... Napako ang paningin ko sa kaniya habang tumatakbo palayo sa akin.

                                          -AndyThoughts-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status