Share

CHAPTER 1

Ang bilis ng araw at sabado na ngayon. As usual mas excited pa si Cassidy sakin. Namimili kami ngayon ng susuotin ko at napili ko ang off-shoulder na black para sa pang itaas ko at nag suot ako ng jeans at saka sapatos.

"Ang ganda mo!" Hirit ng kakambal ko

"Syempre,"

Pumunta kami sa isang Cafè. At natanaw namin ang dalawang lalake na nakaupo na animoy nag uusap.

"S-Sila ba 'yon?" Tanong ko sa kakambal ko habang nakatalikod sakanila

"Hindi! Ano ka ba, ito sila oh," pag harap ko sa gawing likod ko tumuon agad sa isang lalake ang atensyon ko

Si Lev na ba 'to? Grabe mas gwapo pa pala siya sa personal..

"Lev. Ito si Brittany, kakambal ko," pakilala sakin ni Cassidy 

"Brittany siya naman si Lev, 'yung pinakita ko sa'yo," 

"Nice to meet you," sabay naming sabi, nang tumingin ako sa kakambal ko ngiting aso nanaman siya

"Tara pasok tayo sa Cafè, mainit dito sa labas," sabi ni Cass

"Yes, we should go inside ang init dito," sagot naman ni Lev

Lalo pang tumibok ng malakas ang puso ko nang marinig ko ang boses niya.. literal na mas nag pa gwapo sakaniya ang boses niya.

"Hoy, wag ka tumitig diyan kay, Lev. Baka matunaw 'yan," bulong sakin ni Cassidy saka humagikhik

" 'di naman ah? Sino ba 'yan para titigan ko," 

"Nako naman, nag deny pa," bulong pa nito sa'kin

"Tigilan mo ko, Cassidy sasampalin kita," at sinamaan siya ng tingin

"Grabe ka naman sa'kin!" Sabi niya at naunang naglakad

Humiwalay ng table 'yung si Cassidy at Cloud though p'wede naman kami'ng apat dito sa iisang table. Sabagay para may privacy din kung may pag uusapan sila

Hindi ko alam paano umpisahan ang pakikipag usap kay Lev. Ano 'to? Hanggang mamaya titigan kami?

'Ahm. I'm Levin Costa, and you?"

"Brittany Amaris Laxamana," pakilala ko

"Ganda ng name mo. Parang ikaw,"

Hindi 'ko naiwasan mapangiti." H-Hala, 'di naman" pigil ang ngiti'ng sagot ko

"I'm not joking. You're beautiful.  Indeed beautiful,"

Napakagat labi ako "Salamat,"

Nagusap pa kami tungkol sa ibang bagay at mga little info saming dalawa. Maya maya lang nag paalam ako na mag si-c.r lang ako

Nang papalakad ako papunta sa c.r may nakita ako'ng lalake malakas din ang dating pero syempre 'di naman kami magkakilala kaya nag daanan lang kami

At saka wala kami'ng pake sa isa't isa so 'yon.

Pag katapos ko sa c.r bumalik na ko sa table namin ni Lev. Halos ilang oras din ang tinagal namin do'n sa cafè.

Mahaba rin ang naging usapan namin nag share lang kami sa isa't isa at nag kwentuhan

"Sa Del Luna ka rin nag aaral 'di ba?" Tanong niya sakin

"Oo,"

"See you tomorrow, Brittany," sabi niya sakin na nginitian ko lang

Naging masaya naman ang pag uusap namin, hindi lang talaga ako sanay sa ganito at wala ako'ng topic na maisip. At alam ko'ng bored na itong lalakeng 'to sakin

LUNES NA ngayon at naghahanda na ako para pumasok sa school..

Pagkarating namin do'n naghiwalay na kami ni Cassidy dahil magkaiba kami ng section

Papunta ako sa classroom nang may humarang sa daan ko. Pag angat ko ng tingin napa ngisi ako 

"Lev," tawag ko sakaniya

"Good Morning," bati niya sa'kin at kinindatan ako

'Ay shocks, may pakindat sa umaga?'

"Morning," bati ko pabalik at naglakad

"Wait! Bakit nilagpasan mo 'ko?" Tanong niya. Kaya huminto ako sa paglalakad.

"May klase pa 'ko," naiiling ko na sagot

"Ako rin naman. Hahatid kita sa classroom n'yo," presinta niya

"Sus, nako 'wag na," 

May parte sa'kin na kinikilig ako pero.. ayoko ma-attach.. ayoko mahulog loob ko. Agad.

"Sige. Sabayan nalang kita maglakad, papunta sa classroom niyo haha, ayaw mo ng hatid e," 

"Ay sus, oh sige na nga,"

"'Yon!" 

Nang makapasok ako sa classroom kinawayan niya ko at nginitian. Tinanguan ko naman siya at nginitian din.

"Nililigawan ka ba no'n?" Bulong sa'kin ni Bree.

Humarap ako sakan'ya at sinabing "Hindi noh, wala lang 'yon.. ahm, nag meet kami nung sabado. Pero wala, magkaibigan lang,"

" 'di ko naman alam kung may gusto 'yun sa'kin sabi niya lang nung sabado maganda ako kasing ganda ng name ko tapos nung linggo chinat lang ako buong araw," dagdag ko pa

"Omg! Baka may gusto sa'yo!.. malay mo" sabi niya

"'wag ka namang gan'yan! Masakit umasa."

"Ay bakit? Umasa kana ba sa isang tao? Hmm may hindi ka sinasabi sa'kin!" 

Naalala ko no'n gustong gusto ko siya. Tapos lagi kami magkasama.. he treats me na parang napaka importante ko, puro siya sweet words s'yempre ako nag assume na may gusto rin siya sa'kin. You know napaka lambing niya kasi sa'kin. Tapos one day bigla niyang sinabi na.. may nililigawan na siya. Hindi si Levin 'to ha!

"Huy! Tulala ka na,"

"Hah? Wala, 'di pa ko umasa sa isang tao, bakit totoo namang masakit umasa lalo na at walang patutunguhan," 

Pinili ko nalang sarilihin 'yung pag asa ko sa isang tao. 

It's not a big deal nanaman na ngayon. Kaso siya kasi una kong nagustuhan tapos...nagpakita pa siya ng motibo. Ayon lalo akong hindi naniwala sa gusto gusto na yan at sa love.

"Sabagay. Masakit naman talaga umasa,"

Naririnig ko yung sinasabi ng teacher pero 'di pumapasok sa utak ko. 'Di pumapasok 'yung lesson sa utak ko!

Masyadong occupied utak ko ngayon. Natutulala rin ako. Hindi ko alam kung bakit

"Brittany, tara kain na tayo," aya sa'kin ni Bree

"Break time na?" Tanong ko

"Oo! Puro ka kasi tulala e. Tara na" 

Tumayo ako at naglakad na kami pababa ng hagdan.

Pagdating namin sa canteen nakita ko si Lev sa isang table kasama mga kaibigan niya. ng magtama ang mata namin nginitian niya ko Napailing nalang ako

"Ay wow, ngiti yarn?" Sabi ni Bree

"Bree! Brittany! Tara rito. Dito na kayo mag table" 

Nang makabili kami pumwesto na kami sa table nila Cass, tahimik lang akong kumakain ng may tumabi sa'kin 

"How's the food, babe?" 

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ganoon din si Cass at Bree

"BABE?!" Sabay na sabi nung dalawa

"Yes. I called her babe, what's wrong with that though?" 

"Kayo na ba?!" Gulat parin na sabi ni Cass

"Not yet. But we'll get there" nakangising sabi ni Lev

"Ano'ng we'll get there?! 'Di mo nga 'ko nililigawan!" Sabi ko kaagad

"Gusto pala, ikaw ha. You want me to court you?" Asar nito sa'kin

"Ano?!wala ko sinabi sabi ko lang bakit mo sinabing 'we'll get there' e hindi mo naman ako nililigawan. It means hindu magiging tayo," 

"I have a plan naman talaga na ligawan ka. Hingin ko lang permission ng parents and ng sister mo, also permission ng best friend mo. Nandito nanaman na silang dalawa so.. p'wede ko ba ligawan si Brittany-"

"Teka lang! Bakit 'yung permission ko hindi mo hihingin? Pa'no kapag natanong mo na sila tapos umayaw ako sa'yo?"

"Aayaw ka ba? wait lang kasi babe. Nagseselos kaba kasi sila inuna kong tinanong?" Asar nanaman niya

"Anong nagseselos?! Kapal nito!" 

"Okay, so Cassidy and Bree. Can I court, Brittany Amaris?" Seryoso nitong tanong

"Y-Yes! We will support you," sabi ni Cassidy 

"Of course! Matagal ko nang gusto mag ka boyfriend 'yung best friend ko!" -Bree

Humarap sa'kin si Lev "Bago kita tanungin. Hihingin ko muna permission ng parents mo," sabi niya at tumayo

Ang bilis ng tibok ng puso ko.. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status