Share

Secret door in the dark forest
Secret door in the dark forest
Author: Aya Lyka C.

kabanata 1: Masamang Panaginip

Callea POV,

Alas dyes na ng gabi ng nakaramdam na ako ng antok. Di pa sana ako matutulog ngunit sa mga oras na yun ay parang may humaplos ng aking buhok hanggang sa napahiga nalang ako. Pinikit ko na ang aking mga mata. 

"Teka..! Where am i? Bakit ako nandito?" Tanong ko sa sarili habang pinagmasdan ang paligid.

Napapaligiran ako ng mga malalaking puno na sumasayaw sa ihip ng hangin. Subrang tahimik ng paligid na para bang may buhay at natutulog lang. Nakaramdam ako ng takot pero nilakasan ko ang aking loob. Huminga muna ako ng malalim at nagsimula ng maglakad. 

"Liwanag..!" Sabi ko.

May nasilayan akong liwanag sa di kalayuan at nagpatuloy ako sa paglalakad. Narating ko ang nasabing liwanag. Yun pala ay nanggaling sa isang napalaking puno na ngayon ko pa lang nakita.

"Wow.., Ang ganda at ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking puno na nababalot ng liwanag dito sa madilim na gubat na ito!" Napamangha ako sa aking nakita.

 Habang nakatayo sa tapat ng malaking puno ay pinagmasdan ko ang paligid. Nakita ko ang pinto nito. Maliit lang ang pintuan at siguro kapag pumasok ka ay kailangan mo gumapang.

Callea...!! Callea...!! Callea...! Ang paulit ulit kong naririnig. Bigla na lang ako nagising. Bumungad sa aking harapan si mama. Ginigising na niya pala ako sa mga oras na yun at alas sais na ng umaga.

"Panaginip lang pala pero parang totoo" Bulong ko sa sarili ko.

Napalingon ako sa pinto na nasa  gawing kanan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. Nakita ko si Mom na nakatayo dun.

"How's your sleep cal?" Tanong ng aking ina.                                      

"Hmm..., good Mom, feeling well" Pagsisinungaling ko.                       

 "Sige na bumangon ka na at nag aantay mga friends mo sa baba" Sabay haplos niya sa ulo ko.      

Tumayo na ako at inayos ko muna ang higaan ko. 

"Wait cal breakfast first before you go" Sabi nya ulit habang palabas na siya ng  kwarto ko.                                                       

"Yes Mom," Sagot ko naman.

Lumabas na ako ng kwarto. Hinanap ko ang aking ina at mga kaibigan ko. Subrang laki kasi ng bahay kaya di ko sila makita agad. May mga katulong din kami pero iilan lang kasi at yung iba nagbakasyon na. May sariling negosyo ang family ko kaya wala kaming problema sa gastusin sa bahay. 

"Cal.! Cal..! Cal.!here...!!" tawag ng mga friends ko.                                       

 Nasa harden pala sila kaya di ko makita. Kasama nila ang aking ina naghahanda ng pagkain. Pag may bisita kami, ang aking ina talaga ang nag-aasikaso o naghahanda ng pagkain.

"Tagal mo naman magising" Tanong ni Robert.                                                       

 "Baka nakita si Prince charming sa panaginip" Biro naman ni Jack.           

"Tumigil na nga kayo kakagising lang ni Cal, tsaka baka di na niya ulit mapanaginipan ang prinsepe nya ayehhh...." Pabirong sabi ni Liela. 

Nagtawanan ang lahat maging ako ay nakisakay na rin sa katuwaan.                   

" Sana nga may Prince Charming dun para yayakapin ko sya pag nakaramdam ako ng takot sa panaginip ko" Sabi ko sabay tawa.

Natapos ang biruan ng nagsimula na kami kumain. Habang kumakain ay nag usap kami magkakaibigan. May mga asaran at biruan nagaganap sa pag uusap namin hanggang sa nagplano ang lahat na mag explore next week. Balak kasi nila makabonding ang bawat isa. Minsan lang kasi kami magsama-sama ng mga friends ko. 

"Ano guys game ba kayo?" Tanong sa amin ni jack ng nakangisi                                                 

 "Ako mukhang di ako papayagan" Malungkot na sabi ni Tin, ang tahimik naming kaibigan.                                               

"Kami na lang magpapaalam sayo Tin" Sabi sa kanya ni Liela.                         

"Sige game ako, nakakabored din kasi pag sa bahay lang" Sabi ko naman na nakangiti habang nakasandal sa kinauupuan ko.

"Oh ayan sure na sasama na lahat kaya cheers..! Nagcheers naman ang bawat isa habang nakatawa.

Hapon na ng matapos kaming mag usap ng mga friends ko. Isa- isa na rin silang umalis at naiwan na ako. Ako na naglinis ng kalat namin. Habang papunta sa kusina ay may narinig akong ingay galing sa basement. Sinundan ko yun kung saan nanggagaling ang tunog. Binuksan ko ang pinto ng basement. Humakbang ako papasok. Mabilis kong binuksan ang ilaw dahil nga madilim ang paligid. Wala kasing bintana na magsisilbing tagusan sana ng liwanag sa labas kapag maaraw. Di ko na narinig yung tunog. Maya-maya ay nakarinig ulit ako ng ingay.

"Haysst.. daga lang pala" Bigla ko nasabi.

Nang makita ko yung daga. May napansin ako maliit na kahon pero nakalock. Di ko na ito pinansin.  Lumabas na ako at sinara ko na ang pinto ng basement.

Nang makalabas na ng basement si Callea ay biglang lumiwanag ang loob ng kahon na kanyang nakita.

After nun dumiretso na ako sa kusina para hugasan ang pinagkainan namin. Lumaki akong may disiplina kaya di ko na inaasa sa katulong mga pwede o dapat kong gawin tsaka malaki na ako. Malapit na rin ang 16th birthday ko at susunod na linggo na.

"Mom.!!....Dad....!!"Sigaw ko. 

Pero ni isa sa kanila ay di ko manlang nakita kahit saan sulok ng bahay. Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa nakasalubong ko ang isa naming kasambahay si yaya Tamie pero tawag ko sa kanya ay ate Tamie para na rin namin silang pamilya dahil sa tapat sila sa amin at maayos ang serbisyo nila sa pamilya namin. 

"Ay diyos ko po!" Napasigaw bigla si ate  Tamie ng bigla kaming magkasalubong. 

  "ikaw pala Callea binigla mo naman ako" Sabi nya sakin.                                         

"Nakita mo po ba sila Mom and Dad" Tanong ko kay yaya.                           

"Umalis muna sila pero walang sinabi kung saan pupunta at bukas pa sila makakauwi" Marahan niyang sagot. 

Nagpasalamat muna ako kay ate Tamie tsaka ako lumisan. Pumunta na ako sa kwarto ko. Pagpasok ko sa room ko ay kinuha ko ang paborito kung aklat. Umupo muna ako sa study table ko na katabi ng bintana. Nagsimula na akong magbasa ngunit di pa rin maalis sa isip ko ang napanaginipan ko.     

"Sighh....Sana di ko na ulit mapanaginipan yun subrang creepy kasi" Saad ko sa sarili ko.

Napatingin na lang ako sa labas ng bintana. May mga ibon na dumadapo sa mga puno kaya pinagmasdan ko sila. Ang sarap nila panoorin na malayang nakakalipad at nagpapahinga sa taas ng mga puno. Sa mga oras na yun ay nakaramdam na ako ng pagod. Kaya nakatulog na ako sa kinauupuan ko. 

Nakaramdam ako ng lamig at parang ang gaspang ng hinihigaan ko. Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang aking sarili na nakahiga sa mga kumpol na dahon. Naroon na naman ako sa lugar na madilim na kakahuyan.  Nakahiga ako sa mga tumpok na dahon na parang sinadyang ayusin para sa akin.                 

"Ang lamig ng paligid, di naman ganito kalamig nung una" Pagtataka ko.

Nakaramdam ako ng takot ngunit nilakasan ko ang aking loob. Subrang lamig ng paligid na humahaplos sa aking balat. Nagmasid muna ako sa paligid. May narinig ako yapak ng paa na nagbigay ingay sa mga nagkumpulang dahon na nagbigay takot naman sa akin. Nanlamig ang buo kong katawan at di ako makagalaw.

Tiningnan ko ang paligid at luminga-linga ako. Biglang nanigas ang buo kong katawan ng may humawak sa balikat ko. Tiningnan ko agad kong sino o ano yung humawak sa akin pero wala akong nakita. Kumalma muna ako tsaka ko sinimulan maglakad.

Sa di kalayuan ay napansin ko ulit yung liwanag. Pinuntahan ko ito hanggang sa makarating ako. Bumungad na naman sa aking harapan ang mahiwagang puno na yun. Napansin ko ulit ang maliit na pintuan. Nilapitan ko ito subalit nakalock. 

Callea.!!                                                            Tawag sa akin na nagmumula sa aking likuran ang boses. Paglingon ko ay bigla akong nagising.

"Nakatulog pala ako" Sabi ko ng nakadilat ng bahagya ang mata.     

Isang malaking katanungan pa rin sa akin ang panaginip ko.  Alas kwatro na ng hapon ng magising ako. Nakarinig ako ng ingay sa sala. Pinuntahan ko ito at nakita ko nagkakantahan at nagkakatuwaan sila Ate Tamie at iba pa. Nakisali na rin ako sa kanila.

"Callea, halika maupo ka dito." Sabi nila sa akin ng makita ako.                                   Napangiti na lang ako at lumapit sa kanila.                                                     

"May gusto ka bang kainin" tanong ni ate Tamie.                                                               

" Juice na lang po at cookies" Sagot ko.

"Ako na ang kukuha ng kakainin mo" Agad na tumayo  si ate Mich para kunin ang snacks ko.

Si ate Mich ay isa rin sa katulong namin sa bahay. Lahat sila ay mababait at maalaga. Tatlo lang sila naiwan at dahil na rin sa nagbakasyon ang iba sa kani-kanilang probensya. Yung isa ay si kuya Roy ang hardeniro namin. Maayos at maganda ang pag aalaga niya sa harden namin. 

"Cal ito na yung juice mo at cookies hinanda ko para sayo" Sabi sa akin ni ate Mich ng may ngiti.                             

"Thanks po ate Mich" Pasalamat ko ng kunin ko ang food ko sa kanya.

Katabi ko umupo si ate Tamie, si ate Mich naman ay nasa kabilang upuan maging si kuya Roy ay nasa isang upuan katabi ni ate Mich.

Masaya ang lahat habang kumakain ako at nakikisaya sa kanila. Ang iba naman ay nagkukwentuhan maging si ate Tamie ay masayang kumakanta. Wala sila Mom at Dad ng mga oras na yun. Ako lang at sila ate Tamie ang naiwan sa bahay.

Alas syete na ng gabi ng matapos ang kasiyahan. Nagpaalam na ang lahat sa akin. Pumunta na sila sa kani-kanilang kwarto. Pumunta na rin ako sa aking silid. Dahil nakaramdam na ako ng pagod ay binagsak ko ang aking sarili sa higaan ko. Nakatulog na rin ako that time pero di ko na ulit napanaginipan ang madilim na kakahuyan.           

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status