Chapter 1- QUEEN
"Sandy! Sandy!" Sigaw ng kaniyang Ina na si Zandra. "Buhatin mo nga ito!" Pag utos nito at binigay ang isang banyera ng tilapia. "Hoy Zandra balak mo bang maluslosan ang anak mo?" Bulalas ng kasamahan niyang nag titinda sa Palengke ng DIVISORIA. "Hindi! Kayang kaya ko ito Tita!" Saad ni Sandy at pumusiyon para makabwelo sa pag buhat. "Nako naman bakit pinag bubuhat mo ang anak mo? Puwede mo siyang isali sa Mutya! Napaka ganda niya!" Muling pag sabat nito.
"Hindi na po ako puwede doon, alam niyo naman pong may anak na ako!" natatawa niyang sinabi at tinulungan ang Ina sa pag kaliskis ng Isda. "Sayang 'yang ganda mo kung sa pag titinda mo lang ng Tilapia gagamitin!" Muli nitong sinabi. "Hay nako hayaan mong Mutya ng Palengke ang anak ko, baka dito pa siya manalo at sasabitan ko siya ng Hasang." Para bang loka loka ang Nanay niya sa sobrang pag tawa.
"Mama kahit kailan ginagawa akong katatawanan!" Pag nguso niya habang inaalis ang Hasang sa Isda. "Dapat lang sa'yo kwintasan ng hasang dahil matigas ang ulo mo Gaga." Saad ng Ina. Bigla niyang hinagkan patalikod ang Ina kahit na napaka lansa niya. "Hay nako Sandy! Bitiwan mo nga ako. Hindi mo ako malalambing!" Saad ng ina at pilit kumakawala. "Mama naman ilang taon ka na pong ganito sa'kin." Pag dadrama niya.
Nakatikim siya ng Kutos sa ina niya at natigilan siya. "Gaga ka, hanggang ngayon hindi ko makakalimutan ang kagagahan mo." Pag irap nito. "Mag benta ka na Diyaan! Baka dumating na ang Bombay at wala pa akong maibayad sa utang!" Pinag tulakan niya si Sandy na pangiti ngiti lang ang balik sakaniya."Oh Tilapia suki! 120 lang po ang kilo, Tilapia pampa-haba ng buhay!" Sigaw niya at pinag tinginan siya ng mga bumibili. "Sira ulo ka talaga anak! Paano sila bibili kung pati paninda natin pinag didiskitahan mo!" Bulalas nito.
"Ate pahingi nga pong plastik!" Saad ng isang binatilyo at namili ng Tilapia. Hindi lang Isa kung hindi Naging lima pa ang customer nila. "Oh Ma? Hindi ba effetive ang beauty ko dito?" Pag kindat niya sa mga Customer. "Nako Sandy kahit kailan." Napailing nalang ang Ina niya at patuloy na nag linis ng mga Isdang binbili ng mga Customer.
Masipag kung maituturing na anak si Sandy, 'yun lang masyado siyang nag padala sa bugso ng damdamin at nakalimutang mangarap. "Kung nag tino ka sana edi sana hindi kita kasama dito." saad ng Ina niya habang seryoso sa pag kakaliskis naman ng Bangus. "Ma nangyari na kaya nga ito tumutulong ako." Saad niya at hindi niya maiwasan na lumungkot ang mukha. "Miss ang ganda mo naman, puwede bang makuha ang number mo?" Pag singit ng isang lalaki na bumibili at mukha pa itong Bata.
"Mag tigil ka Hijo may anak na 'yan." Pag sagot ng Ina niya.Tinawanan lang ni Sandy ang sagot ng Ina. Hindi niya maiwasan na malungkot dahil sa tuwing nakikita niyang sumasakit ang likod ng Ina dahil sa Isang buong araw na babad pa ang kamay nito sa malalansa at basang lugar. Kumukulubot pa lalo ang kamay nito. Kaya araw araw niyang sinasamahan ang Ina sa pag titinda para lamang may makain sila.
"Ma mas pag iigihan ko naman pong maging mabuting Ina sa anak ko." Saad nito. "Gawin mo nalang Sandy, Pilit kitang inahon pag tapos ikaw mismo ang nag palunod sa Putik. Hindi bali sana kung sa Distilled water ka nag pakalunod! Hay Diyos ko buhay." Pag punas ng pawis nito at natamihik si Sandy.
Araw araw sa ginawa ng Diyos, hindi napapagod ang Ina niya kaka-sermon sakaniya. Ilang taon na ulit ulit ang sinasabi nito pero ni minsan hindi siya nabingi. Dahil ito naman ang totoo, Matigas ang ulo niya kaya ito ang naging kapalit. Sinampal din siya ng Adobe ng buhay. "Ah Ma, Baka po pala wala ako mamayang gabi." Pag paalam nito. "Huwag kang mag kakamaling maging pokpok." Dinuro siya ng Ina. "HINDI MAMA! Assistant ako sa Ms. Gay kay Carina! Sayang 'yong Tip niya pang gatas din ni Sarah!" Saad nito.
"Bakit hindi mo ipa-alaga sa asawa mo? Alam mong inaalagaan ko ang Ama mo baka hindi ko mabantayan ng maayos si Sarah." Pag sagot nito. "Okay po, kakausapin ko nalang siya." Saad nito at nag lakad sa labas para bumili ng pananghalian nila ng kaniyang Ina sa karinderya. Habang nakatulala siyang nag hihintay sa Karinderya nakita niya ang isang poster na nakapaskil sa pader.
"WANTED PART TIME DRIVER" Agad niyang kinuha ang cellphone number nito para i-save. "Hay panibangong raket." Pag buntong hininga.Tumakbo siya pabalik sa Ina at nakita niya itong nakaupo at nag lalaro ng Tetris. "Mama may nakita akong raket!" Pag kukwento niya at inabutan ito ng pag kain. "Ano naman?" Saad nito habang nakatutok parin sa nilalaro. "Part time Driver po." Sagot niya at tumingin ang Ina niya. "Wala bang full time? Mas gusto kita kung magiging Grab o Taxi Driver kaysa sa maging tindera lang ng Isda katulad ko." Saad nito at inilapag ang pag kain.
"Ma? Huwag mong i-LANG ang pag titinda sa Palengke! Si Manny Villar nga po yumaman dahil sa pagiging seafood vendor." Saad ni Sandy at sumubo. "Gaga, Hindi natin siya katulad ng guhit sa palad! Ilang beses ko ng sinabi sa'yo na huwag ka ng mag titinda dito. Napapahiya lang ako sa mga kumare ko." Mahina nitong sambit at natigilan sa pag kain si Sandy. "Ano ba Ma? Ano bang pakialam nila kung nag titinda ako dito? Marangal ang trabaho at hindi basta naging Pick-up girl." Asar na sagot niya at puno pa ang bibig sa kanin.
"Hay SANDY! Tumatalsik ang kanin!" Pag iwas ng Ina niya. "Eh kasi naman Ma! Bakit masyado namang harapan na ikinakahiya mo ako." Malungkot nitong sinabi. "Oo kinakahiya kita dahil pinag malaki kita noon. Tutulad ka rin pala sa kapalaran ko. Ayusin mo nga ang pag kain mo! Palagi nalang tumatalsik ang Kanin, daig mo pa ang Bungal!" Bulalas ng Ina nito at pinunasan ang pisngi dahil tumalsik ang kanin sa mukha niya.
Matapos ang buong araw na pag titinda, pa-inat inat si Sandy at hindi na siya nag paalam sa Ina dahil pupuntahan niya ang kaniyang Live in Partner. Nag lalakad siya sa isang eskinita dahil alam niya dito lang niya mahahanap ang Live in partner niyang si Jeff. Napabuntong hininga siya nang makita ang Nobyo na pumupusta nanaman sa Sabong. "JEFF!" Pag sigaw niya dito at para bang teyngang kawali ang nobyo dahil hindi siya tinignan.
"JEFF! Kainis 'tong gagong 'to." Bulong niya at lumapit. Pag lapit niya hinatak dito, agad niyang hinatak ang T-shirt nito. "Ano ba Sandy!" Sigaw nito sakaniya. "Matatalo ang Manok ko!" Muli nitong sinigawan ang Nobya. Napatingin ang mga kalaro nitong kalalakihan. "Pare Manok mo ba 'yan? Ang ganda ha?" Isang manyakis na lalaki ang kumindat sakaniya. Hinihintay niyang pag tanggol siya ng Nobyo pero hindi niya ito ginawa at nag balik loob sa panunuod sa pusta niyang manok. "Jeff!" Bulalas niya at buong lakas niyang hinampas ang likuran nito.
Bigla siyang hinawakan ng Nobyo sa Braso at bahagyang inilayo. Pinag titinginan sila ng ibang nag lalaro at tila nakikiusyoso sa pinag uusapan nila. "Ano ba?! Nakikita mong nag lalaro ako!" Galit na sinabi nito at pinag masdan ang mga mata niya. "Ano ka din?! Puro ka sugal, bantayan mo ang anak natin wala ako mamayang gabi!" Bulalas niya. "Tsk! Nandiyan naman ang Nanay mo diba?" Saad nito. "Gago ka ba? Alam mong inaalagaan niya si Papa!" Pag iwas niya ito. "Tsk Hay ewan ko sa'yo!" Tinalikuran siya nito at nakita niyang sinabunutan ang sarili dahil natalo sa pusta.
"Tang ina Natalo ako!" Bulalas nito. "Bagay mo gagong sugarol." Pag kusot niya dahil sa nag tutubig nanaman ang mga mata niya sa tuwing nakikita ang araw araw na bangungot. "Pare itaya mo na ang Girl friend mo sa'kin." Saad ng kalaro nito. "Hindi forsale 'yon." Ito lang ang sagit niya. "Kapalit ng sampong libo? Isang gabi lang." Muli nitong sinabi. Natahimik si Jeff at mukhang nag iisip. "Sige na pare, sa'yo pa rin naman ang asawa mo. Isang gabi lang, sayang naman ang sampong libo." Saad nito at pinakitaan siya ng pera na nag mula sa Bag nito.
Muling bumalik si Sandy sa bahay nila at dito nakita ang Anak niyang nanunuod ng Tv katabi ng kaniyang LOLO ang kaniyang Ama. "Papa!" Pag bati at halik niya dito. Ngumiti ang kaniyang anak nang makita siya nito. "Ang ganda ganda naman ng anak ko." Pag sign language niya dito at ngumiti ang anak. "Ako din ba?" Muli niyang pag sign language at tumango ang anak. "Mama kumain na po ba kayo?" Pag tatanong niya dito at nakita niyang hinihilot nito ang sariling binti.
"Oo." Saad nito. Nilapitan niya ang Ina at siya mismo ang nag hilot. "Hay Sandy umalis ka na, akala ko bang may raket ka?" Pag tatanong niya dito. "Mama hihilutin ko muna po kayo." Sagot niya dito at nag pumilit sa Ina. "Mama kapag nag ka extra ako ipa-footspa kita." Saad nito at tinignan ang talampakan ng Ina. "Mag tigil ka, ibigay mo nalang kay Sarah. Alam mong kulang sa nutrisyon ang Anak mo. Puro Manok ang inaatupag ng magaling niyang Tatay kaysa unahin ang pang gatas ng Anak niya." Galit na sinabi nito.
"Parang tren po ang bibig niyo Man. K, sobrang diretso at bilis." Pag bibiro ni Sandy. "Huwag mo akong dinadaan sa biro. Araw araw nalang uuwi 'yan lasing! Hay ayoko lang talagang ma-stress ng sobra dahil matanda na rin ako Sandy. Parang awa mo na bago man lang kami mawala ng Tatay mo sa mundo ayusin mo ang buhay niyo ng anak mo. Kayang kaya mo namang mabuhay mag isa kahit wala 'yang nobyo mong pabigat!" Saad nito at napabuntong hininga.
"Darating ako diyaan ma. Hindi naman po ako mag sasawang gumawa ng paraan para sa ating apat. Hindi naman kasama si Jeff sa pangarap ko. Masyado lang po talaga akong Boba noon." Pag tatapat nito at tumayo para kumuha ng damit. "Hay buti at alam mo.
"Mabilis na naligo si Sandy para makaalis na para sa raket niya. "Mama Papa, mauna na po ako baka mahuli ako." Saad nito at tumango lang ang Ina niya. "Anak, aalis lang si Mama ha? I love you." Pag sign language niya dito at hinalikan siya nito. Soot niya ang Over sized T-shirt at pantalon pag tapos naka sumbrero si Sandy kahit na gabi. Madalas niya itong ginagawa dahil sa gabi ang iba niyang raket. Takot din siyang mapag tripan lalong maraming Tarantado ang pakalat kalat sa daan.
Habang nag hihintay siya ng masasakyan sa kanto, nakita niya ang butihing Live in partner na nakikipag inuman sa kanto. Tinakpan niya ang mukha at nag tago. Ayaw na ayaw niyang makita siya nito dahil siguradong hahatakin siya nito para makipag Sex. Matagal na siyang hindi sumisiping sa Nobyo dahil natatakot na siyang mag buntis, sino bang gustong mag pabuntis sa isang iresponsableng lalaki? Kung nag kamali ka na, huwag mo nang ulitin pa.
Chapter 2- Modelong Charing!Ako ay isang modelDuon sa ErmitaGabi-gabi sa discoAt nagpapabonggaWalang humpay sa pag tawa si Sandy habang pinanunuod ang kaibigan niyang siCarina. Habang bitbit niya ang mga gamit nito. Para bang sasabog na ang kaniyang tiyan sa performance ng kaibigan niya. Nandito siya ngayon sa isangTHE NEXT DARNA Gay contest. Kumpara sa mga sumali, mas maganda ang kaibigan niya. Sa sobrang dami ng mga panalo nito nakuha na niyang malibot ang Pilipinas.Hindi lang siya nakakasama dahil sa hindi niya rin maiwan ang anak niyang si Sarah. "Ang hindi marunong mag mahal sa kap
Chapter 3- Bakit ikaw pa?Hawak hawak ni Sandy ang anak na si Sarah habang pinaliliguan ito. " 'Yan anak ang bango at ang ganda ganda mo na" Saad nito. Naiwan silang mag Ina sa bahay dahil ang magulang niya ay pumunta sa Center para ipatingin ang Ama niya. Ayaw na ayaw nitong siya ang dinadalaw ng mga tiga barangay dahil mas gusto niyang siya ang nag lilibot kahit hirap siya. "Gusto mo bang mag laro tayo?" Pag sign language niya dito. Tumango lang ang bata at hinagkan siya kahit basa pa katawan nito. "Sige halika na mababad ka na diyaan." Pag buhat niya dito at dinamitan na ito.Pag tapos niyang ayusan ang anak niya may ilang oras pa siyang nalalabi bago pumunta sa kompanya sa ina-applayan niya bilang isang Taxi Driver. Pag tapos niyang dinamitan ang anak muli siyang bumalik sa banyo para siya naman a
Chapter 4- Ina"Bakit ikaw ang magiging empleyado namin? Eh may anak ka? Kaya mo bang maging full time Taxi Driver lalona't babae ka?" Pag tatanong ng lalaking HR sakaniya. "Kaya kong I-manage ang oras ko. Dahil interesado ako sa kompanya niyo at sa trabahong ito, kaya kong pag sabayin ang pagiging Ina at Driver." sagot niya at tumango lang ang Lalaki Napaka raming tanong sakaniya. Hindi rin siya sigurado kung tama ba ang sagot niya.Hindi naman siya ganoong katalino pero dahil sa mga experience at pinasok niyang trabaho nagawa narin niyang matuto. "SigeMs. Panti. Tatawagan ka namin." Nakipag kamay ito at ngumiti si Sandy. Abot langit ang ngiti niya at umaasa na makuha siya bilang empleyado ng kompanyang ito. "Hello BAKLA!" Bulalas ni Carina mula sa kabil
Chapter 5- What is Life for you?Isang oras na nag hihintay si Sandy sa sasakyan ni Carina pero hindi pa ito lumalabas ng Bar. Ni isang Call at Text hindi ito sumagot. Minabuti niyang lumabas ulit ng sasakyan at ngayon hindi na niya soot ang pagka taas taas na takong. Kung hindi ang Rubber shoes niya. Hindi na niya inalintala ang itsura o kinalabasan niya dahil mukha namang bagay. Muli siyang pumasok sa loob at dito nakitang nag kakasiyahan na ang mga tao sa loob. Maingay, mausok at halos speaker nalang ang naririnig niya. "Aray!" Bulalas ni Sandy nang bigla siyang matulak ng isang lalaki na kung akala mo'y poste."Ikaw na Naman!" Sigaw niya dito at nakita niyang abot langit ang ngiti nito sakaniya. "Oh The Transgender who slapped me!" Bigla siyang hinatak nito at
Chapter 6-The FlashbackHawak hawak ni Sandy ang kaniyang Highschool Diploma, abot langit ang ngiti niya dahil nakuha niyang matapos at sa darating na pasukan papasok na siya bilang isang Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Ito ang kursong inilapit ng kaniyang Ina sa Mayor ng kanilang Lugar upang maipasok siya bilang skolar. Pero sa kabila ng kaniyang Ngiti ang kaba at takot dahil hindi pa niya napagtatapat ang kaniyang sitwasyon.SANDY PANTIsixteen years old, para sakaniya mabaho ang kaniyang apelyido dahil sa ganitong basahin. Madalas din siyang I-bully dahil sa pangalan niya pero na uuwi sa kabaligtaran. Nakukuha niyang patulan ang kaniyang mga kaklase at wala siyang paki-alam kung PARENTS N
Chapter 7- FlashbackKahit nanghihina pa siya tinulungan niya ang Ina. Bitbit niya ang mga gamit nila na isinasakay niya sa Bus papuntang Manila. Palingon lingon siya sa paligid at hinihintay niyang puntahan o habulin siya ni Jeff. Pero walang Jeff na dumating hanggang sa makasampa na siya ng Bus. Lumipat ng Manila ang Pamilya para dito subukin kung para sakanila talaga ang Suwerte. Hawak hawak niya ang kaniyang tiyan habang kung ano-ano ang tumatakbo sa kaniyang Isipan. Hindi niya maiwasan na maluha dahil sa sinapit.Nang marating nila ang Manila, lahat ng na ipong pera ng kaniyang Ina ay binuhos sa isang apartment malapit sa Divisoria. Pinag mamasdan niya ang paligid, maraming tao, masaya ang mga 'to ang ilan naman nag iinuman sa kalye. Nalalayo sa itsura sa probinsya s
Chapter 8- You'll never shine if you don't glow.PRESENT TIMEIlang linggo na ang nakalipas mag mula sumakabilang buhay ang kaniyang Ama. Bumalik ang Ina niya sa pag tatrabahao kasama si Sarah dahil wala naman silang pag iiwanan o mag aalaga sa anak niya. Naging taxi driver si Sandy, hindi naging madali dahil may nakakainkwentro siyang kurimaw na lalaki.Mas lalo siyang nagagalit sa mga ka-uri ni Jeff dahil madalas niyang nasasakay sa Taxi ay mga bastos, ni walang respeto sa kababaihan. Palagi siyang Handa at hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sakaniya. Nakuha nilang lumipat ng apartment para narin sa seguridad nila. Hanggang ngayon hindi pa nahahanap ang taong pumatay sa kaniyang Ama at lalong hindi na nag
Chapter- 9 My Angel."Kapag tinawag mo pa akong bakla makakatikim ka sa'kin." Pag babanta nito. "Oh come on! Ano hahalikan mo ako? E'di pinatunayan mong pusong babae ka!" malakas na pag tawa ni Sandy. Hindi nag dalawang isip si Angelo at sinandal siya sa pader. Lumebel ang lalaki sa height ni Sandy at mag kabila nitong hawak ang kamay ng babae. Pinag mamasdan ni Angelo ang mukha niya Mula mata, ilong hanggang sa umabot sa labi.Hindi makahinga at makagalaw si Sandy dahil sa ngayon lang siya nadarang sa ganitong kagwapong lalaki. Dahan dahang siyang hinalikan ni Angelo. Nag simula sa dahan dahan pero nauwi sa isang Halik na makamandag. Alam ni Sandy na nag si akyatan na ang dugo sa ulo niya nang maalala niyang tunay pala siyang babae. Minabuting i-headbang ni Sandy ang lal