Share

Chapter 11: The Cost of Keeping a Secret

Rabiya's POV:


Gabi na nang matapos namin ang pag-eensayo. Pauwi na kami mga bandang 8:30 nang madatnan naming nakahiga si Vhynz sa tapat ng nagliliyab na gate. Hindi pa man din kami nakakalayo sa aming pinanggalingan ay kitang-kita na namin ang malaking apoy kaya dali-dali kaming tumakbo papunta rito. 


Hindi maipaliwanag ang aming mga mukha dahil sa nasaksihan. Napatakip na lang kami ng mga mata dahil sa sitwasyon ng guard. Naaagnas na ito. Ang mga balat ay mistulang basang papel na sa isang dampi lang ng hanging mabini ay agad nang napupunit. Ang kaniyang mga mata'y tila holeng natusta sa malakas na apoy. Ang kaniyang uniporme'y hindi na mahahagilap pa dahil ito ay ngayo’y natatanging abo na lang na nakikipag-isa sa mainit na lupa na maihahalintulad sa impyerno. 


May pagyanig sa aming mga kalamnan nang masangkot kami sa hindi katangi-tanging sitwasyon. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status