Share

VI - Ex-Girlfriend

Third Person's Point of View

“What do you need, asshole? You're ruining my dinner with my wife,” asik ni Louis kay Tyron, ang pinsan niya na isang may-ari ng hospital. Bukod pa rito ay isa itong private investigator.

“Really, you have a wife now? As far as I remember, you hired me to find where Mariella was and now that I got the information, you're mad at me,” pasumbat na sagot ni Tyron habang nasa garden. Ayaw iparinig ni Louis kay Elaine ang sinasabi ni Tyron, lalo na at bukas ay magtutungo rito ang ama niya upang pag-usapan ang kasal.

“Where is she?” tanong ni Louis. Nais niyang makita ang dalaga. Pagkatapos kasi niyang makipaghiwalay rito ay ngayon lang sya ulit nagkaroon ng impormasyon tungkol kay Mariella.

“At my hospital. By the way, can I have your wife as the payment?" direktang tanong ni Tyron kay Louis, ngunit agad namang naglabas ng baril si Louis at tinutok ito kay Tyron.

“What did you say, fucker?” singhal nito. Ang ayaw niya sa lahat ay may mangingialam ng pagmamay-ari niya.

“What? As far I know, Tito Izaac was the only one who pushed you to marry that nerd. I know you, Louis. That girl isn't your type,” seryosong sambit nito, ngunit may sinisigurado siya kaya nya 'yon sinabi.

Ngayon lang naging ganito ang pinsan niya. Kahit nga kay Mariella noon ay hindi naman ito seloso. Ano ba ang mayroon sa Elaine na 'yon at ganito na lang kumilos ang pinsan niya?

Sa totoo lang, hindi niya inaasahan ang reaksyon ni Louis noong gambalain niya ang hapunan kasama ang pekeng asawa nito. Akala kasi niya ay matutuwa ito na nahanap niya na si Mariella, ngunit mukhang nagkamali siya. Kahit ang pagsabi ng impormasyon na sasabihin niya ay hindi nito hinayaan sa harap ng asawa niya. Mukhang magiging exciting ang buhay ni Louis kasama ang mapapangasawa nito.

“Don't ever touch her. I will fucking kill you, Tyron. Mark my words and by the way, apologize to my wife, you called her my fling. I will not let this go,” banta ni Louis at tuluyan nang naglakad palayo. Naiwan naman si Tyron na natulala.

Sinasapian ba ang pinsan niya?

Mas mabuti siguro kung sundin na lang niya ang kagustuhan nito, ngunit alam niyang magagalit ito sa kanya pagdating nito sa sasabihin niya kay Elaine.

Nagtungo siya sa dining room, ngunit wala na ang dalaga. Inaayos naman ng mga katulong ang hapag, ni hindi man lang nabawasan ang pagkain.

“Nasaan 'yong asawa ni Louis?” tanong niya sa mga katulong. Kinikilig naman ang mga ito. Sa isip-isip niya ay napakalakas talaga ng appeal niya.

“Si ma'am po ba na nakasuot ng salamin?” pabalik na tanong nito kay Tyron na ikinakunot nito ng noo. Sino pa ba ang tatanungin niya, eh iyon lang naman ang kasama ni Louis.

Tumango na lamang siya. Sumagot naman ang isang babae, “Ah, umakyat na po sa kuwarto ni Sir Louis. Ni hindi nga po kumain at nawalan daw po siya ng gana,” sambit nito. Akmang aakyat na sana siya nang makita niya ang babae na minahal niya tatlong taon na ang nakalilipas.

Agad niya itong nilapitan at binulungan, “Gusto mo bang mag-hotel tayo mamaya?” tanong niya, ngunit hindi ito sumagot. Nang tingnan niya ang hitsura nito ay namumula na ito.

Ang akala niya siguro ay hindi alam ni Tyron kung saan siya nagtrabaho pagkayari nitong makipaghiwalay sa binata.

“Ayos ka lang ba, babe?” tanong niya, ngunit nagulat siya nang sampalin siya nito sa mukha at nanginginig na umalis sa harapan nya.

Napaka-lakas naman ng loob ng babae na sampalin s'ya, sabagay, ano pa ba ang aasahan nya sa taong nanakit sa kanya tatlong taon na ang nakakalipas. Mukhang alam nya na ang kukunin nyang kabayaran kay Louis.

Pagkaakyat nya ay nakabukas ang pinto ng silid ni Louis habang nakaupo naman ang dalaga sa kama at nagbabasa ng libro.

“Nerd,” tawag nya 'rito, unang una ay wala s'yang intensyon na mapalapit 'rito, ayaw nyang mapaaga ang pagkikita nya kay Satanas at pangalawa, ay hindi nya ito type.

“Anong ginagawa mo 'rito, nasaan si Montemayor?” tanong nito at dali-daling kinuha ang unan upang ipang-depensa sa binata kung may gagawin man itong masama.

“Huwag mo na 'raw s'yang hintayin dahil may gagawin pa sila ni Mariella, alam mo na na-miss kasi ni Louis ang ex nya,” wika ni Tyron, halatang nagulat si Elaine sa sinabi nya ngunit, hindi nya mabasa ang mga mata nito kung nagagalit ba ito o nagseselos sa sinabi nya.

“Mauna na ako,” sambit nya at akmang aalis na sana ngunit, pinigilan s'ya ni Elaine.

“Sandali.”

“Salamat sa pag-inform sa akin,” wika ni Elaine habang pilit na ngumiti sa kanya kahit ang totoo ay inis ang namamayani sa katawan ng dalaga. 

Nang makarating si Louis sa Hospital ay agad nyang hinanap ang silid kung nasa'n si Mariella ngunit, ng bubuksan nya na ang pinto ay narinig nya ang impit na ungol ng dalaga habang sinasambit ang pangalan ng pinsan nya na si Lucas.

Akmang sisipain nya na sana ang pinto ng marinig nyang may tumawag sa pangalan nya, “Louis Montemayor, anong ginagawa mo 'rito?” tanong ng pinsan ni Mariella na gumamot kay Elaine kanina. Siguradong sasabihin nito sa Ama nya na pinuntahan nya si Mariella kung tutuloy s'ya sa silid nito.

“None of your business,” sagot nya at nilagpasan ang babae ng bumulong ito sa kanya, “Huwag mo ng tangkain pumunta kay Mariella dahil naroon naman ang pinsan mo kapalit sa posisyon mo,” wika nito habang tumatawa at tuluyan na s'yang nakalabas patungo sa sasakyan nya.

“Saan po tayo, Sir?” tanong ni Brennon habang naramdaman naman nya na hindi maganda ang mood ng boss nya. 

“Kai's Bar.”

Ilang oras na ang nakakalipas ng mapagpasiyahan ni Louis na umuwi na dahil naka-ilang alak na s'ya na naiinom at isa pa, parang mga linta ang kababaihan na naroon dahil nilalapit ng mga ito ang mga katawan nila sa kanya.

Pagkarating nya sa Mansion nya ay dali-dali s'yang nagtungo sa silid nya at magsa-shower sana upang umayos ang pakiramdam nya ngunit, ng buksan nya ang pinto ay naroon si Elaine habang wala itong saplot. Ang butil ng tubig ay tumatama sa katawan nito na nagpabuhay sa pagka-lalaki ni Montemayor.

“Ano bang ginagawa mo 'rito, lumabas ka nga. Bastos!” sigaw ni Elaine habang tinatakpan ang katawan nya ng tuwalya ngunit, lumapit lang sa kanya si Louis at akmang hinalikan s'ya.

“Mariella…” wika nito sa pagitan ng kanilang mga halik na ikinatigil ni Elaine.

Ang babaeng 'yon na naman, ito nalang ata ang narinig nya buong araw.

Ano ba ang meron talaga sa babae na 'yon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status