Share

PART 1-NEW

       Ang amoy ng freshly brewed na kape ang gumising sa nahihimbing pang kamalayan ni Shebbah. Hindi siya masyadong mahilig sa gatas pero pagdating sa kape, kayang-kaya niyang lumaklak ng isang

drum sa isang upuan lang. Lalo na iyong kapeng barako.

       Kaya naman agad na napabalikwas siya ng bangon. Para lang mapatda nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo sa tapat ng bukas na bintana ng hindi pamilyar na silid na kinaroroonan niya. Nakatalikod ito sa kanya. Pero kahit ganoon ay agad niyang nakilala ito.

       Tila may mata sa batok na naramdaman naman nitong gising na siya kaya agad itong lumingon sa kanya.

       ‘’Good, you’re awake!’’ bigkas nito bago sumimsim sa hawak na mug ng kape.

       “Hindi, tulog pa ako. Obvious ba? Nasaan na tayo? Ito ba ang bahay ng pamilya mo? At mas importante, ano ang ginagawa mo dito sa kwartong tinutulugan ko habang natutulog ako?!” aniya dito.

Sinulyapan niya ang suot niyang damit, iyon pa rin naman ang suot niya kagabi nang makatulog siya sa kotse. Kaya wala siyang dapat ipag-alala doon.

“You don’t believe in wasting time before you wear your badge of sarcasm, don’t you? No, wala tayo sa bahay ng pamilya ko. Nandito ka sa bahay ko. Sa sobrang himbing ng pagtulog mo ni hindi mo na namalayan ang pagdaong natin sa pantalan ng Isla Fuego. Para ka palang patay matulog, ano?”

Matabang na titig lang ang tugon niya dito. Nakangising nagkibit-balikat naman ito. Ngising mas lalong lumapad habang binibigkas ang mga kasunod nitong kataga. May kasama pa iyong pilyong pagtaas-baba ng mga kilay nito.

“At para sa huling tanong mo. Dito rin ako natulog kagabi, sa tabi mo. And, babe, let me just say this to you. That was the most---hey!” sambit nito dahil malakas na ibinato niya dito ang unan sa likod niya.

Maagap na itinaas nito ang kamay na may hawak ng mug

kaya hindi natapon ang kapeng laman niyon dito. Bagay na nakapanghihinayang! Mas maganda sana kung nalapnos ito ng mainit na kape nito.

“Okay, okay. Hindi nga ako dito natulog. Actually, sa lakas mong humilik, duda ako kung may mababayaran ka para tabihan ka sa pagtulog at---“

Iyong pangalawang unan naman ang ibinato niya dito. Natatawang napailing ito.

“Cranky in the morning, huh?”

“Crankier with you standing there waving that mug of coffee around without offering me some!” angil niya dito.

“Sinabi mo dapat agad. Mayroon pa nito sa labas. Kaya maghilamos ka na at sabayan mo ako sa almusal. Alas-otso na kaya mas tamang sabihing brunch na ito para sa akin. Pero malamang para sa iyo, midnight snack lang ito dahil tanghali ka na karaniwang gumigising,” anito na humakbang patungo sa pinto.

Pero ang mga mata ay nananatiling nakatutok sa mukha niya. May antisipasyong nakabanaag doon na nagsasabing inaabangan nito ang iritasyon niya sa pasaring nito. Why the handsome devil is deliberately provoking her, she didn’t know. Pero hindi niya ito pagbibigyan.

Kaya sa halip ay iginala na lang niya ang mga mata sa loob ng silid habang tumatayo mula sa kama. No doubt about it, anak-mayaman nga ito. Bagamat simple lang kasi ang disenyo ng silid, halata namang mamahalin at imported antiques ang mga muwebles na nakikita niya.

Kahit ang four-poster bed na hinihigaan niya ay halata niyang antigo at mamahalin. Pale yellow ang tema ng buong silid. Magmula kasi sa kurtina, bed cover, throw pillows sa window seat at cover ng silyang nasa tapat ng dresser na nasa paanan ng kama ay pale yellow ang kulay.

Wala siyang makitang de-kuryenteng kagamitan doon maliban sa table lamp na nasa ibabaw ng console table na nasa isang sulok. At sa isiping wala siyang TV o DVD na mapapanooran bago matulog gabi-gabi ay parang gusto niyang mapaiyak.

“Bathroom’s there. Iisa lang ang gamit nating banyo kaya kapag bigla mo na lang akong nabungarang naliligo, inaasahan kong paiiralin mo ang pagiging dalagang-Filipina mo at kusang isasara ulit ang pinto.

“Wala akong balak papikot. Bodyguard lang ang trabaho ko sa iyo, hindi kasama ang stud service,” kaswal na anito.

Pero base sa pilyong ngiting naglalaro sa sulok ng mga labi nito, halatang-halata ang pananadya nitong inisin siya.

Naiikot naman niya ang mga mata. Saan na napunta ang pa-suplado effect nito kagabi?

“Sigurado ka bang ikaw si Ravin?!”

“Balik na naman ba tayo diyan?”

“Gusto ko lang makatiyak dahil parang hindi na ikaw ‘yung supladong IronMan from last night.”

Muli na naman itong napangisi. At muli ay naramdaman niya ang abnormal na pagkislot ng puso niya pagkakita sa ngisi nitong pinagmumukha itong mas bata at mas gwapo. Kainis! Dapat ay manatili na lang itong pormal at supladito nang hindi ganitong para siyang inaatake sa puso dahil sa ngisi nito. Ang aga-aga ay kinukurta nito ang utak niya!

“Must be the air here in Fuego. Pinapabait nito kahit sino. Malamang bago ka umalis dito, mabawasan na rin ng hangin namin dito iyang katarayan mo. Kapag tapos ka nang maghilamos, sumunod ka na lang sa dining area,” anito saka humakbang papalabas ng silid.

“Teka! Wala akong ibang damit!”

“Meron. Pinaghanda ka na ng Yaya Nancy mo ng maleta bago kita sundan sa The Villa kagabi. At kung sinubukan mong silipin iyong bangkay na binanggit mong nasa trunk ng kotse mo, nakita mo sana iyon. Nariyan na sa closet ang mga gamit mo, inayos ni Manang kanina.”

“How long exactly am I staying here? At paano ang klase ko?!” bulalas niya na noon lang naalala ang eskwela niya.

“Pansamantala ka munang titigil.”

“What?! Hindi pwede! Ayokong umulit ulit next year!”

“Sorry, pero kung mamamatay ka na this year dahil sa stalker mo, malamang wala ka na rin dito para umulit pa ng klase mo next year. Pagtiyagaan mo na lang na lola ka na kumpara sa mga kaklase mo sa susunod. Mas mabuti naman iyon kaysa kung bangkay ka na,” kibit-balikat naman na

anito.

“Salamat sa pag-aalala ha? At pati na sa pagiging morbid mo!” angil niya dito.

 Sa tono nito para bang kaswal na kaswal na bagay lang ang kamatayan niya.

“Hey, huwag ka sa aking magalit. Doon sa stalker mo.”

Gigil na kumuyom naman ang mga kamao niya. Tama ito, wala naman itong kasalanan sa sitwasyong iyon. Ang talagang dapat niyang sisihin ay ang walang kwentang nilalang na iyon na nagbabanta sa buhay niya.

“I swear, kapag nakilala ko talaga kung sinuman ang tamaan sana ng kidlat na stalker na iyon, ilulublob ko siya sa kumukulong mantika! Ang laki ng perwisyong dala niya!”

“Plan your revenge later. Maghilamos ka na muna. At pakibilisan ang pagbaba. Nagugutom na ako.”

“Bakit, dala ko ba bituka mo?”

“Hindi. Pero kapag nagligpit na si Manang ng pinagkainan ko, ikaw mag-isa ang magluluto at maghahain para sa sarili mo.”

“Fine! I’ll---teka, sabi mo nasa bahay mo tayo?! Akala ko ba sabi mo dadalhin mo ako sa bahay ng pamilya mo? Kung wala tayo sa Aseron Farms, nasaan tayo?” naalala niya ang isinagot nito kanina na agad na usisa niya dito.

“Nasa loob ng Aseron Farms itong farm ko. So technically, dinala pa rin kita sa poder ng pamilya ko. Pero masyado kasing bukas sa lahat ng sari-saring tao ang Aseron Castillo. Sa dami ng bumibisita doon kina Lolo, mahirap salain ang bawat pumapasok doon. Kaya mahihirapan akong protektahan ka.

“Samantalang dito sa Esther Farms ay tanging ako lang ang pwedeng magbigay ng permiso sa bawat taong papasok dito. The whole farm is walled too. Hindi basta-batsta mapapasok ng kahit sino,” paliwanag nito.

Nakuntento sa paliwanag nitong tumangu-tango naman siya.

“And speaking of your safety, siguro naman alam mo na hindi ka pwedeng basta pumunta sa kung saan-saan nang wala ako o isa sa mga tauhan ko. Bagamat imposibleng matunton ka pa dito ng stalker mo, mas mabuti na rin iyong nag-iingat.”

“I know, believe me, I know. Wala akong balak maging ten thousand pieces sakaling ihagis na lang niya mismo sa akin ang bomba imbes na ibalot pa,” mariing aniya.

Muli siyang kinilabutan sa pagka-alala sa bombang ipinadala ng stalker niya sa kanya.

“Mabuti at nauunawaan mo na ngayon kung gaano

kaseryoso ang sitwasyon mo. Huwag kang mag-alala. Tinawagan ko na rin ang pinsan kong may-ari ng isang private detective agency. Tutulong siya sa pag-iimbestiga sa stalker mo. North is good in finding his guy.”

“Thanks, I guess. Though I wonder why you’re doing this. Hindi naman ninyo obligasyon ng lolo mong tulungan ako at mas lalong imposibleng dahil sa pera kaya ninyo ginagawa ito. So tell me, what is it to you and your grandfather?” kunot-noong untag niya dito.

Inarkuhan naman siya nito ng mga kilay.

“Kailangan bang may malalim na dahilan o ulterior motive kami para gawin ito?”

Nagkibit-balikat siya. “I’ve been a part of showbiz for too many years, I guess. At doon ko natutunan na walang sinuman ang gagawa ng isang mabuting bagay para sa akin nang hindi naghihintay o umaasa ng kapalit.”

Bahagyang napangiti ito. Pero hindi niya yata gusto ang klase ng ngiti nito ngayon. Para kasing may bahid ng awa at pang-unawa ang ngiti nitong iyon.

“Then it’s a good thing you’re not part of that world anymore. Masyado pang maaga para maging ganyan ka na ka-cynical. When you reach my age and seen and done some of the things I did, doon ka lang dapat magsimulang ma-

disillusion sa mundo,” anito sa malumanay na boses.

Kaswal na nagkibit-balikat naman siya.

“Too late,” simpleng aniya na lang bago humakbang patungo sa itinuro nitong pinto ng adjoining bathroom nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status