Binlangko ni Mina ang kanyang isipan. Hindi niya maunawaan kung bakit nasasaktan ang kalooban niya. Dapat ay ang bulsa lang niya dahil hindi pala siya makakatipid sa accomodation at transportation, katulad ng inaasahan.
Goodbye, car... bulong niya sa sarili habang inaayos ang mga maleta. Mabuti na lang, hindi pa niya naililipat ang mga damit sa aparador.
Makukumpleto na sana ang iniipon niya para sa downpayment ng kotseng gusto niyang kunin.
Iwinaksi niya ang panghihinayang. Ang importante, hindi nakansela ang proyektong ito.
Ngunit mayroon siyang kutob na maghahanap pa rin ng butas ang lalaki para maialis sa kanya ang trabaho.
Papababa siya ng hagdan nang makasalubong ang kapatid. Medyo malagihay ito. "O, ate? Saan ka pupunta? Mukhang alsa-balutan ka na naman, a?" bati nito habang susuray-suray sa pag-akyat.
"Pakikuha mo na ang mga gamit mo, Sam," tugon niya. Malumanay ang tono. "Lilipat na tayo sa hotel."
Nanlaki ang
Dakong alas onse nang bumangon si Sam. Pupungas-pungas pa ito. "Ang aga mo namang gumising, ate," anito habang naghihikab. Nag-inat pa ng mga payat na braso habang iginiling-giling ang beywang at balakang. "Ang sarap matulog kapag may aircon!" Nakaramdam ng pagmamalaki sa sarili si Mina. Malayo na pala ang nararating nila mula sa pinanggalingang kahirapan. "Um-order ka na ng pagkain mo sa Room Service, Sam," utos niya habang iniaabot dito ang telepono. "Baka malipasan ka ng gutom." "Gusto mong i-order din kita, ate?" Umiling si Mina. "Busog pa ako. Mamaya na lang ako kakain." Saglit na nakipag-usap sa telepono ang binata bago bumaling uli sa kanya. "Ano ba ang agenda mo para sa akin ngayon?" "Maghahanap ka ng mga tindahan na may reasonable prices." "Tindahan ng ano?" "Carpet, upholstery, paint, leather, and etcetera stores," tugon ni Mina. "Bibigyan kita ng listahan. Heto, o. Medyo kulang pa ‘yan. Bukas ko na lang dadag
Mina soaked her tired body under the warm water until it went cold. Nakasandal lang siya. Hindi siya tumitinag habang nakatitig sa kawalan. Tanging ang isipan lamang niya ang kumikilos. For the first time in her life, she felt intensely attracted to a man--who disliked her. Ano'ng gagawin ko kapag naging mas malalim pa ang atraksiyon na nadarama ko para kay Lyon?tanong niya sa sarili. Nag-shampoo siya habang inaalisan ng laman ang bathtub. Pagkatapos ay nag-shower naman para magbanlaw ng sarili. Mabagal ang mga kilos niya dahil abala sa ibang bagay ang kanyang utak. Pulos awtomatiko lamang ang mga galaw niya. Nang makabihis at makasuklay na, lumabas uli siya sa sitting room. Gayon na lang ang pagkagulat niya nang makitang nandoon pa rin ang lalaking pinaalis na niya kanina. Nakasandal ito sa isahang sopa at natutulog. The harsh lines of his arrogant features softened in repose. He looked younger and endearing. Mina couldn't resist sta
Bago natugon ni Mina ang tanong sa sarili, natanaw niya ang pagdating ng kotseng minamaneho mismo ni Lyon. Madilim ang mukha nito. Tila galit. Nag-alangan tuloy siyang magpakita rito. Ngunit kailangan niyang makita ang ikukunsulta nitong mga silid. Kaya tumawid siya upang lapitan ito. "Mr. Zavala?" Tila nabigla pa ito nang makita siya. "Kanina ka pa dito?" tanong nito habang umiibis sa kotseng ipinarada sa driveway. Tumango si Mina. "Dito ako tumuloy. Bakit? Inaasam mo bang mawala na lang ako?" "On the contrary," tugon nito, bahagya nang nakangiti. "Iniisip ko naman ngayon kung paano kita makukumbinsing tumira sa bahay ko." "Ano?" She was dumbfounded. "Pinaalis mo kami dito kagabi, pagkatapos pinababalik mo naman kami ngayon?" "Hindi dito sa bahay na ito. Mayroon akong townhouse sa kabilang bloke," tugon nito. "At ikaw lang ang iniimbitahan ko. Hindi kasama ang kapatid mo," he added casually. "Aba't -- nasisira na yata
"S-Samuel Alvarez. Pero baka hindi iyon ang gamitin niyang pangalan. He hates that name," tugon niya. "Alright. Tatawagan ko ang mga presinto para malaman natin kung saan siya nakapiit. Pupunta agad ako diyan." Tumango si Mina kahit na hindi siya nakikita ng nasa kabilang linya. Nagpalakad-lakad siya sa maliit na ispasyo ng sitting room habang naghihintay. Napatakbo siya nang tumunog ang doorbell. Ni hindi niya naalalang tumutol nang yakapin siya ni Lyon pagkabukas ng pinto. Yumapos din siya rito na para bang kailangan niya ng proteksiyon nito. She had been a conscientious individual and a law-abiding citizen. Ni hindi siya natuksong mangupit sa kanyang mga kamag-anak noon, kahit na walang-wala na siyang panggastos. "Nagkaroon ng raid sa isang ilegal na pasugalan kanina. Nakasama sa mga nahuling nagsusugal si Sam," wika ni Lyon, bahagya siyang inilayo upang tunghayan. "N-nagsusugal--?" ulit ni Mina. "Ang sabi niya, huminto na siya," sa
"Salamat, Ate Mina. Maraming, maraming salamat." "Walang anuman, Sam. O, siya, maglinis ka na ng sarili mo. Tapos, magpahinga ka na." Sabay silang pumasok sa mga kuwarto nila. Kinabukasan, maaga siyang naghanda sa pagsisimula ng trabaho. Hindi na niya ginising ang kapatid. Nag-almusal siyang mag-isa habang hinihintay ang pagdating ng mga ka-appointment. Dakong tanghali nang matapos ang mabusising business interviews sa mga ahensiya na kukunin niyang gagawa sa bahay ni Lyon. "Good morning, ate," bati ni Sam sa kanya habang nag-iinat at naghihikab. "Mabuti't nagising ka na. May mainit na kape pa rito," wika niya habang kumukuha ng isa pang tasa. Isinalin niya ang natitirang laman ng porcelain kettle. "Um-order ka na ng almusal. Tapos, ibigay mo sa akin ang resulta ng mga nilakad mo kahapon." Nagkamot ng ulo ang binata. "Nakapagpahinga ka na ba nang husto niyan, ate? Pulos trabaho na naman ang nasa isip mo, a?" reklamo nito bago b
Napapikit si Mina nang muntik na silang bumangga sa puwitan ng sinusundan na truck na biglang nagpreno sa stoplight. Ngunit wala pa ring numulas na ingay sa kanyang bibig. Nananakit na ang kanyang lalamunan dahil halos hindi na siya humihinga. "You can open your eyes now, Mina," utos ng baritonong tinig ni Lyon. Naramdaman niyang huminto na ang takbo nila. Biglang naghari ang katahimikan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. "N-nasaan na tayo?" she asked him faintly. "Nandito na tayo sa garahe ng townhouse," ibinitin nito ang susunod na sasabihin, "natin." "Natin!" ulit niya, pabulalas. "Hindi ako pumapayag na tumira dito, Mr. Zavala!" Pinihit niya ang doorknob ngunit ayaw gumalaw niyon. "Nandito ang lock niyan. Hindi ka makakalabas dito hanggang hindi ka pumapayag," salo ni Lyon. Mina was feeling harrassed. "Will you, please, drop this crazy idea? Hindi mo ako mapapapayag sa gusto mo. My God, I can sue you for sexual harra
Pinahalagahan ni Mina ang mga gintong pangungusap ng magulang dahil iyon lang ang naipamana nito sa kanya. Kaya nga marahil naging matatag siya sa pakikibaka at matibay sa mga pagsubok nitong mga nagdaang taon... Nakatulugan ni Mina ang pag-iisip ng tungkol sa mga nakaraan. Nakaramdam siya ng gutom ngunit mas gusto ng kanyang katawan at diwa ang magpahinga kaysa kumain. Parang pagud na pagud na siya. I miss you, Mama... bulong niya habang papahimbing ang kanyang pagtulog. Siya lang ang may malinaw na alaala ng butihing babae na nagluwal sa kanilang magkapatid. Sampung taon siya at apat naman si Sam nang mawala ang kanilang ama sa dagat. Seaman ito at bihira nilang makita. Nagkasakit ang kanilang ina sa pagdadalamhati. Di-nagtagal, iniwan na rin sila nito. For the first time in years, she admitted to herself that she longed to feel the warmth of her mother's love. Inaako niya ang responsibilidad ng isang magulang sa kanyang bunsong kapatid na
"Hindi mo pa sinasagot kung bakit dito ka natulog, Lyon," pakli ni Mina nang huminto ito sa pagsasalita. Tumikhim ang lalaki. Lumakad itong palapit sa kanya. Ngunit agad ring huminto nang umatras naman siyang palayo. Ibinulsa nito ang mga kamay na nakakuyom bago tumugon. "Inantok na si Sam kaya naiwan akong mag-isa sa labas. Sisilipin lang sana kita bago ako umalis pero nananaginip ka at umuungol. I thought you're having a bad dream kaya nilapitan kita para gisingin pero -- " "Pero--ano?" "You smiled at me warmly, Mina. Your open arms enticed me to lie down beside you. Hindi ko magawang tumanggi sa paanyaya ng ngiti mo kaya nahiga na rin ako sa tabi mo," pagsasalaysay nito. "For God's sake, how can that be true? I was fast asleep!" she protested. Tumango ang lalaki. "Alam ko. Kaya nga niyakap lang kita. Hinihintay kong magising ka sa mga haplos at halik ko sa iyo pero inantok lang ako," pagtatapos nito. "Dapat ay inalog mo na l