Share

VIII - Chef Louis

Third Person’s Point of View

Nang makarating si Louis sa basement ay agad niyang sininghalan ang tumawag sa kanya na si Volstrige dahil sa panggagambala nito sa kanila ni Elaine.

“You should know the consequence of what you did,” singhal ng binata habang dahan-dahang inilalabas ang isa sa paborito niyang pistol na Beretta 92 na mula pa sa Italy. Ibinigay ito ni Jacob sa kanya noong umuwi ito sa Pilipinas upang i-celebrate ang bago nitong negosyo na tungkol sa mga alak.

Agad na nagtago sa likod ni Alex si Volstrige, ngunit agad naman siyang hinatak palabas ni Brennon. “Boss, pakibaril na po ang womanizer na ito. Muntik na rin po ako mapahamak dahil sa kanya no'n, e,” natatawang sumbong ni Brennon habang hindi naman maipinta ang mukha ni Volstrige.

“Gago ka ba, wala naman akong ginagawa sa 'yo, ah!” asik ni Volstrige. Nagsimula lang mag-away ang dalawa na ikinainip lang ni Louis.

“I will kill the both of you. I have things to do, lead the way,” maawtoridad na wika ni Louis. Yumuko naman ang dalawa upang dalhin ang binata kung nasaan ang nahuli nilang espiya.

Kanina pa iniisip ni Louis umuwi hindi dahil inaantok na siya, kundi para tumabi kay Elaine sa pagtulog.

“P*tangina, kung ano-ano pa naman ang sinasabi ng mga 'yon. Siguradong magagalit si bossing sa maririnig niya,” bulong ni Brennon na parang nagsasabi ng tsismis sa kumare niya. Nanatiling tahimik lamang si Louis hanggang sa marating nila ang kinaroroonan ng mga espiya.

Itinago nila ang mga ito sa basement kung saan nakakulong ang ibang hostage na hindi pa nila pinapatay dahil may silbi pa ito sa kanila. Nang makasakay sila sa elevator ay nagbubulungan pa rin ang dalawa na parang langaw.

“Pero akalain mo 'yon, nakikipag-sex na agad si bossing sa asawa niya, e ngayon pa nga lang yata sila nagkita,” bulong ni Volstrige. Napataas naman ng kilay si Brennon sa sinambit nito.

“Tanga ka ba? Ikaw nga, nakikipag-sex sa babaeng mga nakuha mo lang sa bar. Kung ako sa 'yo itikom mo na lang ang bibig mo. Baka makita mo na ang ama mong si Satanas 'pag nagkataon,” sambit ni Brennon habang patawa-tawa naman si Volstrige.

“Mas natatakot ako sa—” Naputol ang sasabihin niya nang lingunin niya si Louis na nakatutok na ang baril sa kanya.

“Mas natatakot ako sa 'yo, bossing siyempre,” wika ni Volstrige habang nagkakamot ng ulo. Saktong bumukas naman ang pinto ng elevator at bumungad sa kanila ang mga tauhan na nagbabantay sa area na 'yon.

“Nasaan na ang mga kumag?” tanong ni Volstrige habang dahan-dahan namang naglakad ang mga co-mafia nila at tumigil sa ikalimang selda.

Hindi lamang isa ang narito kundi tatlo.

“Sinong nagpadala sa inyo para mag-espiya sa amin, ha?” maangas na tanong ni Volstrige. Hindi nagpatinag ang tatlong espiya at sinagot pa siya ng 

“Hotdog!” 

“Aba, anak ng p*ta kayo, ha!” singhal ni Volstrige at inilabas ang revolver niya. Nginitian lamang sila ng isa na parang hindi man lang natatakot sa kung anong mangyayari sa kanya.

“Revolver amp*ta. Sino ang matatakot sa bagay na 'yan? Low quality!” wika nito na parang sinasagad ang pasensya ni Volstrige.

Agad namang pinaputukan ni Volstrige ang hita nito para mapadapa ito sa sahig. “Revolver nga ito, wala ka ng hita pag-alis mo rito. Iyon ay kung makaaaalis kayo,” pang-aasar ni Volstrige at tumawa-tawa pa.

Sa totoo lang ay kahit hindi nila paaminin ang nagpadala sa kanila ay nakasisigurado na sila na si Zap ang nag-utos sa mga ito.

“Hangal, kahit patayin n'yo pa kaming tatlo. Hindi pa rin mawawalan ng espiya sa organisasyon ninyo. Baka nga nasa mataas na katungkulan pa ito,” maangas na wika ng lalaki na sumobra ng payat, akala mong bangkay ito na naglalakad.

“Sino ang tinutukoy mo?” tanong ni Brennon. Nagulat sila nang bumulagta na lamang ito sa sahig dahil sa tama nito sa ulo.

“Sa tingin ko ay masyado na itong maingay,” wika ni Alex na kararating lamang. Agad namang nanlaki ang mata ng dalawang natira sa espiya nang tumumba ang kasamahan nila.

“Mangilabot ka na, Louis Montemayor, dahil kahit kailan ay hindi na kayo magkakatuluyan ni Mariella dahil ang ama niya ay alagad ni Zap!” sambit ng isa habang namimilipit sa sakit ng kanyang hita na pinaputukan ni Volstrige kanina.

“You're so noisy,” kalmadong wika ni Louis at tinuluyan na ang buhay ng lalaki. 

Ngayon, isa na lang ang natitira sa kanila kaya agad itong tinutukan ni Louis.

“Speak or die,” sambit ng binata na nagbigay takot sa espiya.

“Huwag n'yo po akong patayin, please. May pamilya po ako na kailangang uwian. Hindi po si Zap ang nag-utos sa amin kundi ang ama ni Mariella,” nangangatal na wika nito. Hindi pa rin maisip ni Louis na ang ama ng dati niyang kasintahan ay isa pala sa galamay ni Zap.

“Release him,” utos ni Louis na ikinagulat ni Volstrige.

“Bossing naman, kapag pinakawalan namin ito, baka magsumbong lang kay Zap,” wika ni Volstrige. Hindi ito pinakinggan ni Louis kung kaya't napilitan ang mga ito na pakawalan ang lalaki.

“Salamat po, Mister Montemayor. Sadyang napakabuti mo pala,” wika ng lalaki Bnigyan lamang siya ng isang nakakatakot na ngiti ni Louis.

“Run as fast as you can,” sambit ni Louis na ikinapagtaka naman ng mga kasamahan niya.

“In three,” pagbibilang ng binata. Dali-dali namang tumakbo ang lalaki patungo sa elevator.

“Two.”

“One,” wika ni Louis at pinaputukan mula sa gawi niya ang lalaki na nasa elevator. Tinamaan ito sa kaliwang dibdib na ikinamatay nito.

Napakabagal niyang kumilos. Sayang lang at hindi ito umabot sa ibinigay na oras ni Louis upang makatakas.

“Clean the mess. I'm going home,” wika ni Louis. Dahan-dahang tinanggal ng mga ito ang bangkay ng espiya na nasa elevator upang makasakay ang binata.

“Bossing, akala ko talaga ay pakakawalan n'yo po ang espiya na 'yon. Hindi pa rin talaga nawawala ang galing mo sa paghawak ng baril,” papuri ni Volstrige. Dinaanan lamang siya ni Louis.

“Don't ever disturb me again, call Kaizer instead,” wika ni Louis na agad ikinatango ni Volstrige. Yumuko naman ang mga tauhan niya habang tinatahak niya ang daan patungo sa elevator.

Nang makauwi na siya ay alas kwatro na ng madaling araw. Dali-dali siyang umakyat sa silid nila niya na ngayon ay sa kanila na ni Elaine. Nakita niya ang dalaga na nakasuot ng oversized T-shirt na siguradong kinuha nito sa mga damit ni Louis dahil wala nga pala itong dala na kahit anong pamalit.

Mahimbing na ang tulog nito kung kaya't hindi na ito ginising ni Louis upang sabihin na nakauwi na siya. Dhan-dahan na lamang siyang tumabi sa dalaga at hinawakan ang dibdib nito sa loob ng T-shirt.

Sadyang nakakaadik ang amoy ng dalaga dahil napakabango nito. Lalong dinikit ni Louis ang kanyang ilong sa batok nito at sinimulang amuy-amuyin ito.

Mayamaya pa ay nakatulog na rin nang mahimbing ang binata habang ang mga kamay nito ay nasa loob ng T-shirt ni Elaine.

Nagising si Louis dahil sa masamang panaginip nito. Hanggang ngayon ay binabangungot pa rin siya sa pagkamatay ng kanyang paboritong yaya. Simula noon ay wala nang kayang pumalit dito sa lahat ng inarkila ng kanyang ama.

Tiningnan niya ang orasan at wala pa siyang sapat na tulog. Alas otso pa lang ng umaga, ngunit parang gabi pa rin sa silid niya dahil sa bintana nito.

Agad niyang tiningnan ang dalaga na mahimbing pa rin ang pagkakatulog, lumapit siya rito at hinalikan ang labi nito.

“Good morning, wife,” malambing na wika niya. Hindi pa rin nagigising ang dalaga kung kaya't nakaisip ng kalokohan si Louis. Agad siyang nagtungo sa ilalim ng dalaga na panty lang ang suot na pang-ibaba.

Naalimpungatan naman si Elaine nang maramdaman niyang parang may gumagalaw sa gawing ibaba niya.

“Uhm, Montemayor. Anong ginagawa mo?” tanong niya. Naramdaman niyang tumigil ito saglit upang sagutin ang tanong niya.

“I'm eating my breakfast,” wika nito na ikina-blush ni Elaine dahil sa hiya.

“I'm awake, can you stop now?” nahihiyang tanong ni Elaine. Hindi ito tumigil hanggang sa naramdaman niyang parang lalabasan na siya.

“I'm c...c-oming,” nauutal na wika ni Elaine. Hindi alam ng dalaga kung saan ibabaling ang ulo at mayamaya pa ay napaliyad siya nang maramdaman niyang parang hinuhukay ang tiyan nya at sumabog na nga ang likido niya na dinilaan lamang ni Louis. Nang maramdaman ito ng dalaga ay napatakip siya sa mukha dahil sa hiya.

“Good morning, wife. Your juice is so sweet,” wika ni Louis at hinalikan siya sa noo. Agad naman nyang inirapan ang binata na ikinapagtaka nito.

“Don't you like it, wife?” tanong ni Louis.

“Sana man lang ay ginising mo ako bago mo gawin 'yon,” wika ng dalaga. Napatawa lamang si Louis na ikinataas ng kilay ni Elaine.

“Anong nakakatawa, bahala ka nga riyan!” pagtatampong wika ni Louis. Agad lamang siyang binuhat nang binata pa-bridal style.

“The purpose of it is to wake you up. So, why should I tell it to you first? And besides, you're sleeping like an oil. It's hard to wake you up,” pagrereklamo ni Louis. Hindi na nagsalita si Elaine dahil nahihiya pa rin siya sa binata.

“Hey, wife. Are you still mad?” tanong ni Louis. Hindi pa rin nagsalita si Elaine kung kaya't nagpatuloy sa pagbaba si Louis habang hawak-hawak ang dalaga sa dalawang kamay nito.

Nang makarating sila sa kusina ay ibinaba ni Louis ang dalaga sa upuan ng countertop at nagsuot ng apron.

“Anong gagawin mo?” tanong ni Elaine dahil mukhang may binabalak itong gawin.

“I'll make our breakfast,” wika ng binata at kinuha ang kitchen knife at cutting board na nakaayos ang lagay sa gilid malapit sa lutuan.

Hindi alam ni Elaine kung bakit dalawa ang lutuan sa mansion ni Louis. Hobby ba nito ang pagluluto?

“Marunong ka bang magluto?” tanong ni Elaine dahil nakakapagtaka lang na ang isang mafia at mayaman na kagaya niya ay marunong sa ganitong bagay.

“Yeah. Someone taught me how to cook before,” wika ni Louis na ikinalaki ng mata ni Elaine. Sino kaya ang nagturo sa binata na magluto? 

“Sino naman?” curious na tanong ng dalaga. Hindi siya sinagot ni Louis dahil abala ito sa pagluluto.

Agad namang lumapit si Elaine upang kulitin ang binata kung sino ang nagturo dito na magluto, ngunit hindi nito sinasagot ang katanungan kaya bumalik na lamang ang dalaga sa upuan at bumuntonghininga.

“Wife, it's not important. Stay in the chair and I will cook for you,” sambit ng binata kung kaya't hindi na ito kinulit ni Elaine. Binuksan nito ang gasul upang magsimulang magluto.

“Gusto mo, tulungan na kita?” tanong ni Elaine dahil sanay siya sa pagluluto dahil kadalasan na siya ang nagluluto para sa ama niya. Kumusta na kaya ito? Marahil ay labis na itong nag-aalala sa kanya.

“No, just stay there and let me serve you,” sambit ni Louis na ikinatango niya na lamang dahil hindi niya matanggihan ang ngiti ng binata.

Pagkayari nang ilang minuto ay natapos na itong magluto. Habang nagdidisenyo naman ito sa plato upang maging presentable ang pagkain na ihahain nito.

“Wow, mukhang masarap ang mga niluto mo. May talento ka pala sa pagluluto,” wika ni Elaine habang dahan-dahang kumislap ang mga mata niya dahil sa kagandahan ng pag-aayos ni Louis dito.

Sa plato ay naroon ang steak, strawberries, eggs at waffles habang sa isa naman ay sinangag na may tocino at bacon na kasama. Hindi alam ni Elaine kung ano ang uunahin niyang tikman. Inilapag naman ni Louis ang baso na may lamang gatas at sa binata naman ay kapeng barako.

“Let's eat,” sambit ni Louis. Agad naman siyang pinigilan ni Elaine.

“Let's pray first!” wika nito. Tumikhim lamang si Louis at tumango na lamang.

Nagsimula silang kumain nang maunang magsalita si Louis upang maputol ang katahimikan. “Your dad will be going here today,” wika ng binata na ikinangiti ni Elaine dahil sa wakas, ay makikita niya na rin ang ama niya.

“Salamat,” sambit ng dalaga na ikinatango na lamang ni Louis. Mayamaya pa ay natapos na silang kumain kung kaya't naligo na ang binata dahil may trabaho pa ito.

“Wife, call me when something happens. Goodbye,” paalam ng binata at hinalikan siya sa labi at tuluyan nang umalis dala-dala ang suitcase nito.

Pumunta naman si Elaine sa living room upang magbasa ng libro. Naputol ang pagbabasa niya nang may mag-doorbell kaya dali-dali siyang tumakbo upang tingnan kung ang ama niya na ito. Nang buksan niya ito ay nabigo siya.

“Where is Louis?” tanong ng babae habang nakataas ang kilay nitong nakatingin sa kanya.

Sino kaya ang babaeng ito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status