Share

The Start of Something New

"Salamat sa concern, Dana," Pasasalamat niya sa bagong kakilala na si Dana Muebles. 

"Don't mention it," Sagot naman ni Dana sa kanya. 

"See you!" Paalam niyang may kasama pang ngiti. Dagli namang nabura iyon nang may mapansin siyang pamilyar na pigura. Nakasandal ito sa bagong-bagong kotse nito na Audi A6.

Napatingin din si Dana sa taong tinitingnan niya. Umarko ang isang kilay nito. "Bye, Rias," Paalam naman ni Dana sa kanya at tumungo na sa kinapaparadahan ng kotse nito.

Akmang aalis na rin sa lugar na kinatatayuan si Rias nang habulin siya ng lalaki.

"Rias! Wait!" Pasigaw na habol nito at nilapitan siya.

Napabuntung-hininga na hinarap na lamang niya ito. "Bakit?" tanong niya sa binata na walang iba kundi si Aaron.

"Anong bakit? Ihahatid na kita," Paanyaya nito.

Napanganga siya. "Ha?!"

Matamis na nginitian siya ng lalaki. "You heard it right, Ms. Elementary!" Masiglang wika ng binata.

Napakunot-noo siya sa sinabi nito ngunit nagpasyang hindi na lamang umimik. Sunod sa agos na sumakay siya sa kotse nito. Saglit pa ay nasa kalsada na sila at patungo sa sinasabi nitong restaurant.

"Akala ko ba ihahatid mo ako pauwi sa'min? Saka aawayin na naman ako ni Moira nito once na malaman niyang kasama kita ngayon," Aniya rito.

"Moira who?" Anitong lumingon sa kanya.

Umiwas siya ng tingin dito. Nako-conscious siya sa hitsura niya. Sobrang oily kaya ng mukha niya? May pumutok kayang pimples sa noo niya? Huwag naman sanang mapansin nito ang big pores niya!

Amused na tumawa lang ang binata ss kanya. "Hindi mo talaga ko natatandaan 'no?" Biglang sabi ni Aaron.

Nilinga niya ito. "What do you mean?" Takang-tanong niya.

"Magkaklase tayo noong Elementary days pa," Amin ng binata na nakatutok ang mga mata sa kalsada.

Namilog ang mata niya. "Really? Sino ka 'don?" panunukoy niya sa mga naging kamag-aral noong Elementary pa siya.

Masusi siyang tiningnan ng binata. Hindi sigurado kung tama pang ipaalala rito ang nakaraan. Subalit nanaig ang gusto ng puso niya. "Ako lang naman ang laging partner mo tuwing Intrams!" Pagmamayabang pa niya rito.

Naitakip ni Rias ang bibig. "Omigosh! Don't tell me na ikaw si Dave Lentejas!" Sabay tili.

Pagkasabi niyang iyon ay biglang pumereno si Aaron. Tumama ang mukha niya sa dashboard dahil malakas ang impact nang biglang preno nito.

"Sorry," Dinig niyang wika nito na sa tingin niya ay labas sa ilong.

Nanlilisik ang matang tinitigan niya ito. "May balak ka bang patayin ako ha?!"

Umiling ito.

"Talaga lang ha?!" Patuya niyang sabi.

"Nandito na tayo," Anunsyo nito saka lumabas ng sasakyan. Lumigid ito sa side niya para pagbuksan siya nito. 

"Mabuti naman at nakuha mo pang pagbuksan ako ng pinto," Mismong pagkababa niya.

Hindi pinansin ni Aaron ang pasaring niya bagkus ay nagpunta ito sa receptionist para kumpirmahin ang table reservations nito.

Matapos ang ilang minuto ay inaya na siya ng binata sa isang sulok na may pianist na katabi.

Napalunok siya. Kahit naka-casual attire naman ang mga parokyanong naroon ay nararamdaman niyang out-of-place siya sa lugar na iyon.

"Are you alright?" Concerned na tanong ng binata sa kanya

"Y-yes," Pagsisinungaling niya.

"Good! Let's eat!" Masayang pahayag ni Aaron at nilantakan ang mga pagkaing inorder nila. Korean cuisine ang kasalukuyang nakahain sa hapag nila.

Hindi siya makapag-focus sa pagkain dahil hindi niya alam ang motibo ng lalaki sa kanya at kung bakit siya dinala sa restaurant na ito.

Napansin yata nito ang pananahimik niya. "Something's wrong?"

Umiling siya. "Iniisip ko lang kung bakit kita kasama ngayon.." Aniya rito.

Uminom muna ito ng tubig bago siya sinagot. "Because baby you're going to be my food buddy!" Bulalas nito.

"Ano?! Iyon lang?!" Gulantang na pakli niya rito.

"Bakit? May iba pa bang dahilan?" At tiningnan siya ng nakakaloko.

Umingos siya. "As if!"

Ngunit sa isip-isip niya ay nag-e-expect siyang may pagtatapat ang lalaki. "Sakit, bes!" Sabi ng isip niya.

-o-

"Ano ito?" Tanong niya kay Aaron pagkaabot ng in-order nitong inumin mula sa Gong Cha.

"Oolong Tea," Tipid na sagot nito.

"Na naman?! Wala na bang ibang flavor?" Reklamo niya.

"Yep. Basta inumin mo na lang," Utos nito sa kanya.

Umingos siya. "Tatlong araw ko nang iniinom itong Oolong Tea. Puwede Taro Boba Tea naman next time?" Pakiusap niya sa lalaki.

"Okay na 'yan. Masarap naman 'yan di ba?" Anitong walang balak na pagbigyan siya. 

Itinirik ni Rias ang mga mata. Wala siyang magagawa dahil libre itong binigay sa kanya. Masamang tumanggi ng grasya 'ika nga nila. 

"Tara na," Yakag nito para umuwi na sila.

Tatlong araw na silang ganoon ni Aaron. Mag-food buddy daw sila nito pero sa lahat yata ng food buddy sa mundo ay wala siyang karapatang umangal sa gustong kainin nito o nila.

As usual marami na naman ang napapatingin sa kanila sa university. Hindi nga naman pangkaraniwan sa mga ito ang makakita ng isang beauty and the beast na magkapareha. 

Naramdaman siguro ni Aaron ang uneasiness niya kaya lalo nitong hinigpitan ang hawak nito sa kamay niya. Sa ginawa nitong iyon ay napatingin siya sa binata. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya tinuring na kaibigan nito. Marami namang babaeng nakakahigit sa kanya. Bakit siya pa?

Sa wakas ay narating na nila ang Audi A6 nito. Namumula siyang binitawan ang kamay nito. 

Amused na ngumiti sa kanya si Aaron. "Hop in," sabay bukas sa kotse nito. Sasakay na sana siya nang may pumaswit sa kanya. Nilinga niya kung sino ito. Si Dana Muebles lang naman.

"Dana!" Rekognisa niya rito. Hindi natuloy ang pagsakay niya sa kotse. Nilapitan siya ni Dana.

"How are you? Hindi kita nakikita masyado sa campus ah?" Masayang bati sa kanya ni Dana.

"A-ah e-eh..." Nabubulol na wika niya. Hindi niya masabi rito na lagi niyang kasa-kasama si Aaron.

"Ehem!" Tikhim ni Aaron. Pinapaalala sa dalawang dalaga ang presensiya niya. "Hindi mo ba ko ipakikilala sa magandang binibini na ito ha, Rias?"

"Ah! Siya nga pala! Dana, si Aaron Samuels. Aaron, si Dana Muebles," Pakilala niya sa dalawa.

Nag-handshake naman ang dalawa. "Nice to meet you," Si Dana.

"Same here," Ani Aaron na nagpa-kyut pa sa harapan nito.

She cringed sa mga nasaksihang kaganapan kaya nagpaalam na siya kay Dana. "Una na kami, Dana. See you!" Sabay hatak sa braso ni Aaron.

"Sandali!" Sambit nito at nilingon si Aaron. "Puwede ko bang mahiram sandali si Rias?" Hinging-permiso ng dalaga.

"Sure! I'll wait," Siguradong tugon naman ng binata.

Nagpasalamat si Dana sa binata at hinila siya papunta sa punong may mangga na medyo malayo sa kinaroroonan ng Audi A6 ni Aaron.

"Be careful, Rias. Ginagamit ka lang ni Aaron!" Babala nito.

Nabaghan naman si Rias sa sinabi ng dalaga. "I'm sure he's not using me," Buo ang loob na sambit niya.

Kahit kaunting oras niya palang nakakasama si Aaron ay alam niyang mabuting tao ito. Kaya hindi tama na pagbintangan ito ni Dana na may masamang balak sa kanya ang binata.

"Masasaktan ka lang kapag hinayaan mong mahulog ang loob mo sa kanya," Bitaw nito.

Tumabingi ang ngiti niya. "Imposibleng mangyari ang sinasabi mo," Aniya rito.

"Don't be a hypocrite, Rias. Nakita ko ang reaksyon mo kanina nang magpa-kyut sa'kin si Aaron. Nagseselos ka," Konklusyon ni Dana.

"Dana naman.." Saka nagkamot sa ulo.

"Concerned lang ako sa'yo, Rias. Ayokong matulad ka sa nangyari sa'kin before. Pinaglaruan lang nila ako for their entertainment. Kaya makinig ka sa'kin, Rias. Don't fall in love with someone like him. Like Aaron," Litanya nito.

Tumango siya. Totoo naman ang sinabi nito. Imposibleng umibig sa gaya niya ang basketball hunk na si Aaron. This is reality kaya habang maaga pa ay ginigising na siya ni Dana sa pangarap niya.

"Thanks, Dana. Sana bukas ay mag-usap naman tayo about your past," Saad niyang curious sa nakaraan nito.

"No problem," At bineso siya. Nagpaalam na rin ito.

Tinakbo na rin niya ang kinaroroonan ni Aaron dahil alam niyang naiinip na ito.

Pagkabukas niya sa pinto ng kotse ay sumalubong sa kanya ang matamis na ngiti ng binata. Gusto niyang matunaw sa ngiting iyon. 

Minaniobra na nito ang kotse patungo sa bahay nila.

"Aaron.." Basag niya sa katahimikan.

"Yes," Sagot nito na saglit siyang tiningnan.

"May usapan kami ni Dana bukas kaya hindi kita masasamahan for a food trip," mporma niya.

Tumango ito. "Sure," Walang anumang bigkas nito.

"Salamat." 

"Silly!" Anito at inilagay ang kamay sa ulo niya na parang aso.

Kahit asar na asar siya sa ginagawa nito ay aminado naman siyang masayang kasama ito. Pumanglaw ang mata niya. Sana ay mali ang sapantaha ni Dana na pinaglalaruan lang siya ni Aaron. Hindi sana siya magaya sa mga nababasa niya at napapanood na pinagpupustahan ng mga magba-barkada.

"We are here!" Anunsyo nito.

Kaagad niyang sinukbit ang dalang shoulder bag at ilang libro. Bubuksan na lamang niya ang pinto ng kotse nang pigilan siya ng binata.

"Chat mo 'ko maya," Biglang sabi nito.

Nangunot ang noo niya. "Bakit naman?" usisa niyang kinikilig ang kaloob-looban.

He crossed his arms. Tila walang balak na sagutin ang tanong niya.

"`Kay!" At isinara na niya ang pinto sa pagmumukha nito. 

Saglit pa ay umalis na rin si Aaron na dala ang puso niya.

-o-

Matutulog na sana si Rias nang maalala ang huling sinabi sa kanya ni Aaron sa kotse. I-tsat niya raw ito.

Dahil hindi pa naman siya masyadong inaantok ay nag-online siya sa F******k gamit ang kanyang android phone. Kahapon ay in-add niya ito at mukhang friends na nga sila sa F******k ayon na rin sa notifications niya.

TIINNNG!

Tumunog ang F******k Messenger alert niya at nabasa niya ang pangalang Aaron.

"Kumusta?" Bungad nito sa kanya sa chat.

"Okay naman," ang t-in-ayp niya sa keyboard.

Mahigit isang minuto yata siyang naghintay bago nag-reply ang binata. "I miss you," Anito sa chat na ikinalaglag ng panga niya.

"Huh?" 

"Wala. Tulog ka na. Mukhang naistorbo yata kita. Goodnight," Sagot nito sabay offline sa messenger.

Napaisip naman siyang bigla. Dapat ba siyang kiligin dahil sinabihan siya ni Aaron ng "I miss you?"

Kaysa pagpuyatan ang sinabi ng binata ay humiga na lamang si Rias sa kama at pumikit. May usapan nga pala sila ni Dana bukas.

-o-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status