Share

The Photo Collector
The Photo Collector
Author: Hercule Exposito

Chapter 1: The Traumatic Past

Cylvia’s POV:

“Dan-dan-soy bayaan ta ikaw

Mapuli ako sa payaw

Ugaling kung ikaw hidlawun

Ang payaw imo gid lantawun.”

Memories kept on flashing in my mind over and over as the song automatically played, giving chills to my entire body and causing my tears to rain down directly on my cheeks. It’s been a year. It’s been a year since my most beloved and cherished person who promised not to leave me alone broke her promise. It’s been a year of carrying heavy emotions on my shoulders. It’s been a year of living alone. At this exact day, at this exact moment, my Mom perished. 

Pumanaw siya na hindi man lang nakita ang kaisa-isahang anak niya sa huling saglit. Pumanaw siya na hindi man lang nahawakan ang mga kamay ko. Pumanaw siya na hindi man lang natanggap ang patawad na walang pagdadalawang-isip na ipinagkait ko.

Isa akong anghel na minsan niya nang tinuring. Isaang hiwaga na kailanma’y hindi niya ginustong matuklasan. Isang kayamanan na habang-buhay niyang ipagyayabang. Mahal na mahal niya ako. Ramdam ko ‘yon. Isa akong diyamanteng mamahalin, na akala ko’y mas tatatag kapag nilipasan ng panahon. Pero matapos ang ginawa niya, bumalik ako sa pagiging isang ordinaryong bato. Nadudurog habang tumatagal. Nawawalan ng halaga. 

At iyon ay dahil ay dahil rin mismo sa kaniya. 

Nakagawa siya ng isang kasalanang naging sanhi upang kamuhian ko siya. Sa pakiwari ko’y hindi ito gaano ka laking bagay sa iba, subalit sinasabi ko, masakit ang umasa sa mga pangakong akala mo’y matutupad.

Nangako siyang bubuhayin namin ang bawat isa kahit kami lang dalawa. Kahit wala na si Dad. I could still remember back then when they decided to divorce after Mom found out that her husband had another family. At first, I thought Mom would be okay to raise me alone. I thought she won’t beg for Dad’s attention since it was her decision to break up with him in the first place. But then she realized we won’t make it without Dad. He was the one who supported our financial needs, that’s why without him, we surely found it difficult to live. So she kept on following dad, asked for his apology and begged him to stay. But Dad refused. My Mom failed. 

At matapos ‘yon, nagkanda-leche-leche na ang buhay ni Mom. Palagi na siyang umiinom ng alak tuwing gabi. Simula noong araw na iyon ay nag-yosi na rin siya. I couldn’t help myself but just cry and cry until I could no longer take my emotions. Wala akong ibang nagawa kung hindi magalit na lang.

May mga pagkakataong sa kapit-bahay na lang ako nakiki-kain dahil tamad na siyang maghanda ng aming pagkain. Kaya magmula noong araw na iyon, kinalimutan kong may ina ako.

But there was a time when I woke up the day with my Mom ironing my school uniform. Nanibago ako bigla. Tila humupa ang galit ko sa kaniya. Pero nang makita ko ang ilalim ng kaniyang mga mata na nangingitim, ang kaniyang mga buhok na gulong-gulo, napagtanto kong gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot. Kaya kinuha ko na lang ang aking uniporme, sinuot ito at saka umalis. Wala akong baong nakuha mula sa kaniya; tanging bibilanging salita na hindi ko binigyang halaga. 

“I love you, Cylvia. Pagpasensiyahan mo na ang Mommy. Hindi na mauulit.”

I didn’t really minded those words because I was thinking na side effects lang iyon ng drogang hinithit niya. Kaya pumasok ako ng paaralan nang walang gana.

Natapos ko ang buong araw nawala man lang salitang binigkas. Maging ang mga kaklase ko ay nabahala. 

Napagpasyahan kong dumaan muna sa bahay ni Ashley at saka doon maghapunan. At matapos ang isang oras na pagtambay at pagkain doon ay saka lang ako umuwi. 

Mag-aalas-otso noon nang makarating ako sa aming baranggay. Nasa bahay ako nina Tita Helen, apat na bahay ang layo mula sa amin, nang matanaw kong walang ilaw sa aming tahanan. Agad sumagi sa isip ko na baka naputulan lang kami, kaya mas lalo pang nag-alboroto ang galit ko kay mom. 

Ngunit sa pagtapak ko pa lang sa pinto, nakita ko na agad ang katawan ni Mom na nakasabit sa kisame.Walang malay. Tanging isang sulat lamang na nakadikit sa silyang nakatumba ang aking nahagilap. 

“Sabi ko na sa’yo nak eh, hindi na mauulit.”

Humagulgol ako nang humagulgol. Tila ba ang madilim na paligid ay mas lalo pang dumilim noong ako ay nagsimula nang umiyak. 

Wala na si Mom. Nawala siya nang hindi man lang nakuha ang patawad na matagal na niyang hinihingi. Labis labis ang aking paghihinayang noong mga oras na iyon.

Pinangatawanan niya nga ang mga salitang kaniyang sinabi na hindi na ‘daw mauulit. Tinotoo niya. Hindi na nga niya inulit.

“Dan-dan-soy bayaan ta ikaw

Mapuli ako sa payaw...” 

The song played in my head once more. But this time, it was interrupted. 

I felt somebody tap my right shoulder. It was Samantha. 

Agad kong pinunasan ang namamaga kong mga mata at nagkunwaring hindi ako umiiyak. But it had no use. 

“Hindi kita tatanungin kung okay ka sapagkat alam kong hindi,” mahinahon nitong pahayag sabay upo sa aking tabi. Masyadong tahimik ang paligid, na dinig ko pa ang pagpintig ng puso niya maging ang pagdampi sa aking balat ng hanging binuga niya. 

Kahit kakapunas ko pa lang ng aking mga luha, muling nagsi-unahan sa paghulog ang mga ito. Hindi ko napigilang mapasandig sa braso ni Samantha. 

Isang haplos sa pisngi ang aking natanggap. Isang haplos na nagmumula sa malambot na palad ng kaibigang hindi ko inaasahang pupuna sa mga butas na dulot ng paghihinagpis ng aking nakaraan. 

Kahit papaano ay naramdaman kong hindi pa pala ako nag-iisa. 

Umalingawngaw sa study area kung saan kami umuupo ang isang payo ng kaibigan. Mga salitang humilom sa galit, hinanakit, pagkasuklam, at lungkot na kanina pa umaalila sa aking katawan. 

“Palaging nasa huli ang pagsisisi, Cylvia. Alam kong hanggang ngayo’y patuloy pa ring bumabagabag sa iyong isipan ang mga pangyayari isang taon na ang nakaraan. Ngunit wala na tayong magagawa doon. Kahit gustuhin man nating bumalik muli, sadyang tapos na talaga ‘yon. Ang tanging magagawa na lang natin ay tanggapin ang katotohanan. Oo, alam kong mahirap. But time heals everything. Don’t let your past ruin your future and change who you are. Take it as a motivation. As an inspiration. And trust me, if you do, your Mom will be very proud of you,” she said while painting a smile on her face. The curve on her lips reminded me that I’m done with my past. That I had to move on for it was already been a year, and just continue to live with or without the guidance of my Mom.

I just smiled back at Samantha. Of course, tears were still streaming on my eyes, but I no longer called them tears of sorrow. They were now tears of happiness. 

Niyakap ako ni Samantha nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit hanggang sa maramdaman kong may mga natitira pa palang taong nagmamahal sa akin. Sa sobrang sikip nito’y masisigurado kong hindi na ako masasaktan pa. Hindi na ako maiiwan pa. 

Right after that almost six seconds of hugging, Ms. Dolor requested Cylvia to find our new principal. Cylvia had left with no choice but to obey. She then excused herself and left me to where I was sitting. I had no problems with that. The smile was still stickered on my face as Cylvia slowly disappeared in my horizon. 

At this point, I’m maybe alone again. But at least, now smiling. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status