Share

Kabanata 20: Paglalakbay

"Guys, i think kailangan na nating magpatuloy sa paglalakad kasi magdidilim na." Sabi ni Tin.

"Magdidilim na nga." Wika naman ni Cal.

Nasa kakahuyan pa rin sila ng mga oras na yun at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinahak nila ang daan kung saan maraming puno ang makikita lalo ng unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid ng gubat.

" Sana may makita manlang tayong matutuluyan." Wika ni Robert na nababahala sa kung ano ang mangyari sa kanila sa kakahuyan ng mga oras na yun.

"Magtiwala lang kayo at may makikita din tayo." Wika ni Cal.

" Meron akong alam na matutuluyan pero medyo may kalayuan kaya bilisan natin ang paglalakad." Seryosong sabi ni Lero.

Nagmadali sa paglalakad ang lahat habang tinatahak ang masukal na gubat. Maya-maya ay lumitaw ang mga nag-iilawan na mga alitaptap sa paligid. Parami ito ng parami hanggang sa nabigyan liwanag ang paligid na kanilang kinatatayuan. Napahinto sila at namangha sa mga maliliit na insekto na nagliliwanag. 

"Wow...! Kay ganda nilang tingnan." Wika ni Tin habang pinagmasdan ang mga alitaptap. 

"Kamangha-manghang tingnan lalo na pag lumalabas sila sa dilim." Wika ni Lero.

Sa kabila ng kanilang pagkamangha sa mga nagliliwanag na insekto ay nakalimutan na nilang magpatuloy sa paglalakad para makahanap ng kanilang matutuluyan.

Si Cal ay nagalak sa kanyang mga nakita at dumapo ang karamihan sa mga alitaptap sa prinsesa/Cal. Napatingin ang lahat sa kanya.

"Mukhang alam nila kung sino ka prinsesa." Wika ng fairy.

"Siguro nga." Sabi naman ni Sam.

Pinagmasdan niya muli ang mga nagliliwanag na maliit na insekto tsaka nagsalita sa mga ito.

"Pwede nyo ba kami tulungan? Pwede nyo ba ituro sa amin ang daan papunta sa pansamantala naming matutuluyan?" 

Biglang umalis ang mga alitaptap sa pagkakadapo sa prinsesa/Cal at nagtipon-tipon ang mga ito saka lumipad patungo sa kung saan at sinundan nila ito kung saan ito patungo. Tahimik na sumunod ang lahat sa mga nagliliwanag na mga alitaptap hanggang sa nakarating sa labas ng masukal na gubat. Napadpad sila sa isang lugar kung saan may mga bahay na makikita ngunit bago makarating sa mga kabahayan ay kailangan nilang dumaan sa ilog dahil nasa kabilang bahagi ito.

"Salamat sa tulong nyo. Pwede nyo na kami iwanan dito." Pagpasalamat ng prinsesa sa mga alitaptap.

Umalis na ang mga nagliliwanag na maliit na insekto.

"Cal, bakit pinaalis mo kaagad yung mga alitaptap.?" Tanong ni Robert na takot sa dilim.

" Maliwanag naman dahil sa mga ilaw na nanggaling sa kabahayan sa kabilang bahagi." Sagot ni Cal.

" Hali na kayo at delikado na pag ganitong oras kaya kailangan natin makarating dun sa kabila." Wika ni Lero sa kanila.

Napahawak si Tin sa braso ni Robert. Si Cal naman at si Lero ang magkasama maging ang fairy. Nang maglalakad na sila sa tubigan ay may narinig silang tunog ng nakakatakot na nilalang na nagmumula sa loob ng kagubatan kung saan sila nanggaling.

" Ano yun? Natatakot na ako. Huwag mo ko bibitawan Robert kundi patay ka sa akin." Matapang na sabi ni Tin habang mahigpit ang pagkakayapos kay Robert kahit takot na takot na ito.

"Manahimik ka na lang Tin pwede, ako pa tong natatakot dahil sayo eh." Wika ni Robert.

"Bilisan nyo na lang at wag nyo na pansinin ang ingay na yun." Wika ni Lero.

Napalingon si Cal sa kanyang mga kaibigan.

"Guys kayo na ang mauna at susunod na lang kami." Sabi ni Cal sa mga kaibigan.

"Pwede naman na sabay-sabay tayo." Sabat ni Lero.

Wala ng sabi-sabi at sabay na silang lahat sa paglakad sa tubig hanggang sa makarating sa kabilang bahagi. Lowtide ng mga oras na yun kaya hanggang tuhod lang ang tubig. Nabasa ng kaunti ang kanilang mga suot dahil sa agos ng tubig. Pagkarating nila sa pampang ng ilog ay may nakakita sa kanila na dalawang babae na may hawak na sibat at lampara.

" Sino kayo!?" Matapang na tanong ng isang babae habang nakatutok ang sibat sa kanila." 

Humarap si Cal sa kanila at nagsalita.

" Kami ay isang manlalakbay at kailangan lang namin ng matutuluyan." Sagot ng prinsesa/Cal sa dalawang babae ng biglang.

Natigilan ang dalawang babae ng tumingin ito sa mga mata ng prinsesa. Nabitawan nila ang sibat at yumuko.

"Patawad..." Wika ng dalawang babae.

"Huwag kayo humingi ng tawad sapagkat pinuprotektahan nyo lamang ang inyong lugar." Wika ng prinsesa.

" Nabubukod tangi ka sa lahat..."Sabi ng isang babae.

Biglang nagsalita si Robert.

"Yeah, tama ka dahil nabubukod tangi talaga siya sapagkat siya ang prinsesa dito sa mundo nyo." 

Tinapik ni Tin si Robert sa braso.

"Hoy, wag ka na nga magsalita. Hayaan mo si Cal ang makipag-usap sa kanila." Sabi ni Tin kay Robert.

"Sinabi ko lang naman kung sino si Cal dito ah." Matapang na sabi ni Robert.

Sa kanilang pag-uusap ay may dumating na isang matandang babae at kaagad niyang napansin ang prinsesa kaya napatingin ang matanda sa prinsesa/Cal. 

"Padaanin nyo sila!" Malakas na sabi ng matanda sa dalawang babae.

Nang marinig ng dalawang babae ay agad silang tumabi at dumaan sila Cal at mga kasama nito patungo sa matanda.

" Kailangan lang po namin ng matutuluyan ngayong gabi." Magalang na wika ni Cal.

"Pwede kayo manatili kung kailan nyo gusto." Sabi sa kanila ng matandang babae.

" Marami pong salamat..!" Natutuwang sabi ni Cal.

Tinawag ng matanda ang dalawang babae na agad naman lumapit ang mga ito.

"Kayong dalawa, samahan nyo sila sa tahanan natin." Utos ng matanda.

" Masusunod po lola." Magalang na sabi ng dalawa na magkasabay.

Hinatid ng dalawang babae ang kanilang mga bisita sa kanilang tirahan. Malaki at malawak ang loob ng tahanan na kanilang tinuluyan subalit tanging ang ilaw sa gabi na nagsisilbi dito ay  lampara lamang. Maliwanag naman sa labas dahil sa mga lampara nakatabi sa gilid. 

" Wala ba kayong kuryente dito.?" Tanong ni Robert.

Di sumagot ang dalawang babae. 

"Di sila gumagamit ng kuryente sa mundo nila." Biglang sabi ni Tin.

Nakatayo pa sila ng mga oras na yun ng pumasok na ang matandang babae.

" Maupo muna kayo. Pasensya na sa aming tahanan." Sabi sa kanila ng matanda.

Di na nakapagsalita ang lahat at umupo na sila sa upuan na gawa lamang sa kahoy. Ang fairy na kasama nila ay nagtago sa buhok ni Cal para di siya makita ng iba. Ang dalawang babae naman nag-ayos ng kanilang mahihigaan at naghanda ng makakain.

" Maraming salamat sa pagpapatuloy nyo sa amin dito sa inyong tahanan lola at ikinagagalak po namin na makilala kayo." Magalang na nagpasalamat si Cal sa matanda.

" Ikinagagalak rin namin kayo makikilala lalo ka na, na nabubukod tangi sa inyong lahat." Sabi ng matanda at naupo na rin ito sa kabilang upuan na malapit sa tabi ng lampara.

Nang matapos sa pag-hahanda ng pagkain ang dalawang babae ay agad nilang tinawag ang kanilang mga panauhin.

"Kumain muna kayo para makapagpahinga na kayo pagkatapos." Wika ng isang matangkad na babae.

Agad na tumayo si Robert at nagsalita.

"Tamang-tama gutom na kami." Wika ni Robert.

"Robert...! Mahiya ka naman." Wika ni Tin.

"Nagsasabi lang ako ng totoo, masama ba yun." Sabat ni Robert kay Tin.

"Wag na nga kayo magtalo. Nakakahiya sa kanila." Wika ni Cal.

Si Lero ay palihim na natawa sa isang tabi habang si Cal ay napatingin sa matanda at sa dalawang babae.

"Kumain na rin po kayo para sabay-sabay na tayo." Sabi ni Cal.

Ngumiti ang matanda bago tumayo at inalalayan naman siya ng dalawang babae para pumunta sa hapag kainan. Sumunod na rin ang lahat at nagtungo kung saan papunta ang matanda. Pagdating sa hapagkainan ay nagsimula na silang kumain lahat. Habang kumakain ay naalala ni Cal ang kanyang mga magulang ng mga sandaling yun. Naalala niya na kasama niya ang kanyang mga magulang kumain kapag oras ng dinner.  Napansin ni Lero na mukhang malayo ang iniisip ni Cal kaya tinanong niya ito.

"Ok ka lang ba?" 

Nagulat pa si Cal ng bahagya.

" Hmm..yeah i'm ok. Wag mo ako isipin." Sagot ni Cal.

Ang iba naman ay tahimik lang sa pagkain at ng matapos na sila ay nagpahinga muna saglit saka hinatid sila ng dalawang babae sa kanilang silid. Ang matandang babae naman ay nanatili muna sa sala. 

Ilang sandali pa ay may narinig na kakaibang ingay ang matanda mula sa kung saan at palapit ng palapit ang ingay. Agad na isinara ng matanda ang pintuan at maging ang mga bintana. Nangangamba na rin ang matanda sa kung ano mangyayari sa kanila. Isang kababalaghan na naman ang di nila inasahang mangyayari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status