Share

Chapter 2

Starbucks

Nabuo si Heather sa isang gabi ng pagkakamali. Pinanganak at lumaki siya sa kaniyang ina. But when she turned six, pinamigay siya nito sa kaniyang Daddy. Hindi na raw kasi siya kayang buhayin ng ina. Pero alam niya namang hindi yun totoo. Months after her mother gave her to her father, nalaman ni Heather na sumama ang ina niya sa isang lalaki. Wala na siyang balita sa kaniya mula noon.

Dela Cerna family are a family of doctors. Mula sa Lolo ni Diego, Lolo ng Lolo niya, and so on. Naging tradisyon na nila ang pagiging doktor. It’s their family legacy. Sinubukan naman ni Heather na mag-medisina pero bumagsak siya sa entrance exam. Kaya walang nagawa ang kaniyang Mommy at Daddy kundi payagan siya sa kursong napili niya.

That’s when she met Aidan. They met accidentally in a Mall. Baguhang artista pa lang siya noon. They talked and hang out and something just clicked. They have been together ever since.

It’s been almost four years…

Napangiti si Heather nang maalalang malapit na ang fourth year anniversary nila ni Aidan. In those four years, there’s no dull moments with Aidan. Parati siyang masaya. Oo, medyo mahirap ang sitwasyon nila dahil artista ito. Lalo pa iyong lumala nang magka-loveteam si Aidan. He had to keep her in the dark. Ayaw ni Heather pero kailangan. Pilit niya naman iyong inintindi. She and Aidan had too many happy memories. Mas matimbang iyon kaysa sa mga problema nila.

Kinuha ni Heather ang susi ng sasakyan at nagtungo sa garahe.

“Heather, saan ang punta mo?” tanong ni Yaya Belen nang makasalubong nito si Heather sa sala. Patungong kusina si Yaya Belen at si Heather naman ay palabras ng bahay.

“Kay Aidan po, Yaya,” sabi nito saka nagmamadaling lumabas ng bahay.

Heather dialed Aidan’s number nang itigil niya ang sasakyan sa tapat ng entertainment agency ni Aidan.

It took him four rings to pick up.

“Hey, Heather.” Medyo maingay ang background nito.

“Aidan! I’m here in your agency.” Just hearing his voice made Heather cheer up. Iyon ang epekto ni Aidan sa kaniya.

“What? What are you doing here? Nasaan ka?” hindi mapakali ang boses niya.

“Nandito ako sa sasakyan—”

“Don’t go out!”

Kumunot ang noo ni Heather. “Huh?”

“Don’t go out, Heather.” This time, mahina na ang boses nito. “There are fans—”

“Aidan!”

“Cali, ang ganda mo!”

“CaiDan forever!”

“Aidan bagay na bagay kayo ni Cali! Perfect match!” That stung.

“I have to go. Just please, don’t go out of the car.”

“Okay—” the line ended. Napakurap-kurap si Heather at napatitig sa telepono.

She turned her head to see the entrance of the building. Nagkumpulan ang mga tao roon at ang iba pa ay may hawak na poster at tarpaulin. May isa pa ngang may hawak ng printed picture ni Aidan.

Heather smiled. My baby is now famous. All his hard work paid off, she thinks.

Hindi rin nagtagal bago niya nakita ang kasintahan kasama ang ka-loveteam nitong si Calista. Aidan is smiling to the camera while Cali is talking to the fan in front of her. Tinanggap niya ang regalo nito pero pinigilan siya ng manager nila. Cali insisted kaya walang nagawa ang manager kundi hayaan siya.

She admits, Cali is good person. Mabait at napaka-approachable kahit na sikat siya. She dresses simply but when you talk to her, she’s screaming elegance. She has a good heart too. They could’ve been friends, sayang nga lang at may gusto ito kay Aidan. If Heather has a negative trait, it’s that she gets jealous easily.

Speaking of Aidan, he is now talking to a reporter. Habang nakikipag-usap, dumapo ang kamay niya sa baywang ni Calista to call her attention. Kaagad naman itong lumingon at itinuon ang atensyon nito kila Aidan.

Aidan rested his hand on her waist like it was the most natural thing to do.  Parehong wala lang iyon sa kanilang dalawa habang para kay Heather, parang pinipiga ang puso niya sa nakikita.

She trusts Aidan, she really does. Medyo matagal na silang magka-loveteam ni Cali pero ni minsan, hindi nito napansin ang lihim na pagtingin ni Cali sa kaniya. Heather used to think that it’s better that way, pero sa nakikinita niya ngayon, tingin niya ay kailangan na niyang ipaalam iyon kay Aidan. It’s not her story to tell but it’s her peace of mind and relationship that’s getting affected. Masyado ng komportable kay Cali si Aidan na baka…baka mahulog siya rito.

A lone tear left her eye pero kaagad niya iyong pinunasan. The thought of Aidan falling in love with Cali breaks her heart—no, it crushes it actually. He is her first love and she wants him to be her last.

Hindi alam ni Heather ang gagawin kung mawala si Aidan sa kaniya. He’s the one giving her hope. The strength to continue living. Sa tuwing gusto niyang magpakalunod na lang sa mga masasakit na salitang ibinabato ng Mommy at Ate niya, siya ang lagi niyang iniisip. Kasi gusto niya pang makasama si Aidan ng matagal na matagal. Gusto niya pa itong mahalin ng napakatagal.

A white Starex parked in front of Heather’s car. Dali-daling lumabas ang driver at binuksan ang pinto nito. Ang medyo kumalma ng fans ay nagkagulo ulit nang matunugan nilang aalis na ang mga idol nila.

Aidan wrapped his arm around Cali’s shoulder habang ang isa ay ihinarang niya sa harapan nila as protection. Yumuko si Cali at ipinalupot ang braso niya sa baywang ni Aidan. Dahil doon, mas lalo silang nagkalapit.

She gritted her teeth in anger and jealousy. Mas lalong humigpit ang hawak ni Heather sa manibela nang matapilok si Calista na agarang nasalo ni Aidan.

“Heels heels pa kasi, alam namang may hagdan sa Whiz”, mataray niyang wika na tiyak na hindi naririnig ng mga tao.

Hindi gaanong naririnig ni Heather ang mga sinasabi ng mga tao dahil nasa loob siya ng sasakyan pero kitang-kita sa reaksiyon nila na kinilig sila sa nangyari. Cali blushed while Aidan is eyeing her worriedly. Heather would bet her life that Aidan is asking her if she was okay.

Heather didn’t realize that she was making a scary face until she accidentally looked at the dash mirror. Kaagad niyang inayos ang tabas ng mukha at pinilit ang sariling kumalma. Walang pupuntahan ang galit at inis, sa isip-isip niya.

At isa pa, wala ring point kung magagalit siya. No one even know she exists. To them, si Cali at Aidan lang forever. She does not belong in the picture. It hurts but it’s the truth.

Mabilis na nakasakay ng van ang dalawa kasama ang manager nila at isang babae at lalaki. Sumunod ang mga mata ni Heather sa van na humarurot papalayo.

Her phone beeped. Kaagad niyang tinignan kung sino ang nagpadala ng mensahe.

From: Boyfie💖

Sorry about that, baby. May fan meeting pa kasi kami ni Cali mamaya. Let’s meet later at your favorite Mall. Ikaw na ang pumili kung saang café mo gusto. We’ll be finished here by 2pm. Love you.

Napangiti siya sa laman ng mensahe nito. Aidan never fails to find extra time for her and that’s what she loves the most about him—except for his caring side, of course. Alam ni Aidan na nawawalan siya ng oras sa kaniya lately kaya bumabawi siya.

Lahat ng selos at galit na naramdaman niya kanina ay nawala na parang bula dahil sa isang simpleng text lang ng kasintahan.

Kaagad siyang nagtipa ng reply. ‘Okay, see you later. I love you too.’ Then she hit send.

Tiningnan ni Heather ang kaniyang wrist watch at nakitang alas-diyes pa lang ng umaga. She was baffled between going home and going to the Mall. Kung uuwi siya, panigurado nandoon si Ate Driana niya at wala ‘yong ibang gagawin kundi inisin siya at sirain ang araw niya. Sa Mall naman, kakabukas lang nito and since it’s Sunday, there’s a mass.

Bumuntong-hininga si Heather at iniliko ang sasakyan patungong Mall na madalas nilang puntahan ni Aidan.

It’s where they met actually. May scouting event kasi sa Mall at nakita niya ito. ‘Di niya alam kung pa’no siya nito nasundan hanggang sa favorite niyang café at doon sila pormal na nagkakilala.

Aidan as boyfriend, is not clingy. But he loves to say sweet things. Lalo na ang I love you. Hindi siya mahilig magbigay ng material na bagay. Instead, kakantahan ka niya for you to feel special.

Sa apat na taong pagiging magkasintahan nila, their relationship has been stable. Siguro, ngayon lang medyo tumatabingi kasi mas nagiging demanding na ang trabaho niya. Pero naiintindihan niya naman.

Nang makapasok ng Mall, tama nga ang hula niya. May misa nga. But they’re already singing the closing song. Naglakad siya sa gilid at naghanap ng bukas na kainan.

Heather saw a Starbucks nearby at kaagad siyang nag-crave ng iced coffee. Pumasok siya roon at bumili.

Naghihintay na siya ng order niya nang may agaw-pansin na lalaki ang pumasok. He was busy with his phone at may puting headphones siyang suot. She looked at him from head to toe.

Messy brown hair, morenong kutis, tama lang ang tangkad niya. Agaw pansin ang makapal niyang kilay na magkasalubong habang nagtitipa siya ng kung ano sa cellphone niya. He’s not too bulky but not too lean either. Nakasuot ito ng dark blue na polo at putting t-shirt sa ilalim. He’s wearing khaki shorts as his bottom and sneakers to match.

All in all, he looked like a high school kid kung pumorma. Lalo na iyong headphones niya. Though kahit nakayuko siya, he’s still catching people’s attention. Lalo na ang mga babae.

He looks childish to Heather though. Hindi siya sanay na makakita ng ganoong klase ng fashion. Si Aidan at Tatay niya lang ang lalaki sa buhay niya at parehong pormal ang pananamit ng mga ito.

“Iced Americano for Miss Heather,” tawag sa kaniya ng staff nang ready na ang order niya. Lumapit siya para kunin iyon.

“Pwedeng makahingi ng extra tissue?”

“Sa kabilang counter po ma’am,” anito saka iminuwestra ang counter kung saan binabayaran ang orders.

“Oh. Sige.” Heather smiled and went to the counter.

Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya nang makita muli ang lalaki. He’s waiting for his receipt at nasa kaliwa niya ang tissue.

“Uh, excuse me,” tawag ni Heather sa kaniya pero nanatili siyang abala sa cellphone. Thinking that he’s listening to music, nilakasan pa ni Heather ang boses niya. “Excuse me!”

Napansin ng ginang sa likod ng lalaki na hindi siya nito naririnig kaya kinalabit ito ng ginang. Mabilis na lumingon sa direksyon ni Heather ang lalaki, dahilan para masagi ng kamay niyang nakahawak sa cellphone ang iced coffee na bitbit ni Heather.

“Ay!” Pati ang mga tao sa paligid nila ay napasinghap.

“Oh shit! Miss, I’m so sorry! Di kita nakita,” nagpapanic na sabi ng lalaki saka tinanggal ang headphones niya.

Gusto siyang irapan at sigawan ni Heather pero wala sa lalaki ang atensyon niya. Nasa putting T-shirt niya na halos kulay brown na ngayon! Argh!

Mabuti na lang at iced coffee ang binili niya, kung hindi, sunog na ang balat niya ngayon!

“I’m very sorry. Here.” Hinampas ni Heather ang kamay niyang may hawak na tissue at balak punasan ang coffee stain malapit sa dibdib niya. It was a defensive instinct.

“Ano ba?!” singhal ni Heather sa kaniya.

“I-I was just trying to wipe off the stain!” natatarantang paliwanag ng lalaki.

“Hindi ‘yan matatanggal ng tissue!” she snarled. Hinila niya ang tiyang bahagi ng t-shirt niya. Ang lamig!

“A-Anong ginagawa mo?” kinakabahan na tanong ni Heather nang hubarin ng lalaki ang polo. Bago pa siya makapag-react ng maayos, ipinalibot na ng lalaki sa balikat ni Heather ang polo nito, covering her wet shirt.

He leaned in and whispered, “Basang-basa ang t-shirt mo, bakat na ‘yung bra mo.” Nanlaki ang mata ni Heather at agad na pinamulahan. Lumayo siya sa kaniya at ngumisi.

“Excuse me po, Ma’am, Sir,” ani ng isang staff na may bitbit na mop. Umatras si Heather at hinigpitan ang hawak sa polo ng lalaki.

“Sorry talaga, Miss. Babayaran ko na lang yung kape mo—”

“Huwag na.”

“Ibibili na lang kita ng bagong damit—”

“Huwag na, okay lang,” pagtanggi niya. She finally calmed down. Mukhang mabait naman ang lalaki.

“Sigurado ka? May kotse ako, ihahatid na lang kita pauwi,” pagpupumilit niya.

Tipid na ngumiti si Heather. “I have a car with me.”

“Is that so?” the man looked disappointed. Tumango si Heather.

“Yep. Anyways, I have to go.” Tumalikod si Heather at mabilis na umalis ng lugar. Halos takpan niya na ang mukha sa kahihiyan.

Lumiko siya sa pinaka-malapit na restroom at inayos ang sarili. Naghugas siya ng kamay at inayos ang pagkakasuot ng polo. In fairness, mabango ang damit niya, pansin ni Heather habang sinusuot ito sa sarili.

Medyo may kahabaan ito sa kaniya pero ‘di ‘yon naging problema. Mabuti na lang at naka-black skinny jeans siya. Nagtatali na siya ng buhok nang maalalang nakalimutan niyang itanong sa lalaki kung paano niya maisasauli sa kaniya ang polo.

Binilisan ni Heather ang pag-aayos saka lakad-takbong tinahak ang daan pabalik ng Starbucks. Sakto at nakita niya ang lalaking kalalabas lang ng café.

“Oh, Heather, bumalik ka? May nakalimutan ka ba?”

Heather froze. “P-Pa’no mo nalaman ang pangalan ko?”

Nagkamot ito ng batok. “Uh, nabasa ko sa cup ng kape mo.” Realization dawned her.

“Oh.”

“Nga pala, ba’t ka bumalik? May nakalimutan ka ba?” tanong niya ulit.

“Ahm, nakalimutan kong itanong kung papano ko ito maisasauli sayo?” Tinuro ni Heather ang polong suot.

“Kapag nagkita nalang tayo ulit,” sagot niya.

“How will I know if I’m gonna see you again?”

Nagpamulsa siya. “That’s the thing.” Misteryoso ito ngumiti. “You’ll never know.” Kinindatan niya si Heather bago tumalikod at naglakad papalayo.

She was left standing there, dumbfounded.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status