Napasinghap ako at halos napako na ang paa ko sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang bago naming Chairman- Zayn Montecillo!
Hindi maaari.
Lahat ay nagpalakpakan at marami ang kinilig sa mga kababaihang mga empleyado nang lumapit si Zayn, kasama sina Nicco at Art.
Sinundan ko siya nang tingin ng tumabi ito kay Ms. Nicole. Ang dalawa niyang kaibigan ay umupo na sa VIP table na nakalaan para sa kanila.
He is gorgeous in his suit. Mas lumapad pa yata ang katawan niya
Mabigat ang katawan kong bumangon ngayong araw para pumasok. Magulo pa rin ang isip ko. Parang wala ako sa sarili at nakalutang ang isip ko sa maraming bagay. Kinatok ako ni Nanay sa kwarto namin ni Zayrene. Tulog na tulog pa ang anak ko. Alas sais pa lang ng umaga, alas nuebe ang pasok ko sa opisina. Mga alas otso ay susunduin na ako rito nina Jared. Pero ito ako ngayon, tinatamad at hindi pa rin kumikilos para maghanda na sa pagpasok sa opisina. "Anak?" Tawag sa 'kin ni Nanay habang palapit siya sa higaan namin. Naka-upo lang ako sa gilid ng kama at nag-iisip. Napalingon ako kay Nanay sa pagtabi niya sa akin. "Nay." Hinawakan ni Nanay ang noo ko at leeg. "Wala ka naman sakit. Bakit parang matamlay ka? May problema ba? May masakit ba sa 'yo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay. Umiling ako. "Wala po akong sakit Nay." "Bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba? Hindi ka pa kumikilos para makapaghanda sa pagpasok mo sa
PAGKADATING sa opisina, naabutan ko si Trisha na todo ang pag-aayos. "Good morning, Xandi! Hello, Amanda!" Masiglang bati nito sa 'min. Ngitian ko rin siya. "Good morning, Trish." "Good morning, Trisha. Anong mayro'n, at bakit ayos na ayos ka?" Puna ni Amanda. Pulang-pula ang kanyang labi sa nilagay nitong matingkad na red lipstick. "Syempre, dadating na si Mr. M. Kailangan, maganda tayo. Ikaw nga Xandi, maglagay ka ng lipstick sa mukha. Tingnan mo, ang putla-putla mo. Ang puti mo pa naman tapos ganyan pa ang kulay ng lipstick mo. Paano ka magkakalove life ulit niyan."Kinuha nito ang lipstick niya at basta na lang ako nilagyan sa labi. "Oh, ayan! Nagkakulay na rin. Bagay na bagay sayo!" Napangiwi lang ako sa ginawa niya. Hindi ako sanay sa mga ganitong kulay na lipstick. "Good morning." Isang pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran namin. Hindi ako lumingon. Bigla akong kinabahan pagkarinig sa kan
"HELLO CASSIE?" Sagot ko sa tawag ng kapatid ko. May kung ano akong kabang naramdaman sa pagtawag niya. Kadalasan kasi, ay sa chat lang kami nag-uusap kung hindi naman importante. "Ate! Si Tatay, sinugod sa hospital." Natatarantang sagot ni Cassie sa akin. "Ano!" Kinakabahan kong sambit. "Anong nangyari? Saang hospital?" Magkasunod kong tanong. Inatake daw sa puso si Tatay. Pagkasabi niya kung saan na hospital nila dinala si Tatay, ay agad akong nagpaalam kay Ma'am Nessa para makapag-half day. Wala si Zayn ngayon, nasa kabilang kumpanya niya. Pinayagan agad ako ni Ma'm Nessa. Siya na raw ang magsasabi sa dalawa kong kaibigan na kasalukuyan na nasa meeting. Pakiramdam ko, hindi ako makahinga sa kaba na nararamdaman ko ngayon habang binabagtas ko ang pasilyo ng hospital at hinahanap ang kwarto ni Tatay. Nanginginig ang mga tuhod ko. Please
XANDRIANAGULAT ako sa taong pumigil sa pagsara ng elevator. Si Zayn. My heart skipped a beat. Akala ko ba hindi siya makakapunta ngayon dito? Napalunok ako para pakalmahin ang sarili. Hindi pa rin ako nasasanay sa kanyang presensiya. Kaming dalawa lamang ang laman ng elevator. He glanced at me. Diretso naman ang tingin ko sa harap. Napalunok ako, pretending na wala akong pakialam sa kanya. Ni hindi ko rin siya binati kahit boss ko siya. "Good morning." Tipid niyang bati sa akin. Sa harap na rin ang tuon ng kanyang tingin pero nakadikit ang kanyang katawan sa akin. Malaki pa ang space ng loob ng elevator pero sa akin siya nakasiksik.Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako bumalik ng bati sa kanya. "G-oodmorning Za-. I mean sir." nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga. "Zayn. It's Zayn, Andri. Ilang beses ko bang itatama 'yan sa 'yo?" Madiin niyang wika sa akin kahit hindi niya ako tinapunan ng tingin. I sighed."Hindi tama na tawagin kita sa pangalan mo lang, habang
"ANDRI." Tawag sa akin ni Zayn. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nasa loob kami ng conference room dahil may meeting kami. Inaayos ko pa iyong schedule niya bukas kaya hindi ko namalayan na madami na pala kami sa loob. My lips parted when he handed me a cup of coffee.May nakalagay na wifey ang cup. Hindi naman iyon napansin ng iba dahil sa 'kin nakaharap ang cupmarking. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Jared cleared his throat. Napatingin kami sa kanya sa ginawa niya. Tahimik kasi sa loob ng conference room. Kung pwede lang magtakip ng mukha ay ginawa ko na. Siniko nang pasimple ni Amanda si Jared saka ngumiti sa akin nang apologetic. "T-hank you, sir." Nahihiya kong pagpapasalamat sa kanya. "Hindi ka yata nakatulog kagabi?"Makahulugan niyang tanong sa akin. Napalunok ako nang wala sa oras. Paano ako makakatulog kagabi?&nb
NAGING successful ang operasyon ni Tatay. Mabuti na nga lang din, at lumuwas ang pinsan ko na si Shane kaya natutulungan kami sa pag-aalaga kay Tatay at sa anak ko. Sa amin muna siya pansamantala. Hindi na rin ako nagleave itong week dahil nariyan naman si Shane at Camille. Kailangan din talaga ako itong week dahil transition na ni Zayn sa company. Naging abala kami sa araw-araw naming trabaho. "Yes baby, I love you." Pagba-bye ko sa anak ko sa kabilang linya. "Nasa oras ka ng trabaho, Ms. Alvarez." Agad akong napalingon sa nagsalita. Si Zayn. Kanina pa ba siya nasa likuran ko? Magkasalubong ang kanyang kilay. Galit ba siya? "Hindi ka binabayaran ng kumpanya para makipag-usap lang sa telepono. Get back to your work." He added. Napalunok ako. Napapaiyak ako sa tono ng kanyang boses. Galit siya sa akin. Kung alam lang niya na ang anak namin ang kausap ko sa telepono, hindi gano'n ang magiging tono ng boses niya. "I-m sorry sir."
"ZAYN . . ." Garalgal ang boses kong tawag sa pangalan niya. I can't think of anything to say. I'm not ready for this. "Why Andri? Tell me, what did I do wrong to you?" His voice is pleading. I am hurt by seeing his pleading face.Kahit anong pilit kong takasan si Zayn, maghaharap pa rin talaga kami. Kung kailan ay okay na ako, saka pa siya ulit dumating para guluhin ang buhay ko. "Can we start over again?" Tama ba ang narinig ko? Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko sa narinig ko mula sa kanya. Pinatigas ko ang ekspresyon ng mukha ko. Ayokong magpadala na naman sa sasabihin niya. Narinig ko na ito noon pero niloko niya lang ako.
NAGULAT ako sa biglaang pagsulpot ni Zayn sa labas ng bahay namin. Bakit siya nandito? Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang bumaba siya ng kanyang sasakyan. Nilinga ko ang paligid kung may tao ba. Mabuti na lang at tulog pa si Zayrene dahil napuyat kagabi. Hindi agad iyon nakatulog dahil ang dami niyang tinanong tungkol sa daddy niya. Lalo na ng sinabi kong malapit na silang magkita na dalawa. Palagi pa naman akong hinahatid dito ni Zayrene sa labas o sa pinto ng bahay para magpaalam sa akin kapag papasok na ako. Abot hanggang langit yata ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. "Z-ayn? Bakit ka nandito? Akala ko ba, hindi mo ako mamadaliin." Kinakabahan kong tanong. "Nariyan ba sina Nanay at Tatay? Kumusta na silang dalawa?" Tanong niya rin imbes na sagutin ang t