KITANG-KITA NI KENT sa mga mata ng dalaga ang pagnanasa. Kung alam lang nito, mas lalo lang tumitindi ang pagnanasa niya. Hindi niya hahayaang mapunta lang sa wala ang naumpisahan niya.
Bumaon ang mukha niya sa leeg nito at pinupog iyon ng halik. Nakikiliti naman ito sa ginagawa niya, kaya panaka-naka ang pagsambit nito sa pangalan niya.
“Oh, Kent . . .” Pilit din niyang dinidiin dito ang kanina pang naninigas na alaga.
Si Kendra lang ang nakakagawa no’n sa kanya. Dampi pa lang ng kamay nito sa katawan niya ay para na iyong kuryente at biglang tigas ng alaga niya.
Gustong-gusto niya rin ang ungol ng dalaga. Siya lang dapat ang makarinig no’n, wala ng iba. Siya lang.
Kinagat-kagat niya ang ta
PALABAS NA SANA si Kendra ng opisina nang makatanggap ng tawag sa Guard. Ipinaalam nito na may sundo siya. Si Dave. Nakangiting hinalikan siya sa pisngi ni Dave nang makita siya nito, pero wala siyang maramdamang kakaiba. Napakunot-noo ito pagkatapos siyang halikan sa noo. Tiningnan siya nito sa mata. “I knew it! Masama pa rin ang pakiramdam mo. Let’s go! Para makapagpahinga ka na,” seryoso nitong sabi at inakay na siya. Pagpasok sa sasakyan ay agad na hiningi nito ang address niya sa Valenzuela at agad naman niyang ibinigay iyon. Pinatulog muna siya nito para makapagpahinga. Naging sunod-sunuran lang siya sa binata. Wala siyang lakas na kumontra o umayaw. Sa katunayan, kanina pa niya gustong matulog.
WALANG NAGAWA SI Kendra kundi sagutin ang mga tanong ni Nikki. Maya-maya ay naging komportable na siyang magsabi ng tunay na nararamdaman ng buong katawan niya. “Kung ’di ka lang gusto ni Keith, baka nasabi ko na kay Tita ang nangyari sa inyo ni Blake.” Nakangiti ito. Nagulat siya sa sinabi ni Nikki. “N-Nikki! Don’t . . . Nakakahiya, baka sabihin nila nilandi ko si Kent kahit alam kong may nobya na! Baka mamaya anong sabihin din ni Keith sa akin. Kaibigan ko siya,” nagmamakaawa niyang sabi. “I know! Don’t worry, nag-usap na kami ni Blake. Pero alam mo, mas gusto kita para kay Blake kaysa sa nobya niyang pa-demure! God! Pinagselosan pa ako!” papalatak nitong sabi. “N-Nikki!” ’Yan lang ang nasabi niya sa dal
HINDI PA RIN sinasagot ni Diane ang tawag ni Kendra. Nag-aalala na talaga siya sa pinsan. Naisipan niyang dumaan sa ZL Lounge, baka nando’n ito. Mabilis na pinarada niya ang kotse at nagmamadaling pumasok. Inilinga niya ang mata at hinanap kung nandito ang sadya. Tiningnan niya ang lalaking nasa counter. Wala nga pala si Dave ngayon. Nilapitan niya ito at tinanong kung nandito ba si Diane. “Ilang araw na pong hindi pumapasok Ma’am, eh. Wala rin naman pong nasabi si Sir Ezekiel kung nasaan po.” Mukhang mabigat din ang dinadala ng pinsan niyang iyon. Ngayon, malinaw na sa kanya kung bakit hindi ito pumasok. Hindi man lang siya nito tinawagan. “Gano’n ba, sige salamat, huh!” ’Yun lang at
“WOW! KUNG NAGING lalaki ako. Mai-in love na talaga ako sa ’yo,” pabirong sabi ni Kristen pagkatapos mag-perform ni Kendra sa stage. “Loko ka. Eh di parehas na kayo ng kuya mo na dalawa ang katauhan! Kinikilabutan ako sa ’yo,” biro ni Kendra dito. Nakita niyang palapit ang kapatid nito. Nakangiti. Nakangiting panalo. “Hello, dear! Hindi ko in-expect na gano’n ka pala kagaling! Kaya nakuha mo agad ang boss ko, eh! He wants you to sign a contract with us,” masayang sabi ni Jana sa kanya na ikinagulat niya. “Talaga? Gusto ng boss mo na kumanta ako rito?” masayang tanong niya sa kapatid ni Kristen nang lapitan siya nito. Gusto tuloy niyang makilala ang boss nito. Gusto niya rin ang pagkanta, ngayon parang nagkaroon siy
ISANG MATAMIS NA ngiti ang iginawad ni Kendra sa guard nang papasok na siya. “Good morning po, Ma’am Kendra! Ang ganda ng gising natin, ah!” nakangiting sabi nito. “Good morning din, manong! Sakto lang naman,” pabirong sagot niya. Napatingin siya sa kaliwa niya nang may biglang tumabi. Si Kristen pala. Matamis na nginitian niya ito. “Hoy, babae, ano ba talagang meron sa inyo ni Sir?” bulong nito. “W-what?” nagmaang-maangang sabi niya rito. “Sus, I saw you two kiss—” Hindi na nito iyon natapos dahil tinakpan na niya ang bibig nito. Nakita ba sila nito kagabi? Bigla siyang pinamulahan ng mukha.
HINDI NIYA MAINTINDIHAN ang naging reaksyon ng binata. Bakit gano’n? Akala niya okay na. Biglang kumirot ang dibdib niya. Kasabay noon ang pag-ipon ng mga luhang gusto nang lumabas. Pinigilan niya lang ito. Parang bombang gusto nang sumabog. Walang sabi-sabing tumayo ito at mabilis na nagbihis. Hinintay niya munang lumabas ito bago pinakawalan ang mga luha. Tiningnan niyang muli ang pintuang nilabasan ng lalaking mahal. Parang tanga pa siyang nagbilang kung babalik ba ito sa kanya o hindi. Napahagulhol ulit siya. Pinahid niya ang mga luha at tumayo. Pinulot niya isa-isa ang mga damit na nakakalat at muling isinuot iyon. Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya. Inayos niya muna ang sarili saka pinihit ang pinto ng kuwarto.
HINDI MALAMAN NI Kendra kung babalik na lang ba siya o tutuloy pa sa banyo. Doon lang kasi sa bandang iyon ang hindi maingay. Hindi na siya nakagalaw nang lumingon ito sa gawi niya. Napakunot-noo naman ito. Parang ayaw yata siya nitong makita. Maya-maya ay narinig niya ang boses ni Diane sa kabilang linya. Oo nga pala, nawala na tuloy sa isip niya na may kausap siya. Humarap siya sa pader at kinausap ang pinsan. Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng pinsan sa kabilang linya. Nakikita niya kasi sa gilid ng mga mata niya na nakatingin pa rin sa kanya ang lalaking gumugulo ng puso’t isipan niya. Napalingon siya sa gawi nito nang bumukas ang pinto at lumabas ang nobya nito. Nagtama ang mga tingin nila ni Darlene. Maya-maya ay ibinalik nito ang tingin sa binata.
KINAGABIHAN, ALAS-OTSO NA nang nagising si Kendra. Hinanap niya kay Diane ang biniling pregnancy test. Ibinigay naman nito iyon sa kanya at sumunod ito sa kuwarto niya. Makaraan ang ilang minuto, matapos patakan ng ihi ay pumikit siya. Sobrang kinakabahan siya. Ngayon lang rumaragasa ang kaba niya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at muntik na siyang mabuwal sa pagkakaupo sa toilet bowl nang makita ang resulta. “Positive, magkakaanak na kami!” sigaw niya sa isip. Bigla siyang nalungkot. Sana kaya siyang panindigan ng binata, sana wala itong nobya. Ang daming sana. Samo’t sari na naman ang pumapasok sa isipan niya. Paano na sila ng magiging anak ni