Share

CHAPTER IV

Alas otso ng umaga, lumabas si David ng kwarto at halatang kagigising lamang. Nakaupo ako sa sofa, nakatulala sa kisame habang hawak ang tasa ng tsaa. He smiled at me, naglakad siya palapit sa akin at niyakap ako, hinalikan niya ako sa labi, "Good morning Hon," he whispered.

Pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Mukhang masarap ang agahan ah," lumapit siya sa mesa at naupo para mag-agahan.

Paano ba magkunwaring masaya? Paano itago na alam ko na? Paano itago ang sakit?

The way he smiled at me, parang wala siyang sekreto. Ano pa bang kulang? Ano pa bang dapat kong gawin?

You know what irritates me the most? His smile, his sweet voice, his innocent look, the way he kisses me, the way he hugs me. Lahat, lahat ng ginagawa niya. Nakakagalit na parang normal lang ang lahat sa kaniya.

"Are you okay?" Tanong muli niya.

"Ha? A-ako ba?"

Lumingon-lingon siya sa paligid, "I guess wala tayong ibang kasama dito. Ano bang nangyayari sa'yo? You're acting weird. "

"I'm okay hon, huwag mo akong isispin." Ngumiti ako sa kaniya.

I'm just disgusted by how you lied to me. I'm disgusted with you.

"Baka gabihin ako mamaya hon, still inaasikaso pa rin namin ang reports namin ,eh. Alam mo na, kailangang maghapit para tumaas muli ang posisyon. And by that baka makabili na tayo ng sariling ba-" hindi na niya natapos ang sinasabi dahil sumagot na ako agad.

"Gagabihin ka na naman? And you're going home drunk, again? I'm just curious kung ano pang idadahilan mo."

Hindi siya sumagot, nahinto siya sa pagnguya ng pagkain at tumingin sa akin.

"May.. May iba ka ba?" Diresto kong tanong.

"Anong sinasabi mong iba?"

"David, may iba pa ba?" Tanong ko muli.

"Alam mo namang hindi ko magagawa 'yan 'di ba? I love you, alam na alam mo 'yan."

Love me? Hanggang ngayon nagsisinungaling ka pa rin.

"Siguro minsan kailangan mong lumabas, medyo napaparanoid ka na. Kung anu-ano na ata pumapasok sa isip mo."

Ibinaba ko ang tasa ng tsaa sa mesa at tumayo para mag-inat.

"I wonder, bakit hindi mo suot ang wedding ring mo?"

"Ah, eh.. Bawal sa trabaho sa alahas."

"I see," naglakad akong muli pabalik ng kwarto.

Humarap ako sa salamin at napangiti na lang habang pinapanood ang malayang pagdaloy ng luha sa aking mukha. Naiinis ako, gusto kong sampalin ang repleksyon ko sa salamin. Naiinis ako, gusto kitang patayin.

Narinig ko ang paglagaslas ng shower sa banyo, indikasyon na nasa loob na siya para maligo. Muli kong sinibukang buksan ang cellphone niya pero hindi ko pa rin magawa. So I opened his bag and look for something to find na makatutulong sa akin.

Patagal ng patagal ang aking paghahanap ay wala pa rin akong mahanap. Maya-maya pa ay huminto ang paglagaslas ng tubig, malapit na siyang lumabas.

Agad kong ibinalik ang mga papel sa kaniyang bag at sa hindi inaasahang pagkakataon ay inabutan niya ako.

"Hon? Wha-what are you doing?" He asked while drying his body with his towel.

"Inaayos ko lang, napansin ko kasing magulo na."

He entered our room at nagbihis na ng uniporme.

"Do you still love me?" I asked him.

Patuloy siya sa pagdadamit at nakangiting sumagot , "Oo naman. We promised God to love each other kahit anong mangyari."

"Mahal mo ako dahil nangako tayo?"

"Hindi kailangan ng rason para mahalin ang isang tao, that's how love works. Dumarating ng walang dahilan."

"Umaalis ng wala ring rason."

"Hmm?" Nagtataka siya pero halatang hindi interesado sa sinasabi ko. Ng matapos sa pagbibihis ay kinuha niya ang bag sa kama at hinalikan ako sa labi.

"Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, I love you. I have to go now, late na naman ako." He walked away.

Hindi ako lumabas ng kwarto at narinig ko na lamang ang pag-andar ng kaniyang sasakyan. Naiwan akong mag-isa sa kwarto, hindi ko pa rin mapigilan ang maiyak.

Nawawalan ako ng ganang gawin lahat ng mga dapat kong gawin. I can't even check if Ashley's awake now.

Nahiga ako sa kama at hinayaang tumulo ang aking luha.

Maya-maya pa ay nakapa ko ang isang pirasong papel na nasa ulunan ko. Naiwan siguro ng maglabas ako ng mga gamit sa bag ni David. Binasa ko ito at nakita ang pirmadong dokumento , may pangalan at numero ng sekretarya niya.

Hindi ako mapalagay, malakas ang kutob ko. Muli akong kinabahan habang binabasa ang pangalan ng sekretarya sa papel na hawak ko.

Kasama si Ashley, mula sa aming bahay ay bumisita kaming dalawa sa bahay ni Eden.

*Tok..Tok..Tok..Tok..*

Nang mabuksan ay walang pagdadalawang isip niya kaning pinapasok. Pinaghanda niya kami ng makakain.

This woman is amazingly beautiful. That time, she's just wearing a plain sleeping dress. Mukhang babagong bangon pa lang mula sa kama niya.

"I'm sorry Eden, ayos lang bang makiabala?"

"Amanda, you're always welcome here. Kumusta?"

"Ah.. eh.." tumgin ako saglit kqy Ashley, nakatingin rin ito sa akin.

"Hmm? May problema ba?" Eden asked. Halata ang pag-aalala niya, nahinto siya sa paghahanda ng pagkain at tumingin sa akin. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko sa muling pagbagsak. Hindi maaaring makita ako ni Ashley na ganito ang sitwasyon.

"Oh, wait. We can talk privately if you want."

Binuksan ni Eden ang TV upang may mapanood si Ashley habang nag-uusap kami. Dinala niya ako sa balkonahe at isinara ang bubog na pintuan. Mula doon ay tanaw pa rin ang abala sa panonood sa TV na si Ashley.

Nagsindi ng yosi si Eden at naupo sa tabi ko.

"I guess there's something wrong."

"Hindi ko na rin alam Eden, dumaan na rin ba sa punto na masyado mong iniisip lahat ng bagay? Like, maliliit na kibo ay napapansin mo."

"Darlin', always. Kung alam mo lang, but the good thiing is ... Sa oras na mag-isip ang babae ay impossibleng mali ang kutob nito. Sa lahat ata ng creation ni God, tayo ang may pinakamalakas na sense 'no. Ultimo pagbabago ng amoy ng boxers ng boyfriend, alam. "

"Akala ko ako lang."

"Don't tell me, pinaghihinalaan mo ang asawa mo?"

Hindi ako nakasagot agad, napalunok ako ng laway dahil sa kaba.

"It's normal, kasama sa buhay 'yan." She added.

" What if totoo na?"

"Nahuli mo in person? Or any proof?"

"Hindi, wala. Hinala lang ang lahat. Last night, someone called him ako ang nakasagot, babae 'yon. Gabi-gabi siyang lasing and honestly I can sense na mayroon talaga siyang iba."

"When I say na it's normal na maghinala it means na dumadaan lahat sa ganoon pero take note, the only thing you need to do now is to confirm it. Baka naman nagkataon lang, baka wrong call, baka naman wala talaga at masyado lang tayong nag-iisip."

"How? Paano ko siya mahuhuli? He's too smart but ... he can't hide secrets."

"That's the answer, he's too weak in hiding secrets. Sa oras na malaman mo, anong gagawin mo? Iiyak? Magtatampo, makikipaghiwalay?"

"Hindi ko alam."

"Hindi mo alam? Amanda, that girl is trying to wreck your family. Tapos hindi mo alam ang gagawin mo? Bakit pa natin 'to pinag-uusapan, you need to plan it Amanda. Hindi pwedeng aapihin ka. Babae rin ako kaya sinasabi ko 'to sa'yo."

"Then what should I do? "

"You know exactly what to do Amanda, natatakot ka lang sabihin. If you can't fight for your family, you don't deserve David or even Ashley. Amanda, hindi na ito tungkol lang sa'yo. Think about your daughter, think about her future, her life."

"I'll make that woman pay and I will make David's life miserable kung totoo ang hinala ko."

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.

"You are not just his wife, you're a mother. Always remember that."

Hindi lang ako isang asawa, pero isa rin akong ina. Gagawin ko ito hindi para sa akin o para kay David, pero para kay Ashley.

I will make them pay.

"Don't worry, we're friends now Amanda. We're sisters at pangako, I will support you. Kumukulo talaga ang dugo ko sa mga kabit, this is my phone number, call me. " She winked. Iniabot niya sa akin ang kaniyang calling card bago muling humithit ng sigarilyo.

***

Nang makauwi sa bahay ay muli akong dumiretso sa kwarto. Huminga ako ng malalim at muling tiningnan ang pangalan ng sekretarya ni David.

Maybe you're the paramour, Georgina Quintanilla.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status