Elaine's Point of View
"Ha, a...a-no po?" tanong ko habang nako-confuse, magkatinginan pa rin kami habang ang masasabi ko lang ay napakagwapo talaga niya. Siguro, kung iba ang waitress ngayon ay kikiligin na at aakalain na isa siyang actor. Napaiwas naman ako ng tingin at dumapo ang tingin ko sa babaeng kasama niya, masama ang tingin nito sa akin na parang kakainin ako nang buhay.
May nasabi ba akong masama?
"Baby, ano bang sinasabi mo?" tanong ng babae habang hinahawakan ang kamay nito na nasa table. Girlfriend niya pala ito, akala ko ay nanay niya lang, char.
"Girlfriend ka po niya?" tanong ko habang bigla namang napatingin sa akin ang babae at tatayo sana nang magsalita ang lalaki na kasama niya.
"Leave," maawtoridad na wika nito habang tinuturo ang pintuan ng restaurant.
Pinapalayas niya ba ako?
"Hindi mo ba narinig, lumayas ka raw!" sigaw ng babae habang hinawakan ang balikat ko kaya napatungo sa amin ang mga tao.
"Perry, get out!" sambit ng lalaki na ikinalingon ng babae na halos mawalan na ng space ang mukha dahil sa makeup nito. Ano raw, at sinong Perry?
"What do you mean, baby?" tanong nito habang nakangiti nang pilit. Siya pala ang Perry, akala ko ay kung sino.
"Are you deaf? I said leave or you want Brennon to carry you outside," wika nito habang napairap naman ang babae at binangga pa ang balikat ko. Bago siya tuluyang lumabas ay sumigaw ito.
"Puta ka, Montemayor. Mas malaki nga ang iyo kay Kaizer, pero mas magaling siya!" sigaw nito at nagdabog pa bago tuluyang umalis.
Nagtawanan ang mga nasa restaurant sa sinabi ng babaeng iyon at nagulat ako nang nasa harap ko na ang lalaki, ano ang gagawin niya?
Napapikit ako habang papalapit siya nang papalapit at hindi ko maiwasang kabahan sa gagawin niya. Lalo na't hindi ko pa siya kilala at mas lalong narito ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
Mga ilang minuto pa ay walang dumadampi na labi sa akin kung kaya't napadilat ako at nakita ko siya na nakatingin sa akin, napatalikod naman ako dahil sa hiya.
"Woman, I want to marry you," wika nito na ikinagulat ko. Kakakita pa nga lang namin at nais niya agad akong pakasalan? Nababaliw na ba siya? At isa pa, sa hitsura kong ito?
"Excuse me, sir?" tanong ko at kinuha ang basahan na nasa uniform ko, nagkunwari ako na pinupunasan ang table nila kahit hindi naman sila kumain.
"I know that you're the daughter of Raymond Natividad, the one that has debt in our family. Marry me if you don't want to see your dad in jail," bulong nito sa tainga ko habang naiwan naman akong tulala nang umalis siya.
Mas maganda siguro kung kakausapin ko si Itay tungkol sa bagay na ito dahil hindi naman bakas sa mukha niya na nagpa-prank lang, ngunit wala namang nababanggit si Itay tungkol sa utang na sinasabi niya.
Pagkauwi ko ay dahan-dahan akong pumasok sa silid, baka biglang gumulat sa akin sina Venice at Baklang Elena, pero himala ay hindi sila tumuloy sa overnight.
"Anak," wika ni Itay habang muntik naman ako mapatalon sa gulat nang kalabitin niya ako.
"Bakit po?"
"Nagpunta rito si Venice. Ang sabi niya ay bukas na lang sila mag-o-overnight dahil dumating ang tiyahin niya galing sa Qatar," sagot niya habang napatungo naman ako, mas maganda siguro kung tanungin ko na siya tungkol sa sinasabing kasal ng lalaki kanina sa restaurant.
"Oo nga pala, Itay. May kumausap po sa akin kanina na magpakasal ako sa kaniya para mabayaran ang utang mo," sambit ko habang dahan-dahang naupo sa kama.
Malambot na ito kumpara sa lagi naming hinihigaan sa kabilang silid na pinaparenta sa amin ni Mang Pedro. Bakas na kinabahan si Itay sa sinabi ko, pero kailangan ko ring malaman ang totoo.
"Anak, huwag mong pansinin 'yon. Baka nanti-trip lang," bigkas niya ngunit namayani sa akin ang alamin kung ano ang totoo at bakit ayaw itong sabihin sa akin ni Itay. Ano ba ang mayro'n sa lalaki na 'yon? Masyado itong misteryoso.
"Gano'n po ba, mukha nga po, hehe," sagot ko na lamang at nagsimula nang humiga sa malambot na kama habang lumabas na si Itay at hindi ko maiwasang mas ma-curious kung ano ang bagay na 'yon. Hahanapin ko ang lalaking 'yon bukas at pagpapaliwanagin siya.
Nagising ako habang nasa labas si Kaizer. Naalala kong kapangalan pa niya ang sinasabi ng babae sa restaurant, pero ang labo naman maging siya no'n. However, may dala siyang mga bulaklak at hindi pa ako nakakapag-toothbrush. Dali-dali akong lumabas at pumunta sa banyo nang bigla niya akong hawakan. "Elaine," wika niya habang ang kamay niya ay nasa balikat ko.
Nanatili akong tahimik dahil baka mabaho ang hininga ko at may tulo laway pa ako kaya hinawakan ko ang bibig ko.
"May problema ba?" tanong niya sa akin. Ang hina niya naman maka-gets.
"Uhm, Kaizer. Kagigising ko lang, ligo muna ako," wika ko habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bunganga ko. Kaya lang, nagulat ako nang bigla niya akong titigan sa mga mata ko.
"Kahit hindi ka na maligo, iki-kiss pa rin kita," bulong niya dahil nasa kusina si Itay na nagluluto sapagka't, naaamoy ko mula rito ang sinangag na niluluto niya.
Ngunit nang bitiwan niya ako, saka ko lang na-gets ang sinabi niya. Ano raw? Kung gano'n, hindi na lang ako maliligo para i-kiss niya ako, charot. May kailangan pa akong alamin ngayong araw kaysa makipagharutan.
Bumalik siya sa upuan habang si Itay naman ay may dalang tatlong plato at marahas itong inilapag sa lamesa, galit ba si Itay?
"Anak, kumain ka na. Ako na ang bahala sa lalaki na ito," wika niya habang hindi ko naman mapigil ang matuwa sa reaksyon ni Kaizer na parang gigisahin.
Pagkayari kong maligo ay nakita ko sina Kaizer at Itay na seryosong nag-uusap. Nang maupo ako ay tumigil silang dalawa.
"Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ko habang sumasandok ng sinangag. Hindi ko pa suot ang salamin ko ngayon at pansin kong mas dumadami ang tigyawat ko.
"Ang ganda mo, Elaine," papuri ni Kaizer sa akin na ikina-blush ko. Kaya lang, bigla namang napa-ehem si Itay na ikinaayos namin.
"Anak, aalis ka na ba? Hatid na kita," sambit ni Itay habang sinasawsaw ang pandesal sa kape.
"Kakain lang po ako tapos papasok na," wika ko kahit ang totoo ay wala akong klase at pupunta lang ako sa Montemayor's Building at sa company. Isa lang ang sigurado ko at 'yon ang malaman kung ano ang sinasabi ng lalaki na tinawag ng babae na Montemayor.
"Kaizer, ayos ka lang ba? Parang namumutla ka," sambit ko ngunit ngumiti lang siya nang pilit at nagsalita, "Nakakatakot lang Itay mo, babycakes," sagot niya at kumindat pa sa akin. Napatawa naman kami parehas nang mapatingin sa amin si Itay kaya agad kaming umayos.
Nang matapos ako ay nagpumilit si Kaizer na ihatid ako, ngunit tinanggihan ko ito kahit anong pilit niya kung kaya't iniabot niya lang sa akin ang bulaklak at nagpaalam na.
Kinakabahan akong naglalakad papasok sa bulding ng Montemayor. This is the first time na makapupunta ako sa isa sa pag-aari nila kung kaya't hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Montemayor, at hindi ko rin alam ang pangalan niya.
Ang tanging alam ko lang ay tinawag siyang Montemayor ng babae kung kaya't s-in-earch ko ito at lumabas ang mga pag-aari ng lahi nila. Ngunit nang hanapin ko ang lalaking kumausap sa akin ay wala man lang itong impormasyon sa G****e.
Nagulat ako nang bigla akong mapaligiran ng mga lalaki na nakasuot ng all black at ang isa ay bigla akong tinutukan ng baril. "Anong kailangan mo rito?" tanong niya kaya agad naman akong kinabahan.
"Sumama ka sa amin," wika nila habang kinaladkad naman ako ng isa papasok sa building at tinakpan nila ang mata ko.
Narinig ko na lang ang pagsakit ng likod ko nang bigla akong itulak ng isa sa upuan. "Ano, pre, ako na mauuna?" tanong ng isa na bigla kong ikinatakot.
Anong ibig sabihin nila?
"Gago ka, sabihin mo muna kay bossing, baka malintikan tayo," wika ng isa na parang natatakot. Ngunit bigla akong napaiyak nang bigla nilang punitin ang damit ko.
"Please, huwag po," sambit ko habang umiiyak nang biglang may sumigaw galing sa labas.
"Nandito na si bossing!" sigaw ng isa kung kaya't napatigil ang isa sa pagtatanggal ng panloob ko.
"Ang pangit naman niyan, eh, paunahin mo na si bossing," sabi nito habang tumatawa pa silang tatlo na ikinatakot ko.
Rinig ko ang pagpasok ng sinasabi nilang bossing at hindi ko mapaiwasang mapalunok. Paano kung may gawin silang masama sa akin kahit na nandito na ang bossing nila? Hindi ko mapigilang maiyak habang nakatakip ang mukha ko at bigla akong lumuhod. "Pakiusap, pakawalan n'yo ako," pagmamakaawa ko kahit hindi ko alam kung sino sa kanila ang kaharap ko.
"Release her," maawtoridad na utos ng sinasabi nilang bossing at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o isa itong patibong.
"Pero, sir, mukhang espiya po siya dahil nakita namin siya sa labas ng building natin na pasilip-silip," sagot ng isa habang ang isa naman na nasa tabi niya ay nagsalita, "Pangit naman po ang isang 'yan at mukhang. Ipaubaya mo na sa amin 'yan bossing," wika pa ng isa na ikinatakot ko.
"Pakiusap, kung ikaw man si Montemayor, pakawalan n'yo ako. Hindi ako espiya," sambit ko habang tinadyakan naman ako ng isa sa mukha na ikinabagsak ko.
"Fuck, release her!" sigaw ng bossing nila kung kaya't nagmadali silang hatakin ako paupo sa upuan. Nanghihina ang katawan ko dahil sa tadyak na ginawa sa akin ng isa. Tinanggal nila ang takip sa mata ko at ang tali sa kamay. Agad akong napadilat at nakita ko ang lalaki sa restaurant na nasa harap ko. Siya ba ang nag-utos nito?
Tumayo ako. Hindi ko alam kung sasampalin ko siya sa galit o yayakapin ko siya para magpasalamat. Lumapit ako sa kaniya at sinampal siya nang malakas. "Ikaw ba ang nag-utos nito?" tanong ko sa kaniya, pero hindi siya sumagot habang ang tauhan niya ay tinutukan ako ng baril dahil sa ginawa ko.
"Eh 'di, barilin n'yo ako. Tutal, ayan naman gusto ninyo. Mas gusto ko pang mamatay kaysa gahasain ako ng mga putanginang kagaya ninyo!" sigaw ko habang nagalit naman ang isa at akmang sasampalin ako nang tutukan ito ng baril ni Montemayor.
"Putangina mo, saktan mo pa ang asawa ko at mapapaaga ang paninilbihan mo kay Satanas," sigaw niya habang tinadyakan ang isa sa tiyan. Nagulat naman ako sa sinabi niya, pero nanghihina na ang katawan ko at napayakap na lang ako sa kaniya.
"Salamat," wika ko. Bago tuluyang pumikit ang mga mata ko ay naramdaman kong binuhat niya ako na pa-bridal style at tuluyan nang lumabas sa mala-impyernong lugar na 'yon.
Third Person Point of View“Bossing, patawarin n’yo po kami. Hindi po namin akalain na asawa n’yo po pala ang pangit— este si ma'am,” wika nito ngunit hindi sila pinakikinggan ni Louis. Galit ang namayani sa buong katawan niya. Ang bilin sa kaniya ng ama niya ay bantayan si Elaine dahil ito ang nais nilang makasal sa kaniya upang makuha niya ang mana niya at hindi lang 'yon ang dahilan niya kaya nais niyang pakasalan si Elaine, may mas malalim pa ro’n.At isa pa, sira ang damit nito at tinadyakan pa ng mga ito si Elaine sa harapan niya na ikinaubos ng pasensya niya. Ang akala niya kasi ay kung sinong babae lang 'yon.Dinala niya ang babae sa sasakyan niya habang nakatingin naman si Brennon. “Sir, hindi ba, 'yan ’yong babae na—” wika nito ngunit pinalayas niya lang ito ng sasakyan habang dahan-dahang hiniga si Elaine sa upuan. Nakita niya na ang pink na bra nito na mas lalong mas nakakagigil sa kan
Elaine's Point of ViewAgad akong nagpumilit bumaba sa pagkakabuhat ni Montemayor, ngunit sa sobrang lakas niya ay hindi ko ito magawa kaya napabuntong-hininga na lamang ako.Mukhang wala akong choice kundi kausapin si Kaizer sa harapan niya.“Kaizer, anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko dahil hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang lumitaw sa mansion ni Montefalco, eh hindi ko pa nga natatawagan si Itay dahil natatakot ako na baka mag-panic ito.“Wife, how did you know him?” sabat ni Montemayor habang nakataas naman ang kilay niya dahil sa pagtataka.Hindi ko gusto ang posisyon namin dahil nasa balikat niya ako habang nakahawak siya sa gawing baywang ko upang hindi ako mahulog kung kaya't nakaharap ako kay Kaizer na parang ahas.“Anong wife ka riyan? At saka, p'wede bang ibaba mo na ako? Nahihirapan na kaya ako sa posisyon na ganito,” reklamo ko habang sinusubuka
Third Person's Point of View“What do you need, asshole? You're ruining my dinner with my wife,” asik ni Louis kay Tyron, ang pinsan niya na isang may-ari ng hospital. Bukod pa rito ay isa itong private investigator.“Really, you have a wife now? As far as I remember, you hired me to find where Mariella was and now that I got the information, you're mad at me,” pasumbat na sagot ni Tyron habang nasa garden. Ayaw iparinig ni Louis kay Elaine ang sinasabi ni Tyron, lalo na at bukas ay magtutungo rito ang ama niya upang pag-usapan ang kasal.“Where is she?” tanong ni Louis. Nais niyang makita ang dalaga. Pagkatapos kasi niyang makipaghiwalay rito ay ngayon lang sya ulit nagkaroon ng impormasyon tungkol kay Mariella.“At my hospital. By the way, can I have your wife as the payment?" direktang tanong ni Tyron kay Louis, ngunit agad namang naglabas ng baril si Louis at tinutok ito kay Tyron.“What did you s
Third Person's Point of ViewNapasinghap na lang si Elaine at agad na tinulak palayo si Louis, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.“Lumabas ka na, Louis. Naliligo ako,” wika ni Elaine. Hindi naman maipinta ang mukha niya dahil sa pangalan na binanggit ni Louis. Sa totoo lang ay wala naman siyang karapatang magalit dahil wala naman siyang papel sa binata kundi ang maging kabayaran ng ama niya sa utang nito sa pamilya ng Montemayor.Alam niyang hindi rin siya gusto ng lalaki na nagpunta sa silid niya kanina dahil ito pa nga ang nagsabi sa kanya na huwag nang hintayin si Montemayor dahil may gagawin pa ito kasama si Mariella.“Wife . . . I'm sorry, I know it's you,” bulong ni Louis habang ang hininga na nanggagaling sa bibig nito ay tumatama sa leeg ni Elaine na nakapagbigay sa kanya ng kakaibang init.“Ano ba, Louis, lasing ka na, lumabas ka nga!” sigaw niya sa binata, ngunit ang totoo ay parang m
Third Person’s Point of ViewNang makarating si Louis sa basement ay agad niyang sininghalan ang tumawag sa kanya na si Volstrige dahil sa panggagambala nito sa kanila ni Elaine.“You should know the consequence of what you did,” singhal ng binata habang dahan-dahang inilalabas ang isa sa paborito niyang pistol na Beretta 92 na mula pa sa Italy. Ibinigay ito ni Jacob sa kanya noong umuwi ito sa Pilipinas upang i-celebrate ang bago nitong negosyo na tungkol sa mga alak.Agad na nagtago sa likod ni Alex si Volstrige, ngunit agad naman siyang hinatak palabas ni Brennon. “Boss, pakibaril na po ang womanizer na ito. Muntik na rin po ako mapahamak dahil sa kanya no'n, e,” natatawang sumbong ni Brennon habang hindi naman maipinta ang mukha ni Volstrige.“Gago ka ba, wala naman akong ginagawa sa 'yo, ah!” asik ni Volstrige. Nagsimula lang mag-away ang dalawa na ikinainip lang ni Louis.“I will kill the both o
Third Person's Point of View“Wife, bakit ang tagal mo namang pumasok? Does Louis have another fling again?” tanong ng isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Louis, ang kaibahan lang ay mababakas mo rito ang katandaan kahit na ang hitsura nito ay parang teenager lamang.Napahinto sa pagla-lock ng sasakyan ang lalaki nang makita si Elaine. Kilala niya ito sa mukha dahil siya ang nag utos kay Louis na pakasalan ang dalaga.“Who are you, miss, and why are you in my son's mansion? Explain yourself,” masungit na wika ng babae habang nakataas ang mga kilay nito. nakatingin ito kay Elaine na hindi alam ang isasagot dahil wala namang sinabi ang binata na dadating din ang mga magulang nito.“A...a-ko po? Ah...uhm,” nauutal na sagot ni Elaine. Pinigilan lamang ng ama ni Louis ang ina nito sa paghawak sa buhok ng dalaga dahil siya ay sinabunutan na nito palabas.“Wife, she is the woman that I'm saying to Louis. For Pete
Third Person's Point of ViewHindi mapakali ang butler ni Sirius habang papunta sila sa kulungan. Sa totoo lang, sa anim na taon niyang serbisyo sa ginoo ay ngayon lang nangyari ang ganito sa kanyang amo. Magagalit ito sa kanya pagdating nila at kasama niya ang dalawang pinsan nito. Ang pinakaayaw kasi nito ay humingi ng tulong sa kahit na kanino lalo na sa mga taong kilala niya.Ayaw nitong mahusgahan. Noong one time nga ay halos patayin na siya ng binata dahil sa pagsusumbong niya sa magulang nito na pinakaayaw ng binata. Nais nitong manirahan nang walang hinihinging tulong sa iba, ngunit wala nang magagawa si Sirius dahil masyadong malala ang problema nito na ikakawala ng kompanyang iniingatan niya.“Can you tell us what really happened?” tanong ni Kaizer habang abala si Louis sa pagtingin sa cell phone niya, kanina pa kasi tawag nang tawag ang ina niya na umuwi na siya sapagka't narito na silang lahat upang pag-usapan ang kasal. Gustuhin niya man
Third Person's Point of ViewMabilis na pinaharurot ni Louis ang sasakyan. Sa totoo lang ay nag-aalala siya sa dalaga lalo na't ang ina niya ang nagsabi na may nangyaring masama rito.“Damn,” mura niya habang hinahampas ang manibela dahil sa traffic. Kung kailan naman siya nagmamadali saka pa nagkaroon ng traffic sa area na ito.“Can you calm down? As if you can stop the traffic with that, idiot,” wika sa kanya ni Kaizer, ngunit sa totoo lang ay kanina pa nanginginig ang kamay niya sa takot na may nangyari talaga kay Elaine. Matagal na siyang may gusto sa dalaga, ngunit pinipigilan niya ang sarili sa tuwing nagkikita sila dahil baka mas magulo ang isip nito sa mga nangyayari.Sa totoo lang ay mas kilala pa nga niya si Elaine kaysa mapapangasawa nito. Wala naman siyang magagawa tungkol sa bagay na 'yon lalo na't hindi siya sigurado kung gusto rin siya ng dalaga. Kung maaari lang ay itatakas niya ito at mamumuhay sila nang simple, pe