Share

CHAPTER III-B

Araw-araw napapansin ko ang pagmamadali ni David na pumasok sa opisina, bukod rito ay lagi naman siyang ginagabi kung umuwi. Sa pagkakaalam ko ay 6 p.m dapat tapos na ang kaniyang trabaho ngunit minsan ay inaabot siya ng alas dose sa iba't-ibang dahilan. 

Sino ba naman ang hindi maghihinala sa ganitong sitwasyon ? 

Maliban sa oras ng kaniyang pag-alis at pag-uwi, madalas ko rin siyang makitang may katawagan sa cellphone. Ayos lang naman sana pero sa hindi malamang dahilan ay agad niyang pinuputol ang linya sa oras na palapit ako. Parang may itinatago.

Ilang araw pa ang lumipas na ganito ang sitwasyon, para akong mababaliw sa pag-iisip. Ayaw ko mang itanong sa kaniya ay para namang may kung anong pwersa ang nagtutulak sa akin para mas maghinala. Gusto kong malaman ang totoo pero natatakot ako. 

Mahal ko si David.

Kinuha ko ang aking laptop at naupo sa sofa, inilaan ko ang aking oras sa paghahanap ng mga kasagutan.

*How to know if your husband's cheating?*

*Signs that your husband is unfaithful*

*Tips on how to caught your husband cheating*

Alam kong hindi ako maaaring umasa lamang sa sinasabi ng internet pero kung tutuosin sino pa ba ang dapat kong paniwalaan?

Ganito pala 'yon, ganito pala ang pakiramdam. Nakakabaliw mag-isip, nakakapanghina, nakakalito, nakakatakot. Ano pa ba ang dapat kong paniwalaan? Ano pa ba ang hindi ko nalalaman ? Ano po ba -

*cring....cring.....cring... cring!* alarm clock

It's already 11:00 p.m, wala pa rin si David. I tried calling him multiple times at nag-iwan na rin ako ng mga mensahe pero wala siyang reply. 

Alam kong mali pero kailangan ko 'tong gawin.

Binuksan ko ang social media account ni David, naghanap ng mga bagay na maaari niyang itinatago. I looked at his searched history, sa kaniyang mga archieve messages at notifications. Walang ibang kakaiba, wala namang kahina-hinala. 

"I shouldn't be doing this, maling pasukin ko ang privacy niya. Ano bang nangyayari sa'yo Amanda, baka naman may trabaho pa o nag-over time dahil sa reports. Kumalma ka, Amanda kumalma ka."

Sa pagsapit ng alas dose, lasing na umuwi si David. Sinalubong ko siya ng akap at halik ngunit hindi niya ako pinansin. Sa halip ay dumiretso siya sa kwarto at nahiga. Naupo ako sa tabi niya sa aming kama.

"Nakainom ka na naman ata,"  sambit ko.

Nanatili siyang walang kibo at hindi umiimik. 

"Parang sa loob ng ilang linggo ganito na ang routine natin ah, may problema ba ?"  Tanong ko sa kaniya.

Lumingon ako sa kaniya at laking ini ko nang makitang tulog na siya. Sa sobrang pagkadismaya ay tumayo ako para sana kumuha ng wine pero akmang lalabas ako ng pinto ay nagring ang kaniyang cellphone. 

Again, I cannot just open his phone ng walang paalam. I should be respecting his privacy. 

Isasawalang bahala ko na sana ang lahat ngunit paulit-ulit itong nagring. 

I breathe heavily and walked slowly palapit sa kaniya. Dahan-dahan kong kinuha ang akniyang cellphone sa bulsa upang tingnan kung sino ang tumatawag. Nang makuha ito ay agad kong tinype ang password ngunit paulit-ulit na lumabas ang notice na "Wrong Password". 

Nagpalit siya ng password ng hindi ko nalalaman? Isa sa mga naging usapan namin noon na hindi kami mangengealam sa gamit ng bawat isa ngunit dapat ay maging bukas kami patungkol sa mga personal na bagay namin. Bilang mag-asawa, mahalagang walang sekretong tinatago ang dalawang indibidwal na ikinasal na sa isa't isa. 

He really changed his password? Baka nga may itinatago talaga siya.

Ibabalik ko na sana ang cellphone ng biglang nagring uli.

*Calling unknown number*

Bigla akong kinabahan, nakaramdam ako ng pagkahilo at pagkaubos ng hangin sa katawan. Para akong babagsak sa sahig, hindi ko alam ang dapat gawin, sasagutin ko ba 'to o hahayaang nagriring?

*Click*

"Hello? Nakauwi ka na ba? Salamat ah, I really enjoyed it. Next time ako naman ang taya, bakit hindi ka pa natutulog?" Boses ng isang babae. Sigurado ako sa narinig ko na boses ito ng babae, hindi pa ako ganoon kahibang o kabingi para kombinsihin ang sarili ko sa bagay na alam kong mali, babae ang tumatawag kay David. 

Hindi ako kumikibo at marahang tumulo ang aking luha, I covered my mouth with my palm para hindi makagawa ng kung anumang ingay. Hindi ko mapigilan ang maiyak at mangatal sa galit. 

"Babe? Are you still there? Hoy David? Lasing na lasing ka kani-" I cut the call and turned off his phone. Iniwan ko ito sa kama at nagtatakbo ako papunta sa CR. I locked the door at binuksan ang shower para hindi marinig ang kung anumang ingay na manggagaling sa akin. 

Doon ko ibinuhos ang aking galit, hindi ko mapigilan ang umiyak ng mga sandaling 'yon. I punched the wall at kahit mabasa ng tubig ay hindi na ako nakakaramdam ng lamig, tanging galit at pait ang tumatakbo sa aking isipan. 

Ngayong alam ko na ang totoo, ano bang magagawa ko? I really love my husband, at hindi lang ang asawa kung hindi pati ang anak namin. I was craving for the truth and now it's already served, hindi ko naman malunok. Fool me, ilang beses kong kinumbinse ang sarili ko na mali ang mga hinala pero matagal na pala talaga niya akong sinampal ng katotohanan. I don't know if I'm just blind o tanga talaga? 

Kinabukasan, ginising ako ng isang pamilyar na boses. Naupo siya sa tabi ko at hinaplos ang aking mukha.

"Hon, bakit naman sa sofa ka na natulog?" He asked. 

Binuksan ko ang aking mga mata, it's David smiling at me na parang walang nangyari. Natulala lamang ako sa kaniya at hindi sumasagot, he kissed me on my lips at hindi na kilig ang naramdaman ko. Para akong nangilabot, nandidiri , hindi ko lubos maisip ang ginawa niya. 

Agad akong tumayo at nagtatakbo sa lababo, hindi ko mapigilan ang sarili kong masuka ng mga sandaling 'yon. Sumunod sa akin si David at hinaplos ang aking likuran.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

"I'm okay," sagot ko. 

"Do you want me to call the doctor? Are you okay hon?" Patuloy siya sa paghaplos sa aking likuran.

Humarap ako sa kaniya. Gusto ko siyang sigawan, sampalin, at awayin pero ano bang laban ko? Malamang itatanggi at itatanggi niya ang katotohanan, ano bang magagawa ko? 

"Kulang ka lang sa yakap," biro niya sabay akap sa akin. 

Isang bagay ang natutunan ko ng mga sandaling 'to, never ask for something na hindi mo kayang tanggapin. Never ask for the truth if you can't swallow the pain. But everyone deserves to know the truth, na sa'yo na lang kung kailan mo gugustuhing malaman dahil at the end of the day MASASAKTAN KA RIN LANG NAMAN. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
mooncake_o07
Nakakaexcite ang susunod na mangyayari.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status