Share

Kabanata 6: Masamang balak

Lero POV,

Hatinggabi na ng papunta ako sa palasyo ng Gold Queen. Naging tapat ako sa kanya mula ng niligtas niya ako sa kamay ng mga mangangaso kaya utang ko ang buhay ko sa kanya.  

"Bakit ngayon ka lang." Boses ng Gold Queen na narinig ko mula sa kung saan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kinaroonan niya. Nakakasilaw ang kanyang gintong kasuotan. 

"Na..nakaharap ko na ang Prinsesang tinutukoy mo kamahalan kaya ....ngayon lang ako nakabalik." Napabuntong hininga pa ako bago ko sinabi.

Nakatayo siya ng mga oras na yun hawak-hawak ang salamin habang tinitingnan ang sarili. Ang kanyang baston ay nasa gilid ng truno ng hari at reyna.

"Sinabi ko na sayo ang dapat mong gawin sa prinsesa at huwag mo akong bibiguin." Paalala niya sa akin. 

Humarap siya sa akin at binitawan ang salamin. Kinuha niya ang kanyang mahiwagang baston. Tela may kung anong mahika na nabalot sa baston na yun na iniingatan ng Gold Queen.

"Di ko makakalimutan ang iyong pinag uutos kamahalan." Sagot ko sa kanya at tumalikod na ako. 

Palabas na ako ng palasyo ng matanaw ko ang mga diwata at engkanto na mistulang naging ginto maging ang iba pang nilalang. Nawala na ang dating ganda ng gardenya dahil sa paghihigante ng Gold Queen.

Papasok ako sa kakahuyan ng bigla kong naalala ang maamong mukha ng prinsesa. Di ko maitangging nagagandahan ako sa kanya at masaya ako kasama siya. Subalit bigla ko rin naalala ang sinabi ng Gold Queen.

"Kunin mo ang loob ng prinsesa at paibigin mo ito tsaka mo dalhin sa akin."Mahina ang pagkakasabi niya pero makakaramdam ka ng panghihina at takot.

"Kailangan mawala ng prinsesa bago ang kanyang kaarawan at nalalapit na yun kaya bilisan mo." Pagpatuloy niya ng nakatingin ang nanlilisik niyang mga mata. 

"Kung hindi mo yun magawa, ako ang siyang gagawa kaya bilisan mo." Pagpatuloy niya.

3 o clock ng madaling araw ng napansin kong nasa harap na ako ng bahay ng prinsesa. Tiningnan ko ang paligid at inikot ko ang aking paningin. Nakatanaw ako sa mga bintana, baka sakaling matanaw ko ang prinsesa. Mayamaya nakita kung sumisilip siya sa bintana. Nakita niya ako kaya suminyas siya ng sandali. Mabilis siyang bumaba para puntahan ako.

"H...hi, bakit ka nandito." Tanong niya sa akin. Nakasuot siya ng dress na pampatulog na kulay puti. Mapapansin mo rin ang mahaba at maganda niyang buhok at napakaputi niya.

"Ah..wa..wala, kakamustahin sana kita."Nauutal pa ako ng sagutin ko ang tanong niya. Napapayuko ako habang kausap siya.

"Bakit ganitong oras ka pumunta? Baka gusto mo pumasok sa loob.? yaya pa niya sa akin pero tumanggi ako.

"Hindi na, ok na ako dito." Nakatingin ang mga mata ko sa kanya.

"Halika ka sumama ka sa akin." Bigla na lang hinablot niya ang kamay ko at hinila papunta sa kung saan.

Dinala niya ako sa ilalim ng dalawang  malaking puno. May dalawang swing na makikita at umupo kami pareho.

"Alam mo kapag malungkot ako dito ako pumupunta pero minsan lang kasi ako ako nasa garden." Nakangiti siya habang nagkukwento sa akin. Napapalingon din siya at pinagmamasdan ako.

Tinitingnan ko lang ang maamo niyang mukha. 

"Ang ganda mo."mahina lang ang pagkakasabi ko habang dinuduyan ng bahagya ang sarili ko.

Nang lingunin ko siya ay nilalakasan niya ang pagduyan sa sarili niya. Sinabayan ko siya at nagkatinginan kami. Napatawa siya at napatawa din ako. Sabay naming sinamantala ang oras na magkasama.

"Ah...kailangan ko na umalis." Pagpapaalam ko sa kanya.

"Sige, mag ingat ka." Nakayuko siya at biglang ngumiti.

Nginitian ko siya pabalik at yun ang unang ngiti na nagawa ko buong buhay ko. Tanging ang prinsesa lamang ang unti-unting nagpabago sa akin. Kakaiba ang aking naramdaman sa kanya na di ko maipaliwanag. "Paano ang misyon ko sa kanya, ayaw ko siyang mapahamak." Ang bulong ko sa aking isipan.

Nagulat ako ng yakapin niya ako. May kung ano pakiramdam ang naramdaman ko. Ng nakabitaw na siya sa pagkakayakap ay nagkatinginan kami. Magkalapit na ang aming mga labi. Binalak kong siyang halikan subalit natakot ako na baka di niya magustuhan ang gagawin ko kaya pinigilan ko ang aking sarili. 

"Makikita pa ba ulit kita?" tinanong niya ako ngunit di ko siya sinagot at umalis na ako. 

Callea POV, 

Nakalayo na si Lero mula sa kinatatayuan ko. Pumasok na ako sa bahay at kinandado ko muna ang pinto. Paakyat na ako ng hagdan ng matanaw ko ang munti kong kaibigan. Nagpatuloy ako sa pag ayat papunta kung saan naroon ang aking silid.

Sumunod na rin siya na parang sumasabay sa hangin ang kanyang paglipad.

"Prinsesa sino yung kasama mo kanina?" Tanong niya sa akin. Malapit siya sa balikat ko at tinitingnan ko lang siya.

"Si Lero, nakilala ko sa gubat kasi parang nawawala ako nung time na yun." Nakangiti pa ako habang binibigkas ang pangalang Lero.

Inaayos ko ang higaan namin at pinagpag ko ang unan para maayos kapag nakahiga na kami. Sa unan lang naman natutulog ang munti kong kaibigan.

"Prinsesa, wag ka po sana magtitiwala lalo na sa gubat mo lamang nakilala." Nakatayo siya sa mesa habang pinapaalalahanan ako.

Pumunta muna ako sa salamin at kinuha ko ang suklay sa kinalalagyan nito.

"Hmm...mukha naman siyang mabait at di niya naman siguro ako sasaktan." Sinusuklay ko ang aking buhok ng nakaharap sa salamin.

Lumipad siya at pumunta sa harap ko malapit sa salamin.

"Pero Prinsesa baka may masamang balak yun sayo lalo na nalalapit na ang iyong kaarawan." kinuha ko siya at inilapag sa mesa.

Natapos na ako sa pag suklay ng aking buhok. Gusto ko kasi maayos ang buhok ko bago ako matulog kaya nakaugalian ko na suklayin lagi ang mahaba kong buhok na may kunting kakulutan.

"Don't worry alam ko ginagawa ko at kaya ko sarili ko kung ano man ang balak ni Lero sa akin kaya wag ka na mag alala for me." Kinuha ko siya at nilapag sa unan. Nahiga na rin ako katabi niya. Malapit na sumikat ang araw  pero inaantok pa ako dahil di ako nakatulog ng maayos. Tiningnan ko ang orasan sa tabi ng mesa na nasa gilid ng kama ko. 

5:35  na ng umaga at kailangan ko pang bumawi ng tulog. Di ko namalayan nakatulog na ang munti kong kasama. Ang himbing ng tulog niya. Pinagmasdan ko ang kanyang anyo. After nun nakatulog na rin ako. 

Kinabukasan pag gising ko wala ang munti kong kaibigan. Di ko pa natanong kung ano ang pangalan niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status