"Bakit sinasabi mo ang mga iyan ngayon?" asik ni Avery. Bahagya na lang niyang makontrol ang galit na pagkapahiya.
Humakbang palapit sa kanya si Zane. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at bahagyang inalog. "Para magising ka sa katotohanan," ganting-asik nito. There was anger in his dark eyes. "All this time, inakala kong kaya hindi mo ako napapansin ay dahil sa mayroon ka ng pag-ibig. Binigyan kita ng katahimikan. Hinayaan kita habang patuloy ako sa pagiging hibang... God! Kung hindi pa dumating si Gary, wala pa ring nangyayari sa sitwasyon ko!"
"Hindi tutoo ang sinasabi mo," ungol ni Avery, kahit na gustung-gusto na niyang maniwala.
Isang halik ang iginawad ni Zane sa noo ng dalaga. "I'm telling the truth," bulong nito. "You've been my obsession for so long."
Ibinaling niya ang kanyang ulo upang hindi magkalapit ang kanilang mga labi. "Hindi! Naglalaro ka lang. Iniwan ka marahil ng isa sa mga girlfriends mo kaya nagkaroon ng bakante sa schedule mo." Pumiksi siya upang makakawala.
He chuckled softly. "What do you think of me--a stud? I don't have 'women'. Isa-isa lang ang kaya ko," panunudyo nito.
Her jealousy kicked at her stomach. "Sawa ka na sa mga sosyal kaya gusto mo naman ng katulad ko, ganoon ba? Paano kapag nagsawa ka na sa akin? Iyong ibang empleyada mo naman ang paglilibangan mo?"
"Hey, that's below the belt," saway ni Zane, but he didn't look hurt. "Bakit ba ganyan kababa ang tingin mo sa sarili mo?"
Umiwas ng tingin si Avery. "M-maaari bang umalis ka na lang? Ginugulo mo lang ako."
Bumuntonghininga si Zane. "Okey, I'll leave you but don't expect that everything will be the same from now on. Goodnight, Avery. See you at the office tomorrow."
Naulinigan niya ang pagpapaalam nito sa kanyang Mama Nena, pati na kay Nana Pilang. Hindi niya gaanong nawawaan ang isinagot nito nung itanong kung nasaan siya.
"Avery? Avery, aalis na raw si Mr. Dela Cuesta," tawag ni Nana Pilang, papalapit sa kinaroroonan niya ang boses.
"O-oho, lalabas na po," tugon naman niya.
Kunwa'y walang naganap na argumento sa pagitan nila nang muli silang magkaharap.
"Aalis na ako, Avery. Maraming salamat sa masarap na hapunan, Mrs. Cruz, Nana Pilang." Parang matagal nang kakilala kung i-address ng lalaki ang dalawang matandang babae.
Pilit lang sa loob ni Avery ang paghahatid kay Zane hanggang sa gate. Malapit na sila doon nang maalala niya ang kotse ng boss. "May dala ba kayong sasakyan?"
"Meron. Ipinarada ko diyan sa labas. Bakit? Marami bang loko dito?" Nagbibiro pa ang lalaki habang dinudukot sa bulsa ang keychain.
"Sana ay ipinasok n'yo dito sa loob ang kotse," aniya, seryoso. "Hindi ko gaanong kabisado ang mga tao diyan sa labas."
"Paano kapag ginagabi ka sa pag-o-overtime noon?"
"Nagpapasundo ako kay Nana Pilang sa labasan."
Tumangu-tango si Zane. Inikutan nito ang nakaparadang Terrano na kulay puti bago pinindot ang remote control ng mga lock sa pinto. "Magmula ngayon, ihahatid na kitang pauwi palagi."
"Sir!"
"You can't stop me now, Avery. Dapat ay noon ko pa ginagawa ang mga desisyong ganito ngunit na-torpe ako nang husto sa iyo. Ewan ko ba," tatawa-tawang wika nito. Pinagtatawanan ang sarili.
Walang magawa si Avery kundi ang mapatitig na lang sa lalaki. Sira ba ang ulo ng lalaking ito? tanong niya sa kanyang sarili.
Na parang nahulaan naman ni Zane. "Tama ka sa iniisip mo. Malaki na nga ang sira ng ulo ko. At ikaw lamang ang tanging makakagamot ng sakit ko."
Bago pa nakahuma ang dalaga, nahagkan na siya nito sa isang pisngi, in full view of all the interested neighbors!
"Bye, sweet Avery," pabulong na sambit nito bago sumakay sa Terrano. "You can't fight your destiny, remember that," dugtong pa.
Halos tulala pa rin siya nang magbalik sa loob ng bahay. Ecstatic naman si Mama Nena, kaya nahahawa na rin si Nana Pilang. Very expectant ang hitsura ng mga ito nang pumasok siya uli.
"Kuu, Avery, ang pogi-pogi naman ng boss mo!" Si Nana Pilang ang hindi nakatiis. Bagama't tumandang dalaga na, paminsan-minsan ay umaalpas pa rin ang pagkasutil nung kabataan pa. "Bagay na bagay kayo! Hindi ba, Nena?"
"Oo nga, Pilang. Hindi ko alam na may inililihim na pala itong dalaga ko sa akin."
"Mama, wala naman po akong inililihim sa inyo," Avery denied with forced calmness. "Wala pong namamagitan sa amin ni sir."
"Doon din ang punta niyon," pakli ni Nana Pilang. "Hayan ang ebidensiya!" Itinuro ng matatabang daliri ang mga puting rosas na inilagay sa isang plorera.
Avery blushed delicately. Kung hindi sana sa mga kalokohang pinagsasabi ni Zane Dela Cuesta, magagawa niyang makapagsinungaling nang maayos. Puwede niyang kumbinsihin ang sarili niyang bunga lamang ng mga ilusyon niya ang mga nangyari sa kanilang dalawa kanina...
"Anak, puwede na siguro akong mamatay nang matiwasay ang kalooban kung siya ang makakatuluyan mo. Matatapos na, sa wakas, ang paghihirap na dinaranas mo ngayon." Nangungumbinsi ang tono ng ina-inahan.
"Mama, hindi po ang klase ni sir ang magseseryoso sa isang babaeng katulad ko," katwiran ni Avery. Malumanay ang pananalita. "Kung sakali mang magkatutoo ang mga iniisip ninyo ni Nana Pilang," dagdag pa niya.
Tumawa lang si Nana Pilang, makahulugan. Para bang may alam na sikreto. "Buweno, magpapaalam na rin ako. Uuwi na ako para maagang makapagpahinga. Paalam na sa inyo, hane?"
"May kailangan pa po ba kayo, Mama? Magkukusot na po ako sa likod-bahay."
"Wala na, anak. Mamaya pa naman ako dapat uminom ng gamot ko, hindi ba?"
"Sige po, Mama. Umidlip na kayo diyan para lalong madagdagan ang lakas ninyo."
Aandap-andap ang kalooban ni Avery habang naglalaba siya. Nagbanggit na naman ng tungkol sa kamatayan ang matandang ina-inahan.
Nadagdagan pa ang mga agam-agam niya dahil sa mga sinabi ni Zane Dela Cuesta tungkol sa kinabukasan ng kambal. Paano nga ba niya pag-aaralin ang mga iyon?
Si Gary Villa ang binabanggit ni Zane na naging daan upang magising daw ito.
Napuna niyang patingin-tingin nga sa kanya si Gary habang nagmi-meeting ang dalawa kanina ngunit wala siyang ibinigay na ibang kahulugan sa mga kilos nito. Abala siya sa pagkuha ng mga dictations.
Hatinggabi na nang matapos siya sa mga samut-saring kutkutin. Ngunit parang walang kapaguran ang kanyang isipan.
Kinabukasan, maaga na naman siyang bumangon. Alas kuwatro pa lamang, gising na siya.
"Iha, napakaaga mo namang bumangon. Sana'y nag-in-in ka pa muna sa iyong higaan. Aba'y hatinggabi ka na nang matapos sa kalilinis dito, a?"
Hinagkan niya sa noo ang ina-inahan. "Mama Nena, sa kumbento po, ganitong oras kung magdasal ang mga madre. Parang nakasanayan ko na po ang ganitong oras ng paggising."
"Para kang matanda kung matulog. Katulad ko, sandali lamang ang nagagawa kong tulog kung gabi."
Nag-alala agad si Avery. "May nararamdaman ho ba kayo?"
"Wala naman. Nangangarap lamang ako. Ano kaya ang hitsura mo kapag nakasuot ka na ng trahe de boda?"
Napamaang ang dalaga. "Ang Mama talaga," ang tanging nasambit niya habang namumula nang husto ang mukha.
"Puting-puting damit pangkasal," patuloy ng matanda. "A, napakaganda mo siguro sa araw na iyon, Avery!"
Napailing-iling na lamang si Avery. Hindi niya gustong sirain ang magandang pakiramdam ng matanda kaya iniwan na lamang niya ito sa pangangarap nito nang gising. "Magtitimpla po ako ng gatas ninyo."
Habang humihigop ng kapeng walang gatas, namalantsa si Avery. Lahat ng nilabhan niya na natuyo na agad ay pinasadahan na niya ng plantsa.
"Mama Nena? Gusto n'yo na po bang mag-almusal? Maliligo na po ako pero baka gusto n'yo nang kumain. Mainit na po ang tubig ng oatmeal ninyo."
Umiling ang matandang nakahiga pa rin. "Mamaya na lamang ako kakain, anak. Paggising ng kambal."
Binlangko niya ang utak at kalooban bago pumasok sa kuwarto ni Zane.
"Good morning, sir," bati niya ngunit hindi siya nakatingin dito. Dala niya ang usual cup of coffee nito.
"Good morning, Avery," ganti naman ni Zane. Magiliw ang tono.
Muntik na niyang mabitiwan ang dalang aluminun tray. Kahapon lang ay 'Avery' ang tawag nito sa kanya. Tanging ang mga malalapit na tao sa kanya ang tumatawag ng 'Avery'.
"Tatapusin ko na po ba ang proposal para sa Romano Incorporated?" tanong niya nang makalma uli.
"No, Avery. It's not important. Mag-usap muna tayo." Tumindig ang lalaki at humakbang palapit sa kanya.
Nailang si Avery nang halos ilang pulgada na lamang ang maging pagitan ng kanilang mga katawan.
She could feel his body heat and could smell his musky shaving lotion. Her bones were turning to jelly as she drowned in his eyes.
"I couldn't sleep last night. Iniisip kita, Avery. Sumasakit ang loob ko dahil sa mabigat na responsibilidad na dala-dala mo."
"Sir, hanggang ngayon ba naman--"
"Huwag mo akong ipagwalambahala, Avery. Tutoo ang nadarama kong ito para sa iyo."
"Mr. Dela Cuesta, sana naman ay tigilan n'yo na ang harrassment na ito. Nakikiusap po ako," pakli ni Avery sa matatag na boses. Napuyat rin siya sa kaiisip. Ayaw niyang maging kumplikado nang husto ang sitwasyon.
Tumitig sa kanya ang lalaki. Paarok. After a while, he took a deep breath. Umiling-iling ito. "Talaga palang hindi ka naniniwala sa akin. I wonder why? Ni katiting ba'y wala kang nadarama para sa akin?"
It was a dangerous question kaya hindi siya tumugon. Lumabas agad siya sa silid na iyon.Maghapon, tahimik na tahimik si Zane. Nag-uutos ito kapag may kailangan ngunit mabibilang niya sa kanyang daliri ang pagkakataon na tinawag siya nito sa loob ng opisina.Dumating ang oras ng uwian kaya medyo nakahinga na nang maayos ang dalaga. Mistulang pugon ang office dahil parang init na init siyang hindi niya mawari."Avery? Can you come in here?" Muntik nang mapatalon sa pagkabigla nang bumuglaw sa adjoining door ang lalaking laman ng kanyang isipan sa maghapon. "I want to talk to you.""Yes, sir." Ikinubli niya ang pagkagulat."Sit down," anito nang makapasok na siya. Nanatili itong nakatayo sa pintuang isinara at sinandalan.Alumpihit si Avery. "A-ano po ba ang sasabihin ninyo?""I'm only thirty-six, for christ sake!" bulalas ni Zane, parang napipikon sa pamumupo niya. "Stop treating me like an old man!"Napapitlag si Avery. Namutla
Ang mga kaibigan niya ay bihira na niyang masipot sa kanilang tipanan. Nauunawaan naman siya ng mga ito ngunit alam niyang mayroon na ring paghihinampo kina Rosario, Casandra, at Helena. "Ate, si Sir Zane po," pahayag ni Diding. "Gusto raw po kayong makausap." "Sige na, iha, harapin mo na," pang-uulok ni Mama Nena. Nagpapawis ang mga kamay ni Avery dahil sa labis na nerbiyos. Ang pagkayamot na nadarama niya dahil sa pakikialam ng lalaki ay unti-unti nang pinalis ng mga nasaksihan niyang kasiyahan ng pamilya. Can I be selfish enough to end all the good things for Teo, Lea, and Mama Nena? ukilkil niya sa kanyang sarili, habang patungo sa kinaroroonan ni Zane. Ano ba talaga ang nakita ng lalaking ito sa akin? tanong pa niya. "Good evening, Avery," ang magalang na bat
INESTIMA niya nga si Zane nang dumating ito. And she was utterly surprised to discover that she enjoyed talking with him. Zane was prepared to meet her halfway. "Puwede ba kitang ma-imbitang lumabas?" The question was unexpected. "Bakit? May okasyon ba?" "I want to celebrate something," dugtong ng lalaki nang makita ang pag-aalinlangan niya. "Itong pagkukuwentuhan natin nang hindi tayo nagtatalo ay isa nang okasyon para sa akin, Avery." "Oh." She was suddenly shy. "Payag ka ba?" "Uhm, k-kailan--?" patianod niya. "Tomorrow night? It's a Saturday. We can stay out till late," he suggested with naked eagerness. Avery hesitated. "Hindi ba puwedeng dito na lang sa bahay mag-celebrate?"&n
KINABUKASAN, Linggo, Avery was in tenterhooks all day long. Although, alam niyang hindi naman siya ganoon ka-importante kay Zane, she was expecting him to come after her. "Iha, bakit ba parang hindi ka mapakali diyan?" usisa ni Mama Nena nang mapuna ang ilang ulit na paglabas-masok niya sa kusina at kumedor. "May hinihintay ka ba? Si Zane?" Napilitang tumango ang dalaga. "Hayaan mo't mamayang gabi lamang ay nandito na naman iyon," pang-aalo ng matanda. Hindi kumibo si Avery. Ayaw na niyang madagdagan ang mga kasinungalingang sinasabi niya dito. Kanina lamang ay lubog na siya nang mag-imbento siya ng isang successful evening nila ni Zane. Nataranta siya nang may mag-doorbell. "Roses for Miss Avery Cruz," anang delivery boy na binatilyo. "Kayo ba, miss? Paki-pirma lang di
MISTULANG housewife nga ang naging papel niya sa maghapong iyon. May pagka-demanding ang kanyang pasyente. Naiirita agad kapag nawawala siya sa tabi nito, gayong nag-aasikaso lamang siya ng mga abubot sa palibot. The shower weakened his reservoir of strength kaya maghapong naidlip si Zane; but it was a restless sleep. Maya't maya ay nagigising na para bang binabangungot. "God, it was worse!" bulalas nito nang maalimpungatan mula sa unang malalim na pagtulog, dakong takipsilim na. Dumalo agad si Avery. Dinampot niya ang tuwalyang nakahanda para pamunas ng pawis nito upang idampi sa basang noo at leeg. May kaunting temperature pa ang lalaki. "It's over, you could sleep again," pang-aalo niya sa malamyos na tono. "You're safe now." "I tried to save the babies but it's too late," patuloy ni Zane. Tila nangungumpisal ng isang pagkaka
GUSTO kong umiyak, ang sabi ni Avery sa sarili niya nang matapos ang umaalimpuyong unos ng mga emosyon. Ngunit nanatiling tuyo ang kanyang mga matang nakapikit lamang upang hindi niya makita ang mukha ng kanyang kasalanan, si Zane. "Avery?" His whisper was full of regret and something more powerful than anything on earth. Umungol siya nang hawakan siya ng mahahabang daliri sa magkabilang panga. Pinipilit siyang magmulat ng mga mata. "Sorry," bulong ng lalaki. "Nasaktan na naman kita." Hindi kumibo si Avery. Nananakit ang lalamunan niya dahil sa kasasambit ng pangalan ng lalaking nakaniig. Sa kalagitnaan ng nakahihibang na kasukdulan, hindi na niya alam kung ano pa ang mga katagang nasambit niya. "Marry me, Avery," wika ng paos na b
NAGPASIYANG lumiban sa pagpasok ang dalaga kinabukasan. Umalis siya ng bahay ngunit kay Casandra siya nagtungo. "O, Avery!" Nasorpresa ang kaibigan nang makita siya. "I thought you're in New Zealand? Hindi ka nakarating sa binyag, ha? Pero nauunawaan naman ni Eina, don't worry. Halika, upo. Ano'ng gusto mong inumin? Nagpapatimpla ako ng iced tea, gusto mo na ba 'yon?" Naiinggit si Avery sa kaibigan dahil wala itong kiyeme sa katawan. Casandra had always been good in body language and oral communication. Naalala niya ang love story nito, masalimuot din. "H-huwag ka nang mag-abala, Cassie. Nandito ako dahil gusto ko sanang kumustahin 'yong trabaho sa kumpanya ni Teon." "Sabi ko na nga ba, e. Mamaya na 'yon, ano? Balitaan mo muna ako ng tungkol sa aksidenteng nangyari sa New Zealand. Wala nang follow-up ang local news dito." Naupo
DAHIL pinaandar na naman ni Zane ang kapangyarihan ng salapi, naging madali ang mga preparasyon sa kanilang kasal. Avery was becoming depressed even though a small corner of her foolish heart was rejoicing. "Smile, Avery," Zane growled at her once while they were shopping for her wedding dress and trousseau. "You look dying," he added chidingly. "I'm sorry," bulong niya habang yumuyuko. Parang gusto na naman niyang maiyak. "Dammit, Avery! Don't cry here," he rebuked her in a low voice. "Baka isipin nila dito pinagbabantaan kita para magpakasal sa akin!" "I--I'm sorry," ulit niya, garalgal na ang boses. "Pero tutoo naman, hindi ba?" Tumindig ang lalaki upang alalayan siya palabas ng exclusive boutique. Nagpaalam ito sa sales manager. "Excuse us, ma'am, my fiancee's not f