Share

Chapter 7

        Pudpod na yata ang swelas ng suot niyang Bahamas Flipflops slipper sa kakaparoon - parito niya sa may garden nina Ash. Kanina pa siya pinapapasok sa loob ng kabahayan ni Apollo ngunit panay ang tanggi niya. Nanawa na rin yatang magyaya kaya hindi na umulit si Apollo. Hindi niya kasi talaga maiwasang hindi mag - alala sa dalaga. Dapat nandito na yun kanina pa. Nagtext ito sa kanya na bibili lang ng VCD sa Oddysey Multi Media Store sa isang kilalang department store.

        Natrauma na talaga siya sa nangyari dito a month ago. Kung puwede nga lang kasama niya ito 24 hours a day, ginawa na niya.

        'Damn! Pick up the phone Ash!' Kung bakit naman kanina pa niya ito tinatawagan pero ring lang ng ring ang cellphone. Hindi nakakatulong ang hindi nito pagsagot sa kanyang mga tawag sa kaba at takot na nararamdaman. 

        Pumasok na siya sa kabahayan nina Ashley upang magpaalam na susunduin ang dalaga sa department store.

        "Sige, ikaw ang bahala Zan. Basta ingat sa pagdadrive ha." ang bilin sa kanya ni Tito Jerson habang nakaakbay kay Tita Miles.

        "Sige po." aniyang tumalikod na upang umuwi at kunin ang sariling sasakyan. Pagbukas niya ng gate ay nabungaran niya si Ash na maluwang ang pagkakangiti. 

        'What the..' hindi na niya naituloy ang pagmumura sa isip. Mabilis siyang nag inhale exhale para maging kalmado ang pakiramdam.

        Heto siya't alalang alala tapos ngayon bubungad sa kanya ang dahilan ng kanyang pag - aalala na parang wala lang. Maluwang pa ang pagkakangiti sa kanya. 

        "Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Alam mo bang paalis na ako para hanapin ka?" sunud - sunod na tanong niya.

        Biglang naningkit ang mata ng dalaga at itinaas ang dalawang kamay. "Hep hep hep! Isa - isa lang please. Mahina ang kalaban."

        Napasabunot siya sa kanyang buhok bago pinameywangan ang dalaga.

        "Una, nagkita lang naman kami ni Hugh kaya nagtagal ako. After he gave me this VCD ay kumain na rin kami. I consider it as my First Date Ever!"

        Nanlalaki ang mata niya sa sinabi nito. Agad niyang hinipo ang noo nito at baka nilalagnat na naman . Baka nabinat na.

        Napatawa naman sa kanya si Ashley "You're thinking I'm nuts. Hell no. Ayos na ayos po ako."

         "Magsabi ka nga Ash.. naka drugs ka ba?"

        Lalo namang lumakas ang pagtawa nito. "I'm telling the truth Zan! As for your call sorry nakasilent mode kasi kanina ang cp."

        "Next time wag mo nang gagawin ulit yan ha at talagang mamamatay yata ako sa nerbiyos sa'yo." aniyang umakbay na sa dalaga papasok sa kabahayan. 

     

********************************    

        

        Naguilty naman siya sa pagpapa alala sa kaibigan at mga magulang. Mabuti na lang tinanggap nila ang paghingi niya ng sorry. Si Apollo naman ay parang wala lang na tumingin sa kanya. Yeah great! She has an invisible twin brother.     

         Pagkakain kasama sina Zan at ang buong pamilya ay nagpaalam na rin siya na magpapahinga na. Kaagad na ring umuwi si Zan sa kabilang bahay. Makatapos makapag half bath ay excited na niyang isinalang ang VCD sa player. 

        'OMG. Ang guwapo talaga ni Hugh. Ang ganda at lamig ng boses.'

        Humiga na siya sa kama niya habang nakatingin sa LED TV Screen. Hindi niya maalis ang mata sa pagkakatitig sa maamo at guwapong mukha ni Hugh. Mula sa itim na itim na mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi at namumulang pisngi. Nahiya naman siya sa kutis nito. 

        Maya - maya'y umilaw ang cellphone niya. May isang unregistered number na nagmessage. Nakakunot ang noong binuksan niya ang mensahe.

        'I had a great time. See you when I see. Sweet dreams.' - Michael Hugh

        Naalala niyang kinuha nga pala sa kanya ng binata ang cellphone number niya. Impit na napatili siya habang nagpapapadyak ang paa sa kama niya. 

        'Yes! Yes! Yes! Ang saya lang.'

        'This must be love!'

***************************

            

            Hugh couldn't help but smile. He had a very wonderful experience today. Akalain ba niyang magtatagpo silang muli ng babaeng laman ng kanyang isip ilang buwan na ang nakakaraan. Naging busy lang siya masyado kaya minsan minsan na lang sumagi sa isip ang dalaga.

        Now he knew more about her. Hera Ashley. He was able to get her cellphone number. At least may means of communication na siya sa dalaga. Ewan ba niya kung bakit unang pagkikita pa lamang nila ng dalaga hindi na ito nawala sa isip niya.

        Blessing in disguise na rin siguro na umuwi siya at nag stay muna dito sa Batangas. Pauwi na rin sana siya sa condo niya sa Manila ngunit nang mapadaan sa department store ay naisip niyang pumunta sa Oddysey Multi - media store. Titignan niya ang sales ng kanyang latest album. Agad iyang isinuot ang kanyang hoodie jacket at shades upang hindi siya makilala ng kanyang mga fans. Mahirap na mag cause pa siya ng gulo.

        Saktong pagpasok niya ay pumapailanlang sa tindahan ang kanyang awit. Nang tignan niya ang rack ay dadalawa na lamang VCD niya ang naroroon. Nang damputin ng nasa unahan niya babae ang VCD ay napalapit siya rito kaya't pagpihit nito pagpunta sa counter ay bahagya silang nagkabungguan ng dalaga na nasa harapan niya. Nabitawan nito at lumaglag sa sahig ang VCD ng latest album niya.

        Muntik na rin itong matumba sa impact ng pagkakabangganga kung hindi lang niya mabilis na nahagip ng mga bisig ang katawan nito. Ipinulupot niya ang bisig sa katawan nito bago pa ito tuluyang matumba sa sahig. Laking gulat niya nang mabilis nitong  naikapit ang kamay sa leeg niya

        Nang makahuma sila pareho ay umayos na ito ng tayo at inalis ang mga kamay sa leeg niya. 

       Napatitig siya sa maamo at magandang mukha. Napatawa siya nang manlaki ang mga mata at bahagyang nakaawang ang bibig nito. Maging siya ay nasorpresa nang mabistahan ang kaharap. Ito lang naman ang babaeng ilang buwan nang laman ng kanyang isip.

        "Ashley right?" maang na tanong niya.

        Napakurap ito sa sinabi niya. Mas lalo lang itong gumanda sa paningin niya. 

        Impit na napatili ito kaya agad din niyang tinakpan ang bibig nito bago nagpalinga linga sa paligid. Delikadong makita siya ng mga tao sa paligid. Masyadong maraming reporters at paparazzi ang gustong maka scoop ng balita.

        Nang makalampas sa kanila ang isang grupo ng mga kabataan ay agad niyangng nilimot ang VCD na nabitawan nito kanina. Naamuse na tumingin siya sa dalaga. "You want to buy this?" 

Tumango - tango naman ito. Maingat na isinauli niya ang VCD sa rack doon. May naisip siyang ideya upang magtagal pa silang magkasama. Hindi niya hahayaang makaalis agad ito nang hindi pa niya nalalaman ang mga contact numbers nito at F*, Tweeter o I*******m accounts nito.

        "Then come with me." aniyang hinila na ang mga kamay nito. 

       Nang maibigay ang VCD ay niyaya pa niya ito sa isang resto sa loob din ng nasabing store. 

        Wala na siyang nagawa nang mag paalam na ang dalaga matapos nilang kumain, Anito ay nag hihintay ang mga magulang at kapatid nito. 

        Mabilis siyang nagtype ng mensahe para sa dalaga. 

        'I had a great time. See you when I see. Sweet dreams.' - Michael Hugh

        Hinintay niyang umilaw ang cellphone at  magvibrate tanda na may mensahe ang dalaga. Hindi nagtagal ay umilaw na nga at nagvibrate ang cellphone.

        'Thanks for a wonderful experience. Same to you.' - Ash

        Awtomatikong napangiti siya pagkabasa ng mensahe ng dalaga.

***************         

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status