Share

Kabanata 5: Munting kaibigan

"Callea.....Nasaan ka..! Callea...baby where are you? "Tawag sa akin ng dalawang pamilyar na boses. 

"Wait parang si mom at ate Tamie yung tumatawag sa akin.?" Sambit ko.

Hawak na hawak ko pa yung ubas sa kaliwa kung kamay. Di ko na rin kinain at nabitawan ko na lang ito. Nagmadali na akong umalis sa mga oras na yun ng bigla akong pinigilan ng babae.

"Sandali my dear, dalhin mo na lang itong prutas bilang pagwelcome ko sayo dito at para matikman mo na rin." Alok niya sa akin ng nakahawak siya sa braso ko habang ang isa kamay niya ay inaabot ang prutas sa akin. Nakangiti pa ito habang inaantay na tanggapin ko ang alok niya.

"Ahh sige po salamat." Kinuha ko na yung prutas tsaka na lamang niya ako binitawan.

Umalis na rin ako sa lugar na yun. Ngunit paglingon ko ay bigla itong naglaho. Napatayo ako sa tabi ng mga bulaklak, at iniisip kung anong nangyayari. 

"What's wrong mahal ko?" Pamilyar na boses mula sa aking likuran.

"Nothing's wrong mom?" Napatitig ako sa mga mata ng aking ina paglingon ko sa kanya.

"Bakit parang namumutla ka? Pagtatakang tanong niya sa akin. hinahaplos niya ang aking buhok at bigla akong niyakap.

Bakas pa rin ang pagkagulat sa mukha ko. Siguro ay napansin yun ng aking ina. Binitawan na niya ako sa pagkakayakap at hinawakan sa dalawang braso.

"Callea, kung ano man ang nangyari sayo kanina please ...wag mo na isipin yun." Habang hawak niya ang braso ko ng nakatitig sa mga mata ko na may pag aalala na parang may alam siya sa kung ano man ang nangyari sa akin.

"Pero mom..,yung nangyari kanina kasi hindi pangkaraniwan ang nakita ko?" Tinanggal ko ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko. 

"Tsaka itong prutas ohh bigay niya sa akin." Pinakita ko sa kanya ang hawak ko sa kaliwang kamay.

"Bitawan mo yan…!!" Pagkabigla niya sa nakita niya. Kinuha niya ito at itinapon sa di kalayuan. Nabigla ako sa ginawa niya.

Nakita ko ang takot sa mukha niya pero hindi ko mawari kong bakit. Napatigil ako sa ginawa niya at nagsimulang magtanong.

"Mom bakit mo naman tinapon eh gustong- gusto ko ang prutas na yun." Pagtataka kong tanong habang ang kanang kamay ko ay nakaturo sa kung saan itinapon ang bagay na yun.

"Wag na yun, Bibilhan na lang kita ng panibago at tsaka ko na papaliwanag sayo ang lahat." Ang sagot niya sa akin.

Natigil ang usapan namin ng matanaw ko si Dad papunta sa amin. Nauna na ako umalis sa aking ina at sinalubong ang ama ko.

"Hi Dad....lets go for breakfast." Hawak ko ang kamay niya papunta sa dining area. sumunod na rin sa amin ang aking ina.

Nakaupo kami lahat sa mesa at tahimik na kumakain. 

"Mom...Dad..pwede ko po ba gamitin ang sasakyan may pupuntahan lang po ako?" Nabasag ko ang katahimikan.

" Saan ka naman pupunta?" tsaka delikado kung aalis ka mag isa. Nalalapit na ang araw ng iyong kaarawan. Mas mabuting manatili ka na dito bago sumapit ang special na araw." Paghihigpit niya sa akin.

"Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. May dapat ba akong malaman? " Pagtataka ko na kinagulat nila.

"Sasabihin din namin sayo pero hindi muna ngayon." Ang sagot sa akin ng akin ina. 

Di ko na sinubukan magtanong ulit. Tumayo na ako at umalis. Parang papatak ang luha ko sa mga oras yun. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari na Tela may pahiwatig at di pangkaraniwan ang mga nasaksihan ko araw-araw. Pumunta ako sa aking silid at napabuntong hininga na lang. Di ko na rin sinubukang umalis.

Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking silid. Tela may nakatingin sa akin na di ko nakikita. Inikot ko ang aking paningin at tiningnan ang paligid at bawat sulok subalit wala akong nakita na kung ano man. 

"Alam kong nandito ka sa kwarto ko kaya magpakita ka na, di ako natatakot sayo.!" Pagalit kong binanggit ang mga salita.

Tanghaling tapat na sa mga oras na yun. Ilang minuto pa ay may napansin akong maliit na liwanag sa salamin. Para masigurado ko kung ano yun ay nilapitan ko ito. Dahan-dahan akong naglakad, kinuha ko na rin yung baso na nasa gilid ng mesa at notebook na katabi nito. 

"Huli ka!" paggulat ko sa kanya. 

Tahimik lang ang bagay na yun habang nakatingin sa akin. Napaupo na lang siya nung nahuli ko at di na sinubukan lumaban. Nilapag ko siya sa mesa at napaupo rin ako sa upuan. 

"Di ka pangkaraniwan lamang." Inilapit ko ang aking mukha sa kanya.

"Isa kang fairy tama.?" Wala pa rin siyang imik.

Sinilip ko muna sa labas ng aking silid kung may tao bago ko ito isara at nilock.

Nilapitan ko ulit ang bagay na yun. Napakaganda ng kanyang mga pakpak na may iba't - ibang kulay at mayroon siyang matulis na tenga, maganda at maamo rin ang kanyang mukha bilang isang fairy. Nag antay pa ako ng bahagya kung kailan ito magsasalita.

"Pa...pakiusap palabasin mo na ako dito mahal na prinsesa." Nagulat ako ng marinig ko ang pakiusap niya.

"Haha...Ano? mahal na prinsesa, ako. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Napatayo siya ng tinawanan ko ang sinabi niya.

"Ikaw nga ang aming mahal na prinsesa, kamahalan." Napayuko pa siya bilang pagrespeto na tulad sa hari at reyna.

"Paano naman ako magiging prinsesa ehh pangkaraniwan tao ang aking mga magulang.?" Napatayo ako at palakad-lakad.

"Palabasin mo ko dito at ipapaliwanag ko sayo ang lahat prinsesa." Pagmakaawa niya sa akin.

Nag isip muna ako kung papakawalan ko siya. Napatingin ako sa gawing bintana tanaw ang maaliwalas sa labas. Hanggang sa pinalaya ko siya sa kinalalagyan niya. 

"Ok, listen. Pinalaya kita hindi dahil naniwala ako sayo. Gusto kong mabigyan linaw ang lahat ng gumugulo sa aking isipan at sana ikaw ang makatutulong sa akin." Tinanggal ko yung notebook na nakatakip sa baso.

Nilapat ko sa mesa ang aking kanang kamay at bigla naman siya tumalon sa palad ko at umupo. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. 

"Ang ganda talaga ng buhok mo mahal na prinsesa." Papuri niya sa Mahaba kung buhok na may magandang pagkakulot.

"At ang ganda-ganda mo na maituturing special sa lahat." pagpatuloy niya.

Nginitian ko lang siya sa magandang papuri niya sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status