Share

Kabanata 18: kabilogan ng buwan

Sa isang kweba kung saan nagtungo ang gold queen pagkatapos ng paghaharap nila ng prinsesa. 

"Isang kalapastanganan ang ginawa mo Lero. Isang hangal para saluhin ang bagsik ng aking kapangyarihan." Galit na galit na wika ng gold queen.

Nagkakagulo at nag-iingay ang mga alagad ng bruha sa isang kweba na kanilang kinaroroonan kaya lalong nainis ang bruha.

" Magsitahimik kayo..!" Sigaw ng gold queen. 

Sumunod naman ang kanyang mga alagad at nagsitahimik ang mga ito.

" Hindi ako papayag na napahiya ako sa araw na ito. Babalikan ko kayo!" Wika ng bruha.

Nanghihina pa rin ang bruha dahil sa tindi ng tama ng kapangyarihan ng prinsesa/Callea sa kanya.

Sa loob ng palasyo ng gardenya ay naroon pa rin ang prinsesa na luhaan habang kayakap si Lero.

"Patawad mahal na prinsesa." Malungkot na wika ni Lero.

"Huwag ka magsalita ng ganyan." Sabi ng prinsesa kay Lero.

Tuluyan ng nabalot ng ginto ang katawan ni Lero kasabay ng pagpatak ng mga luha ng prinsesa/Cal. Napapikit ang prinsesa dahil hindi niya matanggap na niligtas siya ni Lero. Sa pagpatak ng mga luha ng prinsesa ay unti-unti rin nawawala ang ginto sa katawan ni Lero at napansin ito ni Robert. Tinapik ni Robert ng kanyang balikat si Tin at napatingin si Tin kay Lero at Cal.

"Cal tingnan mo siya." Sabi ni Tin.

Napadilat si Cal ng kanyang mga mata at napatingin kay Lero.

" Lero...!" Malakas na sabi ng prinsesa/Cal ng makita si Lero na unti-unting bumabalik sa dati.

Niyakap ni Cal si Lero ng mahigpit.

"Salamat naman at bumalik ka sa dating wangis mo." Masayang wika ni Cal.

"Ano nangyari? Paanong?" Pagtatakang tanong ni Lero.

"Hindi ko rin alam, Lero. Ang mahalaga ay di ka tuluyan nabalot ng ginto." Sabi ng prinsesa/Cal.

Tumayo na si Lero at umalalay naman sa kanya ang prinsesa/ Cal. Hindi pa rin nila mawari kung ano ang nakapagpawala ng ginto sa katawan ni Lero.

"Ano na ang susunod nating gagawin?" Biglang tanong ni Robert.

"Hihintayin natin ang pagdating ni Lira." Wika ni Cal.

" Sino naman yun?" Tanong muli ni Robert.

" Isang munting kaibigan." Sagot ni Cal.

Tumahimik na si Robert at di na kumibo pagkatapos niyang tanungin si Cal. Bigla naman nagsalita si Robert na katabi ng prinsesa/Cal.

" Lumabas na muna tayo." Anyaya ni Lero.

" Oo nga guys lumabas na muna tayo. Nakikita ko lang  dito sila Jack at Leila na naging ginto." Biglang sagot ni Tin.

"Sige, lumabas na muna tayong lahat." Sabi ni Cal sa kanila.

Lumabas na silang apat sa palasyo at sa kanilang paglabas ay napatingin sila sa bilog na buwan.

" Sumapit na ang kabilogan ng buwan." Wika ni Cal.

"Ang ganda naman." Pagpuri ni Tin sa buwan.

Habang namamangha sila sa kabilogan ng buwan ay di nila napansin na unti-unting nag-iiba ng anyo ni Lero. Nang napasulyap si Tin sa likuran kung saan naroon si Lero  ay bigla siyang napasigaw.

'" Ahhhhhh....." Sigaw ni Tin na ikinagulat naman ni Cal at Robert.

" Isa siyang taong lobo! Cal, taong lobo ang isang kasama natin." Wika ni Robert na takot na takot dahil yun ang unang beses na makakita siya ng isang taong lobo ng harapan.

Tuluyan ng naging lobo si Lero at galit na galit ito na parang hindi niya kilala ang kanyang kaharap. Si Cal ay kalmado lang ng mga oras na yun.

" Huwag kayo matakot. Hindi niya tayo sasaktan." Sabi ng prinsesa/Cal.

"Pero Cal, kabilogan ng buwan ngayon at hindi niya kontrolado ang kanyang ginagawa." Sabi sa kanya ni Robert.

Muling nagsalita ang prinsesa/Cal.

"Si Lero pa rin yan." 

Pagkatapos nyang magsalita ay dahan-dahan siyang lumapit sa lobo na galit na galit na parang gustong umatake ano mang oras. Tiningnan ng prinsesa/Cal ang lobo sa mga mata at unti-unting lumapit. Unti-unti rin kumakalma ang lobo hanggang sa nakalapit na Cal at napahawak sa pisngi ng lobo. Hinimashimas ng prinsesa ang balahibo ng lobo hanggang sa niyakap ito.

" Lero, mabuti naman at nakilala mo ko. Alam kong nawawala ka sa sarili sa tuwing sasapit ang kabilogan ng buwan." Mahinahon na wika ni Cal habang kayakap ang lobo.

"Cal, baka bigla kang kagatin niyan." Biglang sabi ni Tin.

"Hindi niya gagawin yun kaya wag na kayo mag-alala." Sabi ng prinsesa/Cal.

Di na rin kumibo si Tin at Robert kaya pinagmasdan na lang nila ang kanilang kaibigan na kayakap ang isang lobo. Maya-maya ay natakpan ang liwanag ng buwan kaya bumalik sa pagiging tao si Lero.

" Tao ka na ulit, Lero." Masayang sambit ng prinsesa.

" Patawad kong tinago ko sa inyo ang totoo kong anyo." 

" It's okay. Hindi naman namin ikakagalit ang natuklasan namin sayo." Sabi ni Robert.

Napangiti na lang ang prinsesa habang nakatingin kay Lero.

"Cal, are you sure na darating ngayon ang munti mong kaibigan?" Tanong ni Tin.

"Oo naman Tin, sigurado ako na darating siya." Sagot ni Cal.

Napaupo sila sa damuhan at dun na nagpalipas ng oras.

"Kawawa naman sila Leila at Jack sa loob." Malungkot na wika ni Tin.

" Kaya nga. Sana kasi di na sila gumawa ng ikapapahamak nila. Ayan tuloy naging ginto sila." Wika ni Robert.

" Wag kayo mag-aala, gagawin ko ang lahat para maibalik sila sa dati." Sabi naman ni Cal.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay biglang inantok ang bawat isa sa kakantay kaya di na nila namalayan na nakatulog sila. 

Umaga na ng magising si Lero at Robert.

"Guys, umaga na. Nakatulog na pala tayo dito." Wika ni Robert bago tumayo.

Nagising na rin si Cal na nakalapat pa ang ulo sa hita ni Lero kaya napabalikwas siya sa pagkakahiga. Napatingin siya kay Lero at nakatingin din si Lero sa kanya kaya nagtagpo ang kanilang mga mata. Tila tumigil ang oras para sa kanila ng mga sandaling yun. 

"Ayehhhh......!" Asar ni Tin ng magising ito at makita si Cal at Lero na nagkakatinginan.

Biglang nagkahiyaan ang dalawa dahil sa pang-aasar ni Tin kaya nagkatalikuran sila. Si Robert naman ay tahimik lang sa isang tabi na parang walang pakialam sa paligid mula ng di niya nakasama si Leila at Jack. Napansin ni Tin ang kaibigan si Robert na biglang tumahimik sa isang tabi.

" Robert, okay ka lang ba?" Tanong ni Tin.

" Oo Tin, okay lang ako kaya wag mo ko alalahanin." Sagot ni Robert.

Tumayo na si Cal at Robert sa pagkakaupo at maya-maya ay dumating na rin ang munting kaibigan ng prinsesa/Cal. Lumilipad ito papalapit sa kinaroroonan ng prinsesa at ng kasama nito. Sinalubong naman siya ni Cal at kinausap.

" Bakit ngayon ka lang?" Tanong ng prinsesa.

"Patawad mahal na prinsesa sapagkat nagkaroon ng problema ang mga lagusan. Kaya naglakbay ako ng napakalayo pabalik dito." Sagot ng munting kaibigan.

" Ano nangyari sa lagusan?" Tanong muli ng prinsesa.

" Nakasara ang mga lagusan at di ko alam kung bakit." Paliwanag ng fairy.

Napalingon si Cal sa kanyang mga kaibigan at kay Lero pagkatapos magsalita ng fairy.

" Malayo-layo ang lalakbayin natin. Agree ba kayo?" Tanong ni Cal sa kanyang mga kaibigan.

" Payag kami dyan para kila Jack at Leila at sa lahat.

" Teka, saan ba tayo pupunta?" Tanong bigla ni Tin.

Napatingin si Cal at ang fairy kay Tin ng magtanong ito.

"Pupuntahan natin ang mga makakatulong sa atin." Sagot ng fairy.

" Sana naman hindi delikado ang pumunta dun." Marahan na sabi ni Tin.

"Wag ka mag-aala Tin, di ka namin pababayaan." Nakangiting wika ni Cal. Ngumiti rin si Tin sa kanya.

Nag-ayos na ang lahat para sa pag-alis. Sumama na sila sa fairy at nilisan na nila ang gardenya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status