Share

In Love with the Boss - Chapter 5

It was a dangerous question kaya hindi siya tumugon. Lumabas agad siya sa silid na iyon.

Maghapon, tahimik na tahimik si Zane. Nag-uutos ito kapag may kailangan ngunit mabibilang niya sa kanyang daliri ang pagkakataon na tinawag siya nito sa loob ng opisina.

Dumating ang oras ng uwian kaya medyo nakahinga na nang maayos ang dalaga. Mistulang pugon ang office dahil parang init na init siyang hindi niya mawari.

"Avery? Can you come in here?" Muntik nang mapatalon sa pagkabigla nang bumuglaw sa adjoining door ang lalaking laman ng kanyang isipan sa maghapon. "I want to talk to you."

"Yes, sir." Ikinubli niya ang pagkagulat.

"Sit down," anito nang makapasok na siya. Nanatili itong nakatayo sa pintuang isinara at sinandalan.

Alumpihit si Avery. "A-ano po ba ang sasabihin ninyo?"

"I'm only thirty-six, for christ sake!" bulalas ni Zane, parang napipikon sa pamumupo niya. "Stop treating me like an old man!"

Napapitlag si Avery. Namutla siya sa takot. "I'm sorry, sir," she mumbled defensively. "You're my boss."

"Forgive me for shouting," he said in a low tone. "You always distract me."

She remained silent.

"I've been thinking," umpisa nito. "Balak kong ligawan ka. Suyuin. Hanggang sa mawala na ang anumang pagdududa mo."

She couldn't believe her own ears!

"Kahit na ano, gagawin ko para lang mapasaakin ka, Avery," pahayag ni Zane. Very serious ang determinasyon.

She was speechless.

"With or without your permission, I'll start changing things for the better," patuloy pa ng lalaki. "Patitingnan ko sa espesyalista ang iyong ina at kukuha ako ng tutor para sa mga bata. Magde-destino ako ng dalawang katulong sa bahay ninyo para hindi na ikaw ang gumagawa ng mga gawain doon pagkagaling dito sa opisina."

"No!" Avery protested. "Wala kang karapatang gawin ang mga iyan. Masyado ka nang nanghihimasok--"

"Ipagdadamot mo ang kaginhawahan sa iyong pamilya?" Zane cut in.

"At ano naman ang kapalit?" pakli niya.

"Ikaw, siyempre, but not against your will," ang maaagap na tugon. "Never against your will, Avery." His voice became huskier and sexier.

Naumid na naman ang dila ni Avery.

"Gusto kong ikaw ang kusang magbigay..."

"Stop!" She was getting breathless with every word he mouthed. "I suggest you don't pursue that crazy idea, sir!"

"No, Avery," tutol ni Zane, very sure of himself. "My reward for this crazy idea will be you." His words seemed final.

'This scene can't happening to me!' she told herself desperately. She shook her head but Zane remained real in front her.

He stood there like a dark angel, bringer of dark news...!

"I can give you everything you may want, Avery," he promised.

"Everything that money could buy," she added numbly.

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa Cruz Residence nang mga sumunod na araw. Natupad ang lahat ng mga ipinangako ni Zane.

"Nana Pilang, huwag n'yo po sanang mamasamain," pang-aalo ng lalaki sa matandang yaya nang tila magdamdam ito sa biglang paglitaw ng tutor at mga katulong sa malaking bahay. "Ngunit mas maganda pong maging kausap at kasama na lamang kayo ni Mrs. Cruz. Mas magiging madali ang kanyang paggaling kapag nasa malapit lang kayo palagi."

Mas lalong natuwa si Nana Pilang nang malamang doble ang sasahurin nito sa mas magaan na trabaho.

"Kuu, salamat kay Mr. Dela Cuesta at nawala-wala ang pagsakit ng rayuma ko. Aba'y matutulin nang magsitakbo ang mga alaga ko, a?" pagbabalita nito kay Avery.

She did not have the heart to be a wet blanket. Kitang-kita naman na nagkaroon agad ng malaking improvement sa sitwasyon ng pamilya niya.

"G-ganoon po ba?" Ganito lang ang kaya niyang sabihin kahit na balak niyang sirain ang mga katuparan ng plano ni Zane.

Masyadong maraming tao ang maaapektuhan kapag nagmatigas siya. Ngayon pang nagkakaroon na ng kulay at sigla ang yayat na mukha ng kanyang ina-inahan...

"Avery! Tingnan mo, marunong na akong magtulat at magdyowing," pagbabalita ni Teo habang inilalahad ang isang bond paper.

"Wow! Ang galing naman ng brother ko," pamumuri niya, in a cheerful tone. Automatically, because the child has a twin, her gaze sought out the little girl, Lea. "Patingin nga ng kay Lea?" Nginitian niya ang batang babaeng may pagkakimi na katulad niya.

"Maganda ba ang gawa ko, Avery? Kapag maganda, dalawa na kayong nagtabi ni Ma'am Winnie," paniniguro ni Lea, seryoso.

"Alam n'yo, pareho kayong magaling pero dahil 'boy' si Teo at 'girl' si Lea, magkaiba ang style ninyo--pero parehong mahusay. Okey ba?" Saglit niyang nakalimutan ang kanyang pag-aalinlangan. Hindi niya akalaing magkakaroon kaagad ng improvement sa mga kapatid.

"Talaga po?" Namimilog ang mga mata ng kambal.

"Oo, talaga. Bakit hindi n'yo ipakita kay Mama at Nana Pilang ang mga gawa ninyo?" suhestiyon niya.

Nagtakbuhan ang dalawang paslit palayo.

Nilapitan ni Avery ang batam-batang tutor na si Ma'am Winnie. "Ako si Avery. Nagsimula ka na pala ngayon. Pasensiya ka na kung hindi tayo nagpang-abot kanina. Hindi ka ba nahirapan sa mga bata?" Medyo pormal pero sincere naman ang ngiti niya rito.

Ngumiti ang tinanong niya. "Hindi naman. Okey nga sila, for beginners. Tamang-tama ang pagdating ko. They are ripe for learning. Pihong magiging top sila sa class kapag nag-aral na sila sa isang proper school."

Pakiramdam ni Avery, kalahati na ng katawan niya ang nakabaon sa kumunoy na kinalalagyan. "G-ganoon ba? Mabuti naman kung gayon. Uh, everyday ba ang schedule mo sa kanila?"

Tumango si Ma'am Winnie. "Oo." Dinampot nito ang nakaimis nang portfolio. "Magpapaalam na ako. Bukas na lang ako babalik. Ang days-off ko nga pala ay Saturday and Sunday," dagdag pa.

"Ate, maghahain na ba ng hapunan?" tanong ng pinakaunang newcomer sa bahay nila, si Diding.

"H-ha?" Nagitla siya. Hindi na siya sanay sa katulong sa bahay. "A, e, si Mama na lang ang tanungin mo. Er, hindi pala, tingnan mo muna kung ready na ang kambal."

"Okey, ate," sang-ayon naman ni Diding.

Papaakyat siya nang masalubong si Anabel. Nalito na naman siya. "Er, magandang gabi sa iyo. Nakita mo na ang kambal? Malapit nang kumain ng hapunan, e."

Tumango ang dalagang katulong, nakangiti. "Nagre-request si Teo ng ice cream para sa panghimagas. Itatanong ko lang kay Diding kung nakabili siya ng ice cream kaninang mag-grocery siya."

"Grocery?" ulit ni Avery. Wala pa silang market money dahil hindi pa siya sumusuweldo.

"Pinapunta ni Sir Zane si Mang Narding, 'yong driver para samahan si Diding sa pamamalengke," dagdag-paliwanag ni Anabel.

"G-ganoon ba?" Avery repeated with a forced brightness. "Uhm, okey. Ako na ang magpapatuloy sa pagbibihis ng dalawang bata. Pakitulungan mo na lang si Diding sa ibaba, ha?"

"Sige, ate. Salamat," tugon nito.

Anupa't halos wala nang magawa si Avery. Dumami ang mga bakanteng oras niya, and she suddenly found herself with so much time in her hands. She was somewhat lost.

What bothered her the most was the peculiar attitude of Mama Nena. Parang may itinatago ito sa kanya.

"Mama Nena, kumusta na ang pakiramdam ninyo? Mas magaling ba kay Dr. Fredo ang bagong duktor ninyo ngayon?" Naupo siya sa tabi ng kama ng ina-inahan matapos humalik sa isang luyloy na pisngi nito.

"M-mabuti naman ako, anak. Magkasing-husay naman ang mga duktor, ang mga gamot lamang ang nagkakaiba-iba."

"Ibig n'yong sabihin, may panibagong reseta kayo ngayon?"

"Uh, o-oo, iha. Mas mahal ang mga gamot pero mas mabilis naman ang bisa."

Nanlulumo si Avery habang nakikinig. "B-binibigyan po ba kayo ni Sir Zane ng pera, Mama?" pananalakab niya nang hindi na niya matiis ang saglit ngunit ubod nang bigat na katahimikan.

Alanganing tumango ang pobreng matanda. "N-nangangako siyang pakakasalan ka niya, Avery. Nararamdaman kong tapat siya sa layunin niya sa iyo. Hindi ka mapapariwara sa lalaking iyon." Magkahalong pagkapahiya at pagsusumamo ang nasa mga mata nito.

"I-ipinamimigay n'yo na po ba ako, Mama Nena?" Halos pahikbi na ang pagtatanong niya.

"Oh, Avery! Hindi naman, anak. Hindi ka kukunin sa amin ni Zane. Marahil ay nabubulagaan ka lamang sa kanya sa ngayon; ngunit siya ay isang mabuting lalaki. Liligaya ka sa piling niya, Avery," ang mahabang pahayag ng matanda. "Madali siyang matutuhang mahalin."

Nilunok ni Avery ang kanyang pagdaramdam. Hindi dapat si Mama Nena ang kinukumpronta niya. "P-pasensiya na po kayo sa akin, Mama. Nagugulat lang ako sa bilis ng mga nangyayari sa atin ngayon," paliwanag niya habang hinihimas ang mga kulubot na kamay ng kausap.

Nagkaroon ng pilit na saya sa mga mata nito. "Ah, oo, mabilis nga si Zane mo. Naaalala ko ang aking si Justo sa tuwing nakikita't nakakausap ko siya."

"N-nagpupunta po dito si Sir nang hindi ko alam?"

Tumango si Mama Nena. "Hindi ba siya nagpapaalam sa iyo? Malimit siyang dumaan dito kapag hapon."

'Kaya pala!' bulong ni Avery sa sarili niya. Pulos outside appointments ang nakalista sa black book ng boss niya nitong mga huling araw.

"Mama, maniniwala po ba kayo sa akin kapag sinabi kong--" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil tumunog ang doorbell. Napatindig siya dahil nakalimutan na naman niyang may magbubukas na ng pinto para sa kanya.

"Pihong si Zane mo na iyon, iha. Bakit hindi ka magpalit ng damit?"

"N-nagsabi ho ba siya sa inyo na pupunta siya ngayong gabi?" Hindi naniniwala si Avery ngunit wala naman siyang kakilala na pupunta sa kanila nang ganitong oras.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status