Share

Kabanata 16: Ang gardenya at ang pagkikita ng magkakaibigan

"Hi Jack..," Bati ni Leila sa kaibigan si Jack.

Nakaupo si Jack sa labas ng bahay nila sa guest area. May pinipinta siyang na kung anong bagay na kanyang pinagkakaabalahan.

" Oh, hi Leila. Ano ginagawa mo dito?" 

"Gusto ko lang bisitahin ka. Bawal ba, ayaw mo ba nandito ako, ha." Wika ni Leila.

Naupo si Leila sa tabi ni Jack.

"Ah, hindi..hindi naman sa ganun." Sagot naman ni Jack.

Bahagyang ngumiti si Leila at sinamantala ang pagkataon na magkasama sila ni Jack.

Bukod sa sa kanilang pakikipagkaibigan, Si Jack ang kanyang first love ngunit may ibang gusto si Jack kaya di siya napapansin nito. 

"Ano yang ginagawa mo.?" Tanong ni Leila ng mapansin niya na abalang-abala si Jack sa kanyang ginagawa.

" Ahh wala to, wag mo ng pansinin." Biglang itinabi ni Jack ang hawak niya at isinantabi ang kanyang ginagawa. 

Dumating si Robert ng di nila namalayan.

"Abahhh parang may nagaganap na sweetness dito." Wika ni Robert na nasa kanilang likuran.

Kumunot bigla ang noo ni Leila ng makita si Jack.

"Hayyss.. nandito na naman siya." Pabulong na wika ni Leila. Nilalaro niya pa ang dulo ng kanyang buhok.

"Hi...guys...kamusta kayo." Bati ni Robert.

" Ok lang bro." Sagot ni Jack ng napasandal sa kinauupuan.

" Bakit nandito ka?" Mataray na tanong ni Leila.

"Oh bakit parang ayaw mo na nandito ako, ha Leila." Wika ni Robert na may pilyong ngiti.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Leila.

" Teka si Tin ba yung parating?" Tanong ni Jack ng mapansin si Tin papalapit sa kanila.

" Tin....." Sigaw ni Leila.

Tumayo si Leila sa kanyang kinauupuan para salubungin si Tin.

" Umalis ka nga dyan!" Binangga niya ng kanyang makinis at maputi niyang braso si Robert.

" Ang taray mo naman." Wika ni Robert.

Napaupo naman si Robert sa kabilang upuan sa tapat ni Jack.

"Jack, alam mo napapansin ko ang init lagi ng dugo nun sa akin." Tinutukoy ni Robert si Leila.

Natawa lang si Jack sa sinabi ng kaibigan.

"Ikaw naman kasi lagi mo siyang binibiro." Wika sa kanya ni Jack.

Nakapalumbaba pa si Robert sa mesa.

"Pero tingin ko type ka ni Leila, bro. Lagi ko kasi siya nakikita na panay ang dikit at papansin sayo." 

" Kapatid lang ang tingin ko sa kanya. " Seryosong wika ni Jack habang nakatingin sa dalawang babaeng kaibigan palapit sa kanila.

Hinawakan pa ni Leila sa kamay si Tin.

"Buti dumating ka Tin.' Wika ni Leila.

"Bakit, may nnagyari ba? Tanong ni Tin habang patuloy ang paglalakad nila. 

" Hmm..nandito lang naman yung bwesit na si Robert." Naiinis na sabi ni Leila sa kaibigan.

Natigil ang kanilang usapan ng makalapit na sila sa kinaroroonan nila Jack at Robert. Umupo sila dalawa sa bakanting upuan ngunit yung isa ay katabi ni Robert.

"Tin pwede bang dito ka?" Pakiusap ni Leila.

" Ok na ako dito, dyan ka na maupo." 

Natawa naman si Robert ng palihim ngunit napansin yun ni Leila.

"Anong nakakatawa,ha?" Nakatingin pa ng masakit si Leila kay Robert.

Nang makaupo na si Leila ay napansin niya na parang basa ang kanyang kinauupuan.

" Ewww...ano to? Bakit basa?" Napatayo ang dalaga sa nangyari.

"Ano ba yan Leila dyan ka pa talaga umihi?..." Sabay tawa ni Robert.

" Hrrr...bwesit ka talaga, i hate you." Inis na wika niya kay Robert.

" Ohh...kalma, wala akong kinalaman dyan. Tanongin mo si Jack tungkol dyan."

Tumungin si Leila kay Jack at hinintay itong magpaliwanag.

"Ahh natapon ko kasi yung tubig kanina, siguro dyan tumulo. Pasensya ka na Leila, patuyuin mo na lang may dryer dun sa banyo." 

"Tin samahan mo nga ako." 

" Wag na Tin, ako na at baka maligaw pa kayo sa kung saan." Wika ni Jack.

 Tumayo si Jack sa kanyang kinauupuan at sinamahan si Leila sa banyo.

" Pasensya ka na nakalimutan ko punasan..saktong dun ka pa naupo." Paliwanag ni Jack. 

"No, it's ok. Matutuyo naman to sa dryer." 

Nang makarating sa banyo ay naiwan sa labas si Jack. 

" Hintayin na lang kita dito sa labas." Wika sa kanya ni Jack.

" Sige." Sagot naman ni Leila habang nasa loob ng banyo.

Magkasama naman naiwan si Tin at Robert sa labas. Maya-maya ay sumunod si Tin kila Jack para gumamit ng banyo.

" Robert, sundan ko lang sila. Gagamit din ako ng banyo." Paalam ni Tin kay Robert.

" Sama na rin ako." Tumayo agad si Robert.

Di na kumibo si Tin at hinayaan na lang niya sumama ang kaibigan sa kanya. Magkasama nilang hinanap sa loob ng bahay ang banyo. Malawak at malaki ang bahay nila Jack. Minsan lang sil nakakapasok sa loob ng bahay kaya di pa nila kabisado ang bawat sulok. Nakita nila agad si Jack na nakatayo sa labas ng banyo.

" Ohh bro, matagal pa ba si Leila? Gagamit din ng banyo si Tin. " Tanong ni Robert. 

" Palabas na yun, kanina pa yun sa loob."

Lumabas na si Leila, nakapagretouch na rin ito ng kanyang mukha. Nagmamadali naman si Tin pumasok sa banyo.

"Sige na Jack lumabas na kayo ni Robert, ako na ang bahalang maghintay kay Tin."

" Tara na Jack, hayaan mo na sya." Natutuwang sabi ni Robert.

" Sure ka Leila, Lalabas na kami?" Tanong ni Jack.

" Oo naman." Sagot ni Leila.

Inakbayan ni Robert si Jack at naglakad palabas. Lumingon si Jack kay Leila at saktong nakatingin ang dalaga kaya bigla niya itong nginitian na may pagkapilyo. Tinarayan naman siya ni Leila. Saktong lumabas na ng banyo si Tin at inayos pa nito ang kanyang suot.

" Tara na Leila, tapos na ako. Pasensya nag antay ka pa." 

" Ok lang sakin yun." Wika ni Leila.

Nagtungo na sila sa labas apat sa labas at nahuli lang ang mga babae.  Nang makaupo na ang lahat ay tsaka nila pinag usapan nag paghahanap sa isa nilang kaibigan.

" Total kumpleto na rin naman tayo eh....ipagpatuloy na natin ang paghahanap kay Cal." Wika ni Jack sa mga kaibigan.

" Why not, go ako dyan. Ewan ko lang dyan sa isang maarte" Sabi naman ni Robert ng nakatingin kay Leila.

" Hoy Robert, ako ba pinariringgan mo.?" Naiinis na tanong ni Leila.

" Sino pa ba eh..ikaw lang naman maarte dito." Asar pa ni Robert sa dalaga.

" Tumigil na nga kayo guys." Mahinhin na wika ni Tin.

"Kayo girls, sasama ba kayo?" Tanong ni Jack.

" Ano pa ba magagawa namin ....eh friend rin namin yun." Wika ni Leila.

Umalis ang magkakaibigan gamit ang sasakyan ng ama ni Jack.

" Bro, Nagpalaam ka ba sa ama mo na gagamitin natin yung sasakyan niya?" 

" Hindi, wag kayo mag alala di naman magagalit yun basta ingatan lang."

"Sure ka dyan bro ah." Wika ni Robert kay Jack.

Nagtungo muli sila sa madilim na kagubatan. Pinuntahan nila muli ang mahiwagang puno kung saan meron pintuan sa ilalim na bahagi ng puno. Narating nila ang kinaroroonan ng mahiwagang puno.

" Nandito na uli tayo guys...." Wika ni Jack habang nakatingin sa mahiwagang puno.

" Eh..diba nakalock yung pintuan na yan."Nkaatingin si Leila sa mahiwagang pintuan ng malaking puno.

" Try natin ulit buksan." Nilapitan ni Jack at sinubukan buksan.

Bumukas ang pintuan ng mahiwagang puno.

" Nakapagtataka naman." Wika ni Leila.

Tumambad sa kanila ang nakakasilaw na liwanag kaya napatakip sila ng mata papasok sa loob. Nakita nila ang paligid na nabalot ng ginto.

" Teka guys mag ingat kayo ha, talasan nyo mga mata nyo." Seryosong sabi ni Jack sa mga kaibigan.

Nauna sa paglalakad si Jack at sumunod ang mga babae. Nahuli naman sa paglalakad si Robert.

Habang nilibot ng magkakaibigan ang bawat sulok ng gardenya. Magkasama naman si Cal at Lero sa loob ng palasyo. Walang kamalay- malay ang prinsesa na hinahanap siya ng kanyang mga kaibigan.

"Lero, tingnan mo to. Napapalutang ko sa iri yung sarili ko at maging ang mga bagay ay napapagalaw ko." Natutuwang wika ng prinsesa kay Lero habang nakalutang ito.

" Nagagalak ako para sayo prinsesa."

Sumapit na ang araw ng kaarawan ni Callea o ng prinsesa sa araw na yun kaya unti-unti na rin lumalabas ang kanyang kapangyarihan. Di pa sila nakaalis sa truno ng may kung ano silang narinig.

" Sssshhhh....narinig mo yun? Tanong ni Cal kay Lero kaya tumahimik sila at pinakinggan ang paligid.

" May parating, magtago tayo." Mabilis na sabi ni Lero.

Bumaba si Cal sa pagkakalutang at nagtago silang dalawa sa kung saan.

" Guys, dito tayo." Tawag ni Robert sa mga kaibigan.

Pumasok sila sa malaking pintuan ng palasyo. 

" Wow........ang laki naman ng palasyo na to." Wika ni Tin na labis ang pagkamangha sa kanyang nakita.

Tumingin sila sa paligid at marahan na naglakad. 

" May mga ginto sa bawat sulok." Wika naman ni Leila.

" Cal.....!Cal....!" Tawag ng magkakaibigan na nagbigay ingay sa loob ng palasyo.

" Hello....!" Sigaw ni Leila.

Narinig ni Cal ang boses ng kanyang mga kaibigan.

" Mga friends ko yun Lero."

" Wait Cal, mamaya ka na magpakita."

"Bakit mamaya.?" Pagtatakang tanong ni Cal kay Lero.

" Eh kasi baka hindi naman yun mga friends mo."

Di na nagsalita ang prinses at nanatili siya sa kanilang pinagtataguan. Habang ang kanyang mga kaibigan ay patuloy ng paghahanap sa kanya.

" Guys may truno dun." Tinuro ni Tin ang truno.

" Tara Tin puntahan natin." Hinila siya ni Leila.

Sumunod naman sa kanila ang dalawang lalaki. Nang makarating sa kinaroroonan ng truno ay napaupo si Leila.

"Ano guys bagay ba, pwede na ba ako maging prinsesa?" Tanong ni Leila sa mga kaibigan habang nakaupo sa truno.

" Oo pwede na Leila, pwede ka na maging prinsesa ng kaartihan." Sabay tawa ni Robert.

Tinarayan lang ni Leila si Robert at agad na tumayo. Di nila alam na sa mga oras na yun ay nakikita sila ng kaibigan nilang si Cal na nagtatago sa mahaba at makapal na kurtina na kulay maroon. Nagmasid naman sa paligid si Jack at Tin habang nag aasaran ang dalawang kaibigan. Napansin ni Jack ang mahabang kurtina Ngunit tiningnan niya lang ito at tumalikod na.

" Guys wala naman si Cal dito, saan na kaya siya?" 

" Don't worry Tin mahahanap din natin siya." Wika naman ni Leila.

Di na napigilan ni Cal ang sarili na makasama ang mga kaibigan kaya lumabas na siya sa kanyang pinagtataguan.

" Hi Guys...." Nakangiting bati ni Cal sa mga kaibigan.

" Cal," Nandyan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap tapos tinataguan mo lang kami." Inis na wika ni Leila.

" Pasensiya na guys ha, nag iingat lang ako." Paliwanag ni Cal sa mga kaibigan.

Lumabas na rin si Lero mula sa kurtina kung saan sila nagtago.

" Cal, sino siya?" Tanong ni Jack ng makita si Lero. 

" Siya nga pala si Lero." Sagot ni Cal.

Tiningnan ng kanyang mga kaibigan si Lero mula ulo hanggang paa.

" Ang kisig niya." Kinikilig si Tin at nmaumula pa ang pisngi nito ng makita si Lero.

Maging si Leila at tudo tingin kay Lero at napansin ni Robert na nakatingin si Leila sa kasama ni Cal na si Lero. 

"Hoy Leila. Grabe ka naman makatingin dyan." 

" Ano ba Robert tigilan mo nga ako.? kanina ka pa, ha."

"Hahha..Kanina pa talaga ako dito." Biro pa ni Robert.

Tahimik lang si Lero ng mga oras na yun. Patuloy pa rin siyang pinagamamasdan ng mga kaibigan ng prinsesa. Tela di maalis ang tingin ng kanyang mga kaibigan kay Lero lalo na si Jack. May kunting pagseselos siyang naramdaman ng mga sandaling yun. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status