Share

Sleep with the Boss - Chapter 3

Bumuntong-hininga si Mina habang inilalabas ang kanyang wallet, pati ang sobreng kinalalagyan ng kontrata nila ng mayamang donya.

Binasa ng lalaki ang harap at likod ng postal I.D. niya. "Mina Alvarez, twenty seven, single." Bumaling ito kay Sam matapos ibalik sa dalaga ang mga papel niya. "Boyfriend ka ba ni Mina?"

Umiling ang binata. "Kapatid niya ako."

Tumangu-tango ang lalaki na para bang may ina-aproba-han. "Okey. Puwede na kayong tumuloy."

"Teka," pigil ni Mina nang tatalikod na ito para magpauna sa pagpasok. "Ano'ng pangalan mo?" Saka lang niya napagtanto ang panganib na papasukin nila nang maikumpara niya ang patpating katawan ni Sam sa matikas na hubog ng di-nakikilalang katiwala ng malaki at lumang bahay-Kastila.

"Ako si Lyon," ang matipid na wika nito. "Ibinilin nga kayo ni Mang Waldo sa akin. Inaasahan nila ang inyong pagdating dito," patuloy nito habang isinasara ang tarangkahan.

Inihatid sila ni Lyon sa itaas. "Marami sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status