Share

Kabanata 23: Ang pulang bato

" Lumabas na tayo, wala na sila." Wika ni Lero na pinapawisan sa init sa loob ng butas ng malaking puno. 

Nasa loob pa rin sila ng isang malaking puno ng mga oras na yun.

Tumingin sa butas si Robert para siguraduhin na wala na ang mga mangkukulam sa paligid.

" Ano Robert? Did you see them?" Tanong ni Tin.

"Ssshhhh......!!!! Ani Robert na tila pinapatahimik niya si Tin. 

Nag aabang naman ng sagot ni Robert ang prinsesa at si Lero na kung safe na ba sa labas. 

" I think their gone." Sagot ni Robert sa kanila.

" Are you sure ha,? baka mamaya meron pa pala nakaabang dyan sa tabi at naghihintay na lumabas tayo." Wika ni Tin na natatakot lumabas.

" Yeah, i'm sure guys don't worry." Sabi ni Robert.

"Mukhang safe na nga tayo this time but hindi pa rin titigil ang bruha sa paghahanap sa prinsesa." Marahan na wika ni Lero habang malungkot na nakatingin sa prinsesa at sa mga kaibigan nito. 

"Kaya kailangan na nating magmadali para hindi tuluyan magwagi ang kasamaan ng gold queen." Wika naman ng fairy. 

"Hindi ko rin naman hahayaan na magwawagi ang kanyang kasamaan!" Naalala ng prinsesa ang nangyari sa kanyang mga kaibigan at sa gardenya maging ang kanyang mga magulang na nadamay sa paghahasik ng lagim ng golf queen. 

"Malayo pa ba tayo? Mahaba-haba na rin ang ating nilakbay at naubos na rin ang mga dala nating tubig at pagkain." Ani Robert. 

Palinga-linga ang fairy... 

"Malapit na tayo sa ating pupuntahan, ang lugar na yun ay isang tagong lugar kaya hindi nyo yun basta-basta makikita.

"Magtungo na tayo roon, ituro mo sa amin ang daan Lila." Marahan na wika ng prinsesa. 

"Masusunod mahal na prinsesa. 

Nagkaroon ng kunting katahimikan ng ilang segundo.

"Ok, ako na lang ang mauna lumabas para wala ng gulo." Mabilis na sambit ng prinsesa.

Marahan na lumabas mula sa butas ng malaking puno ang prinsesa/Callea. Paglabas nya ay napatingin siya sa paligid at dahan-dahan na tumayo. 

"Tin sumunod ka na," Sabi ni Robert kay Tin na nakahawak sa likurang balikat ni Tin sabay tulak kay Tin ng bahagya.

"Wait lang naman, grabe ka na talaga Robert ah, kung makatulak ka!" Naiinis namang wika ni Tin kay Robert na sa tuno ng pananalita ni Tin ay mukhang nawala ang pagiging mahinhin nito pag si Robert ang kaharap. 

Tahimik namang sumunod na lumabas si Robert at Lero.

"Umalis na tayo dito, baka bumalik pa ang mga pangit na ibon na yun. " Wika ni Tin. 

Biglang may natanaw ang prinsesa ng pulang liwanag sa di kalayuan. 

"Wait lang Tin,  i See something over there. "Sabat ng Prinsesa/Callea.

Nagsimula ng maglakad ang prinsesa papunta sa pulang liwanag sa di kalayuan. 

"Cal, saan ka pupunta?" Tanong ni Tin. 

Di sumagot ang prinsesa at patuloy lang ito sa paglalakad ng marahan.  Nakasunod naman sa likuran ng prinsesa si Lero, Robert at Tin at ang munting fairy na tahimik lang sa tabi habang palipadlipad. 

"Tinatawag niya ako,  tinatawag ako ng liwanag!" Wika ng prinsesa habang papalapit sa pulang liwanag. 

"Ano nangyayari kay Cal, Lero? Bakit parang di niya tayo naririg? " Tanong ni Robert.

"Di ko rin alam, kailangan lang natin siyang sundan ng di siya mawala sa paningin natin at dahil baka makuha siya ng alagad ng bruha kapag nawalay siya sa atin." Sagot ni Lero kay Robert. 

Narating ng prinsesa ang kinalalagyan ng pulang liwanag at nakita niya ang isang pulang bato na nakalutang. Tinitigan muna ito ng prinsesa bago dahan-dahan inangat niya ang kanyang kanang kamay upang dakmain ang pulang bato. Nang makuha niya ang pulang bato ay agad namang nagising ang diwa ng prinsesa ng mga oras na nahawakan na niya ang pulang bato. Tela may kung anong kapangyarihan ang pumasok sa kanyang buong katawan.

Lumapit ang fairy sa prinsesa. 

"Prinsesa...! Ayus ka lang ba?"Tanong ng fairy habang nakatingin sa magandang mukha ng prinsesa. 

"Yeah,  i'm fine, pero....may kakaiba akong naramdaman pagkahawak ko sa bato at kanina, kanina parang nawalan ako ng lakas ng tinawag ako ng isang boses na nagmumula sa pulang liwanag. " Wika ng prinsesa. 

Biglang napatingin ang munting fairy sa batong hawak ng prinsesa. Kumikinang ito ng subrang pula na parang dugo.

"Ang nawawalang pulang bato ng gardenya! " Laking gulat ng fairy ng makita ang pulang bato. 

"Nawawala, bakit? Ano alam mo sa bagay na ito Lila.? " Tanong ng prinsesa. 

"Yan ang pinakamakapangyarihang bato ng gardenya.  May sariling buhay ang batong yan at di basta-basta makukuha ng kung sino man kung di ka karapat-dapat. Ang dating tagapangalaga ng batong yan ay...., " Biglang napahinto sa pagsasalita ang fairy ng may kakaiba silang narinig ngunit di nila matukoy kung ano ang naririnig nilang ingay. 

"Kailangan na nating magmadali, umalis na tayo! " Sabi ni Lero sa kanila.

Napatakbo na sila ng mga oras yun dahil muling bumalik ang mga mangkukulam. Itinago ng prinsesa ang pulang bato sa maliit niyang bag. 

"Palapit na sila sa atin Cal...!" Naiiyak na sabi ni Tin habang tumatakbo. 

Hinawakan ng prinsesa ang kamay ni Tin at nagpatuloy sa pagtakbo habang sinusundan sila ng mga mangkukulam. 

"Prinsesa dito ang daan!! " Wika ng munting fairy. 

Agad nagtungo ang prinsesa at ang kanyang mga kaibigan sa daan na tinuturo ng fairy na napapagitnaan ng malalaking puno.  Paglampas nila sa malaking puno ay isa-isa silang naglaho hanggang sa hindi na sila makita ng mga lumilipad na mangkukulam. Nagmasid sa paligid ang mga mangkukulam kung saan biglang naglaho ang prinsesa at mga kasama nito ngunit ni bakas ay wala silang makita kaya agad na lumipad papalayo sa lugar ang mga mangkukulam at bumalik sa kweba  na kanilang pinanggalingan upang ibalita sa gold queen ang kanilang kabiguan. 

Pagdating ng mga mangkukulam sa kweba ay bumubulusok papasok ang mga nilalang na may pakpak at nagtungo sa kinaroroonan ng gold queen. Paglapag ng mga ito sa lupa ay nag anyong tao ang mga ito. Nagsiyuko silang lahat sa kanilang queen. 

"Ano na ang balita sa ipinag uutos ko sa inyo? Nahanap nyo ba siya, nasaan siya.? " Nakangiting tanong ng gold queen sa mga alagad nito. 

"Patawad kamahalan at nabigo kami  sa paghahanap sa prinsesa. " Wika ng isang mangkukulam sabay yuko muli nito.

"Mga hangal....! " Malakas na sigaw ng gold queen na nagbigay ingay sa paligid. 

"Nakita na namin ang prinsesa at mga kasama nito ngunit bigla silang naglaho na parang isang bula." Paliwanag ng isang mamgkukulam. 

"Hhhhrrrrr......... Isa lang ang pinapahanap ko sa inyo! Hindi nyo pa mahuli-huli mga walang silbi!" Galit  na galit ang reyna. Sa kanyang nag uumapaw na galit ay tinutok nya ang baston na siyang nagpakawala ng kapangyarihan sa isang mangkukulam na may matulis na tuka at naging ginto ang buong katawan nito.

"Kung ayaw nyong matulad sa kanya! Bilis-bilisan nyo ang paghahanap sa prinsesa. Mas mabuting unahin nyo hanapin ang mga kaibigan niya upang sila mismo ang magdadala sa prinsesa sa akin...!" Tumawa ang bruha ng malakas.

"Masusunod po kamahalan!" Sigaw ng mga alagad ng bruha na nagbigay ingay sa loob ng kweba. 

At umalis na nga ang mga mangkukulam na may matulis na tuka at na may pakpak na tulad ng mga ibon. Nag iingay pa ang mga ito na tulad din ng huni ng mga ibon sa himpapawid habang papalabas ng kweba.

Napaupo naman ang bruha sa kanyang truno na nasisinagan ng sikat ng araw galing sa labas. Maraming butas ang kweba na di tulad ng mga ordinaryong kweba na talagang madilim sa loob. Marami rin ginto sa paligid na siyang nagsisilbing liwanag sa loob ng kweba. 

"Matalino ka rin prinsesa ng gardenya, tulad ng mga magulang mo at magaling ka sa taguan ( ngumiti ng nakakatakot). Mahahanap rin kita at ako mismo ang tatapos sayo at ako,  ako ang maghahari sa buong mundo.!" Tumawa ng malakas ang bruha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status