Share

IX - First Time

Third Person's Point of View

“Wife, bakit ang tagal mo namang pumasok? Does Louis have another fling again?” tanong ng isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Louis, ang kaibahan lang ay mababakas mo rito ang katandaan kahit na ang hitsura nito ay parang teenager lamang.

Napahinto sa pagla-lock ng sasakyan ang lalaki nang makita si Elaine. Kilala niya ito sa mukha dahil siya ang nag utos kay Louis na pakasalan ang dalaga.

“Who are you, miss, and why are you in my son's mansion? Explain yourself,” masungit na wika ng babae habang nakataas ang mga kilay nito. nakatingin ito kay Elaine na hindi alam ang isasagot dahil wala namang sinabi ang binata na dadating din ang mga magulang nito.

“A...a-ko po? Ah...uhm,” nauutal na sagot ni Elaine. Pinigilan lamang ng ama ni Louis ang ina nito sa paghawak sa buhok ng dalaga dahil siya ay sinabunutan na nito palabas.

“Wife, she is the woman that I'm saying to Louis. For Pete's sake, it's embarrassing to hold your son's bride like that,” wika nito na ikinanganga ng ina ni Louis. Agad namang nag-sink in ang ginawa niya kay Elaine kung kaya't agad niya itong niyakap.

“I'm sorry. Ikaw pala ang aming magiging daughter-in-law. Akala ko kasi ay may inuwi na namang babae ang magaling mong asawa,” wika ng ina nito na agad ikinatawa ni Elaine. Hindi niya alam na mabait pala ang ginang kumpara sa kanina na akala niya na kakainin siya nito nang buhay.

Mabuti na lamang at naroon ang ama ni Louis. Kung hindi ay baka ubos na ang buhok niya. What a lifesaver!

“Ayos lang po,” sagot ni Elaine. Nakangiti naman sa kanya ang ama ni Louis at agad na nagpaalam dahil may kukunin lang daw ito sa sasakyan.

“Let's have a seat, my child,” aya ng ginang habang dahan-dahan silang umupo sa upuan kung saan siya nakaupo kanina.

“I'm Hacel Montemayor, mother of Louis. You can call me mom and I will not take no as an answer,” masayang sambit ng ginang habang nakangiti ito at hawak-hawak ang dalawang kamay ni Elaine.

“Ako po si Elaine, M...m-om,” nauutal na wika ng dalaga dahil hindi niya akalain na kaharap niya na ang ina ng isa sa pinakamayaman na CEO sa buong mundo.

“Anyway, kailan lalabas ang baby?” tanong nito habang nakangiti sa kanya na ikinagulat niya. Naalala niya kasi ang nangyari sa kanila ni Louis noong unang gabi nila na halos ibigay na niya ang pagkababae niya rito.

“Hindi po ako buntis,” sagot ni Elaine. Halata naman na na-disappoint ito sa sagot niya. Alam niyang dadating sila sa puntong iyon ni Louis, pero hindi niya pa ito ma-imagine.

“At bakit naman hindi? Malapit na ang kasal ninyo ni Louis. Huwag mong sabihing wala man lang nangyayari sa inyo ng anak ko?” diretsahang tanong ng ginang. Tinawag nito ang maid upang magdala sa kanila ng makakain.

“W...w-ala pa pong nangyayari sa amin ni Louis,” nauutal na sambit ng dalaga dahil sa kaba. Tuwing naaalala niya ang ginawa sa kanya ni Louis kaninang umaga at noong madaling araw ay hindi niya maiwasan mag-blush. Bakit ganito siya ka-apektado tungkol sa binata?

“Hay naku, napakahina namang dumiskarte ng anak ko. May naisip akong plano, iha, huwag kang mag-alala. Bakit hindi kayo magtungo ni Louis sa Desire Island sa isang araw? Alam mo na, Araw ng mga Puso,” bulong ng ginang habang kinikilig sa sinabi. 

Sadyang excited na siyang magkaroon ng apo sa kanilang nag-iisang unico hijo. Sa tuwing pupunta kasi siya sa mga high school reunion ay kadalasang may mga apo nang kasama ang mga naging kaklase niya.

“P...po?” nauutal na tanong ni Elaine sine-serve naman ng mga maid ang mga pagkain na ipinag-utos ng ina ni Louis.

“Alam mo kasi, iha, ang mga asawa natin, busy ang mga 'yan. Kaya kung gusto mong mapansin ang ganda mo, magsuot ka ng lingerie. Saka mo itali sa kama para hindi—” naputol ang sasabihin ng ginang nang biglang maibuga ni Elaine ang iniinom niyang strawberry juice dahil sa sinabi nito. Kung titingnan kanina ay parang relihiyosa ang ginang, ngunit nang marinig niya itong magsalita ay nais niya na lang lumubog sa lupa.

“Hon, ano ba ang pinagkwekwentuhan ninyo? Mukhang nagkakasundo kayong dalawa,” wika ng ama ni Louis. Dahan-dahan itong tumabi sa asawa nito.

“Ano ka ba, pinapayuhan ko lamang ang aking daughter-in-law para magkaroon na tayo ng apo,” nakangiting wika nito habang kumakain ng blueberry cheesecake. Bago pa man makasagot ang ama ni Louis ay agad namang may nag-doorbell na pinabuksan nito sa maid na nasa pintuan.

“Ma'am, narito na po ang ama ni Miss Elaine. Papapasukin ko na po ba?” tanong ng maid. Napatayo naman si Elaine sa galak. Agad namang tumango ang ina ni Louis.

Nang pumasok ang ama ni Elaine ay agad namang tumakbo ang dalaga upang yakapin ito. “Welcome, amigo,” pagbati ng ama ni Louis na si Izaak Montemayor Tinanguan lamang siya ng ama ni Elaine.

Pagpasok pa lang ni Louis sa building ay yumuyuko na ang mga employee na nakasasalubong niya. Ang nakakapagtaka lang ay mga nakasuot ito ng kulay pula.

Nang marating niya ang opisina niya ay agad siyang binati ng secretary nito ng Happy Valentine's Day na ikinakunot niya ng noo. What the f*ck is Valentine's Day for?

“Get out. All employees who wear red are fired. I didn't permit them to wear what they want in my company,” wika ni Louis na ikinatango ng secretary nito na si Tiffany. Kahit kasi siya ay nakasuot ng red at kailangan nilang magpalit agad kung ayaw niyang mawalan ng trabaho.

“Good morning, bossing. Mukhang hindi maganda ang gising mo, ah? By the way, Happy Valentine's Day. Anong regalo mo sa misis mo?” nakangiting tanong ni Volstrige. Sinamaan lamang siya ng tingin ni Louis na ikinaatras nito.

“P*tangina ninyo. Sabi ko sa inyo, e huwag nating abalahin si bossing ngayong umaga. Mukhang hindi siya nakaisa kay Ma'am Elaine,” wika ni Volstrige.

“What's the occasion?” tanong nito na ikinagulat ng tatlo. Tumikhim naman si Volstrige at confident na nagsalita.

Sa wakas, oras na para magpasikat siya sa boss nila.

“Valentine's Day is when lovers express their affection with greetings and gifts,” sambit ni Volstrige. Agad siyang sinapak ni Brennon.

“G*go, may kodigo ka pang hawak. Akin na nga ang cell phone mo!” wika ni Brennon habang nakikipag-agawan naman dito si Volstrige dahil hindi pa tapos ang binabasa niya.

“Pero, bossing, sa isang araw pa naman 'yon. Kung gusto mo, kami na ang bibili ng regalo para kay Ma'am Elaine,” suggestion ni Alex dahil mas lalong kumunot ang noo ni Louis nang sabihin nila ang okasyon ngayong araw.

“What gift does a woman want to receive on Valentine's Day?” seryosong tanong ni Louis.

“Flowers.”

“Sex.”

“Chocolates.”

Nagtaas naman ng kilay ang binata dahil sa mga suggestions ng mga ito. Agad namang lumapit si Volstrige kay Louis.

“Alam mo, bossing, kung ako tatanungin para maging maganda ang araw ni Ma'am Elaine ay magbakasyon kayo sa isang isla nang kayo lang at magsiping. Masaya na siya, masaya ka pa sa gagawin ninyo,” wika nito habang pinapakita ang advertising photos ng Desire Island.

“Tanga, siguro may kailangan ka na naman kay Eros kaya mo ina-advertise 'yong isla niya. Unggoy!” asar ni Brennon. Naglabas ng baril si Louis at itinutok sa kanilang dalawa.

“Useless idiots, get out!” sigaw nito. Nag-unahan naman ang tatlo na lumabas sa office ni Louis dahil sa takot.

“Mga p*tangina n'yo kasi, panira kayo ng negosyo ko,” sambit ni Volstrige nang makalabas sila dahil mukhang mapipilit na niya si Louis kung hindi lang umepal ang mga ito.

Sa totoo lang ay tinawagan siya ng ina ni Louis na pilitin ang anak nito na magtungo sa Desire Island para doon mag-celebrate ng Valentine's Day kasama ang asawa nito. Kapag napapayag niya ito ay bibigyan siya nito ng sariling restaurant. Nasira lamang ito dahil sa dalawang unggoy na kasama niya.

Hindi naman mapakali si Louis kung kaya't minabuti niyang tawagan ang pinsan niya na nasa United States, si Juliana Montemayor.

“Hello, Kuya Louis. May kailangan ka ba?” tanong nito. Kapatid ito ni Kaizer na nag-aaral sa Harvard dahil kumpara sa mga kapatid nito ay siya ang pinakamatalino sa kanila. Isa pa, nag-iisa lamang itong babae sa magkakapatid.

“Yes, what should I give to a woman?” diretsahang tanong ng binata na agad ikinatawa ng pinsan niya dahil ngayon lang nagtanong nang ganoon ang pinsan niya.

“Are you serious? And sino ang lucky woman na reregaluhan mo?” tanong ni Juliana dahil naku-curious ito. This is the first time that Louis asked her a question about a woman.

“None of your business. If you want to see your boyfriend alive, you should tell me,” pananakot nito na agad ikinaubo ni Juliana dahil ni hindi niya naman sinasabi kay Louis na may boyfriend na siya.

“Fine. Ano pa bang magagawa ko? Hmm. masyado na kasing common ang bouquet and chocolates. How about dogs or cats?” pagsa-suggest nito habang abala ang dalaga sa pagsasagot ng activities.

“Where is Alexa? Tell her that she should bring the most expensive dog and cat in my mansion before Valentine's Day. I will transfer the money later,” sambit ni Louis at akmang ibababa na ang tawag nang biglang magsalita si Juliana.

“Wait, Kuya. Paano naman namin madadala ang ipinag-uutos mo?” tanong ng dalaga dahil napakaimposible naman ng pinagagawa nito at isang araw na lang ang mayroon sila.

“Through my private airplane. Say my name at the airport. I will tell Valerian,” wika ni Louis at tuluyan nang pinatay ang tawag. Kinuha niya ang briefcase na nasa lamesa.

Balak niyang puntahan si Eros upang rentahin ang buong Desire Island sa Valentine's Day. Gusto niyang solohin si Elaine sa araw na 'yon.

Hindi niya alam kung bakit parang iba ang nararamdaman niya sa dalaga. Noon ay hindi niya mapagtuunan ng pansin ang mga ganitong okasyon. Marahil ay ayaw niya lang mabigo ang nais ng ama niya. He was just doing it for himself and not for Elaine, pangungumbinsi niya sa sarili.

“Bossing, saan po kayo pupunta?” tanong ni Volstrige na hindi naman niya sinagot kung kaya't sunod ito nang sunod na parang aso. 

“Sir Louis, may meeting po kayo mamayang 1 p.m.,” wika nito. Napapakagat-labi pa na halatang nang-aakit. Nagpalit nga ito ng suot. Masyadong labas ang cleavage nito kumpara kanina at mas maikli ang palda na halos makita na ang panty nito.

“You're fired,” sagot naman ni Louis at dali-daling naglakad ngunit. Hinawakan siya ni Tiffany, ang siko niya ay dumikit na sa cleavage nito.

“Sir, maawa ka po, please. I really need this job,” pagmamakaawa ng dalaga. Mas lalong nilalapit nito ang siko sa cleavage niya na agad tinanggal ni Louis.

“Bossing, mukhang type ka yata ng secretary mo. Naku, ano kaya ang sasabihin ni Ma'am Elaine kapag nalaman niyang dinidikit mo ang siko mo sa cleavage ng ibang babae,” parinig ni Volstrige habang pumapaswit pa. Agad namang nagulat si Tiffany at agad itong napaluhod upang magmakaawa na patawarin siya ni Louis.

“Leave before I bury you alive,” banta ng binata. Dali-dali namang nag-walkout ang dalaga lalo na't napahiya ito sa maraming tao.

“Totoo ba itong nakikita ko, ang isang Louis Montemayor ay loyal na!” pang-aasar naman ni Kaizer na kapapasok lang ng company na may dala-dalang folder.

“Mind your own business, dickhead,” sambit ni Louis at akmang lalabas na ng building nang biglang magsalita si Kaizer.

“I got the information you want to know with Mariella's father,” wika ni Kaizer. Iniabot naman niya ang puting folder na naglalaman ng mga impormasyon.

“Where are you going?” dagdag pa nito. Tiningnan lamang siya ni Louis nang masama.

“When did I permit you to ask me a question?” pangbabara naman ng binata. Mas lalong tumaas ang tensyon sa pagitan nila nang magsalita si Kaizer.

“Wala ka naman sigurong ginawa kay Elaine,” wika nito. Halata sa boses ang galit kay Louis.

“What will you do if I say that we have an exciting night yesterday?” sagot ng binata habang nakangisi pa ito. Agad namang nagkantyawan ang tatlo dahil sa sinabi ng boss nila.

“P*tangina, lupit mo talaga, bossing!” sigaw ni Volstrige habang nagpapalakpakan pa ang mga ito. Naglabas ng baril si Kaizer at tinutok kay Louis.

“Sir Louis Montemayor,” wika ng isang lalaki na tumatakbo patungo sa puwesto nila na balisang-balisa.

“My boss, Sirius Montemayor, needs your help. He is now in jail,” sambit nito. Nang dumako ang tingin nito kay Kaizer na may hawak ng baril ay agad itong napayuko sa takot.

“Maawa ka po sa akin, Sir Kaizer. Narito lang po ako para humingi ng tulong para sa pinsan ninyo,” pagmamakaawa ng lalaki na kilala nina Louis at Kaizer dahil ito ang butler ni Sirius.

“You should know the consequences if this is not important,” babala ni Louis at dahan-dahang bumaba upang sumakay sa Koenigsegg CCXR Trevita niya.

This is the first time that Sirius Montemayor needed his help. He knew his cousin so much that he will never ask for help from anyone because of his pride.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status