Share

V - Mariella

Elaine's Point of View

Agad akong nagpumilit bumaba sa pagkakabuhat ni Montemayor, ngunit sa sobrang lakas niya ay hindi ko ito magawa kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

Mukhang wala akong choice kundi kausapin si Kaizer sa harapan niya.

“Kaizer, anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko dahil hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang lumitaw sa mansion ni Montefalco, eh hindi ko pa nga natatawagan si Itay dahil natatakot ako na baka mag-panic ito.

“Wife, how did you know him?” sabat ni Montemayor habang nakataas naman ang kilay niya dahil sa pagtataka. 

Hindi ko gusto ang posisyon namin dahil nasa balikat niya ako habang nakahawak siya sa gawing baywang ko upang hindi ako mahulog kung kaya't nakaharap ako kay Kaizer na parang ahas.

“Anong wife ka riyan? At saka, p'wede bang ibaba mo na ako? Nahihirapan na kaya ako sa posisyon na ganito,” reklamo ko habang sinusubukang gumalaw, ngunit nagulat ako nang bigla niya akong ibaba sa balikat niya at saka binuhat na pang-bridal style na ginawa niya katulad kanina.

Ano ba ang ginagawa niya, baka kung ano ang isipin ni Kaizer.

Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa hiya na nararamdaman, pero nagulat ako nang biglang higitin ni Kaizer ang kamay ko.

“Elaine, halika na, umuwi na tayo. Hindi ba, gusto mo nang makita si Tito?” tanong niya. Halata sa boses niya na parang malungkot siya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sasabihin kay Itay kung bakit ako nandito.

Akmang magsasalita pa sana ako nang biglang sumagot si Montemayor, “What do you think you're doing, jackass?” singhal niya at nang dumako ang tingin ko sa kanya ay nakakunot na ang makapal niyang kilay na parang hindi siya sumasang-ayon sa sinasabi ni Kaizer.

“It's obvious that Elaine wants to go home. Just let her go and look for someone who is suitable for your shit,” singhal pabalik ni Kaizer at humigpit ang hawak sa kamay ko. Mas lalong tumaas ang tensyon sa pagitan nila kung kaya't huminga akong malalim at nagsimulang magsalita.

“Stop na, okay? Oo na, gusto ko nang umuwi, pero nakakahiya naman kung aalis agad ako nang hindi nagpapasalamat kay Montemayor. I should thank him for saving my life. And paano mo nalaman na nandito ako? Care to explain, Kaizer?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko, mukhang may tinatago siya sa akin.

Hindi kaya ang pinag-uusapan nila ni Itay kanina ay tungkol sa kasal na sinasabi ni Montemayor? Kung gano'n, kailangan ko talagang malaman kung anong kaugnayan niya kay Montemayor.

“Sinundan lang kita, gano'n lang 'yon,” direktang sagot niya na hindi ko agad pinaniwalaan. Masyado siyang halata kapag hindi siya nagsasabi ng totoo. Gayunpaman, kailangan kong malaman ang buong istorya kung bakit nagkaroon ng utang si Itay sa mga Montemayor.

“Tapatin mo nga ako, may alam ka ba sa sinasabi ni Montemayor?” tanong ko. Nag-iiwas naman siya ng tingin sa akin na parang ayaw niyang may masabi siyang hindi dapat.

“Wife, he is my co-mafia. Can we continue at the dining room? He's just wasting our time,” sabat naman ni Montemayor na agad kong ikinanganga, ano raw? Co-mafia niya si Kaizer? Kung ganoon, may alam nga siya sa nangyayari. 

Agad kong hinigit ang kamay ko sa pagkakahawak ni Kaizer at hindi na nagsalita. Mas mabuti sana kung inamin na lang nila ni Itay sa akin na may alam sila tungkol sa kasal na sinasabi ni Montemayor para hindi ko na ipinahamak ang sarili ko para alamin ang bagay na 'yon.

“Elaine, sandali lang. Magpapaliwanag ako, huwag ka naman magalit,” sigaw ni Kaizer habang tumatakbo upang sundan kami pababa sa hagdan ni Montemayor.

Agad naman akong napabuntong-hininga sa nangyayari, ngunit mas mabuti kung hindi na siya madadamay pa sa nangyayari dahil ang pamilya namin ang may utang sa Montemayor.

“Kaizer, ayos lang. Wala ka dapat ipaliwanag. Maaari mo bang sabihin kay Itay na nandito ako kaya huwag siyang mag-alala? Nasa mabuting kamay naman ako ng mapapangasawa ko,” wika ko at pilit na ngumiti sa kanya. Hindi ko kayang magsinungaling kay Kaizer, pero ayaw ko namang idamay siya sa nangyayari sa pamilya namin lalo na at co-mafia siya ni Louis.

“Ngunit hindi naman—” Magsasalita pa sana siya nang bigla itong putulin ni Montemayor.

“You heard my wife. Leave now and don't interrupt us again. We will be having our good time later,” pang-aasar ni Montemayor na agad namang ikinakagat ng labi ni Kaizer na ang ibig-sabihin ay naiinis siya.

“Fuck you. If you lay your hands on Elaine, I will kill you, Louis,” singhal ni Kaizer at masamang tinitigan si Montemayor na hindi man lang natinag sa sinabi nito.

“I will just get laid with her in our bed later,” sagot ni Montemayor na agad namang ikinainit ng ulo ni Kaizer at inilabas ang baril niya na ikinagulat ko.

Ano ba ang nangyayari sa kanilang dalawa? 

“Shoot,” matapang na sambit ni Montemayor habang nakangisi, ngunit agad naman akong sumigaw na ikinatigil nilang dalawa.

“Para kayong mga bata, puwede ba tumigil na kayong dalawa? Kaizer, ayos lang ako rito kaya huwag kang mag-alala sa akin at ikaw naman, Montemayor, sisipain na kita!” singhal ko sa kanilang dalawa habang sinusubukang sipain sa mukha si Montemayor dahil buhat niya pa rin ako.

Agad namang napatalikod si Kaizer at nagsalita, “Magpasalamat ka at nandiyan si Elaine. Kung hindi, nakita mo na ang ama mong si Satanas,” wika nito at tuluyan nang naglakad paalis. 

Agad naman akong humingang malalim at tuluyan nang nagsalita, “Pumapayag na ako sa kasal na sinasabi mo, pero may kondisyon ako,” wika ko habang iniiwasang tumingin sa kanya. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa sinabi niya sa harap ni Kaizer.

“What is it?” tanong niya habang pababa kami ng hagdan, hindi ko maiwasang mamangha sa chandelier na nakasabit sa kisame at mas lalo pang nagpamangha sa akin ang disenyo ng mansion niya.

“Wow,” sambit ko habang iniikot ang mata upang tingnan ang kabuuan nito. Isa lang ang masasabi ko, talagang napakayaman ng mga Montemayor.

Agad naman akong tumalon sa pagkakabuhat niya sa akin nang tuluyan kaming makababa. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Nag-peace lang ako sa kanya at tiningnan ang isang malaking shelf na puno ng libro.

Matagal na akong mahilig sa mga libro lalo na sa nobela ni Arthur Conan Doyle na Sherlock Holmes, ngunit dahil nga wala akong pambili ng libro nito ay sini-search ko na lang ito sa G****e kapag nagkaka-data ako.

Sinusubukan kong abutin ang Sherlock Holmes na libro na nasa bandang taas ng shelf. Nang hindi ko ito maabot ay natumba ang shelf dahil sa ginawa kong pag-akyat nang bigla akong yakapin ni Montemayor bago ito tuluyang mahulog. Napapikit ako sa gulat, ngunit nang idilat ko ang mata ko ay nakatingin siya sa akin na parang nag-aalala. Ngunit, nang maalala ko ang posisyon namin ay agad ko siyang natulak.

Hawak-hawak niya ang shelf habang ang ibang libro ay tuluyan nang nahulog. Agad kong dinampot ang mga ito nang biglang may magsalita mula sa likod ko.

“Ma'am, ako na po riyan. Nakahanda na po ang hapag para sa inyong dalawa ni sir,” wika ng isang matandang babae. Ang kanyang mga mata ay kulay brown. Bakas naman ang katandaan sa kanyang mga wrinkles sa mukha. Gayunpaman ay maganda pa rin ito.

“Tulungan ko na po kayo,” prisinta ko ngunit hindi ito pumayag at nagpumilit na marami siyang katulong na mag-ayos nito. Napatango na lamang ako at malungkot na sumunod sa isang babae patungo sa Dining Room.

“Wife, do you want anything?” tanong ni Montemayor habang magkatabi kaming naglalakad. Gusto ko lang naman mahawakan ang libro ng Sherlock Holmes. Kaya lang, hindi ko ito makuha dahil sa height ko.

“Wala,” maikling sagot ko. Pagkayari ng mahabang paglalakad ay huminto kami sa isang malaking pinto na may nakasulat na Salle à Manger na hindi ko maintindihan.

“Dining room, it's just translated in French,” wika ni Montemayor na parang nahulaan niya ang iniisip ko.

Nang buksan ito ng babae ay bumungad sa amin ang napakalaking lamesa na gawa sa marboles. Sa gitna nito ay isang vase na punong-puno ng rosas.

“Here, let me help you,” sambit ni Montemayor saka hinila ang isang upuan. Hindi ko alam kung bakit napakabait niya sa akin ngayon. Parang kanina lang ay halos ipalamon niya na ako sa tigre.

“Salamat,” sagot ko at tuluyan nang naupo. Ang mga putahe ay dahan-dahang hinahanda ng mga lalaking nakasuot ng pang-chef. 

Akmang sasandukan na sana ako ng isang babae nang bigla ko itong kinuha sa mga kamay niya. “Ayos lang po, ako na lang po ang kukuha,” wika ko at ngumiti sa kanya. 

“Oo nga pala, tungkol sa kondisyon na sinasabi ko, Montemayor,” paalala ko habang dahan-dahang sumasandok ng kanin. Agad naman siyang napatitig sa akin na parang hinihintay ang susunod na sasabihin ko.

Magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan na ikinatigil ko. Pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng tuxedo at tumigil sa harapan ni Montemayor.

“Oh, I see you're having dinner with one of your flings,” sambit nito at tiningnan ako na parang kinikilatis niya ako.

“Well, sorry to interrupt, but I found an information about Mariella and she is in the hospital right now,” pagtutuloy nito agad namang tumayo si Montemayor.

“Excuse me, wife,” wika ni Montemayor at hinalikan ako sa noo at tuluyang lumabas kasama ang lalaki na kakapasok lang.

Sino ba ang Mariella na 'yon? Gano'n ba siya kaimportante kay Montemayor at pinapabantayan niya ang kilos nito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status