Share

CHAPTER FOUR

SA KABILANG BANDA naman ay naging maganda ang buhay ng batang babae na inampon ni Donna.

Masiglang itong gumising at masayang umaga na naman ang bumungad dito. Napainat ito nang katawan at napatingin sa orasan.

10:15 a.m

'Seriously? Ang aga ko ata today' sambit niya sa sarili at natawa  sa sariling naisip at agad na pumunta sa banyo at nag-asikaso ng sarili.

Nang matapos ay agad siyang lumabas. Pagbukas nito ng pinto ay nakita niua ang kwarto ng kuya Liam. Nangilid ang luha niya at napangiti nang mapait. Pinihit niya ang seradura ng pintuan at pumasok.

Malinis ang boung kwarto ng Kuya niya at amoy mo pa rin ang pabango na gamit nito noong nabubuhay pa. Napatulo ang luha niya na agad niya namang pinunasan dahil narinig niya ang boses ng kuya sa kaniyang isip.

"magpakatatag ka, ang luha ay nagpapakita lamang ng kahinaan"

"bakit ganon kuya. Hindi ko pa rin mapigilan. Hanggang ngayon ay sinisisi ko ang sarili ko kung bakit inuna ko ang sarili ko kesa sa kalagayan mo. Edi sana nakausap man lang kita kahit sa huling araw ng buhay mo" bulong niya sa sarili.

Napaiyak siya kahit na anong pigil niya lalo na nang bumalik sa ala-ala niya ang kahapon.

"l-luna" Tawag sa akin ni kuya nang nagpaalam ako sa kaniya. May lakad ako at pupunta ako kila earth.

"what kuya?"

"k-kahit ngayon lang. Ako muna" nanghihinang pakiusap nito.

"pero kuya may trangkaso po si earth eh"

"l-luna may sakit din ako" umikot ang mga mata ko bago humakbang paatras

"araw araw mo nang sinasabi yan kuya. Tss" 

Iyon ang araw na pinakapinagsisihan niya sa lahat. Pagkauwi niya noon ay puno na nang hinagpis ang boung bahay at pagtatalo lamang ng Mommy at Daddy niya ang maririnig sa paligid. Iniwan na pala siya ng kaniyang kapatid at kaya pala nais nitong manatili siya sa kanilang bahay ay dahil nais nitong magpaalam sa kaniya pero sinuway niya ito.

"k-kuya patawad" mahinang bulong niya.

"princess?" Napalingon siya sa Daddy niya nang makita ito sa pinto. Lumapit ito at umupo sa kama katabi niya kaya agad siyang yumakap sa kaniyang ama.

"Dad" sabi ko at humagulgul.

"Anak. Tahan na! Huwag ka nang umiyak. Hindi magugustuhan ni Liam na makita kang umiiyak" agad niyang pinunasan ang pisngi at ngumiti sa Daddy niya.

"sobrang bigat na kasi daddy" ngumiti lang si daddy at hinila siya patayo.

"halika na kumain ka na lang" Natawa nalang siya sa sinabi ng daddy niya pero sumunod naman.

Pagdating sa hapag ay nandoon na ang Mommy niya. Nagdasal muna sila bago nagsimulang kumain.

"may lakad ka today Luna Anak?" umiling siya sa tanong ng Mommy niya habang tahimik naman ang Daddy niya lalo na kapag kaharap nila ang Mommy niya at hindi niya alam kung bakit.

"himala ata at hindi ka pupunta sa bahay ng mga Vergara?" Napayuko nalang siya sa sinabi ng Mommy niya.

"bakit kasi habol ka ng habol doon sa anak ng cassoy na yun? Bakit hindi nalang doon sa anak nila Ivan na si Rain? Malay mo paulanan ka pa ng biyaya"

"Mommy naman. I don't like him. He's annoying"

"ikaw din baka pagsisihan mo yan. Lalo pa at wala kang mapapala doon kay Earth. Tingnan mo nga itong si Rain napakama----" Natahimik ang Mommy niya ng padabog na binaba ng Daddy niya ang kubyertos.

"enough! Donna. Huwag mong pilitin ang bata" tumayo ang Daddy niya bago tiningnan ang Mommy niya sa mata  "hindi mo matuturuan magmahal ang puso Donna"  Umalis ang Daddy niya sa hapag kaya napatingin siya sa mommy niya na umiiyak.

Hindi naman sa bias siya pero sa Daddy at Mommy niya, Mas malapit siya sa daddy niya kasi spoiled siya  nito lahat ng gusto niya ay binibigay nito unlike her Mom.

"Luna. Bakit ansakit anak?" umiiyak na sambit nito pero tiningnan lang ito ni Luna.

"i don't know your feeling Mommy and please don't share it to me" Tumayo siya bago muling nagsakita "i hate drama's" Dagdag niya at sumunod sa daddy niya papunta sa garahe.

"DADDY!" napahinto naman ito sa paglalakad at hinintay siya. Nang makalapit ay agad na itong umakbay.

"do you need anything princess?" nakangiting sabi ng Daddy niya kaya napangiti na din siya. Nakakahawa kasi ngumiti ang Daddy niya.

"Daddy can you please taught me how to drive a car"  napaisip naman ito sa sinabi niya.

"pero princess baka masaktan ka" Ngumuso siya sa harapan nito kaya natawa ito.

"fine. Maybe if im not busy okay?" Napangiti naman siya sa sagot nito.

"thanks Daddy. Can you please sent me to Vergara residence dad?" Tiningnan siya ng daddy na nang-uusig na tingin.

"i taught you will stay at home" nakakunot na noo nito kaya natawa.

"i change my mind dad. Come on" agad niya itong hinila kaya natawa ito. Tulad ng nais niya ay nagpahatid siya papunta kila earth.

"Dad. Don't petch me later okay?"

"why?"

"well. Im old enough to handle myself"  Kiniss ko si daddy bago lumabas ng kotse "take care dad" Napailing nalang ang Daddy niya bago umalis. Papahatid nalang siya kay earth. Dumaan pa siya gate ng subdivision at dahil kilala na siya ay agad siyang pinapasok. Nakabukas ang gate nila kaya naman dumiritso na ako pasok sa loob.

Nakarinig siya ng halakhakan sa loob ng bahay kaya nakangiti siyang pumasok at nadatnan niya doon si tita Cassandra niya na wiling-wili sa babaeng katabi nito habang si Mars ay nakangiting nakatingin dito. Napatingin siya kay Earth na nakatingin din sa babae na nakangiti kaya nakaramdam siya ng selos.

"bakit sa akin ni simpleng ngiti ay hindi niya magawa" ani niya.

"good morning!!" masiglang bati niya sa kanila.

Napatahimik silang lahat habang ang babae naman na bisita ata nila ay nakatingin lang sa kaniya nalg inosente.

'ako lang ba? O pareho sila ng featured ni daddy' sambit niya sa sarili

"hello Luna. This is my friend Yllisa" pakilala ni Mars.

"hello there Yllisa! Are you from elite family or what?" sabi niya at tinaasan ito ng kilay.

Yumuko lang ito at hindi nagsalita pero ang Tito Steve niya ang sumagot "No iha. She's our new maid"

"WHAT? MAID! And you treat her as a visitor. Ghad!" Napairap siya nang mata kaya natahimik sila.

"may problema ka ba doon?" Napaayos siya ng tayo nang magsalita ang Tita Cassandra niya ng malamig pa sa yelo.

"wala naman sigurong problema since pamamahay KO ito at kung may problema ka. Bukas ang pintuan para sa iyong may dugo ng taksil" 

"Hon!" awat dito ni Tito Steve niya.

Tumayo naman ang tita niya at hinila si Yllisa patayo.

"whatever! Earth handle your UNEXPECTED visitor and stay her away from my sight!" Nang mawala si tita niya ay umiiling lang na lumapit sa kaniya si Mars.

"i hate that woman" mariing sambit niya pero tinawanan lang siya ni Mars.

"she don't love you either so mutual feeling i guess" pinanlisikan niya ng mata si mars na tumatawa pasunod sa Tita Cassandra niya.

"why Tita Cassandra always rude to me?" tanong niya sa hangin pero narinig ito ni Earth.

"we don't know either" nagkibit-balikat lang si earth.

"bakit galit sa akin si tita?" ani niya sa isip. "hindi ko naman kasalanan na nagtaksil si tito sa amin bakit sa akin binubunton ni tita cass ang lahat?" dagdag pa niya.

Kinabukasan katulad ng nakagawian ay pumunta siya sa bahay nila Earth at hinatid naman siya ng Daddy na nakabusangot.

"Daddy. Im okay alright?"

"but you seem not! Why are you still pursuing that man?" Natawa siya sa sinabi nito.

"come on Daddy. Im a woman already. Don't treat me like a baby?"

"but you are my princess" Hinalikan niya na lang ang Ama niya sa pisngi kaya wala itong nagawa kundi ang bumuntong hininga.

"Okay. Just call me when you need anything okay?" Tumango naman siya at naglakad na papasok.

"saan kayo pupunta?" tanong niya ng makasalubong niya sina Mars at Earth habang nasa likod si yllisa. Tinalikuran siya ni Earth kaya sumunod naman siya.

"hey cupcake? Where are you two going with these trashy maid" Napahinto si Earth at tiningnan siya ng masama.

"wala kang pake kahit saan kami magpunta!" Agad na lumakad ito kaya sumunod siya. Kumapit siya sa braso nito kaya bumuntong hininga na lang ito.

"your so grumpy!" nakangusong sabi niya pero 'di siya nito pinansin.

Ilang lakad pa ay nandito sila sa bahay ng mga Rodriguez.

"what?" tanong ni Mars sa kaniya ng mapansin na napahinto siya.

"bakit tayo nandito?" utal na tanong ko.

"hindi mo ba alam? May misyon si hell at ngayon ang alis niya!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito kaya agad siyang pumasok. Wala pa ang kambal kaya umupo sila sa upuan.

"hello sweety" napangiwi siya ng tumabi sa kaniya si Rain.

"what the?"

"what?" Natatawang sabi nito. Akmang tatayo siya ng hinila siya nito paupo. 

"saan ka na naman pupunta?"

"sa lugar kung saan wala ka!" Inirapan niya ito pero tumawa lang ang loko.

"meron ba noon? Eh kahit saan ka naman magpunta eh nandoon ako kasi nandiyan na ako sa puso mo" Napahiyaw si Sunny ng marinig ang sinabi ng kambal.

"so cheesy twin" natawa lang si Rain sa kambal.

Ilang sandali pa ay dumating na si hell na sinusundan ni heaven.

"hello bitch!" Bati ko pero 'di ata ako narinig. Nakita niya na pang kumislap ang mata nito nang makita si Yllisa.

"hello Yllisa" nakangiti nitong bati pero tumango lang si Yllisa.

"what the hell bitch? What are you wearing? Its not fashionable" nandidiring sabi ni Sunny kaya sinamaan ito ng tingin ni Hell.

Pinagusapan nila ang plano nila sa mission nito and after that ay nagpaalam na siya.

"bye bitch" tumango lang ito.

Agad siyang sumunod kila Mars na nakaakbay kay Yllisa habang si Earth naman ay masama ang timpla.

"i  wonder why?" tanong niya sa sarili.

"hey?where are you going guyz?" tawag ni sunny kaya huminto sila.

"mall" sabi ni earth at nagkibit-balikat.

"sama kami" Umiling sila sa sinabi niya kaya napasimangot siya.

"no need Luna.wala ka namang gagawin doon"

"Mars is right Luna. We don't need you there and beside. We just want yllisa to explore around the mall" sabi ni Sunny at umikot ang mata.

"come on guyz? Let me join" inakbayan siya ni Rain.

"she's right" dagdag nito. Bumuntong-hininga naman sila kaya wala na silang nagawa kundi tumango. Napangiti naman siya sa isip.

"may silbi ka din naman pala Rain" bulong niya pero ngumiti lang ito ng malungkot.

"buksan mo ang iyong mata. May mga bagay na hindi mo nakikita luna" Sasagot pa sana siya kaya lang inakay na siya nito sa van. Sumakay silang lahat doon hanggang sa makarating sila sa mall.

"come on Yllisa we will tour you at my boutique so you boys. Stay in here" walang nagawa ang mga boys kundi ang tumango.

Sumunod naman siya sa boutique  ni sunny pero wala naman siyang interes sa fashion industry kaya lumabas na lang siya.

Natapat siya sa bookstore nang may nabangga siyang babae.

"what the hell? Can you please watch were you walking bitch!" Sigaw niya pero yumuko lang ang babae.

"pasensya na" sabi nito at tumakbo.

"MIESHA!" may narinig siyang sumigaw sa loob ng bookstore.

Tumingin ito sa kaniya at nakaramdam siya ng paglagabog nang dibdib kaya napahawak siya dito. 

"binibini?" 

Napangiti naman siya ng marinig ang boses nito.

"miss" agad siyang napabalik sa realidad at tinaasan ito ng kilay.

"what?" inirapan niya ito pero ngumiti lang ito kaya napahinto na naman siya.

"shit! Ang gwapo niya ngumiti. Makapal ang kilay na matangos ang ilong. So perfect" bulong niya sa isip

"nakita mo ba miss yung babae na nagmamadali kanina" tumango siya kaya ngumiti ito.

"anyway im Jarren nga pala. Jarren Salvador. Anyway got to go! Habulin ko lang sister ko" Nagtakbo ito paalis pero tulala pa rin siya

"S-salvador daw? Pareho kami ng surname ha"

"Luna!" napatingin siya sa tumawag sa kaniya at nakita niyang si Rain ito kasama yung Miesha?

"why are you together?" nameywang siya sa harapan nang dalawa kaya.

"well. Luna she is Miesha Santiago. Bago lang din siya kaya naligaw siya and then i guide her here" tumango naman siya at tinaasan ng kilay ang babaeng kaharap.

"are you related to Jarren Salvador?" Nanlaki ang mata nito at tumango.

"talaga? Nakita mo ba si kuya Ren?"

"seriously kid? Sa tingin mo ba babanggitin ko ang name niya kung di ko nakilala" Inirapan ko ito ulit "miss. Ang alam mo ba kung bakit nasa taas ang utak ng tao?" tanong niya pero umiling ito.

'tss'

"kasi ang utak ginagamit ng ulo hindi ng talampakan!"

"LUNA!" nagulat siya ng sumigaw si Rain sa kaniya for the first time. Omg!

Inirapan niya ang mga ito bago naglakad pabalik kila Sunny.

"Luna your so rude to her" habol nito pero umirap siya.

"so what?"

"so what? Luna. Pinalaki ka ba talaga ng maayos ni tito Yuan? Kasi sa nakikita ko sayo parang hindi eh" natahimik siya sa sinabi nito 

"your like a spoiled brat na takot maagawan" pagkasabi nito ay tinalikuran siya nito.

Nangilid ang kaniyang luha kaya tumakbo siya papunta sa rest room.

"no one must know that i'm about to cry. Im not weak"

Pagkalabas niya ng cubicle ay nagulat siya nang makita si Sunny na nakangisi sa kaniya habang ang kamay nakacross arm.

"glad that my twin were awake now" sambit nito pero hindi na siya nagsalita.

"tsk tsk" naglakad ito palapit sa kaniya at bumulong "sinasabi ko sayo Luna. Hindi lahat ng taong nagmamahal sayo ay pagkakatyagaan ang ugali mo" Umatras ito at sarkastikong tumawa.

"at ngayon ay masaya na ako dahil natauhan na sayo ang kambal ko" tumalikod ito pero bago ito lumabas ay nagsalita pa siya.

"your not even worth it to be a Rodriguez so if my brother love you then sorry to disappoint you but i can't accept YOU as a sister" pagkatalikod nito ay nangilid muli ang kaniyang luha.

"wala na ba talagang magmamahal sa akin? si daddy nalang ang meron ako" bulong niya sa isip.

AGAD siyang lumabas at hinabol si Sunny at nang maabutan ay pumantay siya ng lakad dito.

"huwag kang magsalita ng tapos Sunny. Tandaan mo ganyan ka din kay Tim hindi ba? Baka magulat ka isang araw ay naahas na pala ni Hell si Tim" tumawasiya at iniwan ito na ngayon ay tila malalim ang iniisip.

"honey" Lapit ko kay Earth.

"need to go na. May lakad pa kami ni Daddy" Agad na siyang umalis dahil nasanay na rin naman na siyang walang pumapansin sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status