Share

- Chapter two - THE DETECTIVE

Phoenix’s POV

          Napatingin ako sa lalake nang sabihin niya iyon, tumayo naman si Patrick at nakipagkamay sa kanya, “S!” Masaya niyang wika sa lalake, nakasuot siya ng kulay itim na maskara na walang mukha.

          Tumayo rin ako at tiningnan siya, “Sino siya?” Tanong ko kay Patrick na nagpangiti sa kanya.   

          “I want you to meet S,” Pagpapakilala niya sa lalake, “Detective siya, marami na siyang na-solve na case hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa,” Dagdag pa niya sa akin.

          “Pake ko?” Sarkastiko kong wika dahil ang tinatanong ko lang naman ay kung sino ang lalake hindi kung ano ang mga nagawa niya, tsaka pakiramdam ko masyadong arogante ang lalakeng pinakilala niya.

          “It’s my pleasure to meet you Phoenix,” Wika niya, “And I think I don’t need to introduce myself to you because Patrick already did that,” Pagpapatuloy pa niya sa akin. Halata na may device siyang ginagamit ngayon para mabago ang boses niya nang sa gayon hindi siya makilala.

          Ang yabang mo! Naglakad siya papunta sa katawan ng kapatid ko, agad naman siyang sinundan ni Patrick, “Ano sa tingin n’yo ang nangyari sa biktima?” Tanong niya kay Patrick na para bang sinusukat niya ang talino nito.

          “Sa opinyon ng maraming pulis na nandito ay suicide ang nangyari—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang magsalita si S.

          “Tinatawag nila ang sarili nilang pulis ni hindi nga nila alam ang tunay na nangyari sa biktima,” Sarkastiko niyang wika kay Patrick, “It’s not suicide,” Seryoso pa niyang wika.

“What do you mean?” Tanong ni Patrick sa kanya. Ang yabang niya! Naiinis ako the way he acts.

“It’s murder,” Matipid niyang sagot kay Patrick, ubos na ang pasensya ko sa kanya, tiningnan niya ang katawan ng kapatid ko na nakabigti pa rin hanggang ngayon.

“Hey,” Pagtawag ko sa kanya na naging dahilan upang mapatingin siya sa ‘kin, “Hindi ba detective ka? Sabihin mo sa akin kung paano naging murder ‘to,” Wika ko.

“Exhibit one, imposibleng mamatay siya sa pagkakabigti dahil nakalapat ang mga paa niya sa lupa, and exhibit two, may nakita akong sugat sa tagiliran niya patunay na sinaksak siya rito,” Paliwanag niya, “Any question?” Tanong niya na nagpayukom sa kamay ko.

Kung talagang matapang siya bakit hindi niya tanggalin ang maskara niya?!

Lumabas siya ng classroom at nagsalita sa harap ng mga estudyante na nagtutumpukan doon, “Lahat ng tatawagin ko ay pumasok sa loob ng classroom,” Wika niya sa mga estudyante.

“Melody Lamperouge,” Pagtawag niya, agad namang pumasok si Melody sa classroom at umiwas siya ng tingin nang magtama ang tingin naming dalawa, “Athena Lazaro,” Pagtawag niya at agad ring pumasok si Athena.

“Juaqin Dizon and Sebastian Young,” Pagtawag niya, at pumasok agad ang dalawang lalake sa loob ng classroom, “Elisa Cruz,” Pagtawag niya ngunit hindi kaagad pumasok si Elisa, lumapit muna siya para magtanong.

“Para saan ‘to?” Tanong niya na naging dahilan upang tingnan siya ni S.

“I will explain later,” Matipid niyang sagot kay Elisa na nagtulak sa dalaga na pumasok sa classroom. Pumasok na rin si S sa classroom at isinara niya ang pinto, “Lastly, Phoenix Keehl,” Pagtawag niya sa akin.

Ano na naman ‘to?! “What is the meaning of this?” Tanong ko na naging dahilan upang huminga siya ng malalim tsaka siya nagsimulang magsalita.

“Kayong anim ang suspek sa pagkamatay ni Nate Keehl,” Seryoso niyang wika na aming ikinagulat.

“What?! Are you crazy?!” Inis na tanong ni Juaqin kay S.

“No,” Matipid niyang sagot kay Juaqin, nakakainis! “My accusations have basis,” Wika niya sa amin. Ubos na ang pasensya ko, hindi pwedeng akusa lang siya ng akusa! Sigurado ako na wala sa aming anim ang pumatay sa kuya ko.

“S, can you please tell us the reason—” Hindi na naituloy ni Patrick ang sasabihin niya nang biglang magsalita si S.

“Si Athena ay girlfriend ni Nate, malaki ang posibilidad na magkasama sila noong prom habang sina Melody, Juaqin, Sebastian, at Elisa ay kaibigan ng nasabing biktima, napaka-imposible rin na hindi niya sila kasama noong gabing iyon,” Paliwanag niya sa amin, “Si Phoenix naman ay pakiramdam ko na siya ang pumatay sa sarili niyang kapatid,” Wika pa niya na nagpayukom sa kamay ko.

“’Yun lang? Inakusahan mo kami dahil sa napakawalang kwenta mong dahilan!” Galit na galit kong wika sa kanya, napaka-senseless ng accusation niya!

Napakababaw ng dahilan niya kung bakit niya ako inakusahan na pumatay sa kuya ko!

Seryoso niya akong tiningnan at siya ay nagsalita, “Hindi ba mayroon kang selective amnesia?” Tanong niya sa akin, “Nakausap ko ang mama mo and she told me na noong Friday, gabi ng prom nakita ka ng isa mong kaklase nasi Melody na walang malay sa loob ng sarili mong sasakyan. Napaka-timing naman ng nangyari sa ’yo,” Sarkasiko niyang wika.

Kainis! “So sinasabi mo na nagsisinungaling ako? Kung ganoon bakit hindi mo tingnan ‘yung findings ng doktor ko sa akin para malaman mo na wala akong ginawang masama!” Galit kong wika sa kanya.

“Wala akong sinabing ganyan,” Depensa niya tsaka siya huminga ng malalim at nagsalita, “Malalaman ko rin ang totoo pero sa ngayon magpakasaya muna kayo dahil sa oras na malaman ko kung sino sa inyong anim ang pumatay sa kanya sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan,” Seryoso niyang wika sa amin at siya ay umalis sa classroom.

………………………………………………………………….

Ilang saglit pa inilabas na ng mga pulis ang bangkay ng kapatid ko, at maya maya pa dumating sa labas ng classroom si Principal Olivia Brakett, huminga siya ng malalim at nagsalita, “Students, due to what happened, the school administration decided to suspend the class for today for this section,” Wika niya na hindi ikinatuwa ng iba kong classmates, pero feeling ko ang iba sa kanila natuwa dahil nga walang pasok ngayong araw, “Magsiuwi na kayo,” Dagdag pa niya at makaraan lang ang ilang minuto, siya ay umalis.  

Sa mga oras na ito kaming anim nalang ang natira sa loob ng classroom at tanging katahimikan lang ang bumalot sa aming anim.

Sina Athena at Juaqin ay nakaupo sa tabi ng pinto, habang sina Sebastian at Elisa ay nakaupo sa teacher’s table. Nakaupo naman ako sa tabi ng blackboard habang si Melody ay nakaupo sa tabi ng bulletin board. Sa pagkakataong ito, naakusahan kami sa krimen na hindi namin ginawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status