Share

Secretly in Love with the Boss
Secretly in Love with the Boss
Author: FilipinoWriter

In Love with the Boss - Chapter 1

In Love with the Boss

SYNOPSIS

How painful was it to hide the love that bursts in your heart? Did the agony of unrequited love become a part of life with time? Would the pain become as normal as breathing? Responsibility lies heavy on Avery’s shoulders but her love for the only family she has provides the energy to go on fighting. When love knocked on her door, would she open it?

*     *     *

In Love with the Boss - Chapter 1

Madilim-dilim pa nang bumangon si Avery. She tried to be silent as she prepared breakfast. Ngunit...

"Avery, iha? Ikaw ba iyan?"

"Opo, Mama," tugon niya. Malamyos at medyo paos ang kanyang boses. It was a natural huskiness na sexy sa pandinig, but she didn't know it. "Magpahinga pa po kayo habang ipinagtitimpla ko kayo ng gatas."

Tumalima naman ang matandang babaeng nakaratay sa kamang nasa isang panig ng salas. Tila pagud na pagod ba. Parang hindi nakapagpahinga sa nagdaang magdamag.

Na naman.

"Nagdarasal ako sa Panginoon, Avery," daing nito, after a while. "Sana'y matapos na ang paghihirap mo na idinulot namin ng Papa Justo mo."

"Ssh," pigil ni Avery habang hinahagod ng isang palad ang nanlalamig na noo nito. "Huwag na po kayong magsasalita at lalo lamang kayong nanghihina."

"Hindi ganitong buhay ang ipinangako namin sa iyo noon, iha. Kung alam lamang namin na magkakaganito ang kapalaran namin, disinsana'y hindi ka na namin kinuha sa loob ng bahay-ampunan..."

"Mama Nena, inumin n'yo na po ang gatas habang mainit pa." Pinigil ni Avery ang paggaralgal ng kanyang boses. "Isasabay na natin ang gamot ninyo."

The old woman continued her depressed litany. "Hindi ka na sana bumibili ng mga gamot na iyan. Napakamamahal at hindi ko naman kailangan... hindi ako gumagaling..."

The truth is, hindi sila makabili nang regular kaya mabagal ang epekto. Nalimas na ang bank account at mga kasangkapan sa loob ng malaking bahay na ito. Naibenta na upang may maibili ng mga pangangailangan sa pang-araw-araw at ng gatas ng mga kambal...

"Ang Mama naman. Tinatangggihan n'yo po ba ang pakinabang ng suweldo ko?" Avery tried to joke but her words sounded brittle.

At age twenty-seven, she was accustomed to be quiet and self-effacing. Tinanggap niya ang pasang-krus na sitwasyon. Pamilya na niya ang mga Cruz. At ni hindi pumasok sa isipan niya na talikuran ang mga ito.

"Dapat ay ibinibili mo na lang ng mga damit at pampaganda ang perang kinikita mo, Avery. Paano ka magkakaasawa kung ganyang mukhang manang ka na?" Tinangka ring magbiro ng ina-inahan ngunit walang gustong tumawa sa kanilang dalawa.

"Mas gusto ko naman pong magmukhang manang kaysa magmukhang madre, Mama. Atsaka, hindi ko kailangan ang mga damit at pampaganda dahil nandiyan pa ho ang mga binili n'yo sa akin ni Papa Justo."

Gumawi uli siya sa kusina dahil hindi niya gusto ang topic. Ayaw niyang mapag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa dahil nakatanim na sa utak niya na hindi siya tatakas sa kanyang mga obligasyon.

"Mama, maliligo na po ako. Matulog po uli kayo para marami-rami ang lakas ninyo mamayang paggising ng kambal natin," aniya habang kumukuha ng tuwalya at unipormeng inihanda niya kagabi, bago matulog.

"Sige, iha," buntonghininga ni Mama Nena. "Avery?"

"Ano po iyon?" She stopped by the bathroom's door to look back.

"M-maraming, maraming salamat sa iyo," hikbi ng matanda. "Napakabuti mo!"

Patakbong bumalik si Avery sa kinaroroonan ng pasyente.

"Oh, Mama Nena! Huwag na po kayong maging emosyonal. Baka makasama na sa inyo 'yan," paalala niya habang hinahaplos ng mga kamay ang maikling buhok na medyo kulot.

"Kayo ang pamilya ko at hinding-hindi ko po kayo iiwanan," she promised fervently.

After that short but dramatic scene, Avery just managed to be on time in her work. There were a hundred and one tasks to complete before she could leave the house.

"Miss Cruz, come here. Bring two cups of coffee, please." Tila may bionic ears naman ang boss niya dahil nalaman agad na dumating na siya. O sanay lang ito na palagi siyang on time?

She didn't bother to answer the intercom. Nagtimpla na siya agad ng kape.

Nagsimula ang trabaho niya nang maupo siya upang kumuha ng minutes of the one-on-one meeting ng amo at ng kliyente nito.

Awtomatiko ang bawa't kilos niya, dahil mahigit walong taon na siyang naninilbihan kay Zane Dela Cuesta. Kahit na siguro natutulog siya, magagawa niyang gampanan ang pagiging sekretarya nito.

"Thank you for a most interesting conversation, Mr. Dela Cuesta. Expect me back next week. I'll bring my lawyer and my accountant to tie up this new venture of ours," ang masayang pagpapaalam ng lalaking halos ka-edad lamang ng boss niya. Nakipagkamay rin ito sa kanya.

Avery was momentarily confused because it was a first time that a client shook hands with her.

"By the way, you have a beautiful secretary. May I know her name?" Sincere naman ang ekspresyon sa mukha ng lalaki habang nakatitig sa namumulang mukha ni Avery.

Tumikhim muna si Zane Dela Cuesta bago nagsalita. Pigil ang reaksiyon nito ngunit alam ni Avery na nairita ito.

"She's Avery Cruz," simula nito, in a bland tone. "Miss Cruz, meet our new friend, Gary Villa."

"Pleased to meet you, Avery." Yumukod pa si Gary na para bang nagpupugay sa isang reyna bago muling ngumiti sa kanya. "Have dinner with me tonight?"

Si Zane ang tumugon para sa kanya. "We have to work overtime. Sorry, Gary. Next time na lang siguro, kapag hindi na masyadong busy si Miss Cruz."

Gary was unperturbed by the naked rebuke in Zane's hard tone. Talagang nabighani ang lalaking negosyante sa dalagang sekretarya.

"I'm regretful, Avery. I'll call you to set a convenient date, okey?"

Napatango na lang ang pobreng dilag. Ramdam niya ang matatalas na titig ng lalaking amo kahit na hindi pa siya tumitingin sa gawi nito.

She was galvanized into action when Gary was out of the room. Tinipon niya ang mga used cups and saucers, pati ang kanyang stenopad upang magmadali sa paglabas. Parang mayroong namumuong bagyo sa loob ng airconditioned office na iyon.

"Miss Cruz," ani Zane nang akmang tatalilis na siya.

Napilitan siyang huminto sa paggalaw. "Y-yes, sir?"

"Naniniwala ka ba sa pambobola ni Gary sa iyo?"

Napamaang si Avery. Hindi niya naintindihan agad ang ibig sabihin ng lalaki.

"Don't be a naive fool, Miss Cruz. Huwag mong sasabihing napaniwala ka ng matamis na dila ng lalaking iyon? Hindi mo pa ba alam kung ano ang tutoo at ang hindi?"

Pumiksi si Zane Dela Cuesta na para bang nayayamot sa kanya.

"Kahit na posteng sinuotan ng palda ay dinidigahan ng taong iyon!"

Lalong nanlaki ang mga mata ni Avery. Bakas sa maputlang mukha niya ang pagkalito at pagtataka sa sinasabi ng kaharap.

"I'm warning you, Miss Cruz. Do not entertain that man inside the office. If you want to see him, have him call you at home. Understand?" he continued testily.

Para bang nahimasmasan ito sa mga sinasabi sa kanya. Ngayon lang nangyari na nagtaas ito ng tono kay Avery.

Gustong magdamdam ng dalaga ngunit pinigil niya ang nadarama -- as usual. Binawi niya ang tingin, habang tumatango.

"Y-yes, sir."

"Okey, you can go now. I need that report this afternoon. And, please, call Attorney Reyes. Tell him to call me tonight." Nagbalik na naman ang normal authoritativeness ni Zane Dela Cuesta.

"Yes, sir," ulit niya, nakayuko pa rin.

Nanginginig ang buong katawan ni Avery nang makalabas ng silid na iyon. Si Zane lamang ang tanging lalaking may kakayahan na pangatugin siya na animo may trangkaso siya.

Stop acting like a naive fool, Avery! Kinagalitan niya ang sarili. Pinilit niyang bawiin ang nawalang wisyo. Dapat ay matagal mo nang naiwaksi ang kabaliwan mo!

May lihim na pagtingin si Avery kay Zane magmula nang una niyang makita ang lalaki; ngunit itinago niyang pilit ang damdamin at tinangkang kitilin.

But her young emotion became sturdier as time goes by. It remained alive even while being hidden, for many years.

She continued her work in a trance. Mistula siyang robot na kumikilos sa bawa't utos. Magulung-magulo ang kanyang kalooban dahil nasaling na naman ang pinakatagu-tago niyang pag-ibig...!

"Miss Cruz, please, bring the Romano file," anang tinig-lalaki sa intercom.

Tumindig si Avery upang kunin ang makapal na plastic folder sa drawer na may susi. Pulos confidential files ang mga naruroon. Dahil sa matagal na panahon na paglilingkod niya kay Zane, malaking-malaki na ang tiwala nito sa kanya.

"Thank you, Miss Cruz." Isinenyas ng lalaki na maupo siya habang dinadampot ang telepono na kumukuriring.

"Hello? Speaking. Ah, yes. Expect two diners tonight. I'm bringing somebody with me. Thank you for calling back, Pierre. We'll be home at seven. Bye."

Si Pierre ay kasama ni Zane sa mansiyon nito. Bagama't maraming katulong doon, ang lalaking patpatin at ubod nang tangkad ang malinaw na paboritong tauhan ng binata sa pamamahay nito.

"Where are we? The Romano files," baling nito kay Avery.

Iniabot uli ng dalaga ang dala niyang mga papeles. Hindi niya naiwasan ang mapasulyap sa relong nakasabit sa dingding na nasa gawing kaliwa. Habit na niya ang gayon, mula nang ma-stroke ang Mama Nena matapos mamatay sa heart attack si Papa Justo, tatlong taon na ang nakakaraan. Kahit wala nang mapainom na gamot, naka-program na sa utak niya ang mga takdang oras.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status