Share

The Mafia Boss Pretending Wife
The Mafia Boss Pretending Wife
Author: Mowtie

Prologue

Elaine's Point of View

Nabitiwan ko ang hawak kong bag dahil sa gulat nang makita ko ang babaeng nakahandusay sa swimming pool na para bang nilunod ito, nanginginig akong bumaba upang tingnan ang babaeng ito at mukhang nawalan lang siya ng malay. Ngunit ang babaeng ito ay si Mariella, ang babaeng mahal na mahal ni Louis.

Dalawang linggo na ang nakalilipas nang inuwi siya ni Louis sa mansyon at sa araw-araw na nandito sila ay para lamang akong bula. Mag-iisang taon na rin simula nang pinirmahan ko ang kontrata na nagpapatunay na ang pagpapanggap ko bilang asawa niya ay magiging kabayaran ni Ama sa utang niya hanggang sa magkaroon siya ng tagapag-mana upang makuha ang mamanahin niya sa kaniyang ama at isa pa, dahil lang sa kagustuhan ng magulang niya kaya niya ako pinakasalan.

"Mariella, gumising ka. Hindi magandang biro ang ginagawa mo!" sigaw ko habang tinatapik siya. Hindi kami in good terms lalo na sa tuwing inaabala ko ang pagtatalik nila ni Louis sa pamamagitan ng pagkatok na siyang iginaganti sa akin ni Louis ng isang buntong-hininga at lalabas upang manigarilyo. Masuwerte na rin sigurong maituturing ang ganitong buhay dahil hindi naman niya ako pinagbubuhatan ng kamay at isa pa, may deal kami sa isa't isa na maari siyang makipag-sex sa iba habang ako ay hindi puwede.

"What happened here?" Isang boses na ikinagulat ko at nang mapatingin siya sa hawak kong babae ay bakas ang gulat sa mukha niya at bigla siyang tumalon sa pool para kunin si Mariella.

"What did you do to her, Elaine?" wika niya. Bakas sa boses niya ang galit, pero wala naman akong ginagawa dahil nakita ko lang naman siya sa pool. At isa pa, bakit parang na-frame-up ako?

"If something happened to her, I will not know what will I do to you. Mark my words," sambit niya habang masama ang titig sa akin habang hinabol ko naman siya upang magpaliwanag, pero tinulak niya lang ako.

"Sandali, Louis, wala akong ginagawa sa kaniya. Pakinggan mo naman ako!" sigaw ko ngunit hindi niya ako pinansin habang walang tigil naman sa pagtulo ang luha ko.

"Ma'am, kumain ka na po, lalamig po ang pagkain mo," wika ni Sarah habang nakahain ang iba't ibang masarap na pagkain sa hapag.

Ilang minuto na pala akong tulala simula nang mangyari ang bagay na 'yon, hindi ko alam kung paano nangyari ang bagay na 'yon, pero isa lang ang malinaw sa akin: may nag-frame-up sa akin.

"Itabi mo na lang muna, wala akong gana," sambit ko at dahan-dahang umakyat sa silid upang mamahinga nang marinig kong biglang bumukas ang pinto.

Si Louis, nakabalik na siya ngunit may kasama siyang lalaki sa likod niya. Sino sila, may mga bago ba siyang tauhan?

"Bring her to the basement," ma-awtoridad na wika niya habang may dalawang lalaki na humawak sa magkabilang balikat ko at kinaladkad ako pababa.

"Ano ang gagawin n’yo sa akin? Bitiwan n’yo ako!" asik ko habang sinusubukan kong makawala sa higpit ng pagkakahawak nila, ngunit nakarating kami sa basement ng mansyon kung saan nakatago ang mga baril ni Louis.

Inihagis nila ako sa isang pulang kama habang napahawak naman ako sa puwitan ko dahil sa impact ng pagkakahagis nila.

Magrereklamo pa sana ako nang dumating si Louis habang masamang nakatingin sa akin. "Leave," wika niya habang yumuko naman ang mga lalaki at sinarado ang pinto. Akmang tatakbo na ako nang bigla niya akong itinulak sa kama na ikinatakot ko, ano ang balak niyang gawin sa akin?

"Louis, kung tungkol ito sa kanina, magpapaliwanag ako," wika ko ngunit pinatahimik niya lamang ako gamit ang isang daliri niya na ikinalunok ko.

"You almost killed Mariella and our baby in her womb. That's why I’m going to punish you," wika niya na ikinadurog ng puso ko. Paulit-ulit na ume-echo sa isip ko ang winika niya.

Magkakaanak na sila?

Ano pa ang purpose ko, bakit nandito pa ako? Maibibigay na pala ni Mariella ang anak na hinihingi niya sa akin.

"Congrats," nauutal na sambit ko habang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko nang bigla niya akong yapusin ng halik na habang tumatagal ay mas nagiging mapusok.

Hindi ako humalik pabalik dahil sa galit na nararamdaman ko nang bigla niyang ipinasok ang kanang kamay niya sa loob ng panty ko na ikinaungol ko upang maipasok niya ang dila niya sa bibig ko.

Nang magsawa siya sa ginagawa ay dahan-dahan siyang tumayo at naghubad habang hindi ko naman mapigilan mapalunok sa laki ng alaga niya.

Sinimulan niyang sumampa sa kama habang hinahalikan ang mga labi ko, "Uhm," impit na ungol ko habang sinisimulan niyang hawakan ang dibdib ko.

"I will punish you tonight and I'm assuring you that you can't walk tomorrow," wika niya habang ang boses ay nakapagbibigay ng kiliti sa akin.

Dahan-dahan niyang minasahe ang kaliwang dibdib ko habang hinahalikan ako nang marahas.

"Ah," ungol ko sa pagitan ng mga halik namin. Nang magsawa siya sa labi ko ay dahan-dahan siyang bumaba patungo sa leeg ko at nilagyan ito ng marka.

"This mark will prove that you're mine, no one can steal my property," wika niya ngunit parang sa sinasabi niya ay sa kaniya lang ako. Sabagay, anong magagawa ko? Mag-asawa nga pala kami, ngunit walang magbabago roon na siya ay puwedeng gawin ang gusto niya samantalang ako ay hindi.

"Hindi ako lupa para angkinin mo, Louis!" sigaw ko ngunit bakas sa mukha niya na nagalit siya sa sinabi ko at agad niyang hinawakan ang damit ko at sinimulang punitin ito.

"You're my property because we are married, no one can have sex with you. No one but me!" sambit niya habang dahan-dahang ibinababa ang panty ko na ikinahiya ko.

Paano niya nasasabi ang bagay na parang simple lang sa kaniya?

Dahan-dahan niyang ibinuka ang mga hita ko at sinimulang sambahin ang pagkababae ko, labas-masok ang dila niya na ikinaungol ko.

"Oh, Louis!" impit na ungol ko habang sinasabayan ko ang bawat pagdila at pagpasok niya ng isang daliri sa akin.

Nang maramdaman kong lalabasan na ako ay agad niya itong itinigil na ikinadismaya ko, anong ginagawa niya?

"Louis, bakit ka tumigil?" tanong ko na ikinatawa niya.

That sexy laugh, I couldn't afford to have Louis Montemayor in my life if I leave him.

But I don't have a choice either.

"Why, wifey? Do you want me to continue? Then beg for it," sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

Bakit ko naman kailangang gawin 'yon?

"And why should I do that?" asik ko sa kaniya ngunit bigla siyang nagbihis ng pang-itaas na ikinagulat ko.

Iiwan niya talaga ako nang ganito?

"Okay, okay, please!" sigaw ko ngunit ngumiti lamang siya.

"Louder!" sambit niya na ikinatakip ko ng mukha.

"Please, Louis, ituloy mo na," wika ko habang nagulat naman ako nang bigla niyang itinutok ang alaga niya sa perlas ko.

Sana lang ay makalakad pa ako pagkayari nito.

Lupaypay kami parehas nang makayari kami. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa noo at dahan-dahan nang pumikit ang mata ko at hindi ko na narinig nang maayos ang huling sinabi niya.

“Sorry, wifey.”

Ilang linggo na rin ang nakalilipas nang mangyari iyon at nakapagdesisyon na ako na lalayas na ako para sa kapakanan ng magiging anak nila.

Kinuha ko ang ballpen na nasa cabinet at nagsimulang pirmahan ang divorce papers na kasama sa kontrata namin ni Louis kung sakaling may gusto nang kumalas sa aming dalawa.

Nanginginig ang kamay ko habang pinipirmahan ito. Wala naman na akong katungkulan dito dahil naibigay na lahat ni Mariella sa kaniya.

Inilagay ko ito sa ibabaw ng lamesa at tuluyan nang kinuha ang maleta ko. Ngunit bigla na lamang sumakit ang tiyan ko kaya dali-dali akong pumunta sa banyo upang sumuka.

Bigla na lang sumama ang pakiramdam ko, bumaba na ako upang magpaalam sa mga katulong dahil mabait ang trato nila sa akin.

Pagkauwi ko sa amin ay agad akong nagpasama kay Venice.

"Sure ka na ba, girl? Hindi ka na talaga babalik kay Montemayor? Alam mo ba ang pogi rin ng pinsan no’n. Bakit hindi na lang iyon ang jowain mo?" tanong niya habang kumakain ng potato chips. Tuloy na ang balak ko na umalis ng Pilipinas at magtrabaho sa France.

“Ano ka ba, hindi ko siya gusto. Kung gusto mo, ikaw na lang,” wika ko habang iniiwasan ang titig niya. Sigurado akong sasabihan niya na naman ako ng tanga. Nakilala ko na rin ang pinsan ni Louis na si Sherford at isa rin itong billionaire. Kaya lang, hindi ko talaga kayang ipagpalit si Louis sa kahit sino.

Mayamaya pa ay lumabas na ang OB-GYNE na may hawak na mga papel at ngumiti sa akin.

"Congratulations, Miss Elaine, you're two weeks pregnant. That's why starting from now, your health should be taken care of," wika ng OB-GYNE na ikinagulat ko. Ano raw? Ako, buntis?

Paano na ito?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Heinrick Saringan
Update please ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status