HINAYAAN NA LANG niya ang binata sa pang-aasar sa kanya.
Pagkaluto ay naghain na siya at inihanda ang gagamiting plato at kubyertos. Hindi naman niya ito niyaya dahil kusang umupo ito at nagsandok na ng kanin. Naglagay siya ng maliit na mangkok sa tabi nito kanina kaya doon nito Inilagay ang sabaw. Napatingin ito sa kanya pagkatapos ng isang subo nito.
“P’wede ka nang mag-asawa,” nakangiting bulalas nito.
“Matagal na,” seryosong sabi niya.
“Then, marry me!” Hindi pa rin naalis ang ngiti nito at muling sumubo.
Natigilan siya saglit pero bumalik din siya sa huwisyo.
“’Wag akong buwisitin mo, Kent! Alam ko naman ang kasunod niyan, It’s a prank!” sa
MAAGA SIYANG NAGISING kinabukasan. Napangiti siya nang makita ang mga kamay ng binata na nakayakap sa kanya. Akala niya ay panaginip lang ang mga ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ng binata sa kanya. Pero heto si Kent ngayon, natutulog nang may mga ngiti sa labi. Hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti rin. Hinalikan niya ito nang marahan, pero nagulat siya nang magmulat ito ng mga mata, kaya bigla niyang inilayo ang mukha at nagtalukbong ng kumot. Natatawang hinila ng binata ang kumot na nakatakip, dahilan para malantad ang buong katawan niya. “Akin na nga iyang kumot!” sabi niya at pilit na inagaw sa binata iyon, pero inihulog na nito ang kumot sa sahig. Parehas na silang walang takip sa katawan, pero ang lalaking ito, tuwang-tuwa pa. Siya naman ay pulang
MABILIS NA LUMIPAS ang maghapon. Hindi siya nakaramdam ng pagod, dahil siguro inspired siya. Napatingin siya sa isang staff na may dalang bulaklak, papunta ito sa gawi niya. Napakunot-noo siya dahil kagaya ito ng mga naunang naipadala sa kanya na bulaklak. Sa kanya ba ito? Napatingin sa kanya ang mga kasamahan. Nakangiti na naman ang mga ito. Nahiya tuloy siya. Baka isipin ng mga ito, nakikipaglandian lang siya sa oras ng trabaho. “Ma’am, pinabibigay po sa inyo. Wala pong sinabi ’yong delivery boy kung kanino galing, eh.” Napakamot sa ulo ito noong tinanong niya. Nagtataka na siya kung sino ang nagpapadala no’n. Tumayo siya at inabot na lang niya ang bulaklak na hawak nito at hinanap ang card. As usual, wala pa ring card. Pamisteryoso naman masyado
MATULING LUMIPAS ANG araw. Biyernes na. Maaga siyang gumising nang araw na ’yon. Wala na ang binata sa tabi niya. Nag-iwan lang ito ng note na idinikit sa cellphone niya. May aayusin lang daw ito. Tumawag lang ito nang paalis na siya sa unit. Hapon ang schedule niya sa OB-GYN kaya pumasok siya ng umaga. Nakapag-file na rin siya ng leave noong nakaraan pa. Bihira na rin siyang makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Nako-control niya na ang pagsusuka dahil madalas siyang kumain ng mga menthol na candy. Gusto niya sanang kasama ang binata sa unang araw ng checkup, pero marami pa siyang agam-agam. Hindi pa siya kampante sa sitwasyon na kung anong meron sila ngayon ng binata. Bago siya umalis ng opisina ay dumaan muna siya kay Kristen. Tuwang-tuwa n
NAGISING SI KENDRA kinabukasan nang may mabigat na nakaangkla sa mga binti niya. Nilingon niya ang binatang mapayapang natutulog. Walang saplot sa itaas. Kitang-kita ang six-packs abs nito. Tila pagod na pagod ito, dahil kahit umaga na ay maririnig pa rin ang mga hilik nito. Hindi niya napansin kung anong oras na ito nakauwi, pero nagpapasalamat pa rin siya kasi umuwi pa rin ito sa kanya. Naisip niyang saka na lang niya kokomprontahin ito. Napalingon siya sa wall clock. Alas-singko pa lang. Inangat niya dahan-dahan ang mga binti ng binata at tumayo. Inayos niya rin ang kumot nito. Naka-boxer lang pala ito. Napatingin siya sa bag na ginamit kahapon. May nakaangat na envelope. Iyon ang dala-dala niya, ang isa sa nagpapatunay na may laman na nga ang kanyang sinapupunan. Isa iyong ultrasound result.
NAGISING SI KENDRA nang maramdaman ang malamig na hanging dumadampi sa mga braso niya. Nakabukas pala ang bintana ng sasakyan. Napamulat siya ng mga mata. Maliwanag na pala. Napaayos siya ng upo nang makita ang mga nagtataasang punongkahoy. May mga niyog din at mangga. Nangingintab iyon, hinog na yata ang iba. Parang natakam naman siya agad. Napatingin siya sa gawi ni Sebastian, nagmamaneho pa rin ito. “Good morning, sleepyhead!” nakangiting sabi nito. “Morning, anong lugar ito?” tanong niya. “Nandito tayo ngayon sa villa ko, pero don’t you worry, sa Quezon Province lang ito. Malapit-lapit lang sa Manila,” tugon nito. Tumango-tango naman s
Three years later . . . “MAMA!” NAPALINGON SIYA nang tawagin ng isang batang masayang naglalaro sa buhangin. “Look, ’Ma, I made a castle!” Pero bigla itong napaiyak nang abutin iyon ng malakas na alon. Napailing na lang siya. Agad na kinarga niya ito at pinatahan. “Ssshhh . . . stop crying, baby. Gusto mo ba, doon na lang tayo gumawa ng castle? I’m sure hindi iyan aabutin ng alon.” Tinuro niya ang katabi ng rest house. Sinadya niyang patambakan ng puting buhangin ang bahaging iyon ng rest house dahil mahilig itong maglaro ng buhangin, lalo na sa umaga. “Wow, it looks like a mountai, ’Ma!” Natawa siya sa sinabi ng anak. Paanong hindi nito sasabihing mountain, eh, mataas pa sa anak niya ang nilagay na mga buhangin.
PAGKAGALING SA OPISINA ay umuwi na si Kent ng bahay at mabilis na nag-ayos ng mga gamit na dadalhin. Napatigil siya sa pag-eempake nang marinig ang boses ng mga magulang. May kasamang bata ito. Napakunot-noo naman siya. Hindi naman nagdadala ng kung sino-sino lang na bata ang magulang niya sa bahay nila. Pinalis niya iyon sa isipan at ipinagpatuloy na lang niya ang pag-e-empake. Pababa na siya ng hagdan nang maabutan ang batang naglalaro. Si Nikki na lang ang kasama ng bata. Parang ginawa namang playground ang sala nila. Gano’n ba kasabik ang ina sa apo at kung sino-sino na lang ang dinadala nito sa bahay nila? “O, saan ang punta mo?” takang tanong ni Nikki nang makita ang dala niya. “Busine
HINDI NGA SIYA nagkamali. Si Kent nga iyon. Parang gusto niyang yakapin ulit ang binatang tatlong taon niyang hindi nakita. Pero sa kabilang banda ng puso niya, bumabalik na naman ang sakit. Agad na itinulak niya ito nang malakas kaya natumba ito. “Ouch, babe naman!” Napaupo ito sa bato. Napako ang tingin niya sa kamay na hinihipan nito, pero parang may umaagos doon. Dugo! Nanlaki ang mga mata niya nang makita ito. “Oh my God! I’m sorry!” Sabay luhod sa binata at kinuha ang kamay nito. Kinuha niya ang panyo na nasa bulsa at ginamit iyon na pamunas sa sugat nito. Pagkuwa’y hinipan pa niya. Napatigil siya sa ginagawa nang mapansing titig na titig ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ngayon la