Share

Chapter 6: The Unexpected Farewell

Rabiya’s POV:

Parang hagibis ng hanging habagat ang mabilis na pagdaan ng Sabado at Linggo. Parang bente segundos lang ang lumipas at ngayon ay Lunes na naman. Sariwang-sariwa pa sa aking isipan kung paano kami tinakot ng grabe. Kung paano kami pinagpawisan ng grabe. Kung paano kami nanginig ng grabe. Parang sintimyas ng bukang liwayway kung pababalikin pa namin ang mga alaalang iyon. Ang hirap, mga bangungot na hindi na pwedeng takasan, mga sigwa na hindi na pwedeng pagtaguan. Sobrang hirap, pero sigurado akong bukod pa doon ay may mas hihirap pa.

“Rabiya! Wala ka bang balak pumasok? Lunes na Lunes ngayon ah?” nakaramdam ako ng isang malakas na yugyog na siyang bumasag sa aking mahimbing na pagkakaidlip. Teka, Lunes na pala? “Bumangon ka na diyan. Wala ka talagang plano sa buhay mo no?” dagdag pa ni Mama na mas maingay pa sa mga manok ni papa, at sa busina ng mga sasakyan na nagsisidaanan sa labas.

While taking a quick look at the clock hanging just above the door, I cast a powerful yawn that surely shooed away the sleepiness within me.

And just like that, I left no other choice but to do what Mama said. Without letting the clock’s thinnest sword ran a full rotation, I began doing my daily routine. I woke up off the bed, took a fifteen-minute bath, wore my newly ironed uniform, ate my breakfast, and finally brushed my teeth. It didn’t make me less of a lazy daughter, but I totally and absentmindedly forgotten to give Mama a kiss. Surely, it’s going to be another issue when I get home.

I had my twenty-minute ride to reach the school. Normally, I had to wait for more than ten minutes for a tricycle, but because today’s market day, hindi ako masyadong nahirapan sa pagsakay. At dahil ang driver ng tricycle na sinasakyan ko ay wagas mag-drive at parang may siyam na buhay, nakarating ako ng Hamlet Creek University within fifteen minutes. Sa pagbaba ko ng tricycle, agad kong nakita ang isang pamilyar na pulang SUV kaya agad akong lumapit dito. I knew in the very first place na si Jermaine ang sakay.

“As usual, we’re late again,” bungad niya sabay sirado ng pintuan ng sasakyan.

“Yeah. Monday really sucks,” pagsang-ayon ko.

We continued walking, brushing past the students that were on our way at nagpatuloy sa pila sa gate.

“Here we go again. Papagalitan na naman tayo nito,” singhal ni Jermaine sabay dugtong sa pagkahaba-habang pila sa gate.

“Lunes ngayon. Malamang maiintindihan ni ma’am kung bakit tayo late,” kalmado kong paliwanag, pero hindi maipagkakailang maging ako ay kabado rin sa lagay naming ito. Ma’am Tejada wasn’t really a strict adviser, but she’s one hell of a time-conscious teacher. A minute of late would mean a big disaster to her students.

Napahugot na lang si Jermaine ng isang malalim na buntong-hininga. And since mukhang matatagalan pa kami dito sa pila, naglagay na lang siya ng foundation sa mukha at lipstick. You know, para iwas haggard. 

I stared closely to the faces of everyone on the line. None of them was familiar. Karamihan mga juniors. At kung meron man akong mga namukhaan, mga mula naman sa lower sections. Kami lang talaga ni Jermaine ang star section na nakapila dito, which I greatly considered na sobrang nakakahiya.

Later on, biglang napatigil sa pag-inspection ang guard at nagsalita. “Bigyan po natin ng konsiderasyon ang lahat ng mga star section. Paunahin po natin sila.”

When the guard said that, I was shocked. Jermaine was shocked. Everyone was shocked. He said something that went beyond every student’s expectation. Was it in the rules? I don’t think so.

Umalingawngaw ang samu’t-saring mga reaksiyon na siyang dumagdag sa init ng umaga. Maririnig mo ang mga sigawan, mga pagtataliwas, mga reklamo, at kung ano-ano pa. Wala kaming nagawa ng kaklase kong babae kung hindi mapayuko na lang sa hiya. Gayunpaman, the odds was on our favor.

Nakakunot-noo akong humarap sa kasama ko. “So weird,” ani ko habang pinapakinggan ang pagprotesta ng mga estudyante sa pila.

“Whatever. Magpasalamat na lang tayo at binigyan tayo ng consideration ng guard,” sambit nito sabay lagay ng finishing touches sa kaniyang mukha. Nang tapos na siya,  hinatak na niya ako papasok ng gate.

“Maraming salamat, manong,” bati niya pa sabay bitaw ng napaka-plastic na ngiti.

“Walang ano man, mga ineng,” wika nito sabay alay ng ngiti at irap sa aming dalawa.

“Gross,” sambit ko at tumalikod sa guard.

Sinuklian naman ni Jermaine ng kindat ang guard at saka tumalikod na rin. “Grabe, Lunes na Lunes nagsisinuplada ka na,” aniya at siniko ako.

Hindi ko na siya pinansin dahil hindi ko talento ang pag-gatong pa. Ipinagpatuloy na lang namin ang paglalakad hanggang sa makaapak na kami sa loob ng classroom.

When we got there, it was so silent that it brought me to a conclusion that in my four years of studying in Alejandro University, this was the very first time I got to step inside the room with everyone not saying a word. Parang hindi ito iyong usual na classroom ng star section. Sinalubong kami ng huni ng mga iyak at hagulgol. Mga luha na nangingibabaw sa mukha ng lahat.

“What sort of tragic melodrama is going on here? Too early, ha.” Tanong ko habang papasok sa pinto. Nilapatan ko ng tingin ang aking mga kaklase at lahat sila ay may mga luhang tumutulo sa mukha. Siyempre, maliban lamang kay Travis. Sobrang stone-hearted niya, grabe!

“Theater arts ba subject natin ngayon? Bakit kayo umiiyak?” dagdag ni Jermaine, which for sure was inteded for pun.

None of them laughed, and that’s frustrating. Instead, what happened next had me moved and tremble in chills.

Nabubunghalit na tumayo si Samantha at nanginginig na lumapit sa amin. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at saka nagsalita. “Isa sa atin ang ililipat ng section,” matipid niyang sabi.

With eyes growing big in an instant, Jermaine asked. “Sino?” bakas na bakas sa mukha nito ang pag-aalala at pagtataranta.

“Si Keiciara.” At gan’on lang, muli ngang nagsi-agos ang mga luha sa namumulang pisngi ni Samantha.

“Ha? Ba—bakit? For what reason?”

“Ang baba na kasi ng scores niya sa exam. At nagdecreased ng 4 points yung final grade niya,” paliwanag nito.

Napatikom na lang kami ng bibig at napa-upo sa aming upuan. Hindi ako makapaniwala. To be honest, she’s an excellence awardee. Isa siya sa mga nangunguna sa klase. Nag-uumapaw rin sa listahan ang mga extra curricular activities niya kaya kahit sabihin pang totoo ngang bumaba ang scores niya sa exam, babawiin niya pa rin ito sa ibang larangan. Pero the way these things were being laid down, it seemed like saving her grades was completely hopeless.

Mga limang minuto pang nagtagal ang katahimikan hanggang sa may pumihit ng pinto at saka pumasok.

“Good morning ma’am,” sabay-sabay naming pagbati kay Ma’am Tejada.

“May anunsiyo lang ako sa inyo. Huwag kayong magugulat ha?” bungad nito. Alam na namin kung tungkol saan ang announcement. Pero base sa mukha niya, parang tuwang-tuwa pa siya na ililipat na si Keiciara.

Naramdaman ko ang paghaplos ng mga nanlalamig na kamay sa aking buhok. “Rabiya, paano ba yan, wala na ako any moment from now. Tandaan mo, na sa section one lang ako ha! Pwedeng-pwede mo kong puntahan doon kapag may kailangan ka. I’m so blessed to have you as my friend.”

‘Yon ang pinaka-tumatak sa aking isipan. Ang mga salitang ‘yon ang naging dahilan para mas lalo pang bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata. Inakap ako ni Keiciara nang napakahigpit bago niya kunin ang kaniyang bag at pumuntang harapan.

“Okay. Keiciara, proceed now to the front,” tawag sa kanya ni Ma’am. “Huwag na natin itong patagalin pa. Say your goodbye na. We cannot spend our entire period just for your farewell speech.”

Napakunot na lang ang noo ko sa sinabi ni Ma’am. “This is stupid,” nagtitimpi kong bulong sa sarili.

“Classmates, salamat sa mga memories. Salamat dahil nakilala ko kayo. Nawa’y makapili kayo ng bagong homeroom president, yung dapat responsable at willing gawin ang lahat para sa ikabubuti ng star section. Aim high guys! Tandaan na tayo ang role model sa school, at iyon ang pinaka-iniingatan nating titulo. Sorry nga pala sa nagawa ko. At sorry dahil dinungisan ko ang pangalan ng section natin. I hope you forgive me, guys. I love you, goodbye once again,” medyo nabawasan nang kaunti ang bigat na aming nararamdaman nang bumitaw siya ng isang napakatamis na ngiti. Ngiti na magaling magtago ng lungkot. Ng kawalan.

“Sige paano ba yan, hatid ko na muna si Keiciara sa section one, okay class?” inakbayan ni Ma’am si Keiciara at lumabas na sila ng room. Si Keiciara naman ay nagpupunas ng luha.

Matapos ang lahat, bumalik sa paghagulgol ang aming buong klase. Wala na ang aming human-size calculator. Ang aming homeroom president. Ang aming school badminton varsity. Ang aming star section representative. Ang aming Keiciara. Ang pinaka-minamahal naming Keiciara.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status