Share

Chapter 3

Mabilis akong naglalakad para makauwi kaagad sa aming bahay. Masyadong malayo ang paaralan naming at kinakailangan na hindi ako gabihin.

"Timoteo!" tawag sa akin ni Juancio kaya naman nilingon ko siya dahil pagod na pagod ito habang sinusundan ako.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Naks pre! Ang gwapo ah!" compliment niya sa akin at pinasadahan ang buong katawan ko. Nagsalubong ang aking dalawang kilay dahil sa ginawa niya kaya naman pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili.

 Kahit mahirap lang kami ay malinis at plantsado naman ang uniporme ko. Nakasuot ako ng black shoes dahil scholar ako ni Mayor hanggang sa makatapos ako sa pag-aaral at binibigay niya lahat ng pangangailangan ko. Maayos din ang pagkakasuklay ng medyo may kahabaan kong buhok.

 "Anong meron?" tanong ko dahil wala namang napansing bago sa katawan.

 Ngiting aso ito habang pinagsusuntok ako at inaasar. "Crush ka raw ng mayaman at magandang si Lea ah!"

 Ngumiwi ako sa sinabi niya.

"'Yung babae don sa tabi ng section natin," dugtong niya pa.

Umiling ako at akmang tatalikuran na siya pero hinatak niya pa ako. "Ay wala kang reaksyon pre? Mayaman 'yun tapos ang ganda pa!" deklara niya.

"Narinig ko na pre ‘di mo na kailangan ulitin," sabi ko at naglakad na lang pero sinundan niya pa rin ako

 "Hindi ka ba interesado?" tanong niya.

"Hindi," malamig na sagot ko.

"Ay sayang pre!" natatawa niyang sabi.

Nakita ko siyang huminto sa tindahan at may tinitigan ito. Natigil din ako at nagdesisyong hintayin na lang ito dahil sigurado akong maghahabol din naman siya mamaya.

"Ano ‘yan?" tanong ko sakanya nang makita ang stainless na singsing sa kamay.

"Singsing pre, obvious naman. Mura lang, limang piso hahahah!" parang bata niyang sabi kahit pa nasa huling antas na kami ng High School.

"Wow sakto!" sabi niya habang natatawa at tiningnan pa ang kanyang daliri na pinagsuotan ng singsing habang itinataas sa ere.

Pumasok nang mabili sa isipan ko si Lyra kaya naman bumili rin ako at excited na umuwi.

 "Lyra?" masayang tawag ko sa kanya nang makauwi at makabihis.

Dala-dala ko ang gitara nang makita ko siya sa lilim ng puno ‘di kalayuan sa kubo naming bahay.

Bahagyang sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita ako. Lumapit ako at nakitang nagbabasa ito ng librong nagamit ko na noong mga nakaraang taon ko.

"Nabagot ka ba sa bahay?" tanong ko.

Tumango siya at pinaupo ako sa harap niya. May nakalatag na sapin sa uupuan namin kaya tinanggal ko ang aking tsinelas para hindi madumihan.

"Malungkot na naman ang mga mata mo," sabi ko kaya nahihiya itong tumingin sa akin.

 "Magkano ba isang tumpok ng ngiti nang mabilhan kita," pagbibiro ko kaya naman mahinhin akong hinampas nito.

"Kamusta ang pag-aaral mo?" tanong niya.

"Ayos lang. Medyo mahirap na ang mga ginagawa dahil graduating na," sagot ko.

"College ka na sa susunod na taon," wika niya habang nalulungkot.

 Huminga ako nang malalim. "Ayaw mo ba talaga mag-aral?" tanong ko at mabilis siyang umiling.

 "Nakakahiya kay Ninang.Tutulong na lang ako sa gawaing-bahay at sa bukid. Tsaka baka pagtawanan lang ako doon sa paaralan dahil sa naging kondisyon ko," malungkot na sabi niya. "Kung mag-aaral man ako siguro mag-iipon muna ako ng lakas ng loob," dagdag niya pa.

 Hindi na lang ako nagsalita dahil alam ko na hindi ko siya mapapapayag.

"Mag-aaral ako nang mabuti para kung sakaling gustuhin mong mag-aral, matutulungan kita," sabi ko.

Tinitigan niya lang ako at malungkot na ngumiti. Natahimik siya kaya naman may naalala ako. Dali-dali kong ini-strum ang gitara at natatawang nais iparinig ang ginawa kong lyrics kanina na kinuha ko lang ang tono sa Leron- Leron Sintang awit.  

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Lrya habang tinitingnan ako. Nakangiti ko siyang tinitigan bago simulan ang kanta.

"Lyra Lyra Ganda

 Hihintayin kita

Ibigin mo ako, kapag handa ka na

Singsing ay isuot, kung sigurado na

 Ako'y maghihintay, huwag mag-alala."

 Nakita ko siyang mahinang tumawa at akmang babatukan ako pero pingilan ko ang kamay niya.

 Hinawakan ko ang kamay niya at natahimik ito saglit bago tuluyang nagsalita.

 "A-anong ginagawa mo?" Namumula ang pisnge niya at mukhang kinakabahan, "a-anong s-singsing suotin?" tanong niya.

 Natawa ako at kinuha ang dalawang stainless na singsing na tig-lilima sa bulsa.

"‘Di ba sabi ko sayo kapag twenty three na at wala ka pang boyfriend ako na lang ang papakasalan mo?" tanong ko.

Mas lalong namula ang kanyang mukha.

"Seryoso ako, Lyra!" singhal ko sa kanya dahil hindi ito nagsasalita.

"O-oh?" tanging nasabi niya.

"Hihintayin kita," mahina pero may diin na pagkakasabi ko.

 Mabilis kong ipinakita sa kanya ang stainless na singsing dahlia para magulat siya.

 "A-ano yan?" tanong niya bago ito tanggapin.

"Singsing," pilosopo kong sabi. "Kapag nakita ko na ‘yang suot mo, ibigsabihin sasamahan mo na akong hintayin natin ang tamang pagkakataon para sa ating dalawa."

Wala siyang ibang nasabi at naestatwa na lang

"Hindi ako nagmamadali. Hindi ko hawak ang bukas pero kaya ko magdesisyon ngayon Lyra," usal ko pa.

Pinakita ko ang singsing na isa at suot ko na ito.

 "Alam mo ang baduy mo!" singhal niya sa akin at hinampas ako.

"Huh? Bakit naman? "tanong ko.

"May pa-ganito ka pa, akala mo naman bukas ganyan pa rin ang nararamdaman mo!" singhal niya sa akin.

Nagkibit balikat ako. "Wala ka kasing tiwala," sabi ko.

"Mukhang imposible naman ang bagay na naiisip mo Tim," malungkot niyang sabi sa akin. "Bata pa tayo at marami ka pang makikilalang babae lalo kapag nagkolehiyo ka!" dagdag niya.

Umiling ako.

"Panalangin ang katapat sa imposibleng bagay Lyra," sabi ko.

"Baka puppy love lang yang nararamdaman mo," sagot niya pero hawak pa rin ang singsing habang tinititigan ito. "Habang tumatagal pwedeng magbago ang nararamdaman mo."

Huminga ako nang malalim. "Dapat habang tumatagal mas lumalago hindi 'yung unti-onting maglalaho!" sabi ko at tinutukoy ang nararamdaman kaya naman tinitigan niya ako.

 "Kapag sinuot mo ang singsing, sasamahan mo akong hintayin ang tamang pagkakataon at naniniwala ka ng ako ay para sayo," nakangiti kong sabi. "Isuot mo ‘yan kapag handa ka na," sabi ko pa at marahang lumapit sa likod niya para tanggalin ang kwintas na nakasuot sa kanya.

Nilagay ko doon ang stainless na singsing at isinuot ulit sa leeg niya. Tiningnan niya lang ito bago ibaling sa akin ang atensyon.

"Hindi mo ako deserveTim," sabi niya.

 Umiling ako.

"Huwag mo sabihin 'yan." Muli akong nag-strum ng gitara at masayang inawitan ang babaeng ipinapanalangin ko na sana siya na.

Gusto ko iparamdam na kailangan ko siya, na handa akong maghintay. Kasi gusto ko talagang siya na.

Siya na lang sana. Siya ang gusto kong makasama. Siya lang ang gusto kong haranahin hanggang sa tumanda na ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status