Share

CHAPTER V

Magkasama kaming nanonood ni David ng TV, siya nakaakbay sa akin at ako naman ay hawak ang mangkok ng popcorn. He kissed me on my forehead and scratched my shoulder.

"Do you still love me?" I asked.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?"

"It's just a yes or no question, David. Hindi ganoon kahirap ang sagot."

"I mean, ofcourse Hon. Mahal na mahal kita."

"Napansin ko lang lately , hindi tayo nakakapag-usap ng ayos. Are there things na gusto mong ikuwento sa akin? Or mga bagay na dapat nalalaman ko? "

"Paulit-ulit lang ang nangyayari sa araw ko, wala namang bago."

Hinawak niya ang palad ko at hinalikan ang aking kamay. Then I noticed something unusual.

"Where's your ring? Our wedding ring?" Tanong kong muli sa kaniya.

Hindi ito sumagot sa akin at nanatiling tahimik na parang 'di ako narinig.

I guess ayaw niyang pag-usapan. He must be tired of me, I'm sure he's fed up with my toxic traits.

*Cring...Cring..* -unknown number calling

Dinampot niya ang kaniyang cellphone mula sa mesa at sinagot ang tawag, tumayo siya saglit at lumabas ng bahay bago sumenyas sa akin ng "5 minutes" mula sa bintana.

Naupo akong muli sa sofa at napangiti habang iniisip kung sino ang taong katawagan niya. Napakahalaga naman ata para lumabas pa siya ng bahay.

Ilang saglit pa ay bumalik siya sa loob at naupong muli sa pwesto niya kanina.

"Sino 'yon?"

"Ah, eh.. My boss."

"Your boss? Are you the only employee sa office ninyo? I guess masyado na siyang nakadepende sa'yo ah. Baka gusto mo nang palitan?"

"You're acting different, what's the problem?" He slowly placed his hand on my legs.

"Wala naman."

"Magkakaroon ng party sa company namin , exclusive for employees only. I asked my boss if I can bring you there kaso strictly for employees lang,eh."

"Ok," Tila ba nasaktan ako sa sinabi niya pero ano bang magagawa ko? Para lang daw sa mga employees.

"Do you miss me?" He whispered.

"David, gising pa ang bata."

"Gising na rin 'to," he answered.

Agrisibo niya akong hinalikan at inihiga sa sofa. He quickly took off his clothes and kissed me on my neck. Para siyang asong hamit na hamit sa karne, hinubad niya ang suot kong tshirt at hinalikan ako sa dibdib.

I closed my eyes the whole time ngunit pagmulat ko, doon ko napansin ang mapulang marka sa kaniyang dibdib, a kiss mark.

Hindi ako nakatiis at walang anu- ano'y kumawala mula sa pagkakayakap niya, dumiretso ako sa banyo at doon sumuka ng sumuka.

"Hey? Are you okay?"

Malamang hindi niya alam ang markang nasa dibdib niya dahil paniguradong magiging maingat 'yon sa pagtatago kung nagkataon.

"Hon? Are you okay?" Paulit-ulit niyang tanong habang kinakatok niya ang pintuan ng banyo.

Hindi ko mapigilan ang maiyak, that mark isn't there accidentally.

"Are you pregnant?" He asked.

Sinong bubuntis sa akin ? Ang kagaguhan mo? Kung nakakabuntis ang pagsisinungaling, for sure it's fucking me hard everyday.

Lumabas ako ng banyo na parang walang nangyari. Dumiretso ako sa kwarto at nahiga.

***

Kinabukasan, nagising na lamang akong wala na si David sa tabi ko.

*Good morning, sorry kailangan kong pumasok ng maaga. Medyo marami akong trabahong dapat gawin ngayon. I love you, baka hindi ako makauwi sa dami ng mga documents na kailangan kong tapusin.* - he texted me. 

*Knock!Knock!* loud knocks banged on my door. 

"Coming!" 

Nagmadali akong pumunta sa lumabas ng kuwarto at binuksan ang main door. Doon bumungad si Eden, dala ang basket ng mga prutas, wine at bulaklak. 

"Mukhang may lakad ka ha? Anong sadya natin?" I asked.

"Napadaan lang, teka , are you okay? Bakit pukto ata ang mata mo at ang putla mo ah. ANong nangyari sa'yo?"

"I'm okay Eden, halika, tuloy ka."

Pumasok siya sa loob at inilapag ang mga dala sa mesa. Naupo siya sa sofa at nakangiting pinapanood ako habang naghahanda ng pagkain naming dalawa.

"Where's Ash?"

"Siguro natutulog pa," I answered.

"Your husband?"

"'Yon na nga, maaga siyang umalis para sa trabaho. Imagine, lately sobrang cold na niya and I can't even kiss him. Nandidiri ako dahil for sure 'yong bacteria ng babaeng humalik sa kaniya ay naroroon pa."

"Wait, saang banko nga uli nagtatrabaho ang asawa mo?"

"Save Bill Bank."

"Owned by the Chuis? Seryoso ba?"

"Yeah, why?"

"Well if hindi mo pa alam, I'm their daugther's designer. From debut to parties hanggang sa company mid-year party nila. Teka, don't tell me hindi mo pa rin alam?"

"Ang alin?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. 

"See those flowers and basket? Ipinadala 'yan ng Chui Family, kasama ang papel na 'to." Itinuro niya ang mga ipinatong niya sa mesa at mula sa kaniyang bag ay inilabas niya ang isang itim na papel na nababalot ng gold lace. 

"Hmm?"

"Mid-Year party nila ngayon, hindi ba binanggit ng asawa mo? Lahat ng employees ay invited pati mga pamilya nila. Taon-taon nila itong ginagawa para sa pagpapasalamat sa kanilang workers." She explained. 

Halos kapusin ako ng hangin sa aking nalaman. Hindi man lang niya ako sinabihan o inabisuhan. Para akong t*nga na naniniwala sa mga sinasabi niya. How can he say na mahal niya ako? Naririnig ba niya ang mga sinasabi niya? Nakakasuka.

"Okay, ganito na lang. Kung gusto mo pwede kitang isama mamaya pero promise me na hindi mo sasabihin na ako ang nag-aya sa'yo ah."

"Eden, I'm okay. Huwag na, ayokong maging dahilan pa ito ng away namin."

"Sige he'to ha, sasabihin ko na sa'yo. Alam mo ba na may dance ball doon? I wonder, sino kaya ang isasayaw ng asawa mo? Maybe it's time for you to discover kung sino ang babaeng matagal ng sumisira sa inyo."

"I just can't. Hindi ko na alam, ano pa bang laban ko doon? " doon biglang bumuhos ang mga luha ko. Hinaplos ni Eden ang likod ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Oh sige, ganito. Ako na ang bahala sa mga isusuot mo, sa make-up mo, just promise me to be strong. You have to win this, play this hard darlin' " she whispered.

"Mommy?" lumabas ng kwarto si Ashley, habang kinukusot ang kaniyang mga mata ay tila ba nakakita siya ng multo ng makita si Eden.

"Hi!" Bati ni Eden

"You... You are the woman in black" she continued.

Eden smiled. Halata sa mga mata niya ang pagkalito sa mga salitang binanggit ni Ashley.  

"Woman in black?" she asked. 

"Ah, huwag mo nang pansinin. Just a character from Ashley's crazy dreams."

"I see, so I have to go now. Kukunin ko ang mga kakailanganan natin sa bahay and please preapre yourself too. Hindi lang 'to simpleng gabi Amanda, the night is going to be a mess for sure."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status