Share

PART 1-SENSIBLE

Nasa aktong pag-inom sa baso ng tubig si Ravin nang mapa-angat ang tingin niya mula sa binabasang dyaryo. Kaya nang makita niya ang hitsura ni Shebbah ay nasamid siya.

“Ano? Buhay ka pa?” ang naaaliw nitong pakli nang tuluyang lumapit sa dining table kung saan naghihintay siya.

“Saan ka pupunta? May photo shoot ka ba?” aniya para pagtakpan ang inisyal na kagalakan na nadama niya sa nasilayang kagandahang nakahain sa harap niya.

Tila natigilan din naman si Shebbah. Nagtatakang niyuko nito ang sarili.

“Ano’ng mali sa suot ko?” ang puno ng kuryusidad na tanong nito.

Napakamot sa ulong umiling na lamang si Ravin.

“Isasama sana kita sa paglilibot sa farm ko. Pero hindi na bale.”

Tumaas ang mga kilay ni Shebbah. Nameywang pa ito.

“At bakit naman? May dress code ba sa farm mo?”

Umiling si Ravin.

“Wala. Pero hindi ko gustong mag-riot ang mga tauhan ko kapag nakita ka sa ganyang suot mo. Hindi ka ba nilalamig?”

Bukod kasi sa halos nasa kalahati na ng hita ng dalaga ang suot nito na maong na shorts, backless pa ang suot nito na pang-itaas. Mistula iyong bandana lang na itinali lang nito sa leeg at sa baywang nito.

Eksasperado namang naiikot ni Shebbah ang mga mata.

“Right! I forgot old-fashioned nga pala kayong maga taga-probinsya. Malamang itali ninyo pa ako sa kawayan at sunugin kung mao-offend ko ang balat-sibuyas ninyong mga paniniwala. Don’t worry, magpapalit ako mamaya. Gusto ko munang magkape.”

Bahagyang nagulat sa hindi na nito pakikipagtalo tungkol sa kasuotan nito na nanlaki ang mga mata ni Ravin. Inaasahan na niya ang mala-world war three na argumentong mamamagitan sa kanila dahil sa demand niya tungkol sa pananamit ng dalaga. Pero ni hindi man lang ito kumurap bago kibit-balikat na pumayag.

Nasaan na iyong babaeng nabasa niya sa isang magazine na nag-walk-out sa ka-date nitong producer dahil sa komento niyon ukol sa suot nito? Matapos kasing sabihan ito ng producer na mukha daw itong bimbo sa gown na suot nito ay nilayasan nito ang lalaki sa gitna ng dance floor. Pero hindi

lang basta walk-out ang ginawa nito.

 Dahil bago nito layasan ang ka-date, malakas na inanunsyo pa nito sa buong pagtitipon na kung insecure daw ang naturang producer dahil mas bagay ang gown dito kaysa sa closet queen na lalaki, ipapahiram na lang nito iyon sa lalaki.

Of course, she could wear what she is wearing now around his men. Pero ang totoo ay may malaking bahagi niya mismo ang umaalma sa ideya na makikita ang dalaga ng ibang lalaki nang ganoon ang hitsura. Damn, but those gorgeous legs and smooth back were for his eyes only!

At oo, alam niyang irasyunal ang damdaming iyon. Hindi niya ito nobya, ni hindi niya rin nililigawan. Kaya ano’ng karapatan niyang maging posessive o overprotective dito?

Tila napansin naman nito ang pagkagulat niya sa hindi nito pakikipag-argumento sa lagay ng kasuotan nito dahil inarkuhan siya nito ng mga kilay.

“What?!” asik nito.

“Akala ko, kakailanganin pa kitang bitbitin paakyat para

pwersahing magbihis,” sagot naman niya dito.

“Haha! As if bibigyan kita ng rason para hawakan ako.

Dream on, soldier boy slash farmer boy. At ngayon pa lang

binabalaan na kita, keep your hands to yourself kung ayaw mong pagbayaran ng habang-buhay na paghimas sa rehas sakaling magkamali ka.”

Napangising napailing na lang siya. Ano kaya ang sasabihin nito kung malalaman nito ang totoong inisiip niya? She would probably threaten to cut off his head! Both

heads!

*******************************************************************

                                                                         “So, Esther Farms? Is it like a branch of your family’s farms?” curious na untag ni Shebbah kay Ravin habang lulan sila ng pick-up nito patungo sa taniman diumano nito.

“Hindi. Hiwalay na itong farm ko sa farm ng pamilya ko. Mostly fruit-bearing trees ang mayroon ako. Pero mayroon ding ilang parte na gulay at mais ang nakatanim. Hindi ito kasing-laki ng Aseron Farms. Sapat lang para sa pangangailangan ko.”

“I see,” tango niya na sumulyap sa hile-hilerang puno ng niyog na nadaraanan nila. “No, actually, I don’t. Bakit mo pa kailangang bumukod sa farm ng pamilya mo?”

“I just want to. Para wala akong ibang boss kundi sarili ko.”

“Now that I understand. But it seems like a huge leap from being a Marine.”

“Hindi gaano. Bago pa ako pumasok sa military ay hilig ko na ang pagtatanim. Madalas bumuntot ako kay Lolo noon tuwing maglilibot siya sa plantasyon. Kaya nang mag-resign ako sa militar, ito ang naisip ko agad na pamalit sa dating trabaho ko.”

Minasdan niya ito mula sa sulok ng mga mata. For someone who is a billionaire’s grandson, tila napakasimple ng tastes nito. Bungalow type lang ang bahay nito. Bagamat fully furnished ay hindi ganoon karami ang kagamitan nito. Malinis na malinis na parang nakakahiyang iwanan kahit isang marka lang ng daliri ang kumikintab na sahig at mga

muwebles.

“Bakit ka umalis sa pagiging Marine?” untag niya dito.

Sa tingin niya mas bagay nga itong sundalo. Nasa tikas, tindig at bawat hakbang kasi nito ang pagiging likas na mandirigma. He doesn’t look injured to her. Kaya imposibleng umalis ito sa serbisyo dahil sa tinamong kapansanan mula sa mga sinabakang laban.

Sa halip sumagot ay mariing tumiim ang mga bagang

nito. Tila nagdilim din ang kanina ay maaliwalas nitong mukha.

“Nandito na tayo,“ anito.

 Itinigil nito sa ilalim ng puno ng mangga ang sasakyan nito. Sa ‘di kalayuan ay namataan niya ang mga trabahador na abala sa pagbubuhat ng kaing-kaing ng mga saging. Ngunit may kutob siyang kahit wala pa sila sa destinasyon talaga nila, iyon pa rin ang sasabihin nito. Para lang makaiwas na sagutin siya sa tanong niya ukol sa pag-alis nito sa serbisyo.

Mas lalo tuloy siyang na-curious. Nauna na itong bumaba. Akala niya basta na lang siya nitong iiwan doon pero lumigid ito patungo sa pinto niya at inalalayan siya sa pagbaba.

“Dahan-dahan ka. Medyo maputik dahil umulan kagabi.”

“No worries, hindi naman nakakamatay ang putik,” balewalang aniya.

Kunot-noong minasdan naman siya nito. Tinging mula pa kanina ay pinupukol na nito sa kanya.

“I’m still waiting for you to indulge in one of your famous hysterics. But everytime I think you’re about to have one, ginugulat mo ako sa pag-aktong normal lang.

“Kanina ni hindi ka umangal nang hainan ka ni Manang

ng tuyo at kamatis. Naka-dalawang tuyo ka pa. Where’s the Bitch Princess everyone says you are?” sa anyo at tono nitong bahagyang nalalangkapan ng indignasyon, animo kasalanan pa ang ginagawa niyang pagpapakita ng magandang ugali dito.

At halos maluha siya sa pagpipigil sa pagtawa habang minamasdan ang hindi pagkapaniwala sa anyo nito kanina. Halos lumuwa kasi ang mga mata nito sa nasaksihang sarap na sarap na pagkain niya sa tuyong isinawsaw pa niya sa suka. Then and there she knew what he was trying to do.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status