Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala.
“Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito.
Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.
Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”
PROLOGUEA PAGE FROM THE MEMOIRS OF AN OLD, INTERFERING, MEDDLING, MANIPULATIVE, SCHEMING---ERASE, ERASE…HMM…A PAGE FROM THE MEMOIRS OF NEMO ASERON, THE MOST LOVING AND CARING GRANDFATHER… I am turning eighty next year. At bagamat halos lahat na ng bagay sa mundo ay naggawa at nakamit ko na, hindi ko pa rin masabing kuntento na ako at handa nang mamaalam sa mundo nang may ngiti sa mga labi. Sapagkat sa labinlima kong apo ay iisa pa lamang ang may asawa. Tanging si Zareth pa lamang ang nakikita kong masaya na at payapa sa piling ng pamilyang sinisimulan nit
CHAPTER 1 “I’m really sorry, Ervic, but this is the last time I’m going out with you,” malamig ang boses pero mas malamig ang tinging wika ni Shebbah sa lalaking kaharap. Mabining sumimsim siya sa straw ng apple juice na tanging inorder niya. “W-what?! Ano’ng pinagsasasabi mo, Shebbah?” ulit ni Ervic sa tinig na puno ng hindi pagkapaniwala. Kunsabagay, sino nga ba namang babae ang kusang makikipaghiwalay dito? Isa itong sikat na basketbolista sa kanilang campus. Kilalang palikero sa dami ng babaeng pinaibig at pinaluha. He was always, always the one to break up with girls. Hi
“Anak ka ba sa labas? Hindi ka ba niya tinatanggap bilang totoong apo niya kaya wala kang posisyon sa kompanya ninyo at kinakailangan mong buhayin ang sarili mo nang walang tulong niya? O itinakwil ka niya?” walang prenong usisa niya dito.Hindi kasi siya naniniwala sa mga paliguy-ligoy na usapan. Kung may gusto siyang malaman, tatanungin niya ng diretsahan. Para bawas misunderstanding at bawas din sa aksaya ng panahon.Matabang na tinignan siya nito. “Why don’t you try asking me all the questions bugging you? Huwag mo nang isipin pa ang manners, pagiging magalang o pagrespeto sa personal na buhay ng taong bagong kakilala mo pa lang. Go on, ask what you want to ask,” puno ng sarkasmong anito.Kung inaasahan nitong mapapahiya siya sa disimuladong pagkastigo nito ay bigo ito.“I am a
MULING nagkibit-balikat si Shebbah. Hindi niya matukoy kung bakit pero habang minamasdan niya ang mukha ng bodyguard niya, tila may munting tinig sa likod ng tainga niya na nagsasabing may kamukha itong tao na nakita na niya matagal na. Kanina nang una niya itong masilayan ay estranghero talaga ito sa mata niya. Pero ngayon, animo may pamilyaridad na binubuhay sa kanya ang napansin niyang mannerism nitong idinidiin ng hintuturo sa sentido.“So? It was just a dead cat and rat. Now if it was a bunch of dead cockroaches, I would’ve freaked out! Takot ako sa ipis eh. Pero hindi ako takot sa pusa o kahit pa sa daga, ’’ aniya.Nakita niya ang eksasperadong pag-ikot nito ng mga mata sa rearview mirror.‘’Hindi naman iyon tungkol sa kung ano talag
“I swear, if that woman hurts my dad, isa-isa kong bubunutin lahat ng hibla ng buhok niya!” mariing aniya kay Ravin na para bang kilala nito si Hetty.Umarko ang isang kilay nito. At sa pagkakataong iyon, hindi na nito itinago ang pagka-aliw sa mga kulay abuhing mata nito.“Hindi ko trabahong pakialaman ang personal na buhay ng ama mo. Kinuha niya ako para tiyaking hindi ka mapapaano. Kaya wala akong opinyon tungkol diyan.” “Hah! Right! Anyway---where are we going?! Hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin!” puna niya nang makita ang kalsadang dina
ISLA FUEGO.Maya’t maya ang pagsulyap ni Ravin sa natutulog niyang pasahero sa back seat. Kung kanina ay animo ito leon na handang manlapa ng tao, ngayon ay mistula itong napaka-among kuting na nahihimbing.Nakahiga ito pahaba sa upuan. Nakaunan sa ulo nito ang bag nito. Nakaipit sa ilalim ng kaliwang pisngi ang magkasalikop na mga palad.Ni hindi ito natinag kaninang buhatin niya mula sa kotse nito palipat dito sa pick-up truck niya. Iniwan kasi niya sa pantalan sa Batangas ang kotse nito imbes na isakay pa iyon sa barge. Alam naman kasi niyang naghihintay sa kanila sa Puerto Fuego ang sasakyan niya.Mula nang marinig nito ang tungkol sa bombang ipinadala dito ay nasaksihan niya ang tila unti-unting pagtakas ng tapang at seguridad nito. Kung noon ay isa lang walang kwentang kalokohan ng isang hindi kilalang estranghero ang mga death threats na natatanggap nito,
Ang amoy ng freshly brewed na kape ang gumising sa nahihimbing pang kamalayan ni Shebbah. Hindi siya masyadong mahilig sa gatas pero pagdating sa kape, kayang-kaya niyang lumaklak ng isang drum sa isang upuan lang. Lalo na iyong kapeng barako. Kaya naman agad na napabalikwas siya ng bangon. Para lang mapatda nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo sa tapat ng bukas na bintana ng hindi pamilyar na silid na kinaroroonan niya. Nakatalikod ito sa kanya. Pero kahit ganoon ay agad niyang nakilala ito. Tila may mata sa batok na naramdaman naman nitong gising na siya kaya agad itong lumingon sa kanya. ‘’Good, you’re awake!’’ bigkas nito bago sumimsim sa hawak na mug ng kape.