Share

Chapter 5: The Uniform

Sobrang takang-taka ako kung bakit sila pumasok dito gayong nalinis na rin naman ‘yong crime scene. Ano pang gagawin nila dito? Are they looking for evidences? Or are they getting rid of them? 

Bunsod ng labis na pagtatak at labis na pagkasabik na malaman ang kadahilanan kung bakit sila naririto, napilitan akong sumunod sa likod nila. Pinauna ko lang sila nang kaunti upang hindi nila ako maramdaman, habang sa parehong pagkakataon ay naghahanap na rin ng ligtas na lugar na pwedeng pagtaguan. Pumasok ako sa ilalim ng hagdanan sa pagitan ng first floor at second floor ng old building para masiguradong walang makakakita sa akin.

Medyo madilim at maalikabok dito pero okay na rin. Kahit papaano ay malapit-lapit sa kanila nang kaunti kaya masasabi kong maririnig ko ang mga pag-uusapan nila nang hindi nila ako nakikita.

 Malamok sa loob ng limitadong silid na pinagtataguan ko. May parang teacher’s table na luma na; kung ako ang magkikilatis ay mukhang ilang dekada na itong hindi nagagamit. Halatang-halata na marupok na ito at inaanay na rin. Meron itong tatlong drawers, at sa mismong ibabaw ng mesa ay may nakapatong na isang yearbook na balot na balot ng makakapal na alikabok. Agad kong kinuha ang cellphone ko at inilawan ang yearbook upang matingnan.

“Alejandro University yearbook 1976-1977,” said the front cover. 

I flipped the pages one after the other, scrutinising every bit of pictures presented inside. It was nothing but boring and boring things only. The images were in black and white, making it hard for me to see what was in the pictures clearly. 

When I turned the year book to its sixth page, nakita ko ang isang grupo ng mga estudyante na nakasuot ng parehong uniform na sinusuot namin ngayon. And it made me assume that they were the students from the star section way back to their time. 

Tinuloy ko pa ang pagmatyag sa mga sumusunod na pahina at nadiskubre kong ito pala ang taon kung kailan unang itinayo ang Alejandro University. The next pages contained documentations of the lower sections. Looking at them made me wonder why are we not wearing the same uniforms as them. Ang sa amin kasi, mas maganda; may disenyo ng asul at puting mga linya sa palda at kwelyo’t manggas ng blusa kaya masasabing mas magara at presentable ito tingnan. Ang sa mga lower section naman, sobrang simple. Walang dise-disenyo. Tanging asul na palda lang at puting blusa, wala nang iba, sapat lang upang matawag na uniporme. 

Nang medyo narindihan sa natuklasan, itiniklop ko na lang ang magasin at saka ibinalik ito sa taas ng mesa. Siyempre, naging maingat ako sa aking mga ikinikilos dahil isang maling galaw lang ay maaari akong lumikha ng tunog na siyang magpapahamak lang sa akin. 

As I placed the yearbook on top of the table, I noticed that one of the three drawers, specifically the last one, was remained open. Kaya binigyang pansin ko ito. Inilawan ko ito upang makita nang maayos kung ano ang nilalaman. 

May mga nagpapatong-patong na mga dokumento na sa hinala ko ay mga bio-data at cards ng mga mag-aaral. Hindi ko na ito inisa-isa dahil masyadong madami. But then, sa pinakalikod ng mga folders ay may nakasukok na isang uniporme. By the time I attempted to touch it, I knew right away that something was off. That something wasn’t right. 

Inilabas ko ito sa drawer at itinutok sa ilaw ng cellphone upang makita ng mas malinaw. At first, it was nothing but a normal uniform. But when I spread it on the table, something bone-chilling flaunted before my eyes. 

The uniform was stained with blood. It wasn’t just a blood. It was a fresh blood. 

Geodie’s POV:

Nandito kami ngayon sa first floor kung saan mismong pinatay si Ma’am principal. Tanging ang butcher knife lang talaga ang nakita naming clue at wala ng iba. Napagkasunduan namin na akyatin ang second floor baka sakaling may mahanap pa kaming impormasyon. 

Nasa unahan si Vhynz dahil siya ang hindi nakakaramdam ng takot. Nakasunod sa kaniyang likuran ang kaniyang kakambal, at si Jermaine na may hawak na flashlight. Ako ang nasa gitna. Sa aking likuran ay sina Rabiya, Yuri at Andrei na nagtutulakan kung sino ang magpapahuli. Tatlo silang matatakutin sa dilim kaya hindi ko masisisi kung bakit sila nagkakaganyan. 

Wala sa amin ang nagsasalita maliban sa tatlong parang mga bubuyog na nagbubulungan. Sa bawat hakbang na aming nililikha, mas tumitindi ang takot na aking nararamdaman. Gayunpaman, ginawa ko ang aking lahat na makakaya para maitago ito sa kanila. 

Tuloy ang kanilang kulitan hanggang sa masagi ni Andrei ang aking likod. Sa sobrang sakit, muntik ko nang mabatukan silang tatlo. Mabuti na lang at sa haba ng pasensiya ko, napigilan kong gumalaw ang aking mga kamay. 

“Aray! Tumigil nga kayo! Tutulak ko kayong tatlo mamaya!” pagtitimpi ko matapos makaramdam ng sakit sa aking likuran. Mga ‘to talaga, parang mga bata. 

“Si Rabiya kasi eh,” ani Andrei. Akalain mo nga naman, kung sino pa ang pinakamalaki, siya pa ang pinakamatatakutin. 

“Oh bakit ako? Si Yuri ang sisihin mo!” pagtatanggi naman ni Rabiya. Sa sobrang nipis ng kaniyang boses, magdadalawang isip ka na lang talaga kung tao ba siya talaga o dwende. 

“Anong ako? Ikaw kaya itong panay tulak sa akin,” balik ni Yuri. 

Sa wari ko’y hindi matatapos ang sabatan ng mga ito hangga’t salang masasaktan sa kanila. 

 Katulad ng inaasahan ko, nagtarayan na naman ang dalawa at lumikha ng nakakairitang ingay. Napakamot na lang ako ng aking ulo. “Ewan ko sa inyo.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad ngunit natigil din nang makarinig ng isang tinig mula sa ilalim ng hagdan. 

“Look what I found!” sigaw ng isang nanglalamig subalit pamilyar na boses. Ang tipo ng boses na sa tingin ko’y naririnig ko araw-araw. 

Nagtitigan kami saglit ng aking mga kasama bago tingnan kung sino ang nagsalita. 

Napaharap sa amin si Samantha at saka nagbitiw ng mga tinaga. “Oh my gosh. Did someone just said something?” aniya, medyo may panginginig sa timbre ng kaniyang boses. 

Aaminin ko. Kahit ako’y kinabahan din. Ngunit nang makita kong napapikit sa takot ang tatlong nilalang sa aking likuran, wala akong naging ibang choice kundi tingnan kung sino ang nagsalita.“

Travis?” sigaw ko. “Anong ginagawa mo dito?” Tama nga ang hinala ko. Ang bosed ay nanggaling sa boses na naririnig ko araw. Ang boses ay galing kay Travis, kaklase ko. 

“Alam kong kanina pa kayo naghahanap ng ebidensiya kung sino ang suspect. Ito, maaaring makatulong ito sa inyo,” pagpapaliwanag nito. Inihagis niya ang telang kaniyang hawak na siyang sinalo ko naman.

“Ano to?”

“Geodie! Mukhang uniform ata iyan,” nagulat ako sa biglang nagsalita na si Jermaine. Nandito na pala siya sa tabi ko.

Nagsibabaan kaming lahat at bumalik sa first floor upang tingnan nang maigi ang nakita ni Travis. 

“Kanino yan? Patingin nga?” kinuha bigla ni Vhynz ang uniform na hinahawakan ko. “Hala!” napasigaw ito at nabitawan niya yung uniform. 

“Bakit? Anong meron?” nag-aalalang sambit ni Jermaine na akmang pupulot na sana sa sahig.

 

“May dugo!” sigaw ulit ni Vhynz habang pinigilan ang kamay ni Jermaine. 

“T—teka lang. I—ibig sabihin ba nito—” akmang magsasalita na sana ako pero bigla-bigla na lang sumingit si Travis kaya naputol bigla ang nais kong sabihin. 

“Estudyante ang pumatay kay Maam.” 

At tuluyang binalot ng katahimikan ang buong paligid. Bakas ang takot sa mga mukha naming lahat. Napapawisan, nanginginig, at parang napako sa mga kinatatayuan. 

Magdadapit hapon na at kailangan na naming umuwi. Kaya lumabas kami sa lumang building nang may biglang napansin si Samantha na siyang may hawak ng duguang uniform. 

“Guys, may nakita akong nakalukot na papel sa bulsa ng uniform. Pakibasa nga muna?” wika nito habang inaayos ang medyas niyang hindi pantay. 

“Ako na nga, baka scratch paper lang naman iyan,” agad namang kinuha ni Jermaine ang papel sa bulsa ng uniform at saka sinubukang basahin ito. 

Tuloy ang paglalakad namin nang biglang napahinto si Jermaine. Parang bigla siyang namutla. Ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay napalitan ng pangamba. Unti-unting naluluha ang mga mata at hindi makapag-salita.

 

“Jermaine, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Yuri. 

Nagsimulang nanginig si Jermaine at hindi pa rin siya nakabanggit ng kahit isang tinaga. Biglang bumilis ang tibok ng puso naming lahat. Agad namin siyang nilapitan at kinuha ang hinahawakan niyang papel. Sa kaniyang mukha, parang nagsisisi siya na binuksan niya ito. Na binasa niya ito.

Naramdaman ko ang naramdaman niya matapos kong mabasa ang nakasulat sa papel. 

Ang nakasulat, “Nice meeting you, friends. I am hell.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status