BROKEN VOW
BROKEN VOW
Author: Mugsy Wp
CHAPTER ONE

NAKATAYO ako sa labas ng kwarto ni Donna. Nagtalo na naman kami at hindi nagkaunawaan hanggang sa nauwi na naman sa pagtatalo. Hindi ko alam kong saan nagsimula ang gulo sa pamilya namin pero isa lang ang alam ko, nagsimula ito ng hindi ako tumupad sa pangakong binitawan ko.

Naalala ko pa mahigit eighteen years na rin ang nakakalipas. Nang isinugod noon si bea sa hospital ay pinatawag ako ni Renzo sa office niya at ang binigay niya sa aking misyon ay si Mitch. Si Renzo ay boss namin at si Bea ay isa sa kaibigan namin na sinugod dito sa hospital. Si Renzo ang leader ng Red Rose mafia. Ayon sa source na nakalap nito ay nasa England ang taong pinapahanap niya kaya doon ang tungo ko. Magpapanggap akong businessman ni Pablo Madrigal. Kaya noong araw din iyong ay lumipad ako papuntang ibang bansa.

"welcome!" sabi nito sa akin habang nakadipa ang kamay. Umismid naman ako dito pero nakangiti pa rin ang mukha. 

Itong taong to ang pumatay sa magulang ko at pagbabayarin ko siya sa ginawa niya.

Habang nasa meeting hall kami ay wala akong ibang maisip kundi si Donna. Marami din akong pinapasunod sa kaniya kaya ngayon ay napapayukom ang kamao ko dahil kita sa larawan si Donna na masayang-masaya sa piling nung Salvador na iyon.

'may araw ka ding Salvador ka'

"Are you listening to me? Mr. Lee?" biglang tanong ng secretary ni Pablo kaya tumango ako.

'shit! Akala ko ba hindi na magkikita si Donna at ang Jarred na yun? What happen?'

"Mr. Lee this is Mitch" sabi nito kaya napaangat ako ng tingin at nagulat dahil hindi ko inaasahan na papapuntahin niya ang anak niya.

"Im sorry Mr. Lee. Sinama ko na si Mitch dahil wala siyang kasama sa bahay"

"its okay Mr. Madrigal" pormal na sabi ko habang nakakunot-noong nakatingin kay Mitch na parang kakaiba.

Usually ang Mitch na kilala ko ay palaban at kapag makita mo palang ay mang-aakit na ito pero itong Mitch na kaharap ko? Iba. Marahil ay natatakot sa ama niya.

Simula noong ipakilala ako ni Mr. Madrigal sa anak niya ay lagi na akong nakalalabas-pasok sa bahay nila kaya may mga nalaman na din akong detalye. Isa na doon na si Mitch pala ay may kambal na si Myllisa pero ang tanong? Nasaan?

"halika sa harden" masayang aya ko dito nang makitang lumabas mula sa hagdan si Mitch.

"tara" yakag niya kaya nagpatinoud nalang ako.

"napakaganda ng mga rosas ano?" sabi niya kaya tumango lang ako. Lalaki ako kaya hindi ako masyadong nagagandahan sa bulaklak, nakababakla.

"pero bakit para sa akin ay hindi ito naka-aakit?" sabi niya na mababakas ang kalungkutan sa mata kaya napaharap ako dito.

"paano mo naman nasabi iyan Mitch?"

"mas naakit ako sa mga bagay na nakakalipad. Tulad ng ibon" sabi nito at tumingala sa langit "mabuti pa sila ay maaaring pumunta sa lugar kung saan nila gusto" dagdag pa nito.

Akmang sasagot ako ng nagring ang telepono ko "Mitch. I have to go, may emergency" sabi ko pero malungkot pa rin itong tumango sa akin.

Nakonsensya naman ako kaya sinama ko ito sa malapit na mall. Hinayaan ko itong pumili bago ako tumawag sa taong pinapasunod ko kay Donna. Masakit para sa akin makita si Jarred na araw-araw nito kasama si Donna.

"Boss. Nawalan po kami ng trace kay Maam Donna"

"WHAT! Paano nangyari yun? Sinong kasama niya"

"si Salvador boss." napayukom ang kamao ko sa sobrang inis.

Hindi na bali. Limang buwan nalang ay uuwi na ako sa pilipinas dahil tapos na ang misyon ko dito.

Napatingin ako kay Mitch na nakangiti. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng lagabog nito at parang lumiwanag ang paligid. Nagslow motion din ang bawat ngiti nito sa kausap nito.

"shit 'di pwede 'to" reklamo ko sa sarili ko.

Hindi maaari dahil anak siya ng kaaway. Nangako ako kay Donna na babalikan ko siya at papakasalan.

Napatingin ako sa cellphone ko ng may nagsend ng picture. Doon ay parang gumuho ang mundo ko. Masakit makita na ang taong iniibig mo ay nakipaghalikan sa iba.

"how can you do this to me Donna!" 

"are you okay Yuan?" napalingon ako kay Mitch at agad na pinunasan ang luha ko. Nagulat naman ako doon dahil hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"yeah. I just need to be wasted" mahinang usal ko na kinatango nito.

"i understand. Come with me i know a place" Di na ako nakatanggi dito nang hilahin niya na ako paalis.

Nandirito kami ni Mitch ngayon sa bar dahil gusto kung magpakalasing at sabi niya ay sasama daw siya. Nag-iinuman kaming dalawa at alam kung pareho na kaming may tama pero naririnig ko pa ang sinasabi nito.

"alam mo. sawa na ako makulong sa mansyon ni daddy. Bakit si MITCH malaya bakit ako hindi" Utal na sambit nito dahil nakainom na siya pero hindi ko pinansin. Galit ako sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya.

"marahil dito" sabi nito at pinakita ang pulsong may tahi na hugis diamond.

"may bagay d'yan eh. Matigas. Baka nakakulong ako dahil doon" yun lang ang huli kung narinig bago mawalan ng ulirat.

Naalipungatan ako sa kama nang maramdaman ko ang pagalaw ng unan ko. Nakaririnig din ako ng iyak sa tabi ko.

'iyak?' Napabangon ako bigla at napatingin sa sarili. Wala ako ni isang saplot ganun din si Mitch na ngayon ay umiiyak.

Napatingin ako sa kobre ng kama at napahilamos nang makakita ako ng mantsa ng dugo

'how come na virgin pa si Mitch?'

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Madrigal na umuusok ang ilong sa sobrang galit.

"MR. LEE! MARRY MY DAUGHTER! OR ELSE I WILL KILL AND SUE YOU!" sabi nito kaya wala akong nagawa, Nagpakasal kami ni Mitch sa isang simbahan.

Noong una ay galit na galit ako dahil nga pakiramdam ko ay pinikot ako pero kalaunan ay natutunan ko na rin siyang mahalin hanggang sa may message ako na nakita. Galing ito kay Renzo.

"Kailangan mo ng bumalik. Wala na diyan ang misyon mo. Nandito sa pilipinas. Patawadin mo ako kuya Yuan" Pagkabasa ko noon ay napatingin ako kay Mitch. Papaanong nasa Pilipinas eh magkasama kami?

Nang dumating ang gabi ay matutulog na sana kami ni Mitch ng tumunog ang telepono ko.

"hello?"

"kuya Yuan"

"Renzo?" sabi ko

Bumuntong-hininga si Renzo "kailangan mong bumalik. Buntis si Donna"

"ano? Paanong nabuntis si Donna" Pinatay na nito ang tawag ng hindi sumasagot.

"Renzo!" tawag ko dito nang maramdaman kong may yumakap sa akin sa likod.

"Yuan" hagulgol nito at akmang haharap ako ay pinigil niya.

"bumalik ka na sa pilipinas mahal"

"pero paano ka?"

"kaya ko ang sarili ko at nanganganib ang buhay mo dito mahal"

"pero hindi kita kayang iwan"

"alam kong mahal mo pa rin si Donna, Yuan. Bumalik ka sa kaniya. Kailangan ka niya. Kailangan ka ni Donna at nang magiging anak niyo"

"pero?" tumalikod agad si Mitch at nagkulong sa kabilang silid kaya wala akong nagawa kundi umuwi ng pilipinas at inako ang anak ni Donna.

Lalaki ang anak ni Donna, 'yon ang alam ko pero labis ang tuwa ko nang malaman kung may babaeng anak si Donna na si Luna. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa alap-ap.

Nagpakasal kami ni Donna sa Pilipinas para na din marehistro ang mga bata pero labis na lang ang gulat ko ng Salvador ang gamit nito.

"bakit Donna!" Sigaw ko dito.

"YUAN! SI JARRED ANG AMA NILA KAYA SALVADOR ANG DALA NILA!"

"sa tingin mo ba babalik pa ang tatay nila? Well, 'wag ka na umasa Donna" sabi ko at sinarado ang pinto. Hindi na babalik si Jarred dahil sisiguraduhin kung makukulong siya sa bilangguan.

Akala ko yun na ang labis naming away pero hindi. Mas naging madalas ang pagtatalo namin noong mamatay si Liam. Ako ang sinisisi niya pero hinayaan ko nalang.

"Kasalanan mo to Yuan! Kung hindi mo sana ako iniwan edi sana hindi ko iinuman ng gamot ang pinagbubuntis ko. Edi sana nabuhay ang anak namin" yan ang paulit-ulit na sabi ni Donna sa akin pero hindi ko siya masisi dahil alam kung depress na siya sa nangyayari sa pamilya namin

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status