Share

Kabanata 2: Mahiwagang susi

Alas sais ng umaga.

Napadilat na lang ako ng maaninag ko ang sikat ng araw na gumising sa mahimbing kong pagkakatulog. Tumayo ako at pumunta sa tapat ng bintana. Tanaw ko sa malayo ang mga ibon na nakadapo sa sanga ng isang malaking puno. Habang nakadungaw sa bintana ay napaisip ako bigla.

"Ilang araw na ang lumipas di ko na ulit napanaginipan ang dark forest na yun" Ang nasabi ko sa aking isipan habang nakatingin ako sa malayo. 

"Dalawang araw pa ang bibilangin bago sumapit ang aking kaarawan" Sabi ko na mahina ang boses.

Bumaba na ako dahil dumating na sila Mom at Dad. Pinuntahan ko sila sa garden. Yun kasi ang place na paborito namin kaya dun ko sila naisipang puntahan. Natanaw ko sila mula sa kinatatayuan ko. Nasa pinto ako nun palabas ng garden. Nagbabasa ng dyaryo si Dad habang umiinom ng kape. Si Mom naman busy sa kausap niya sa phone habang hawak ang isang cookies. Agad ko silang nilapitan. Umupo ako sa isang upuan na katabi ni Mom. Si Dad naman ay nasa harap namin.

"Good morning Mom. Good morning Dad." Bati ko sa kanila.                     

 "Good morning...!" Bati din nila sa akin.

"Sorry Cal di na kami nakapagpaalam sayo kahapon" Paghingi ng pasensya  ng Mom ko.                                                     

"It's  okay Mom, nasabi naman sa akin ni ate Tamie na umalis kayo for business" Sagot ko naman.                         

"Kamusta ka naman dito kahapon? Tanong ni Dad.                                         

"I'm fine, doing good Dad" Sagot ko.           

"Ang saya nga po namin kahapon, kabonding ko sila Ate Tamie, Ate Mich, at Kuya Roy"Sabi ko ng may ngiti.         

 "Buti naman ng di ka naman malungkot kahit wala kami" Sabi naman ni Dad ng nakatingin sa binabasa niya.

Mahal na mahal nila ako kaya tinatanong nila kung masaya ako pag wala sila. Binibigay din nila lahat ng gusto ko. Di naman ako mahilig sa mga material na bagay. masaya na ako at kuntento sa kung ano meron ako. kung may surpresa man sila ay natutuwa ako. mahal na mahal ko din sila Mom at Dad. Lagi kami nagbabonding noon kaya lagi kami masaya at nagkakatuwaan. That time ay di pa sila busy sa negosyo. But for now lumalago ang negosyong tinayo nila  kaya bihira ko na sila nakakasama.

"Cal.. may gusto ka bang i suggest sa birthday mo" Tanong ni Mom ng matapos na siya makipag usap sa phone.

"Hmm, simpleng selebrasyon lang po basta kasama ko kayo lahat pati mga friends ko masaya na ako dun" Masaya kong sagot.

"Kami na ng Mom mo ang bahala mag ayos ng party mo" Natutuwang sabi ni Dad.

"Aalis muna ako at may  aasikasuhin lang ako sa opisina" Paalam ni Mom.

Nag goodbye kiss siya sa akin at kay Dad tsaka nagsimulang maglakad. Naiwan kami ni Dad pero umalis na din siya at naiwan na naman ako mag isa sa harden. 

"Sighhhh..., Ano ba naman to lagi na lang ako naiiwan mag isa" Sambit ko.

Nilibang ko na lamang ang aking sarili sa paglalakad sa harden. Natutuwa akong panoorin ang mga paru-paru na lumilipad. Yung iba ay nakadapo at yung iba naman ay lumilipad papunta sa akin. Di ko alam kung bakit pero masarap sa pakiramdam. Hanggang sa napansin ko na parami sila ng parami at pinapaligiran ako. Sinabayan ko ang pagkampay ng kanilang pakpak at nakipaglaro ako sa mga paru-paru na parang isang bata. Maging ang mga bulaklak ay nakikisayaw sa hangin na para bang may  sariling buhay. 

"Wow, subrang dami ng mga paru-paru" Laking tuwa ko.

Maya-maya pa ay may narinig akong ingay. Hinanap ko ito kung saan nagmumula. Isa-isa na rin nagsiliparan papalayo ang mga paru-paru. Nagsimula na ako maglakad papunta sa kinaruruunan ng ingay. Dinala ako ng aking mga paa sa basement ng di ko namalayan naroon na naman ako.

"Sighh...Anong ingay yun at bakit narito sa basement namin?" Bulong ko sa sarili ko.

Nasa harap na ako ng pinto ng basement. Tiningnan ko muna kung may tao sa paligid ngunit wala akong nakita. Habang nasa pintuan ako ay inilapit ko ang tenga ko at inilapat sa pinto to make sure na dun nanggagaling ang ingay. Nagulat ako ng marinig ulit yung tunog. palakas ng palakas na parang gustong sabihin ng tunog na lumapit ako.

That time halu-halong emosyon at mga katanungan ang naramdaman ko. Di naman ako natakot dahil di na bago ang ang ganung pangyayari. Always na kasi laging may nasasaksihan akong mga kakaibang pangyayari, may mga misteryo o hiwaga.

Na curious na ako kaya binuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan. Sumilip muna ako at nagmasid sa paligid ngunit madilim. Humakbang ako papasok. Hinayaan ko lang na bukas ang pinto. Binuksan ko na agad ang ilaw dahil nga sa madilim ang paligid. Nawala bigla yung tunog kaya nanatili muna ako sa kinatatayuan ko hanggang sa napansin ko ang maliit na liwanag sa gawing kaliwa ko. Nilapitan ko ito at tumambad sa aking harapan ang isang maliit na kahon. Una ko napansin na wala na di na ito nakakandado, samantalang huli ko itong nakita ay nakakandado ito but now its free. Binuksan ko ng bahagya at laking gulat ko ng makita ang isang kwentas na may laman na pendant na susi na kasing laki ng ring finger ang haba. 

Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang bagay na yun. May kapirasong papel sa bandang kanan ng kwentas. Kinuha ko muna ang kwentas bago ko sunod na kinuha ang kapirasong papel, subalit wala ni isa man ang nakasulat.

Nakaramdam ako na may paparating sa kinaruruunan ko. Sinara ko kaagad ang kahon kasabay nun ay mabilis akong lumabas ng pinto habang hawak-hawak ko ang kwentas kasama ng maliit na pirasong papel. Paglabas ko ay bumungad sa akin si Dad. Bigla akong nanginig at di makapagsalita.

"Oh my.....Da....Dad.. Ikaw po pala, why you here ?", Tanong ko sa kanya ng nauutal at nagulat.

"May titingnan lang ako sa basement" sagot niya.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin na may pagdududa.

"Ahh me, Dad...kasi...ahh..wala naman po" Pagsisinungaling ko. 

"Sige po Dad alis na ako" Paalam ko.

Umalis na ako at iniwan ko si Dad sa pinto ng basement. After nun dumiretso na ako agad sa aking silid. Pag akyat ko ng hagdan ay sinilip ko ang hawak ko sabay takbo paakyat.

Nakita ng Daddy ni Callea kung ano ang kinuha niya sa basement ngunit nanatili itong tahimik. Mabait ang ama ni Callea, matalino at madiskarte sa buhay. matangkad ito na maputi at may kunting katabaan lang. Mapagbiro din ito sa mag ina niya. Dahil sa paglago ng negosyo nila ay madalang na sila magsama ng buo.

Pumasok na ako sa aking silid. Sinara ko at ni lock ang pintuan ng kwarto ko. Pumunta ako sa salamin at habang nakatingin sa salamin ay pilit ko isinuot ang kwentas kong maganda sa leeg ko, ngunit hindi natuloy ng makarinig ako ng katok galing sa pintuan.

"Sino yan..!?"Tanong ko ng pasigaw.

"Si Ate Tamie ito Callea" Sagot ni Ate Tamie na nasa likod ng pinto sa labas ng silid.

"Wait Ate Tamie" Sabi ko ulit ng pasigaw.

Mabilis ko naitago ang kwentas. nilagay ko sa ilalim ng unan ko at pinagbuksan ko na ng pinto si ate Tamie.

"Ano kailangan mo Ate Tamie?" Tanong ko sa kanya.

"Aayusin ko lang yung higaan mo" Sagot niya na nakangiti.

"Wag! Sigaw ko bigla.

"Bakit naman? Tanong niya sa akin na nagtataka.

"Ahh...kasi..ibig ko sabihin ako na ang na lang ang gagawa kaya ko na" Sabi ko.

"Sigurado ka ba dyan" Pabiro niyang sabi.

"Oo naman po ate Tamie parang di mo  naman ako kilala" Nakangisi kong sabi.

"Sige..sige....ikaw na bahala ahh" Sabi ni ate Tamie.

Pagkasara ko ng pinto ay tumungo na ako sa higaan ko. Sabay kong binagsak ang katawan ko sa kama, dahil na rin sa maraming naganap ngayong araw.

3:00 o clock na ng hapon. Di ko muna pinansin yung bagay na itinabi ko sa ilalim ng unan ko. Napapikit na lang ako sabay rin akong nakaramdam ng pamamanhid ng paa ko. Nagpahinga muna ako hanggang sa nakatulog na ako. Napabalikwas ako sa mahimbing kong pagkakatulog ng nanaginip ako ng masama. Nasa kakayuhan ako nun habang nakatayo ay bigla na lang may kumagat sa paa ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang lobo na galit na galit.

"Ano kaya ibig sabihin nun?" Tanong ko.

Tumingin ako sa relo at nakita ko 3:30 pa lang. 

"Haysst... Bakit kasi ganun ang panaginip ko...! Mahimbing na sana tulog ko hmmp!" Inis na sabi ko.

Dumating naman sa mga oras na yun ang mga kaibigan ng dalaga.

Callea..! Callea...! Paulit-uli na sigaw ng mga friends ko. Narinig ko sila, dahil ang lakas ng pagkasigaw.

Subrang nagbibigay kasiyahan talaga sa akin kapag nandito sila at blessed ako na may ganyan akong mga kaibigan. minsan lang nila ako dinadalaw, dahil na rin sa busy sila sa kani-kanilang sariling buhay, samantalang ako ay free ano man ang naisin kong gawin. masasabi nating buhay Pinsesa ako sa bahay na ito. Lumabas na ako ng silid at nakita ko sila sa baba ng hagdan. Nagkatinginan kami ng friends ko. 

"Opss..oppsss...magsitabi kayo dadaan ang mahal na Prinsesa Callea" Pabirong sabi ni Jack. 

"Itong si Jack lagi na lang binibiro si Cal" Sabi ni Tin.

"Kaya nga"sabi ni Mich sabay tawa ng malakas.

"It's ok guys sanay na ako sa biruan niyo tsaka gusto ko nga mga biro niyo napapatawa din ako at masaya naman ako pag kasama kayo" Sabi ko naman ng nakangiti sa kanila.

"Tara na..! Saan tayo" Tanong ko.

"Always naman sa garden tayo nohh.." Sabi ni Jack.

"Oo nga naman" Sabi naman ni mich.

"Sige mauna na kayo dun at susunod na ako, magpapahanda lang ng food kila ate Tamie" Sabi ko sa kanila. 

Pumunta na sila sa garden.Yun kasi ang magandang place ng bahay kaya dun kami lagi pagbumibisita ang mga friends ko.

  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status