Share

CHAPTER I

And I promised God to be with you forever. Simula noong araw na nakilala kita, hiniling ko na sana ikaw na nga. Na sana ikaw ang makakasama ko hanggang huli, hanggang dulo. I vow to love, honor, and cherish you. I will be a faithful loving husband. I promise to love you forever.

-David Fernandez

"Hon, come on. Tumayo ka na, it's already 9:00 a.m. Hindi ba ngayon ang pinakahihintay mong Project presentation? Come on , get up. Nakahanda na ang pagkain, magbreakfast na tayo." Pilit ko siyang hinihila para makabangon mula sa kama pero mukhang antok na antok pa talaga siya. Marahan niyang itiningin sa akin ang mapungay niyang mga mata bago tuluyang pinakawalan ang mga nakakaakit niyang ngiti.

"Hon, can we just cuddle for awhile?" He asked. Hinili niya ako pabalik sa kama bago ikinulong sa mga yakap niya. Hinalikan niya ako labi at iginapang ang kaniyang mga daliri sa aking hita.

"Amoy bagong gising po Mr. Fernandez, bumangin ka na kasi aasikasuhin ko pa rin si Ashley. Come on, get up."

Tumayo siya sa pagkakahiga bago ako inalalayang bumangon mula sa kama. Nakangiti niya akong niyakap muli bago pa kami tuluyang lumabas ng kwarto.

Naupo siya sa sofa habang ako naman ay naghanda ng makakain namin. Mula sa pagbabate ng itlog hanggang sa pagluluto ng pancake ay mabilis kong ginawa para lang sabay-sabay kaming makakain.

Napakaabalang tao kasi ni David, minsan lang siya kung mag-almusal dito sa bahay kaya kung may pagkakataon ay ginagawa ko ang lahat para makasabay siya.

Ako si Amanda Fernandez, 28 years old, wife of David Fernandez and the mother of Ashley Fernandez. David is already 30 years old at isang Branch Manager ng banko. Apat na taon kaming naging live-in partners bago tuluyang magpakasal tatlong taon na ang nakararaan. Mayroon kaming isang anak, si Ashley na nasa edad limang taong gulang.

Dalawang buwan pa lamang mula ng lumipat kami sa inuupahang bahay na tinitirhan namin ngayon. Kung hindi lang naman kailangang lumipat dahil sa promotion sa trabaho ni David ay malamang nasa Probinsya pa rin kami ngayon. David might be on his 30's pero masasabi kong napakabata pa rin niyang tingnan, napakagwapo. Mabilis kang mabibighani sa singkit niyang mga mata, sa makapal na kilay at defined jawline. Bukod rito, napakamaalaga rin niya sa katawan kaya bukod sa defined abs at biceps ay mapapalingon ka sa sobrang bango niya.

Habang nagluluto ay niyapos niya ako muli mula sa likuran bago pinaulanan ng halik ang aking batok.

"Nagtoothbrush na ako ah, hindi na amoy bagong gising." Biro niya sa akin.

"Amoy pawis ako oh, ano ba ? " Humarap ako sa kaniya  at dahan-dahang inilapit ang mga labi ko sa labi niya.

"Amoy pawis ka? Hindi naman ah, ang bango mo nga eh. Total hindi ka pa rin naman nakakaligo, gusto mong sabay tayo?"

"Para namang napakarami mo pang oras ah, kita mong minamadali ko na nga ito para hindi ka mahuli sa trabaho eh."

"Pag-uwi ko na lang, alam mo namang ikaw lang ang pahinga ko," nakangiti niyang bulong sa akin.

"Alam mo lalanggamin tayo , ilang taon na mula ng ikasal tayo pero hindi ka pa rin nagbabago. Malamang, nasa tamang tao nga ako." Hindi ko mapigilang pisilin ang mga pisngi niya sa sobrang gigil.

Matapos mag-almusal ay naligo na siya at naghanda para sa pagtatrabaho. Lumabas siya ng banyo ng may nakatapis na puting tuwalya sa bewang, mapapakagat labi ka na lang sa butil ng tubig na nasa katawan niya. Para siyang anghel na dadalhin ka ng langit, sa sarap.

"Tingin, baka matunaw na ako n'yan."

"Hindi ko naman kailangang bantayan 'yan Hon, alam ko namang sa akin na 'yan eh." Napangiti nalang siya at iiling-iling na nagpatuloy sa pagbibihis.

Matapos magbihis ay hinalikan niya akong muli sa labi bago pa nagpaalam na para sa pagpasok sa kaniyang trabaho. Tanaw siya mula sa aming pintuan ay kinawayan ko siya at ibinulong sa hangin ang salitang "ingat".  Kumaway siya sa akin pabalik at nagmaneho na ng kotse paalis.

"Mommy?" Lumingon ako nakita si Ashley na nakaupo na sa sofa, nakangiti sa akin at bagong gising.

"Oh dear, halika na, kumain na tayo. Hindi na kita ginising agad kasi napakaaga pa naman , mukhang masarap ang tulog mo ah." Lumapit ako sa kaniya  at binuhat siya papunta sa kusina. Iniupo ko siya sa upuan sa may mesa at ako naman ay nagluto muli ng pancake para sa agahan niya.

"Mommy, nanaginip na naman po ako."

"About what honey?"

"There's a little girl mommy, she was drowned by a lady wearing black."

Natigilan ako sa paghahanda sa mga sinabi ni Ashley. Lumingon ako sa kaniya, halata ang takot sa mga mata niya habang nagkukwento.

"That's why, lagi kong sinasabi na dapat magdasal ka bago matulog."

"Pero mommy, nagdadasal naman po ako."

Matapos kaming mag-agahan ay binuksan ko ang telebisyon upang makapanood ang aking anak. Dumapa siya sa sahig habang ang baba ay nakatuon sa mga palad.

Ako naman ay naglabas ng mga b****a sa tabing kalsada, aminado akong dahil iilang buwan pa lamang kami ay wala pa akong kilala sa lugar na nilipatan namin. Tanging ang mamili ng grocery, maglabas ng b****a, maglinis ng bahay, mag-alaga sa bata, magluto at asikasuhin si David ang araw-araw kong gawain. Parang isang robot, pero ano pa nga ba? Aayaw akong pagtrabahuhin ni David, hindi ko alam kung anong malalim niyang dahilan pero gusto niya ay nasa bahay lamang ako. Sakto naman na may bata akong dapat alagaan at maayos naman ang kita ng aking asawa, walang nakikitang dahilan si David para kumayod ako para sa kanilang mag-ama.

Habang naglilinis ng mga bintana ay agaw pansin ang malaking truck na huminto sa tapat ng bahay namin, doon bumungad ang isang babae mula sa kasunod na kotse. Bumaba ito ng sasakyan, nakakabighani ang kaniyang ganda. Agaw pansin ang suot niyang puting croptop,  black fitted leather,  at white stilettos. Maikli lamang buhok niya at kulay blonde, parang isang manika.

"Bagong kapitbahay ," I whispered. 

Nagpatuloy ako sa aking ginagawang paglilinis. Lumipas ang maraming oras , lumubog ang araw. Sa pagsapit ng dilim, habang abala ako sa paghahanda ng pagkain ay narinig ko na lamang ang isang pamilyar na tunog na paparating na sasakyan. Pauwi na si David, sumilip ako sa bintana upang kumpirahin at hindi naman ako nagkamali.

Pagpasok na pagpasok ni David ng bahay ay dumiretso siya sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit bago hinalikan.

"Kumusta?" Tanong ko sa kaniya. Patuloy siya sa paghalik sa akin mula sa leeg papunta sa aking labi, wala akong ibang nagawa kung hindi ang ipaubaya ang aking sarili. Niyakap niya ako ng mahigpit, hinimas ang aking puwetan at itinaas ang night dress na suot ko. Tumingin muli ako sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi si David ang lalaking nasa aking harapan.

"A-anong gi-ginagawa mo dito?" Natatakot kong tanong sa kaniya.

"Amanda?Amanda? Hon?"

Bigla akong nagising sa pagkatulala matapos paulit-ulit

na pagtawag sa aking pangalan. Iminulat ko ang aking mga mata at doon ko napagtanto na nasa malalim akong pagtulog.

"Are you okay?" David asked.

"Yeah, a-anong nangyari ba?"

"Mukhang masama na naman ang panaginip mo, iniinom mo pa ba ang gamot mo? I'm just worried na baka bumalik ka na naman sa mga bangungot mo."

Tumingin ako sa orasan at napansin na 1 a.m na, gising pa rin si David at nagtatype sa kaniyang laptop.

"Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko sa kaniya

"Lampas 10:30 na, nakita kitang tulog sa sofa kanina at  halatang pagod ka kaya hindi na kita ginising.  Binuhat kita papasok dito sa kwarto."

"Ga-ganun ba? Bakit hindi ka pa natutulog? Maaga ka pa bukas ah,"

Ibinaba niya ang kaniyang laptop sa mesa na sa gilid ng kama, lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"I love you," he whispered

"I love you too."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status