Share

CHAPTER I - B

I cannot deny the fact that he's a perfect husband, halos lahat na ata ng mga magagandang katangian ay nasa kaniya na. Napakasipag, napakabait, at napaka mapagmahal. Minsan nga naiisip ko kung sapat ba ang kung ano at meron ako para tumbasan ang binibigay at ginagawa niya para sa akin pero paulit-ulit niyang sinasabi na ang mahalin ko lang siya ay sapat na.

The next day,

"Hon, what do you want for dinner?" I asked him. Nakasandal ako sa door frame habang baka pangkrus ang braso.

He's busy packing his documents, lumingon siya sa akin at ngumiti "Anything, basta luto mo."

"Favorite mo?"

"Hmmm. Napakaswerte ko naman talaga." He hugged me then kissed me on my forehead.

"Ako ang swerte sa'yo, hon, please stay safe ah."

"Don't worry about me, I'll be fine. Ikaw ang mag-iingat . I'll call later ah, basta don't forget to take your meds."

Nakangiti akong tumango sa kaniya.

Gaya ng mga nagdaang araw, maaga siyang umaalis ng bahay para magtrabaho. Ako at si Ashley lang ang naiiwan sa bahay sa buong maghapon, pilit nilalabanan ang pagkabagot sa mabagal na takbo ng orasan.

"Mommy? Can I ask you something?"

"Sure, ano 'yon ?"

"Mommy, is dad mad at me?"

"Bakit mo naman naisip 'yan?"

"Hindi po kasi niya ako masyadong pinapansin."

"Ash, don't think that way ha. He loves us, both of us and especially you kasi ikaw ang princess namin. He's just busy kasi may hinahabol siya sa work, promotion."

"What is promotion po?"

"Think this way, dad is now a king, pero kailangan niyang magwork pa para mas maging mas mataas sa king. Ganoon, pero kailangan niya ng suporta natin and pag-unawa, basta always remember na mahal niya tayo."

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko upang iligpit ang pinagkainan ni Ashley ngunit nahinto ako sa sunod niyang mga sinabi, "Mommy, please find me if that girl in black drowns me. Every night siyang nasa panaginip ko, last night she kidnapped me. I'm scared mommy."

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit, "It's just a dream honey, narito lang kami ni daddy, ok?" Tumango siya sa akin bago bumitaw tuluyang bumitaw mula sa pagkakayakap sa katawan ko.

Ilang oras pa ay nakatulog siya sa sofa, lumapit ako para lagyan siya ng kumot. She's sleeping deeply, naupo ako sa tabi niya at hindi ko mapigilan ang mapangiti, nagpapasalamat ako sa Diyos at ibinigay ka niya sa akin. Ikaw ang pinakamahalagang kayamanan na meron ako, ikaw ang pinakaiingatan ko sa lahat.

Mahihiga na sana ako sa tabi ni Ashley ng marinig kong may nagbukas ng pintuan.

"David? Hon?" Sigaw ko ngunit walang sumasagot, "David?" Sigaw kong muli para kumpirmahin kung ang asawa ko ba ang pumasok sa bahay. Ng walang sumasagot ay agad akong tumayo at kinuha ang gunting na nasa mesa. Marahan akong naglakad papunta sa kusina.

Nabigla ako ng makarinig ng pagbagsak ng mga gamit mula sa kwarto, hindi ko mapigilan ang mangatal dahil sa takot. Hindi na rin ako halos makagalaw dahil sa sobrang tensyon.

"Si-sinong nand'yan? " wala pa ring sumasagot.

Malapit na ako sa kwarto ng biglang may lumagapak sa pintuan, matapang akong nagpunta doon upang tingnan kung sino ang taong lumabas ngunit napuna ko na nakakandado pa rin ang daan kaya malabong may papasok at lalabas doon.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata,

"Kumalma ka Amanda, kalma.."

Aktong ibababa ko na ang gunting na hawak ko ng may magbuhay ng ilaw sa salas, napakatahimik ng paligid at tanging ang paghabol ko lamang sa aking hininga at ang malakas na kabog ng aking dibdib ang maririnig. Tanaw mula sa kusina ang mga ilaw kaya nagtatakbo ako palapalit kay Ashley. Bago pa man makarating sa kaniya ay hindi inaasahang matatakid ako sa silya , natumba ako at hindi maigalaw ang aking katawan.

"ASHELY? ASHLEY!" naluluha kong sigaw, hindi ko alam kung anong nangyayari. Natatakot ako na baka mamaya ay mawala na si Ashley sa akin, hindi ko kakayanin. Akmang tatayo ako ay nakaramdam ako ng pagkahilo at doon nagdilim na ang aking paningin. Ang natatandaan ko na lamang ay ang paglapat ng katawan ko sa sahig, ang panandaliang pagkawala ko sa mundo.

Hindi ko na namalayan ang oras, ang tanging pumukaw na lang sa akin ay ang boses ni David. Dahan-dahang kong iminulat ang mga mata ko at tila ba nasisilaw sa liwanag. Agad akong naupo at tiningnan ang paligid , nakapagtataka lamang dahil walang kung anong gamit ang nabasag o nasira. Agad akong nagtungo sa kwarto ngunit ang bawat gamit doon ay nakaorganisa , malayo mula sa malalakas na bagsakan ng mga ilaw at frames na nakasabit doon kanina.

"Panaginip ba 'yon?" Bulong ko sa sarili ko na kinakain ng pagtataka.

"Are you okay? Anong nangyari sa'yo? Why are you sleeping on the floor?" He asked.

"Someone's here kanina, I know it's real. Maraming gamit ang binasag at ibinagsak niya kanina."

"Si-sino? Gamit? All I see is a room with organized things, wala akong nakikitang bubog o basag na kung ano man."

"No, narinig ko siya."

"Who are you talking about hon?"

Tumingin ako sa kaniya at hinawakan siya sa braso, maluha-luha akong huminga ng malalim, hindi ko alam ang sasabihin sa sobrang takot.

"I don't know" I whispered to him.

"Teka, ininom mo ba ang gamot mo?"

"David, I don't need medicines. I know, it's real. Narinig ko siya kanina, you can even ask Ashley. I don't know if magnanakaw ba 'yong pumasok dito o ano?"

"Relax hon, take a sit first at ikukuha kita ng tubig. Just relax,"

Pilit kong iniisip kung totoo ba ang naranasan ko o gawa lamang ng malikot na isipan, o baka isang panaginip lamang. Ipinikit ko ang mga mata ko, "Relax Amanda, keep calm".

Maya-maya pa ay lumapit sa akin si David dala ang baso ng tubig at lalagyan ng aking gamot.

"I see, hindi mo nga ininom ang gamot mo. Hindi pa nababawasan ang pang ngayong araw mo oh, I'm here Hon. Don't worry," naupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Hinalikan niya ako sa noo bago niyapos ng mahigpit.

"I love you," aniya.

Tumingin ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi.

Bastard.

You're a f*cking liar. Kung pwede lang kitang sampalin ngayon, bakit hindi? Akala mo ba hindi ko alam? Kung hindi lang kita mahal, baka matagal na kitang iniwan o .. pinatay. Gago!

"AMANDA! AH-ahh!" Hindi ko napansin na kinakagat ko na pala ang labi ni David ng mga oras na 'yon. Naitulak niya ako ng malakas at doon pa lamang ako nagising mula sa malalim kong iniisip.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Halata ang pagkainis niya dahil sa tono ng kaniyang pagtatanong.

"I-I'm sorry hon." Tumayos siya at dumiretso sa kusina, ako naman ay naiwan na nakaupo sa sahig hawak ang piraso ng gamot na ibinigay niya.

Napatitig ako sa pills na nasa palad ko, sa sobrang inis ay itinapon ko ito sa dingding.

Lumalim na ang gabi, hindi pa rin kami nagkikibuan ni David ngunit siguro hindi nga niya ako matiis. Habang mag-isa sa balkonahe at pinapanood ang maliliwanag na bituin, isang mainit na yakap ang naramdaman ko mula sa likuran. Hinalikan niya ako sa batok at iginapos sa mainit niyang katawan.

"Are you okay?" He sweetly asked.

Okay? How can I be okay? I saw your ring inside your pants bago ako maglaba, anong rason bakit mo kailangang hubadin? I saw a f*cking lipstick inside your car, how can I be okay?

"Okay lang ako, sorry kanina ah." Sagot ko.

"Ako nga ang dapat magsorry.."

"May dapat ka bang ihingi ng pasensya?" Humarap ako sa kaniya at iniayos ang kwelyo ng suot niyang pantulog.

"Aaminin ko -" nahinto siya sa pagsasalita ng magring ang kaniyang cellphone, isang tawag mula sa kaniyang boss.

Boss nga ba? You can't fool me now, David.

"I'll just answer this call hon, I love you." Naglakad siya palayo siya sa akin bago sinagot ang tawag .

I love you? Nakakatawa ka, ilan ba kaming sinasabihan mo n'yan? Dalawa? Tatlo? O higit pa? Siguro aaminin mo na may iba ka, o -

"So 'yon nga, aaminin ko na. Naguguilty na kasi ako, last week I bought a lipstick para sana iregalo sayo kaso nawala sa kotse. Hindi ko alam kung naiwan ko ba pinagbilhan ko nalaglag noong bumaba ako. I don't know."

"Li-li..Lipstick?" I whispered.

Hindi ako makapagsalita sa inamin niya, anong ibig niyang sabihin? Para sa akin ang lipstick na 'yon? Did I just...Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ko ba siya pinag-iisipan ng may iba? Nababaliw na ba ako? Siguro nga, pero malamang dala ito ng pagmamahal ko sa iyo.

Ang malamig na simoy ng hangin ay napalitan ng init, ang aking lungkot ay napawi ng kaniyang ngiti, doon muling nagliwanag ang mga bituin sa kalangitan.

Niyakap ko siya ng mahigpit at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Nakahinga na ako ng malalim, "I love you," bulong ko.

"I love you more, sobrang mahal na mahal kita Amanda."

Should I believe him?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status