Share

CHAPTER II - B

Hindi ko na namalayan pa ang pag-alis ni David ng mga oras na 'yon.

Alas tres na ng hapon ng magising ako, napakatindi ng sinag ng araw. Agad akong tumayo para hanapin si Ashley, sandali, nasaan na nga ba si Ashley?

Agad akong lumabas ng kwarto, doon ko nakita ang aking anak na nakaupo sa sofa, nanonood ng TV.

"Are you okay? I'm sorry, sobrang tagal ba ng naitulog ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Oh, you're back. Where have you been? " She confusedly asked.

Tumingin ako sa kaniya at bakas ang takot mula sa mga mata niya. Her eyes turned teary, a sign of being nervous and afraid.

"I'm just a little confuse po sa suot ninyo, are you going to a funeral? Who are you?"

"Why?" Napalingon ako sa salamin at nakita ang sarili ko na suot ang isang itim na bistida at itim na belo. Lumapit ako sa aking repleksyon, ng mga sandaling iyon ay naramdaman ko ang takot mula sa paraan nang pagtingin ni Ashley.

"It's me, your mom."

"You're not my mom, you will never be my mom." She answered. Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyapos siya ng mahigpit. Naramdaman ko na lamang ang paggapang ng mainit na likido sa aking likuran, kumawala ako sa pagkakayakap at nagulat sa aking nakita.

Sumikip ang aking dibdib, para akong kinakapos sa hangin. Nangangatal akong napahawak sa aking labi, gusto kong sumigaw pero walang boses ang lumalabas mula sa bibig ko. Napatingin akong muli sa aking kamay, nababalot ito ng dugo. Napakaraming dugo ang dugo ang lumalabas mula sa bibig ni Ashley, napalingon ako sa salamin at nakita ang duguan kong likod. It's Ashley's blood, bigla na lamang siyang bumagsak sa aking harapan at tumambad ang isang kutsilyo na nakatusok sa kaniyang likuran.

Did I stab my daughter? No, no... Hinding hindi ko gagawin 'yon kay Ashley! NO!

"Ashley? Ashley! Can anyone help me?! ASHLEY!" I shouted.

"You're not my mom, you just killed me again. Ilang beses mo pa ba 'tong gagawin?" Muli siyang tumayo at tumawa ng malakas habang patuloy ang pag-agos ng kaniyang dugo mula sa bibig.

"Who are you? You're not my daughter, you're not Ashley!"

"That's the real question, who am I ? I'm not Ashley, I'm never Ashley. Sino ba talaga ako ?"

Tumakbo siya palapit sa akin at itinulak ako sa salamin na nasa likuran ko.

"ASHLEY!!!!!"

"Mom?" Muli akong nagising , sa pagkakataong ito ay kinurot ko ang aking sarili, nakita kong nakatayo si Ashley sa gilid ng aking kama.

Naupo ako mula sa pagkakahiga, napatingin sa orasan, higit kalahating oras lamang ang naitulog ko pero ang panaginip na tinahak ko ay parang tumakbo ng halos maraming oras.

"You're dreaming mom, paulit-ulit mong tinawag ang pangalan ko po."

"I'm sorry honey, I'm just not feeling well. Kumain ka na ba?"

"Yes po, dad preapred our breakfast. Pinakain niya ako bago umalis, mommy are you okay?"

"Oo naman, I'm okay."

"Mommy, I want milk."

"Come on, tara kukuha tayong gatas." Kasunod ko siyang naglakad papunta sa kusina ngunit pagbukas ko ng refrigerator ay naubusan na pala kami ng stocks.

"Stay here lang ah," naupo si Ashley sa sofa at ako naman ay lumabas ng bahay. Mula sa aming bakuran ay naglakad ako papunta sa kapitbahay.

Tok!Tok!

Mrs. Nathy opened her door and smiled at me.

"Yes Amanda, kumusta? Good morning, anong lakad natin ngayon?"

Mrs. Nathy, she's a teacher. Kalapit lamang siya ng aming bahay. Bagama't hindi kami ganoon ka-close ay malimit kong iwan sa kaniya si Ashley sa tuwing aalis ako ng bahay. Siya lamang din ang nag-iisang tao na nakakausap ko sa lugar na 'yon.

"I'm sorry Mrs. Nathy, alam kong sobrang aga pa pero can you look after Ashley? I just have to go to the grocery store? I forgot na ubos na ang mga stocks namin, pumasok na rin kasi si David kaya hindi ko naibilin kanina."

"It's not a problem Amanda, sige susunod na ako sa bahay ninyo. I'll just water my plants, patapos na rin ako dito."

"Thank you, thank you very much Mrs. Nathy."

Bumalik ako sa bahay para magpaalam kay Ashley na aalis ako saglit. Madali naman siyang pumayag. Dahil sa pang-aabala ko kay Mrs. Nathy ay minadali ko ang pagbibihis para mabilis rin akong makaalis at makabalik. Ilang minuto pa at dumating na ang magbabantay Ashley.

Dahil gamit ni David ang sasakyan ay minabuti kong magcommute kahit singkad na ang araw, napakainit at napakamaalinsangan ng paligid. Mula sa traffic na kalsada at maingay na daanan ay nakarating ako sa Grocery store matapos ang higit kumulang 30 minutong biyahe sa taxi.

"Ano pa nga ba ang kailangan ko? Gatas, loaf bread, beef meat, chicken, prawns... shampoo, sabon.." Inilibot ko ang mata ko sa paligid habang binabaybay ang Food Section , masusing sinusuri at iniisip kung ano pa ang nakaligtaan kong bilhin.

"5680.54 pesos ma'am " ~ cashier

"Can someone assist me na mailabas ang mga pinamili ko?" Iniabot ko ang aking bayad sa kaniya.

"Yes ma'am sure po, sa parking po ba?"

"Ah, hindi. Sa main exit na lang, salamat."

***

Habang naghihintay sa taxi ay isang sasakyan ang tumigil sa harapan ko, hindi ko ito pinapansin dahil wala naman akong ibang inaasahan na susundo sa akin. Kinuha ko ang aking cellphone para sana tumawag sa taxi driver ngunit natigilan ako ng ibinaba ng nasa loob mg kotse ang bubog niyang bintana.

"Uuwi na rin ako, sabay ka na." Nakangiti niyang anyaya.

Siya ang bago naming kapitbahay, hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng hiya dahil hindi naman kami magkakilala pa o matutuwa dahil natatandaan niya ako.

"Naku, hindi na. Parating na rin ang taxi na susundo sa akin."

"Ano ka ba naman, sumakay ka na para naman makalibre ka na. Pati para rin makatipid ka na sa oras, tara na."

Bumaba siya ng sasakyan at tinulungan akong ipasok ang mga pinamili ko. Naupo ako tabi niya sa unahan, maamoy mula sa pwesto ko na napakabango niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatingin at mapangiti sa kaniya.

"Kalalabas ko lang din mula sa office, sakto naman na may dinaanan ako sa likod ng Grocery store. Ikaw? Mukhang marami-marami ang pinamili mo ah,"

"Ah, oo. Naubusan na rin ng stock sa bahay eh, wala rin namang pwedeng mamili dahil busy ang asawa ko sa trabaho. " sagot ko.

"Ah, I see. How's life being a wife?" She asked while driving.

"Sa totoo lang? Nakakapagod . Pero para sa pamilya, ano pa nga ba? Kailangan mong gumising ng maaga para mag-asikaso tapos kahit may sakit ka kailangan mong kumilos. Kaya ikaw, to maintain your beauty mas mabuting huwag ka munang mag-asawa para hindi ka mastress." Biro ko sa kaniya

"Actually, I'm living with my fiance. Pero hindi naman ata nakakastress magkaroon ng pamilya, you still look fresh naman ah."

"Talaga ba? Alam mo minsan try mong bumisita sa bahay, let's have a coffee and kwentuhan."

"Yeah sure."

Ilang minuto pa at nakarating kami sa aming destinasyon. Ibinaba niya ako sa tapat ng aming bahay, bago pa man kami maghiwalay ng landas ay kumatok ako sa kaniyang bintana at ibinaba niya itong muli.

"Thank you very much, bumisita ka minsan ha." Pasasalamat ko sa kaniya.

"No worries, walang problema."

"By the way, I'm Amanda." Pagpapakilala ko.

"I'm Eden," nakangiti niyang sagot.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status