Share

Chapter Forty Eight

XANDRIA

MASAYANG-MASAYA ako dahil finally, nagkaayos na sina Zayn at daddy Alfonso. Napatawad na rin ng asawa ko ang daddy niya. Maging si Tita Barbara ay pareho na namin napatawad kahit hindi pa ito humihingi sa 'min ng tawad. Wala ng lugar sa puso namin ang galit sa mga taong nakasakit at nakagawa ng masama sa 'min dahil punong-puno kami ng pagmamahal para isa't isa. Ang nasa itaas na ang bahala sa kanilang ginawa, basta kami, masaya na kami ng asawa ko.

Si Celine ay nabalitaan ko na lang na umalis ng bansa. Iyon na pala ang huling pagkikita namin no'ng pinuntahan niya ako sa bahay namin. Naaawa ako sa kanya. Siya ang naipit sa sitwasyon ng mga magulang nila noon at siya ang higit na nasaktan. Pero tulad nga ng sinabi sa 'kin ni Amanda, kaming dalawa ni Zayn ang nakatadhana para sa isa't isa. Dahil pwede naman na nagkabalikan si Zayn at Celine noong umalis ako pero hindi nangyari. Zayn waited for me. Doon daw niya narealized kung gaano niya ako kamahal

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status