Share

Sleep with the Boss - Chapter 2

"Ma'am, would you like something to drink?" tanong ng magandang stewardess sa kanya.

Tumango si Mina habang ngumingiti nang matipid. "A bottle of cold mineral water, please," tugon niya.

"What about snack? We're still two hours away to our destination." Isinulat ng babae ang kanyang order at ang seat number sa dalang notepad.

"No snack, thank you." Ipinahinga niya ang kanyang mga mata nang umalis na ang kausap. Nanghahapdi ang mga iyon dahil madaling-araw na siyang nakatulog kagabi.

Halos magdamag siyang nag-sketch ng iba't ibang anggulo ng isang living room. Nabalitaan niyang mayroong bidding sa reconstruction ng isang salas sa isang pamosong mansiyon sa Forbes Park. Magpapadala siya ng kanyang presyo at ng kanyang ideas. Baka-sakaling manalo siya.

She had the advantage of being a small company and, therefore, having a cheaper price.

Katanghaliang tapat nang lumapag ang eroplano sa Cebu Airport.

"Huu! Napakainit naman!" reklam

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status