Share

Chapter 4: Doubt and Curiosity

Vhynz’s POV:

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad patungong school clinic. Kasama ko sina Andrei, Janvic, Geodie, Jermaine, Rabiya, at Yuri. Wala kaming motibo kung bakit nahimatay si Samantha. I thought it was just an over fatigue. Palagi kasi talaga siyang nahihimatay sa tuwing nagkulang sa kain at nasobrahan sa pagod. Palagi siyang pinagsasabihan nila Mom at Dad na uminom ng kaniyang gamot, pero minsan ay nakakaligtaan niya ito nang hindi sinasadya. Kaya ang mga senaryong ito, hindi na ito bago pa kay Samantha. 

Takang-taka kami ngayon kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante pati na rin ang mga guro. Lahat sila ay mukhang patungo sa likod—sa mini forest,  kung hindi ako nagkakamali.

“Eh? What’s happening?" Nagtatakang tanong ni Yuri. May mga linyang nakaguhit  sa kaniyang noo nang magsalubong ang kaniyang mga kilay sa gitna. 


“Is there any activities today? Like fire drills, earthquake drills, or something like that?” karagdagang tanong ni Rabiya.


“Di ka ba nag-iisip, Rabiya? Sino ba namang matinong tao ang pupuntang mini forest kapag may lindol? Geez, you’re getting into my nerves!” Pagtataray naman ni Jermaine. 

“By the way, Vhynz, bakit nga pala tayo papunta ng clinic?” tanong ni Andrei na huli ko lang naintindihan dahil sa siopao na nginunguya niya. 

“Oh, I forgot to explain,” singhal ko sabay kamot sa ulo. 

“Yes, inanyaya mo lang kaming sumama without even telling us why,” sambit ni Geodie sabay rolling eyes.

“Sabi sa akin ni Ma’am Krizel, nag-uusap daw sina sir Tan at ate habang nagmi-meeting. Hingal na hingal si Samantha na nagku-kwento kay sir. Tapos bigla na lang daw nahimatay.”

“Oh, bakit daw?”

“Wait. Why? What happened?”

“Kaya pala di siya nakabalik agad?”

Sabay-sabay silang napabitaw ng kanilang mga katanungan.

“Hindi ko nga rin alam kung bakit. That’s why we are here to find out what really happened.” Mahinahon kong paliwanag.

Nakarating na kami ng schoool clinic at nadatnan namin doon si Samantha na nakaupo sa kama at may hawak na isang baso ng tubig.

“Uhm, okay? So, mukhang ayos naman siya. Nakakahinga pa naman,” hirit ni Jermaine.

“You know what, Jermaine, hindi ka nakakatuwa,” sabi ni Samantha sa mahinang boses.

“So, bakit ka nga pala nahimatay?” direktahang tanong ni Andrei na siyang sinundan naman ni Rabiya. 

“Oo nga, ano ba talagang nangyari?”

“Mahabang istorya. Lumapit kayo dito.” At agad naman kaming nagtumpukan sa kama na kinauupuan ni Samantha. 

“Kanina diba nautusan akong hanapin ang principal?”

“Ahh, kaya pala hindi ka namin mahagilap kanina.

“Oo, wala akong kaalam-alam kung saan ko hahanapin si ma’am. Kaya nilibot ko ang buong University. Until I reached the old two-storey building sa likod,” paunang paliwanag ni Samantha. 

“Ano namang gagawin ng principal don?” tanong ko naman kay kapatid.

“Just shut up and listen, okay?” naririnding saway ni Geodie. 

“Noong una, ganyan rin ang inisip ko.”

“Eh naisipan mo rin pala, bakit ka pa tumuloy?” nakakunot-noong tanong ni Andrei na hanggang ngayo’y hindi pa rin nauubos ang pagkaing mag-iisang oras na niyang hinahawakan. 

“Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay naglilibot si ma’am principal noong mga oras na ‘yon ayon kay ma’am Dolores. Kaya pinahanap niya sa akin.”

“Ah ganun ba? Oh tapos anong nangyari?” naiwang nakanganga si Jermaine.

“Dumiretso na lang ako ng old building. Nagbabakasakaling doon ko siya makikita. It took me a while there, hanggang sa makasalubong ko si Keiciara na parang nagmula pa sa mini forest.” 

“And what the heck did that nerd doing there?” muling tanong ni Rabiya. 

“Hindi ko alam. Pero doon daw kasi yung paborito niyang tambayan tuwing vacant period eh.

“Ah. Kaya naman pala,” sabay-sabay naming tugon.

Natahimik kami ng mga ilang segundo upang hayaang maka-inom ng tubig si Samantha. Ngunit bigla itong nabilaukan nang biglang sumigaw si Geodie. 

“What the heck? Bakit may dugo yang skirt mo?!” Geodie screamed in shock. Napapisik kaming lahat dahil sa lakas ng kaniyang pagtili. 

“Ah eto ba?” tinuro ni Samantha ang bahagi ng kanyang palda na namantsahan ng dugo. 

“Yes. ‘Yan nga. Saan mo nakuha yan?” 

“Pinasok ko yung building. It was so dark there, that even a glimpse of light is nowhere to be found. I tried to contact you guys, but you were all out of reach. Kaya ang naging choice ko na lang ay gumapang papuntang dingding na may bintanang sarado. Baka kasi sa pagbukas ko, ay maiilawan na ang silid. Habang gumagapang ako ay may nakapkap akong isang malambot na bagay at basa. That’s how I got these stains.”

Nalaglag ang aming mga panga sa mga narinig. Nagtayuan ang aking balahibo habang pinakikinggan lang si ate. 

“Ano naman yung bagay na yon?” Yuri asked.

 

“A dead body. Our principal’s flesh bathing in her own blood,” pabulong na sagot ni ate habang iniwas ang mga mata sa amin. 

“Ha? At paano naman napadpad doon ang bangkay ni ma’am?” Andrei asked, again. 

“I don’t know. Basta ang alam ko lang, agad akong tumakbo palabas at hindi na lumingon pa. I reported everything to Mr. Tan. And I think, the police and the school is now investigating the incident.”

“ So it was a murder?”

“Yes, I think. May isang butcher knife malapit sa bangkay ni ma’am. Siguro iyon ang ginamit upang tagain at patayin siya,” ani Samantha sabay suot ng kanyang mga medyas at saka sapatos. “Tara. Punta tayo doon,” anyaya pa niya.

Travis’ POV:

Nasa building F ako nang makita kong dumaan sina Samantha sa aking harapan. Hindi nila ako napansin dahil sa hood na nakatakip sa aking mukha. 

Nagtaka ako kung saan sila pupunta. Sa katotohanan ay hindi lang naman sila ang dumaan. Halos kabuuan ata ng populasyon ng paaralang ito ay nagmamadaling pumunta sa parehong direksiyon. Kaya nagambala ako. 

Inimpake ko ang aking nakakalat na mga kwaderno sa bleachers at saka isiniksik ang mga ito sa aking bag. 

Tumayo ako na rin ako at nagsimulang maglakad nang paika-ika dahil sa hindi maayos na pagkakasuot ng sapatos. 

Nakaka-intriga ang pagkarambola ng mga tao. Kailangan kong maki-osyoso kung ano na ang nangyayari. Sa mga puntong ito kasi, ako na lang yata ang hindi pa uma-aksiyon. At ang ams nakakapagtaka pa, sa lahat ng mga estudyante dito sa loob ng malaking eskwelahang ito, ako na lang ang hindi natataranta. Ako na lang ang hindi tumatakbo. Ako na lang ang walang pakialam. 

Kaya upang masidlan rin ng kahit katiting na impormasyon 'tong kokote ko, pawalang-bahala akong sumunod sa karamihan na pumunta sa lumang gusali sa likod. Sa daan, may mga takaw na impormasyon akong narinig mula sa mga nagsisitakbuhan. 

Nakarating na nga  ako sa  old two-storey building. Bakas sa mukha ng karamihan ang lungkot at paghihinagpis. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa sabik akong malaman kung ano ang kadahilanan, nakipagsiksikan ako sa nakatumpok na mga estudyante na nag-uusap at pinakinggan ko sila ng palihim. 

“Pre, bakit kaya sa tingin mo ginawa sa kanya to? Eh sa pagkakaalam ko kasi, mabait naman itong si Ma’am," bulong ng isang lalaki sa kaniyang kasama matapos niyang sikuhin ito. 

“Siguro sa tingin ko ay mayroong hindi gusto ang pamamalakad ng principal sa paaralan kaya pinatay ito. Kawawa nga, halatang hindi talaga siya pinagbigyan," buntong-hininga naman ng isa. 

Nalito ako sa pinag-uusapan ng dalawang estudyanteng nakaharang sa harap ko. Ngunit kahit papaano ay alam ko na kung bakit maraming tao ang pumunta dito. 

Wala na pala yung principal. Patay na siya. 

Pumagilid muna ako at tumungo ng kakahuyang parte upang umihi dahil kanina pa ako nagpipigil nito. Ngunit bago ko pa man din mabuksan ang zipper ng aking pantalon ay nakita ko na naman sina Andrei na papasok sa pintuan ng likurang bahagi ng building. 

Dahil sa hindi matawarang pagtataka, hindi ko na lang itinuloy ang aking pag-iihi at naglakad na lang din papasok ng pinto upang sundan at kutuban sila. Hinintay ko muna sila na tuluyan nang makapasok sa loob bago ako sumunod upang sundan sila. 

Gayong ganito na ang nangyayari, ano naman kaya ang gagawin nila ito sa loob?

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status